NEW
Font size
Worksheets4th Quarter Filipino Reviewer
Total questions: 35
Worksheet time: 26mins
Anong tekstong naratibo ang nagpapakita ng kabayanihan, pakikipagsapalaran at paglalakbay ng mga pangunahing tauhan?
alamat
epiko
pabula
parabula
Ang sumusunod ay naglalarawan ng isang epikong Pilipino, maliban sa isa. Alin ito?
Ang pangunahing tauhan ay may taglay na espesyal na lakas at talino.
Ito ay nagpapakita ng kababalaghan at di- kapani-paniwalang pangyayari.
Ito ay nagpapakita ng kabayanihan at pakikipagtunggali laban sa mga kaaway.
Nagpapakita ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng isang tao.
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?
Si Mariang Sinukuan ay isang mabait at makatuwirang diwata.
Ang hukuman ni Mariang Sinukuan ay naging sagisag ng katarungan at pag-ibig.
Natakot at humingi ng saklolo si Palaka dahil nakita niya si Pagong na dala ang kaniyang bahay.
Halos madurog ang puso niya sa lungkot nang ipakita ni Martines ang sirang pugad at basag na mga itlog.
Kung ikaw ang may-akda, paano mo tatapusin ang kuwentong kababalaghan kung saan may isang batang nakakita ng isang mahiwagang anino sa kaniyang silid?
Malalaman niya na ito pala’y isang panaginip lamang.
Itutuloy niya ang kaniyang pagtulog at kalilimutan ito.
Wala siyang gagawin at maghihintay na lang ng umaga.
Tatawagin niya ang kaniyang pamilya ngunit walang makakakita sa anino.
Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap? -Parang kalabaw magtrabaho ang mga manggagawa sa bukid-
Metapora
Pagtawag
Personipikasyon
Simili
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng simili?
Nag-uunahan ang agos ng tubig sa batis.
Ang ating ina ang siyang ilaw ng tahanan.
Si Ashley ay kawangis ng aming ama sa tahanan.
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.
Anong dayagram ang iyong gagamitin upang ipakita ang tamang pagkakasunod-sunod na hakbang sa paggawa ng saranggola?
Isang larawan ng malalaking saranggola
Isang bilog na nagpapakita ng iba't ibang bahagi ng saranggola
Isang talahanayan na nagpapakita ng iba't ibang disenyo ng saranggola
Isang tsart na may mga kahon na naglalaman ng bawat hakbang sa paggawa ng saranggola
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod sa paggawa ng bibingka para sa Pistang Pasko?
1. Ihanda ang mga sangkap.
2. Haluin ang mga sangkap at ilagay sa dahon ng saging.
3. Lutuin sa uling o oven.
4. Hanguin at ihain nang mainit.
A. 1 – 2 – 3 – 4
B. 2 – 1 – 3 – 4
C. 3 – 1 – 2 – 4
D. 4 – 2 – 3 – 1
Ano ang pangunahing layunin ng isang tekstong nagbibigay ng panuto o hakbang?
A. Maglahad ng mga alamat tungkol sa isang tradisyon
B. Magkuwento ng personal na karanasan ng isang tao
C. Mang-aliw at magbigay ng inspirasyon sa mambabasa
D. Magbigay ng malinaw na gabay kung paano gawin ang isang bagay
Ano ang pangunahing layunin ng isang tekstong nagbibigay ng panuto o hakbang?
Maglahad ng mga alamat tungkol sa isang tradisyon
Magkuwento ng personal na karanasan ng isang tao
Mang-aliw at magbigay ng inspirasyon sa mambabasa
Magbigay ng malinaw na gabay kung paano gawin ang isang bagay
Ano ang pinakaangkop na paraan upang maipakita ang isang proseso sa paggawa ng palaspas para sa Mahal na Araw?
Pagsasama ng isang tula tungkol sa Mahal na Araw
Pagsulat ng isang maikling kuwento tungkol sa paggawa ng palaspas
Paggamit ng dayagram na nagpapakita ng sunod-sunod na hakbang
Paggamit ng talahanayan upang ipakita ang mga gamit sa paggawa ng palaspas
Alin sa sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng konotasyon?
Punasan mo ang gatas sa iyong labi.
Nabasag ang lahat ng itlog na binili ko.
Biglang nagliyab ang apoy sa bakuran ng aming kapitbahay.
Talagang may gintong kutsara sa bibig ang bagong silang na sanggol.
Ano ang ipinapakita ng dalawang salitang may guhit?
Mabuti ang batas at alituntunin sa pagtatapon at pagpapakonti ng basura sa ating pamayanan.
magkasalungat
magkasingkahulugan
paghahambing
sanhi at bunga
May dangal ang taong gumagawa at nagtatrabaho nang mahusay. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may guhit?
ari-arian
kayamanan
pangarap
puri
Alin sa sumusunod ang may konotatibong kahulugan?
Ang bato ay matigas.
Ang puso niya ay bato.
Kumuha siya ng isang pirasong bato.
Itapon mo ang batong nasa kamay mo.
Bakit mahalaga ang paggamit ng tamang tono at damdamin sa isang kuwento?
Upang mapanatili ang haba ng kuwento
Upang mahirapan ang mambabasa sa pag-unawa
Upang madagdagan ang bilang ng tauhan sa kuwento
Upang gawing mas kawili-wili at akma ang damdamin sa sitwasyon
Aling pangungusap ang may angkop na diksiyon batay sa layunin ng pagsasalaysay?
“Sa araw na ito, ipaliliwanag ko kung paano gumawa ng parol.”
“Noong unang panahon, may isang prinsesang naninirahan sa isang mahiwagang kaharian.”
“Ang paggawa ng masarap na sopas ay nangangailangan ng tatlong pangunahing sangkap.”
“Makikita sa mapa ang tamang direksiyon patungo sa paaralan.”
Anong uri ng pangungusap ang nasa kahon?
Kailangang magtanim ng maraming puno upang maagapan ang problemang pangkapaligiran.
hugnayan
langkapan
payak
tambalan
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na simbolong kultural upang ipakita ang babala tungkol sa hindi pagsunod sa mga diyos sa isang mito?
A. Isang gintong palasyo na kumikinang.
B. Isang madilim na ulap na may kidlat.
C. Isang ilog na tahimik at payapa.
D. Isang bahaghari sa kalangitan.
Alin sa sumusunod ang hugnayang pangungusap?
May kayamanan nga sila ngunit wala namang kaibigan.
Ang pagtulong sa kapuwa ay tanda ng pasasalamat sa mga biyaya ng Diyos sa atin.
Ako o ikaw ang dapat sumama sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
May mabuting puso ang mag-asawa sapagkat tumutulong sila sa mga kapitbahay na nangangailangan.
Nag-aaral akong mabuti ________ gusto kong magtagumpay sa buhay.
ngunit
dahil
kung
samantala
Anong pangatnig ang nag-uugnay ng magkatimbang na yunit?
at
kaya
kung
upang
Anong panghalip pamanggit ang dapat gamitin sa pangungusap? Magkakaroon ______ tayo ng Mini Me Contest sa pagdiriwang ng Family Day.
ani
daw
raw
sa ganang akin
Sa anong bahagi ng aklat makikita ang listahan ng paksang tinalakay sa akda at kung saang pahina makikita ito?
A. Dedikasyon
B. Indeks
C. Paunang Salita
D. Talaan ng Nilalaman
Hatiin natin ang keyk upang ang bawat isa ay makatanggap ng _______nito.
mamiso
panlima
sang-kawalo
tatlong limahan
Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap? Siguro ay nananaginip lamang ang pangunahing tauhan sa kuwento.
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Pang-agam
________ na ng pera si Alyssa simula sa Lunes. Anong angkop na pandiwa ang bubuo sa pangungusap?
Mag-ipon
Mag-iipon
Nag-ipon
Nag-iipon
Alin sa sumusunod na teksto ang maaaring gamitin sa paglalahad ng proseso?
Mito, ito ay tungkol sa pagkakabuo ng mundo.
Kuwento, ito at tungkol sa isang aswang sa probinsya.
Pagsunod sa tamang paraan ng paghuhugas ng kamay
Epikong naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang bayani
Aling panandang nag-uugnay ang madalas gamitin sa tekstong impormatibo tulad ng pagsunod-sunod sa panuto?
Kaya, subalit, ngunit
Maliban, ngunit, datapwat
Dati, ngayon, bukas
Una, ikalawa, ikatlo
Anong panandang pang-ugnay ang dapat gamitin sa dalawang pahayag? Siguro ay nananaginip lamang ang pangunahing tauhan sa kuwento.
Kailangang maging kawili-wili sa paglalahad ng kuwentong kababalaghan. Maipalabas ang mga nakagigilas at nakatatakot na mga pangyayari sa kuwento.
habang
ngunit
samantala
upang
Aling bahagi ng liham pangkaibigan ang nagpapakita ng pasasalamat?
"Mahal kong Kaibigan,"
"Paalam at ingat ka palagi!"
"Hanggang sa muli nating pagkikita!"
"Lubos akong nagpapasalamat sa iyong kabutihang loob."
.Ano ang pinaka-angkop na simbolong kultural upang ipakita ang katapangan ng isang bayani sa epiko?
A. Isang aklat at pluma
B. Isang espada at kalasa
C. Isang busilak na bulaklak
D. Isang palayok na may pagkain
Anong bahagi ng aklat ang nagtatala ng dokumentong idinagdag sa likod ng isang aklat o artikulo upang magbigay ng mga karagdagang detalye at mas malawak na saklaw ng isang paksa.
A. Apendiks
B. Bibliyograpi
C. Glosari
D. Katawan ng Aklat
Kailan ginagamit ang liham pasasalamat?
A. Kapag nais imbitahin ang isang kaibigan o kakilala sa isang pagtitipon
B. Kapag nagpapabatid ng kaligayahan sa kaibigang nagtagumpay sa isang larangan
C. Kapag gustong alamin ang kalagayan ng isang kaibigan na matagal nang nawalay o hindi na nakikita
D. Kapag gustong ipahatid ang mensahe ng pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng kaibigan o taong nakatulong sa iyo
Ang pagpapakita ng ngiti sa mukha sa pagpapahayag ay nangangahulugan ng anong damdamin?
A. galit
B. lungkot
C. kasiyahan
D. pag-aalala
