wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 QUARTER 4 REVIEWER

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Isa sa pangunahing dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ay naglalarawan ng isang pwersang pinakikilos ng matinding pagnanais na maging malaya o maisulong ang karapatan para sa self-determination o maitaguyod ang pagsasarili.

a)

Imperyalismo

b)

Militarismo

c)

Nasyonalismo

2.

Ito ay isang sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig na tumutukoy sa pagpapahusay, pagpaparami ng armas, at pagpapalakas ng mga sandatahang lakas ng mga bansa sa Europa.

a)

Militarismo

b)

Imperyalismo

c)

Nasyonalismo

3.

Pinaslang ni Gavrilo Princip, isang Serbian, si Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Saravejo, Bosnia sa pagnanais na mapalaya ang Serbia mula sa Austria. Anong grupo ang nagtataguyod ng paglaya ng Serbia mula sa Austria?

a)

Red Army

b)

The Black Hand

c)

Serbian Army

4.

Siya ang nagpasimula sa sistemang alyansa na kung saan ay nagpaigting sa tension sa pagitan ng Triple Alliance at Triple Entente.

a)

Francis Ferdinand

b)

Otto Von Bismarck

c)

Gavrilo Princip

5.

Ang hukbo ng Russia ay natalo sa mga digmaang kinasasangkutan nito dahil sa tulong ng bansang Germany. Paano nakaapekto sa politika ng Russia ang sunod-sunod na pagkatalo ng kanilang hukbo?

a)

Napalakas nito ang pamamahala ng Romanov sa bansa.

b)

Nagdulot ito ng mas matibay na alyansa sa Germany.

c)

Naging dahilan ito ng pagbagsak ng Romanov at pag-usbong ng komunismo.

6.

Batay sa naging labanan sa baybayin ng Denmark noong Mayo 31, 1916, anong aral ang maaaring matutunan ng isang heneral ng Great Britain upang mapanatili ang kanilang kontrol sa karagatan?

a)

Huwag nang makipaglaban sa Germany upang maiwasan ang digmaan.

b)

Bawasan ang bilang ng barkong pandigma upang maiwasan ang mas maraming gastos.

c)

Palakasin ang kanilang hukbong pandagat at magpatuloy sa pagpapalawak ng kontrol sa karagatan.

7.

Ang mga krisis bago ang Unang Digmaang pandaigdig ay napigilan ng puwersang kanluranin subalit naganap pa rin ang Unang Digmaang Pandaigdig. Paano nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Ang pagpaslang ng mga Serbian sa taga pagmana ng trono ng Imperyong Austria-Hungary.

b)

Nang suportahan ng Germany ang Austria — Hungary.

c)

Ang barkong Lusitania ay pinalubog ng submarino ng Germany.

8.

Sa isang pangkatang gawain, minsan ay may mga kasamahang hindi nakikiisa o sumusuporta. Kung ikaw ang lider ng grupo, paano mo ipapakita ang pagiging isang mahusay na pinuno tulad ng ginawa ng Serbia upang bumangon muli?

a)

Hahayaan na lamang ang mga hindi nakikilahok at gagawin ang proyekto nang mag-isa.

b)

Magreklamo sa guro at ipatanggal sa grupo ang mga hindi tumutulong

c)

Aayusin ang estratehiya ng grupo, hihikayatin ang bawat isa na makiisa, at magbigay ng inspirasyon sa kanila.

9.

Batay sa pahayag ni Neville Chamberlain na “Sa anumang digmaan, walang panalo lahat ay talo,” paano nito inilalarawan ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Ipinapakita nitong kahit sino ang manalo sa digmaan, lahat ay nakakaranas ng malaking pinsala at pagkalugi.

b)

Ipinapakita nitong nagdulot ng mas maraming benepisyo ang digmaan kaysa sa pinsala.

c)

Pinatunayan nitong ang digmaan ay may positibong epekto sa lahat ng bansa.

10.

Ang Proclamation of Neutrality ni Pangulong Woodrow Wilson noong August 4, 1914 ay dagling nabago nang magpahayag ng pakikidigma ang United States sa Germany. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagbago ang posisyon ng United States mula sa pagiging neutral patungo sa pakikidigma laban sa Germany?

a)

Dahil sa walang humpay na pagbomba ng Germany sa mga barkong nasa karagatan, kabilang ang Lusitania, na nagresulta sa pagkamatay ng mga Amerikano.

b)

Dahil inutusan sila ng United Nations na lumahok sa digmaan.

c)

Dahil sa kanilang pagkakaibigan sa Great Britain at France.

11.

Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe noong 1939. Alin sa mga sumusunod na kaganapan ang nagpapahayag ng pagkakasangkot ng Asya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia

b)

Tinangkang sakupin ng Germany ang Soviet Union.

c)

Binomba ang Pearl Harbor sa Hawaii

12.

Kung ikaw ay isang lider sa panahon matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, paano mo ipapatupad ang isang mas epektibong sistema upang mapanatili ang kapayapaan sa Europe?

a)

Palakasin ang militar ng bawat bansa upang mapanatili ang balanse ng kapangyarihan.

b)

Magtatag ng mas mahigpit na mga kasunduan upang pigilan ang mga bansa sa muling pagsisimula ng digmaan.

c)

Hayaang bumalik ang mga lumang dinastiya upang magkaroon ng mas matatag na pamamahala.

13.

Ang agresibong patakaran ng Japan sa pagpapalawak ng teritoryo ay isa sa mga naging sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Anong hakbang ang ginawa ng Japan na nagbigay-daan sa pagsisimula ng digmaang ito?

a)

Pakikidigma ng Japan sa Spain.

b)

Pag- alis ng Japan sa Liga ng mga Bansa.

c)

Pag- agaw ng Japan sa Manchuria.

14.

Ang pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor ay nagkaroon ng malaking epekto sa takbo ng kasaysayan, lalo na sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Paano naging sanhi ng digmaan sa rehiyon ang pagbomba sa Pearl Harbor?

a)

Ito ang naging dahilan ng Estados Unidos sa pagdedeklara ng digmaan laban sa Japan

b)

Lumakas ang pwersa ng Japan at mas lalo itong naging agresibo sa pananakop sa mga teritoryo ng Estados Unidos

c)

Naging dahilan ito upang maging makapangyarihan ang Japan sa Asya na nagdulot ng takot sa Estados Unidos.

15.

Ang pagkatalo sa digmaan ay maaaring magdulot ng matinding damdaming makabayan at pagkamuhi sa isang bansa, tulad ng naranasan ng Germany matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ano ang pinaka epektibong paraan upang maiwasan ang labis na pagkamuhi at muling pagsiklab ng alitan sa isang bansang natalo sa digmaan?

a)

Ikulong ang mga radikal na lider politikal upang maiwasan ang kaguluhan.

b)

Tulungan na maibalik ang katatagan ng pamahalaan, ekonomiya at kapayapaan.

c)

Disarmahan ang isang nasyon na natalo sa digmaan.

16.

Si Adolf Hitler ay nagpasimula ng mga hakbang na sumuway sa Kasunduan sa Versailles, kabilang ang pagpapalakas ng sandatahang lakas ng Germany at pagpapadala ng mga sundalo sa Rhine. Kung ikaw ay isang pinuno noong panahong iyon, anong hakbang ang maaari mong gawin upang mapigilan ang lumalawak na kapangyarihan ng Germany nang hindi humahantong sa digmaan?

a)

Makipagkasundo kay Hitler at hayaang palawakin ang kanyang teritoryo upang maiwasan ang alitan.

b)

Ipagwalang-bahala ang mga aksyon ni Hitler at umasa na hindi ito hahantong sa mas malaking gulo.

c)

Magpatupad ng mas mahigpit na parusa laban sa Germany upang mapanatili ang kasunduan.

17.

Ang pagsalakay ng Japan sa Pearl Harbor noong ika-7 ng Disyembre 1941 ay isang hindi inaasahang pag-atake na nagdulot ng matinding epekto sa Estados Unidos, dahilan kung bakit tinawag itong “Day of Infamy.” Ano ang kahulugan at naging implikasyon ng pangyayaring ito?

a)

Ang hindi inaasahang pag-atake sa Estados Unidos.

b)

Ang isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa kasaysayan ng Estados Unidos.

c)

Ang mabagsik na pakikidigma ng Japan laban sa Estados Unidos

18.

Idineklara ni Heneral Douglas McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Japan pagkatapos ng ilang buwang pakikipaglaban. Ano ang pangyayaring nagpagimbal sa mga Hapones upang sumuko sa digmaan?

a)

Unti-unting pagbangon ng Estados Unidos mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor at sa Pilipinas.

b)

Pagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki ng Estados Unidos.

c)

Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.

19.

Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal ng pangarap ni Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos, katulad ng Kasunduan sa Versailles, subalit bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon dito?

a)

Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng Triple Entente

b)

Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa repatrasyon

c)

Naniniwala si Adolf Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito

20.

Sa pagsuko ng Germany noong Mayo 7, 1945, opisyal nang natapos ang digmaan sa Europe. Ang Allied Powers, sa pangunguna ng United States, Great Britain, at Soviet Union, ay nagtagumpay laban sa Nazi Germany. Kung ikaw ay isang mamamayan sa panahong iyon, paano mo magagamit ang tagumpay na ito upang makatulong sa muling pagbangon ng iyong bansa?

a)

Tulungan ang mga naapektuhang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at donasyon.

b)

Maghanap ng paraan upang ipaghiganti ang mga nasawi sa digmaan.

c)

Iwasan ang anumang pakikilahok sa muling pagpapatayo ng nasirang mga lungsod

21.

Upang maiwasan ang pagsiklab ng digmaan sa hinaharap, nagbalangkas ang mga nanalong bansa ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920. Anu-anong mga bansa ang bumalangkas ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919- 1920 na tinawag na Big Four?

a)

Belgium, Greece, Poland, Switzerland

b)

Germany, Italy, Japan at Russia

c)

Great Britain, Italy, France at US

22.

Sinong pinuno ng bansang alyado ang nagmungkahi na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na ipapalit sa Liga ng mga Bansa upang matamo ang pangmatagalang kapayapaan ng mga bansa?

a)

Franklin Roosevelt

b)

Joseph Stalin

c)

Winston Churchill

23.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip ni Pangulong Roosevelt ng United States na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit sa naunang samahan. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

ASEAN

b)

United Nations

c)

League of Nations

24.

Tinuturing ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ano ang pinakaangkop na hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa mundo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagpapalakas ng sandatahang lakas ng bawat bansa upang matakot ang iba.

b)

Pagtutulungan ng mga bansa upang magkaroon ng balanseng relasyon at diplomasya.

c)

Pagpapataw ng parusa sa lahat ng bansang natalo sa digmaan upang hindi na sila muling lumaban.

25.

Noong Setyembre 2, 1945 ay tuluyang nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang isa sa pinakamalaking epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pandaigdigang ekonomiya?

a)

Napahinto ang pandaigdigang ekonomiya dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi.

b)

Lalong lumakas ang ekonomiya ng mga bansang sumali sa digmaan.

c)

Napalakas ang agrikultura at industriya sa mga nasakop na bansa.

26.

Alin sa sumusunod na sangay ng mga Bansang Nagkakaisa ang siyang nagbibigay ng mga payo ng advisory tungkol sa mga legal na katanungan na isinumite dito sa pamamagitan ng mga awtorisadong internasyunal na ahensya at nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa?

a)

Trusteeship Council

b)

General Assembly

c)

International Court of Justice

27.

Aling kondisyon ang hindi kasama sa mga kinakailangang batayan para sa isang bansa upang maging kasapi ng United Nations o Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa?

a)

Ang pagiging kasapi ay magiging epektibo sa petsa ng resolusyon para sa pagpapatibay ng kanyang pagiging miyembro.

b)

Anumang rekomendasyon para sa pagpasok ay dapat matanggap at sang-ayunan ng 4 na boto mula sa 15 na mga miyembro ng estado.

c)

Ang rekomendasyon ay ipapakita sa General Assembly para sa pagsaalang-alang. Ang 2/3 na karamihan sa boto ay kailangan sa Assembly para sa pagtanggap ng isang bagong estado.

28.

Ang mga Liga ng mga Bansa ay isang pandaigdigang samahan na itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920. Kung ihahambing sa iba pang pandaigdigang organisasyon, ano ang natatanging papel ng samahang ito sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan?

a)

Ang samahang ito ay nagbigay ng ganap na kapangyarihan sa malalakas na bansa upang kontrolin ang mas maliliit na bansa.

b)

Ito lamang ang organisasyong may kakayahang magpataw ng parusa sa mga bansang lumalabag sa kasunduan.

c)

Ito ang unang pandaigdigang samahan na may layuning maiwasan ang digmaan sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.

29.

Batay sa mga prinsipyo ng Labing-apat na Puntos, paano mo maisasagawa ang mas makatarungang pagtrato sa mga bansang natalo sa isang digmaan?

a)

Papanagutin sila sa lahat ng pinsalang dulot ng digmaan at pagbabayarin nang malaki.

b)

Payagan silang makabangon sa pamamagitan ng patas na kasunduang pangkapayapaan.

c)

Ilalagay sila sa ilalim ng kontrol ng mas malalakas na bansa upang maiwasan ang panibagong gulo.

30.

Alin ang hindi kabilang sa lihim na kasunduan na nilagdaan ng mga alyadong bansa maliban sa Great Britain at France pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagbabayarin ang Germany ng malaking halaga bilang reparasyon sa mga bansang napinsala

b)

Lubhang pahinain ang hukbong sandatahan ng Germany.

c)

Hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers.

31.

Uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan, sinusunod ng mga mamamayan at maaaring maging pinuno rin ng relihiyon ng estado.

a)

Awtoritaryanismo

b)

Demokrasya

c)

Pederalismo

32.

Sa ideolohiyang komunismo ang pamahalaan ang nagmamay-ari sa produksiyon at pamamahagi nito. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi kabilang sa ideolohiya ng Komunismo?

a)

Pagwawaksi ng kapitalismo.

b)

Ang manggagawa ang supremo sa pamahalaan.

c)

Lubos na paghihiwalay ng simbahan at estado

33.

Siya ang pinakamakapangyarihang pinuno ng Nazi na maituturing na isang panatikong Nasyonalista.

a)

Benito Mussolini

b)

Adolf Hitler

c)

Vladimir Lenin

34.

Uri ng pamahalaan ang nagbibigay sa mamamayan ng pantay na karapatan at kaalaman anuman ang kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon.

a)

Demokrasya

b)

Sosyalismo

c)

Kapitalismo

35.

Ito ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya at mga kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.

a)

Demokrasya

b)

Ideolohiya

c)

Prinsipyo

36.

Ang sistemang kapitalismo ang nagpakilala ng kompetisyon sa ekonomiya at nagdulot ng pagdami ng pagpipiliang produkto o bilihin ng mga konsumer. Ano ang pangunahing katangian ng kapitalismo?

a)

Ang pamahalaan ang may ganap na kontrol sa produksiyon.

b)

Pantay-pantay ang distribusyon ng yaman sa lahat ng mamamayan.

c)

Ang mga pribadong negosyante ang may kalayaang magdesisyon sa produksyon.

37.

Ito ay digmaan ng dalawang ideolohiya sa pagitan ng sosyalismo at komunismo na isinusulong ng USSR at modelong kapitalismo at demokrasya na isinusulong ng Amerika. Anong hidwaan ito ng dalawang makapangyarihang bansa o superpower countries?

a)

Cold War

b)

Neokolonyalismo

c)

World War II

38.

Ang demokrasya ay isang ideolohiya na kung saan ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Paano mo maaaring mapahusay ang isang demokratikong sistema upang matiyak ang mas epektibong representasyon at partisipasyon ng mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na kapangyarihan sa isang lider upang maiwasan ang hindi pagkakasundo sa gobyerno.

b)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng desisyon sa pamamagitan ng mga pampublikong konsultasyon at plebisito.

c)

Sa pamamagitan ng pagtanggal ng halalan at pagpili ng mga pinuno batay sa kanilang yaman at koneksyon sa politika.

39.

Ang totalitaryanismo ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Aling pahayag ang pinakamahusay na naglalarawan sa epekto ng isang diktatoryal na pamahalaan sa mga mamamayan nito?

a)

Tinitiyak nito ang ganap na demokratikong pamamahala kung saan may pantay na karapatan ang lahat ng mamamayan.

b)

Nagbibigay ito ng pantay na oportunidad sa lahat ng mamamayan sa pagdedesisyon para sa bansa.

c)

Nililimitahan nito ang kalayaan ng mamamayan sa pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan.

40.

Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Paano naiiba ang sosyalismo sa iba pang ideolohiya pagdating sa pamamahala ng ekonomiya at pagmamay-ari ng mga industriya?

a)

Ang pamahalaan ang may ganap na kontrol sa lahat ng industriya at produksyon.

b)

Ang mga pribadong indibidwal ang may kontrol sa lahat ng industriya at produksyon.

c)

Ang kontrol sa mga industriya ay nasa kamay ng isang grupo ng tao na nagtatakda sa pagmamay-ari at pangangasiwa ng yaman ng bansa.

41.

Ano ang epekto ng pagpapatupad ng economic sanctions ng Amerika sa USSR?

a)

Napilitan ang USSR na sakupin ang United States.

b)

Naging mas makapangyarihan ang USSR sa larangan ng kalakalan

c)

Nagdulot ito ng paghina at pagbagal ng daloy ng ekonomiya ng USSR

42.

Sa idelohiyang sosyalismo ang produksiyon ay pag-aari at pinangasiwaan ng isang pangkat ng tao, samantalang ang mahahalagang industriya ay pagmamay-ari ng pamahalaan. Ano ang pangunahing layunin ng sosyalismo sa aspeto ng ekonomiya?

a)

Bigyan ng kalayaan ang mga pribadong negosyante sa pagdedesisyon tungkol sa produksyon.

b)

Hayaan ang pamilihan na gumalaw nang walang panghihimasok mula sa pamahalaan.

c)

Ipatupad ang patas na pamamahagi ng produksyon sa mamamayan.

43.

Ang debt trap ay pagpapautang na may kaakibat na kondisyon na kapag hindi susundin ay hindi pauutangin. Ano ang maaaring maging epekto ng debt trap na dulot ng neokolonyalismo sa isang bansang mahirap?

a)

Nagbibigay ito ng mas maraming oportunidad upang lumago ang lokal na ekonomiya.

b)

Nauuwi ito sa patuloy na pagkakautang at kawalan ng kakayahang makabangon mula sa kahirapan.

c)

Nagiging mas mabilis ang pag-unlad ng bansa dahil sa tulong-pinansyal mula sa mayayamang bansa

44.

Kung ikaw ay isang lider ng isang bansa noong panahon ng Cold War, paano mo maiiwasan ang paglala ng hidwaan sa pagitan ng dalawang superpower countries?

a)

Itaguyod ang mapayapang pakikipamuhay (Peaceful Co-existence) at hikayatin ang diplomasya.

b)

Iwasan ang pakikilahok sa usaping pang-internasyonal at manatili lamang sa sariling bansa.

c)

Palakasin ang sandatahang-lakas at makipaglaban sa sinumang sumasalungat sa iyong ideolohiya

45.

Ang Neokolonyalismo ay hango sa salitang “neo” na ibig sabihin ay bago at kolonyalismo naman na nangangahulugang pananakop. Paano naiiba ang neokolonyalismo sa tradisyonal na kolonyalismo batay sa paraan ng pananakop?

a)

Hindi gumagamit ng dahas ang neokolonyalismo ngunit may matinding impluwensiya sa ekonomiya at politika.

b)

Ang tradisyonal na kolonyalismo ay nakatuon lamang sa kultura, samantalang ang neokolonyalismo ay sa ekonomiya.

c)

Ang neokolonyalismo ay nagbibigay ng ganap na kalayaan sa mga bansang dati nang nasakop.

46.

Ito ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal na serbisyo sa mga bansang umuunlad na may kinalaman sa mga programang pangkaunlaran. Sa iyong pang-unawa, gaano kaepektibo ang tulong pinansiyal ng World Bank sa mga umuunlad na bansa?

a)

nagbibigay ng pagkain sa tao

b)

nagpapautang sa mga mangangalakal

c)

nagbibigay ng tulong pinansiyal

47.

Ang papel na ginagampanan ng mga internasyonal na organisasyon ay tumutulong upang maitakda ang pang-internasyonal na adyenda. Bakit mahalaga ang pagkatatatag ng mga pandaigdigang organisasyon?

a)

dahil natutulungan nito ang mga kasaping bansa na kontrolin ang iba pang bansa

b)

dahil tuluyan nitong sinusuportahan ang prinsipyo ng pagiging makasarili ng mga bansa sa daigdig

c)

dahil malaki ang naitutulong nito sa bawat kasaping bansa sa kaunlarang pang-ekonomiya

48.

Pinakamalaking kompederasyon ng malalayang estado sa kanluran na may layuning isulong ang kapayaan at kabutihan ng mga mamamayan nito

a)

Commonwealth of Nations

b)

European Union

c)

North Atlantic Treaty Organization

49.

Samahan ng mga estado ng Amerika na may layuning makamit ang kapayapaan, hustisya, at pagkakaisa ng mga kasapi.

a)

Organization of American States

b)

Organization of American Cooperation

c)

Association of American States

50.

Layunin ng samahang ito na siguraduhin at protektahan ang kanilang interes at isulong ang pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran. Anong pandaigdigang samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguraduhin at protektahan ang interes ng mga kasapi sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaan at pandaigdigang kaunlaran?

a)

Organization of Islamic Cooperation

b)

Organization of Islamic State

c)

Organization of Islamic State Cooperation