NEW
Font size
WorksheetsIkaapat na Markahang Pagsusulit sa AP8
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Aling bansa ang kabilang sa Triple Alliance?
Alemanya
Australia
Ano ang kahulugan ng dahon ng oliba?
kapayapaan
pagkakaisa
Anong kontinente ang sinasabing naging entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Europe
Amerika
Kung ikaw ay magdidisenyo ng poster para sa UN, anong tema ang nais mong bigyan ng pansin upang maipahayag ang layunin ng pagkakaisa?
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Mahalin ang Bayan, Ipaglaban Kalayaan
Alin ang HINDI sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Paghikayat ng mga bansa
Imperyalismo
Alin sa sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib sa United Nations?
Mga bansang nanalo sa digmaan
Anumang sukat at populasyon ng bansang nagmamahal sa kalayaan
Anong samahan ng mga bansa ang nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Samahan ng mga nagkakaisang bansa
Liga ng mga Bansa
Alin ang HINDI sangay ng United Nations?
Secretariat
Supreme Court
Anong kasunduan ang nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Treaty of Paris
Treaty of Versailles
Isa sa pangunahing layunin ng United Nations ay ang mapanatili ang kapayapaan sa buong mundo. Paano ka makakatulong upang maisakatuparan ito?
Maging mabuting mamamayan ng iyong bansa
Suwayin ang batas na ipinapatupad.
Anong samahan ang naglalayon na mapanatili ang kapayapaan?
Liga ng mga Bansa
Allied Powers
Anong kategorya ng ideolohiya ang nakasentro sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala?
Ideolohiyang Pampolitika
Ideolohiyang Pangedukasyon
Anong pangyayari ang naging hudyat ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
Pagpaparami ng Armas pandigma
Ano ang tawag sa mga paniniwalang ipinakilala ni Destrutt de Tracy na nagsilbing gabay sa tatahakin ng isang bansa?
Pamahalaan
Ideolohiya
Sinasabing sa kanlurang Europe naganap ang pinakaminit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Anong pangyayari ang maiuugnay dito?
Paglusob ng Russia sa Germany
Digmaan mula Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland
Ano ang tawag sa sistemang pangkabuhayan kung saan ang mga pribadong mangangalakal ang may kontrol sa produksyon, distribusyon, kalakalan at patakarang pangkabuhayan ng isang bansa?
Kapitalismo
Sosyalismo
Alin ang HINDI tumutugma sa pahayag na, "Maraming pinsala ang dulot ng digmaan"?
Maraming buhay ang nawala
Pag-unlad ng kabuhayan
Ang ideolohiyang 'Lahat para sa estado, walang lalabag at lalaban sa estado' ay paniniwalang isinulong ng anong uri ng ideolohiya?
Pasismo
Nazismo
Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na 'Ang Kasunduan sa Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II'?
Ang mga probisyon ng Kasunduang Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa arkitekto nito.
Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa.
Sino ang pinunong nagpasimula ng kaisipan na ang ideolohiyang komunismo ang pinakamataas na yugto na maaaring maabot ng isang lipunan at may ganap na pagkakapantay-pantay.
Karl Marx
Mao Zedong
Ang digmaan ay hindi lamang labanan gamit ang sandata at mga paniniwala. Bilang isang mag-aaral, paano mo lalabanan ang digmaang kinakaharap mo sa sitwasyon ng edukasyon natin ngayon?
Mag-aral nang mabuti at magsikap na makatapos ng pag-aaral kahit nakararanas ng hirap.
Gagamitin ang gadget sa pagpopost sa Tiktok at magpapakalat ng maling impormasyon.
Alin ang HINDI paniniwala ng komunismo?
Hawak ng mga pribadong mangangalakal ang sistema ng produksyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo.
Wakasan ang sistemang kapitalismo.
Ano ang tawag sa taktikang pangmilitar na ginamit ng Germany sa biglaang paglusob sa Belgium nang walang babala?
blitzkrieg
Pony War
Ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo na naniniwala sa demokrasya. Alin ang isinasaalang-alang sa paniniwalang ito?
kalayaan at karapatan ng mamamayan
katahimikan at kaayusan ng bansa
Saan ang base militar ng Amerika na binomba ng mga hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pearl Harbor, Hawaii
Guam
Aling pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa awtoritaryanismo?
Pagdedeklara ng Martial Law
May kapangyarihang nagmumula sa mga mamamayan
Isa sa pinakamatinding pangyayari sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpatay sa mga Hudyo at sa iba pang mahihinang lahi sa utos ni Hitler. Ano ang tawag sa pangyayaring ito?
Holocaust
Genocide
Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa demokrasya?
Pakikilahok sa kilos protesta laban sa pamahalaan
Matalinong pagpapasya sa oras ng halalan
Aling pangyayaring ang naghudyat ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Panaigdig?
Pagsalakay ng Japan sa Pilipinas
Paglusob ng Germany sa Poland
Ang Cold War ay digmaan sa pagitan ng mga bansang US at USSR na nag-ugat sa tunggalian ng mga ideolohiya. Anong prinsipyo ang sinusunod ng Rusya?
demokrasya
komunismo
Sino ang kilalang pinuno ng mga Aleman sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Adolf Hitler
Benito Mussolini
Alin ang HINDI pamamaraan ng neokolonyalismo na isinasakatuparan ng mauunlad na bansa sa mga bansang papaunlad pa lamang?
Pagpaparami ng armas pandigma
Paggawa ng kaguluhan o pagpapabagsak ng tuluyan sa pamahalaan sa bansang tinutulungan
Aling pangyayari ang HINDI naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Nagkaroon ng labanan ng Ideolohiya sa Daigdig
Nagkaroon ng World War III.
Ano ang tawag sa digmaang hindi gumamit ng dahas bagkus ay nagpamalas lamang ng pwersa at ideolohiya?
Digmaan
Cold War
Aling pangyayari ang maituturing na di-mabuting epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pagbagsak ng Ekonomiya ng buong mundo
Pagkakatatag ng United Nations
Ano ang tawag sa makabagong paraang ng pananakop?
Digmaan
Neokolonyalismo
Aling pagbabago sa kasaysayan ng daigdig ang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Naging daan ito sa pagsilang ng malalayang bansa
Nagkaroon ng pag-unlad sa transportasyon.
Anong dalawang bansa ang namuno sa dalawang magsalungat na pwersa noong Cold War?
US at USSR
China at Japan
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa digmaan?
Ang digmaan ay hindi maiiwasan dahil sadyang magulo ang mundo.
Ang digmaan ay maiiwasan kung may tunay na pagkakaunawaan.
Aling pandaigdigang samahan ang kinabibilangan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya?
Association of Southeast Asian Nation
Organization of Islamic State
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming tao ang namatay, nasugatan, nakaranas ng pagkagutom at paghihirap. Ano ang nais ipahiwatig ng mga pangyayaring ito?
Sangkap ng kapayapaan ang digmaan.
Kailangang may magsakripisyo bago makamit ang kapayapaan.
Aling pandaigdigang organisasyon ang may walang kakayahang magpautang sa mga bansang kasapi nito?
World Trade Organization
Organization of American States
Ano ang pangunahing layunin ng pagkakatatag ng United Nations?
Paunlarin ang mabuting samahan ng bawat bansa
Makipagtulungan para sa paghahanap ng solusyon ng suliraning pandaigdig
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa mga pandaigdigang samahan ng mga bansa?
Ang Pilipinas ay kabilang sa ASEAN
Mga bansang nasa Africa lamang ang miyembro ng Organization of Islamic Cooperation.
Ilan ang orihinal na miyembro ng United Nations?
50
45
Anong samahan ng mga Muslim na bansa na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdigan?
Organization of Islamic Organization
Association of Southeast Asian Nation
Kailan itinatag ang United Nations?
Oktubre 24,1945
Oktubre 25, 1946
Anong pandaigdigang samahan ang naglalayong mamahala sa pandaigdigang pananalapi?
World Bank
Asia Pacific Economic Cooperation
Anong sangay ng United Nations ang nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansang kasapi nito?
Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan
Pangkalahatang Asemblea
Ilang sangay pampolitika ang bumubuo sa Nagkakaisang Bansa o UN?
Anim
Walo
