NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Edukasyon
Total questions: 33
Worksheet time: 17mins
Ang kabataan ay may kakayahan na makisangkot sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa mamamayan. Ang pahayag na ito ay__________.
mali
opinyon
suhestiyon
tama
Ang virtue na mapapaunlad sa isang tao kung sila ay tumutulong sa kapuwa mamamayan ay ______.
malasakit
masipag
matiyaga
maunawain
Si Brenda ay tumutulong sa pagpapabasa sa mga batang hirap sa pagbasa. Masasabing may bisa ang kaniyang ginagawa kung _________.
nakakasama niya ang mga kaibigan
nakikiisa siya sa gawaing ito
natutong magbasa ang kaniyang mga tinuturuan
palagian na siya ay sumasama sa gawaing ito
Ang kasabihang turuan mo ang tao na mangisda sa halip na bigyan ito ng isda ay nangangahulugan na ________.
maaaring hindi maging masaya sa buhay
maaaring mabalewala ang gagawing pagtulong
maaaring maging pala-asa at hindi magtrabaho ang tao
maaaring walang marating sa buhay
Ang pagmamalasakit ay nararapat na tunay at may sinseridad. Ito ay dahil ___________.
magkakaroon ng utang na loob ang kanyang kapuwa
maiiwasan ang napilitan lamang sa pagtulong
masasabing kalakip ito ng pakikipagkapwa-tao
upang bumalik sa iyo ang biyaya ng pagtulong
Napagtanto ni Giron na ang pakikilahok sa kabutihan ng mamamayan ay nakabubuti. Dahil dito ay naisip niyang isagawa ito nang madalas. Napatutunayan nito na ________.
ang pagtulong sa bayan ay gawain ng kabataan
mas mapapansin ang sarili kung tutulong sa kapuwa.
nagmumula sa reyalisasyon ang dahilan ng pagtulong
pananagutan ng isang kabataan na makilahok sa lipunan
Nakita mo na nasagasaan ang iyong kaklase papasok ng paaralan. Ano ang una mong dapat gawin?
Humingi ng tulong sa dumaraan
I-post ito sa social media
Isumbong sa awtoridad ang nangyari
Magsilbing saksi kapag may kaso ukol dito
Bakit kailangan na sang-ayon sa kakayahan ng isang indibiduwal ang kaniyang isasagawang pakikilahok? Ito ay sa kadahilanan na ______.
iba-iba ang kapabilidad ng bawat isa
maraming epekto ang pakikilahok
maraming nangangailangan sa lipunan
nararapat na tumulong ang bawat isa
Mahalaga ang pagboto batay sa kakayahan at kuwalipikasyon ng kandidato dahil ________.
salamin sila ng pagkatao ng bumoto
salamin sila ng uri ng pamayanan
sila ang mamumuno sa pamayanan
sila ang masusunod sa pamamalakad
Ang pagiging kilala ay hindi nararapat na maging batayan sa pagpili ng pinuno dahil ________.
hindi kasama sa kuwalipikasyon ang kasikatan
kakayahan ang unang dapat tignan
may ibang dahilan ang kasikatan ng isang tao
mayroong iba pang katangian na mas mahalaga
Sa pagpili ng class officers ang unang dapat kilatisin ay ang __________.
itsura
kakayahan
pagiging malapit
plano
Ang pagboto ay parehong karapatan at tungkulin kaya't kailangan na _________.
gawin ito nang tama
isawalang bahala
lagi itong isagawa
may kapalit na salapi ang pagboto
Nararapat na bantayan ang mga inihalal na pinuno. Ito ay dahil sa mga sumusunod na dahilan maliban sa isa:
Maaari silang magkamali ng pasya
Maaari silang maging tiwali
Malilimutan nila ang pangako sa bayan
Walang epekto sa atin ang kanilang pasya.
Sa isang halalan ng class officers, tumakbo ang kaibigan mo sa pagka-pangulo ng klase. Batid mo na mas may kakayahan ang kanyang kalaban ano ang mas mabuting mong gawin?
Hikayatin ang mga kamag-aral na iboto ang kaibigan
Iboto ang mas karapat-dapat sa posisyon.
Kausapin ang kaibigan na umatras
Tumakbo sa parehong posisyon
Laganap ang fake news sa panahon ng halalan. Bakit nararapat na masuri sa pagiging totoo ng isang balita kapag may eleksyon?
Upang hindi maloko sa kanilang pangako
Upang maiwasan ang pagbabahagi ng impormasyon.
Upang maiboto ang tamang kandidato para sa posisyon.
Upang matukoy ang tunay at maling impormasyon at ipahiya ang nagpapalaganap nito.
Sinasabing sa halip na isyu, sa personalidad tumututok ang mga Pilipino sa pagpili ng iboboto. Sa iyong palagay, paano ito nakaaapekto sa pagpili?
Mga popular na tao ang nahahalal ng karamihan.
Nakalilimutan ng mga tao ang mga mahahalagang isyu sa lipunan.
Nakasasama sa resulta ng halalan
Nagiging personalan ang labanan ng mga kandidato
Mahalaga ang pangingilatis upang maiboto ang tama. Ito ay sapagkat ___________.
kinabukasan ng ilang tao ang nakataya
maraming kandidato ang pagpipilian
may epekto sa atin ang kanilang mga desisyon
may mga salik na kailangang pag-isipan
Ang lahat ay nararapat na ilagay sa social media post maliban sa isa:
Kalagayan ng trapiko
Lagay ng panahon
Petsa
Pribadong impormasyon
Nararapat na pigilan ng bawat isa ang pag post sa Social media ng mga personal na galit sa isang tao. Ang nasabing pahayag ay ____________.
mali
opinyon
suhestiyon
tama
Ang pagmamahal sa bayan ay maipapakita sa paggalang sa kapwa at bayan. Ang pahayag na ito ay _________.
mali
opinyon
suhestiyon
tama
Maipakikita ang pananagutan sa mga tungkulin sa bayan sa pamamagitan ng
kabutihan
kasipagan
maunawain
responsibilidad
Ang marubdob na pag-awit ng pambansang awit ay nararapat na maituon sa pakikilahok sa ikabubuti ng ________.
bansa
daigdig
pamilya
sarili
Ang nasyonalismo ay maipapakita sa pagpapaunlad ng kakayahan sa paglahok para sa ikabubuti ng bayan. Dahil dito ang isang kabataan ay dapat na________.
gawin lang ang ibinigay na trabaho
gumawa ng mga bagay na ikasisiya niya
maghangad ng kayamanan
mahal ang kanyang bayan
Ikaw ay nag-aaral para matukoy ang negosyo o trabaho na iyong pipiliin balang araw. At upang magampanan mo ang tungkulin sa lipunan. Sa nasabing konsiderasyon, paano ka pipili ng karera sa hinaharap?
Pipiliin ko ang magbibigay sa akin ng madaling trabaho
Pipiliin ko ang magbibigay daan sa pangarap bilang indibidwal
Pipiliin ko ang nais ng puso at magbibigay daan sa pangangailangan ng pamayanan
Pipillin ko ang trabahong mabilis kumita ng salapi
Mahalaga na ngayong nasa ikapitong baitang ka pa lang ay matukoy ang Senior High School (SHS) track o strand na iyong pipiliin apat na taon mula ngayon. Mangyayari ito sa pamamagitan ng pagtuklas sa sarili gamit ang pagninilay. Ito ay dahil_________.
kailangan ito ng isang kabataan
may pangarap na dapat tuparin upang hindi apihin
may taon na dapat bilangin
may mga kakayahan na dapat malaman
Sinasabi na kulang ang mga Pilipino sa pagninilay. Bakit mahalaga na magkaroon ng kasanayan ang isang tao sa kakayahang mag-isip muna bago magpasya?
Ito ay dahil maraming bagay na dapat isaisip muna bago ang karampatang aksyon.
Ito ay dahil may mga bagay na dapat takbuhan.
Ito ay dahil sangkap ito ng mabuting pagkatao.
Ito ay dahil sa kailangang maiwasan ang pagkakamali.
Bakit nararapat na hulihin nang hindi sinasaktan ang mga pusa nakita sa loob ng tahanan?
Dahil kaaya-aya ang kanila itsura
Dahil sa malasakit natin sa hayop bilang kapwa nilalang
Dahil sa naghahanap lamang sila ng masisilungan
Dahil wala silang kakayahang manakit sa tao
Bakit kailangang may kaalaman ang isang kabataan ukol sa panahanan (habitat) ng mga hayop?
Ito ay kasama sa pinag-aaralan sa loob ng paaralan
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng hayop
Ito ay upang matiyak ang kalusugan ng mga tao.
Ito ay upang pangalagaan ang kalikasan ng tao
Sa halip na sa loob ng zoo, mas ligtas ang mga hayop na mamuhay sa kanilang natural na habitat. Ito ay dahil ________.
magastos ang magpalakad ng zoo
paraan ito upang hindi sila makapanakit ng tao
natural na pamumuhay ang kailangan ng mga hayop
sa kalinisan at kalusugan ng
Ito ay dahil ________.
magastos ang magpalakad ng zoo
paraan ito upang hindi sila makapanakit ng tao
natural na pamumuhay ang kailangan ng mga hayop
sa kalinisan at kalusugan ng tao
Ikaw ay isang opisyal sa isang Science Club ng Inyong paaralan at naatasan kang gumawa ng information drive hinggil sa pangangailangan ng mga hayop na manatili sa natural nilang panahanan (habitat). Pagsunod-sunurin ang mga hakbang na iyong isasagawa para rito.
I,II,III, IV
IV,III,II, I
III, IV, II, I
IV,I, III, II
Napansin mo na nahihirapan ka sa pag-aaral sa ngayon dahil sa hindi maayos na pamamahala ng iyong oras. Dahil dito ay nagsaliksik ka ng mga iba't-ibang paraan para rito at nakatuklasan mo na maraming epektibong pamamaraan ang ginagamit ng mga banyagang mag-aaral. Ano ang nararapat mong gawin?
Gawin ang nasabing pamamaraan
Sumangguni sa nakatatanda ukol dito
Pag-aralan at tayain ito kung paano iaaplay sa sarili
Hikayatin ang kamag-aral na subukin din ang mga ito.
Bakit dapat na batay sa sariling kakayahan ang anumang pagsasabuhay ng prinsipyo ng glokalisasyon? Ito ay dahil ___________.
may mga pagkakaiba sa namumuno sa bansa.
may mga salik na iba't-iba sa situwasyon.
may mga suliraning hindi mareresolbahan.
pare-pareho ang suliranin ng bawat bansa.
