wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

El Filibusterismo (Reviewer)

Total questions: 44

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagtungo si Simoun kay Padre Florentino?

a)

Upang magtapat ng kanyang lihim bago mamatay.

b)

Upang humingi ng tulong sa kanyang paghihiganti.

c)

Upang ipagbigay-alam na si Don Tiburcio ang huhulihin ng mga sibil.

d)

Upang magpagamot sa sakit na dulot ng lason.

2.

Ano ang ipinahiwatig ni Padre Florentino nang sinabi niyang hindi hinayaan ng Diyos na magtagumpay si Simoun sa kanyang plano?

a)

Mali ang pamamaraan ni Simoun sa paghihiganti kahit maganda ang kanyang layunin

b)

Hindi gusto ng Diyos ang himagsikan kaya hindi ito dapat ipaglaban.

c)

Ang Diyos ay hindi pumapanig sa sinuman, kaya hinayaan niyang mabigo si Simoun.

d)

Ninais ng Diyos na si Simoun ay magdusa bilang parusa sa kanyang kasalanan.

3.

Ano ang kahulugan ng pagsisimbolo ng kayamanan ni Simoun na inihulog sa dagat?

a)

Ang hindi tamang pamamaraan ng pakikibaka ay walang saysay.

b)

Ang kayamanan ni Simoun ay malas kaya dapat itong itapon

c)

Ang mga rebolusyonaryo ay dapat magtipon ng kayamanan upang magtagumpay.

d)

Ang yaman ay walang halaga sa buhay ng isang tao.

4.

Matatagpuan sa entresuelo ang mga kabataang nagnanais ng pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang unang palapag ng bahay ang naging tagpuan ng mga mag-aaral sa tuwing sila’y may pagpupulong. Ano ang kahulugan ng salitang, may salungguhit?

a)

bahay

b)

unang palapag

c)

tagpuan

d)

ikalawang palapag

5.

Niyaya ni Simoun ang mga mag-aaral na uminom ng serbesa. Ang inuming nakalalasing ay mas mainam inumin kaysa sa tubig ayon kay Padre Camorra.

a)

inuming gawa sa tubig

b)

inumin ng mamamayan

c)

inuming nagpapalakas

d)

inuming nakalalasing

6.

Ano ang pangunahing papel ni Isagani sa nobela?

a)

Siya ay isang mag-aaral na madalas lumaban sa mga prayle at awtoridad.

b)

Siya ay isang mag-aaral na sumusunod sa lahat ng utos ng kanyang guro.

c)

Siya ay isang marangal na mag-aaral na nagsilbing tagapagsalita ng mabubuting adhikain ni Rizal.

d)

Siya ay isang tahimik na karakter na walang malaking papel sa nobela.

7.

Ano ang ipinapahayag ni Isagani sa kanyang sagot kay Padre Fernandez?

a)

Ang mga Pilipino ay likas na walang mabuting asal kaya sila kailangang disiplinahin ng mga prayle.

b)

Ang mga Pilipino ay likas na masunurin kaya sila'y hindi maaaring sisihin sa kanilang kalagayan.

c)

Ang mga Pilipino ay hindi dapat mag-aral dahil wala silang kakayahang matuto.

d)

Ang mga prayle ang may pananagutan sa kawalang-asal ng mga Pilipino dahil sila ang humubog sa kanila.

8.

Ano ang kahulugan ng pahayag ni Isagani na "Ang mandarahas ay gumagawa ng alipin"?

a)

Ang mga taong mapang-abuso ay lumilikha ng mga taong sunod-sunuran at walang kalayaan.

b)

Ang isang taong inaalipin ay dapat matutong lumaban sa kanyang amo.

c)

Ang mahihina ay likas na alipin ng malalakas.

d)

Ang mga prayle ay sadyang dapat maging hari ng mga Pilipino.

9.

Ano ang pananaw ni Isagani sa mga prayle?

a)

Sila ay mapang-abuso at hindi tunay na nagturo ng kaunlaran sa mga Pilipino.

b)

Sila ay may mabuting hangarin ngunit kulang sa kakayahang hubugin ang mga Pilipino.

c)

Sila ay makatarungan at dapat sundin ng lahat ng Pilipino.

d)

Sila ay dapat igalang at hindi dapat punahin.

10.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit napilitan si Huli na mamasukan bilang alila?

a)

Gusto niyang makatulong sa simbahan.

b)

Wala siyang ibang mapagpipiliang hanapbuhay.

c)

Mahal niya ang kanyang pamilya at nais niyang matulungan ang kanyang ama.

d)

Gusto niyang patunayan na kaya niyang mabuhay nang mag-isa.

11.

Ano ang ipinakikitang pagpapahalaga ni Huli sa kanyang puri?

a)

Nagtago siya sa ibang bayan upang umiwas sa panganib.

b)

Pinag-isipan niyang isangkalan ang kanyang puri upang matulungan ang kanyang ama ngunit hindi ito itinuloy.

c)

Agad siyang humingi ng tulong kay Padre Camorra nang makulong si Basilio.

d)

Hindi siya tumanggap ng alok ni Padre Camorra kahit nangangailangan siya ng tulong.

12.

Paano ipinakita ni Huli ang kanyang katapatan bilang isang mangingibig?

a)

Iniwan niya si Basilio upang iligtas ang sarili.

b)

Pinuntahan niya si Basilio sa kulungan at tinulungan itong makatakas.

c)

Hindi niya itinakwil si Basilio kahit ito ay nakulong.

d)

Ikinasal siya sa ibang lalaki upang makakuha ng perang pampiyansa para kay Basilio.

13.

Ano ang ipinapahiwatig ng pagpapakamatay ni Huli matapos ang ginawa sa kanya ni Padre Camorra?

a)

Ipinakita nito ang kanyang matinding pagmamahal sa pamilya.

b)

Ipinapakita nito ang kanyang matayog na pagpapahalaga sa puri.

c)

Ipinapakita nito na siya ay isang mahina at duwag na tauhan.

d)

Ipinakita nito ang kanyang galit sa lipunang hindi pantay ang pagtingin sa babae.

14.

Sa pangkalahatan, ano ang pinakatumpak na paglalarawan kay Huli bilang isang tauhan sa nobela?

a)

Siya ay isang babaeng may matinding pagmamahal sa pamilya, mataas na pagpapahalaga sa dangal, ngunit mahina sa pagharap sa matinding pagsubok.

b)

Siya ay isang matapang na babaeng lumaban para sa kanyang pamilya at kasintahan.

c)

Siya ay isang mapusok na tauhan na gumawa ng mga padalos-dalos na desisyon.

d)

Siya ay isang matalinong babae na naghanap ng paraan upang makaligtas sa lahat ng pagsubok.

15.

Namalas niya ang kanyang kawa-awang sarili na nag-aararo sa gitna ng bukirin at nagkukutkot ng mga ugat ng kahoy. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

a)

nagtatabas

b)

nagtatanim

c)

naghuhukay

d)

naglilinis

16.

Ang hukom pamayapa ng bayan at kabisera man ay hindi makapangahas na bigyan siya ng katwiran dahil sa pangambang maalis sa katungkulan.

a)

Tanod

b)

Prayle

c)

Kabesa

d)

Punong- bayan

17.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit inangkin ng mga prayle ang lupa ni Kabesang Tales?

a)

Dahil sa kakulangan ng dokumento sa pagmamay-ari ng lupa.

b)

Dahil nakita nilang umuunlad ito at nais nilang makinabang.

c)

Dahil hindi na kayang bayaran ni Kabesang Tales ang buwis.

d)

Dahil nais nilang ipagamit ito sa simbahan.

18.

Ano ang naging epekto ng pagiging cabeza de barangay kay Kabesang Tales?

a)

Mas lalo siyang yumaman dahil sa posisyon.

b)

Naging mas maimpluwensya siya sa kanilang bayan.

c)

Naging pabigat ito sa kanya dahil sa gastusin at responsibilidad.

d)

Napilitan siyang lumipat sa ibang bayan upang makaiwas.

19.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit napilitang magtrabaho bilang katulong si Juli?

a)

Upang makatulong sa pamilya at maiangat ang kanilang buhay.

b)

Upang makapag-aral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

c)

Upang matubos si Kabesang Tales sa mga tulisan.

d)

Upang makatakas sa kasal na hindi niya gusto.

20.

Ano ang simbolismo ng pag-anib ni Kabesang Tales sa mga tulisan?

a)

Ang kawalan ng hustisya sa lipunan na nagtutulak sa mga inaapi na lumaban.

b)

Ang kagustuhan niyang maging makapangyarihan at maghiganti.

c)

Ang takot niya sa mga prayle kaya siya sumama sa mga rebelde.

d)

Ang kanyang paghahangad na maging mayaman sa madaling paraan.

21.

Kung ikaw ay nasa kalagayan ni Kabesang Tales, paano mo reresolbahin ang suliraning ito nang hindi gumagamit ng dahas?

a)

Hahanap ako ng ibang paraan upang kumita nang hindi lalaban.

b)

Magpapatuloy ako sa paghingi ng hustisya kahit mahirap.

c)

Susundin ko na lamang ang gusto ng mga prayle upang hindi na lumala ang sitwasyon.

d)

Lilisanin ko ang lugar at magsisimula muli sa ibang bayan.

22.

“Ang tao ay sadyang mabuti, subalit kapag iyong inaapi at niyurakan ang dangal, ito’y matutong lumaban, maipagtanggol lamang ang kanya.” Ano ang kaisipang namayani sa akda?

a)

Katanyagan

b)

Kayamanan

c)

Karapatan

d)

Karangyaan

23.

“Gobernador isusuko ko lang ang lupaing iyan kong didiligin nila ito ng dugo ng kanilang asawa at anak.” Ano ang kaisipang namayani sa akda?

a)

Kaligayahan

b)

Katarungan

c)

Kamatayan

d)

Kasawian

24.

“Magagawa niya ang ibig gawin; ako’y mangmang at walang maipangahas na lakas.” Ano ang kaisipang namayani sa akda?

a)

Kalungkutan

b)

Kahinaan

c)

Karalitaan

d)

Kamalasan

25.

“Sa maliit na batong bughaw ay maaaring ipatapon ng isang tao ang kanyang kaaway at maaaring makauwi ang isang tao sa kanyang tahanan”. Ano ang kaisipang namayani sa akda?

a)

Kagitingan

b)

Kapayapaan

c)

Katapangan

d)

Kakisigan

26.

“Saan ako kukuha ng 500 piso? 200 piso lamang ang pera ko.” Sino sa tauhan ng El Filibisuterismo ang nagwika ng pahayag?

a)

Huli

b)

Basilio

c)

Isagani

d)

Kabesang Tales

27.

“Pasensiya kana na! Ipalagay mong lumaki ang buwaya.” Sino sa tauhan ng El Filibusterismo ang nagwika ng pahayag?

a)

Basilio

b)

Padre Camorra

c)

Huli

d)

Tandang Selo

28.

“Kailangan kong magbayad ng abogado.” Sino sa tauhan ng El Filibusterismo ang nagwika ng pahayag?

a)

Huli

b)

Kabesang Tales

c)

Hermana Penchang

d)

Tandang Selo

29.

Iniwang muli ni Dr. Jose Rizal ang kanyang pamilya kahit anim na buwan pa lang niyang nakakasama, matapos ang matagal na pagkakawalay. Ano ang kaniyang dahilan?

a)

mailayo ang mga mahal sa buhay sa kapahamakan

b)

balikan ang kasintahang iniwan sa ibang bansa

c)

pasyalan ang iba pang magagandang bansa

d)

sumulat na muli ng isa pang nobela

30.

Bilang pagtanaw ng utang na loob ni Dr. Jose Rizal sa taong tumulong sa kaniya upang mapalimbag ang El Filibusterismo ay inalay niya ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. Kanino niya ito inialay?

a)

Ferdinand Blumintritt

b)

Graciano Lopez Jaena

c)

Maximo Viola

d)

Valentin Ventura

31.

Malaki ang naitulong ng El Filibusterismo sa mga katipunero. Tukuyin sa sumusunod na pahayag ang naitulong ng El Filibusterismo sa mga katipunero.

a)

ito ang naging dahilan upang matutong magbasa ang mga Pilipino

b)

ito ang naging dahilan upang matakot ang mga Kastila sa mga Pilipino

c)

ito ang naging dahilan upang maging maayos ang buhay ng mga Pilipino

d)

ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban sa mga kastila

32.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit isinakripisyo ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang damdamin para kay Suzanne Jacoby?

a)

Mas mahalaga sa kaniya ang kalayaan ng Pilipinas kaysa sa personal na damdamin.

b)

Hindi siya pinayagan ng pamilya niya na makipagrelasyon kay Suzanne Jacoby.

c)

Hindi niya gustong makipagrelasyon sa isang dayuhan.

d)

Ayaw niyang magpakasal at bumuo ng pamilya.

33.

Ano ang pangunahing rason kung bakit lumipat si Dr. Rizal sa Ghent, Belgium upang ipalimbag ang El Filibusterismo?

a)

Mas mura ang pagpapalimbag doon at nais niyang umiwas kay Suzanne Jacoby.

b)

Maraming Pilipino sa Belgium na makakatulong sa kaniya.

c)

Mas maganda ang kalidad ng pagpapalimbag sa Belgium kaysa sa ibang bansa.

d)

Gusto niyang magtago mula sa mga Espanyol.

34.

Ano ang ipinahihiwatig ng sakripisyong ginawa ni Dr. Rizal sa pagkain habang nagpapalimbag ng El Filibusterismo?

a)

Handa siyang magtiis at magsakripisyo para sa kaniyang adhikain.

b)

Nagustuhan lamang niya ang simpleng pagkain.

c)

Ayaw niyang gumastos sa pagkain dahil gusto niyang mag-ipon ng pera.

d)

Hindi niya pinapahalagahan ang pagkain.

35.

Ano ang kahulugan ng salitang "filibustero" batay sa pananaw ng mga Espanyol?

a)

Isang taong may malasakit sa kaniyang bayan.

b)

Isang taong mapanganib na maaaring mamatay anumang oras.

c)

Isang edukadong Pilipino na nag-aaral sa ibang bansa.

d)

Isang pari na tumutuligsa sa pamamahala ng mga Espanyol.

36.

Bakit naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal ang GOMBURZA sa pagsulat ng El Filibusterismo?

a)

Dahil ang isa sa mga pari ay malapit sa kaniyang pamilya.

b)

Dahil sa hindi makatarungang pagbitay sa kanila na naging simbolo ng kawalang katarungan ng mga Espanyol.

c)

Dahil nais niyang maging pari tulad ng GOMBURZA.

d)

Dahil gusto niyang ipaghiganti ang kanilang pagkamatay.

37.

Ano ang aral na maaaring mapulot sa pagsisikap ni Rizal sa pagpapalimbag ng kaniyang mga nobela?

a)

Mas mahalaga ang personal na kapakanan kaysa sa layunin ng bayan.

b)

Ang pagsulat ng nobela ay hindi gaanong mahalaga sa kalayaan ng bayan.

c)

Walang kabuluhan ang sakripisyo ni Rizal dahil hindi ito nagdulot ng epekto.

d)

Ang tiyaga at dedikasyon ay mahalaga upang makamit ang isang layunin.

38.

Ang nobelang El filibusterismo ay tumatalakay sa usaping pang Pulitikal. Tukuyin ang kahulugan ng nobelang El Filibusterismo.

a)

Huwag Mo Akong Salingin

b)

Lakas Laban sa Lakas

c)

Paghahari ng Kapangyarihan 

d)

Paghahari ng Kasakiman

39.

Ito ang palimbagan kung saan nailimbag ang El Filibusterismo.

a)

Meyer Press

b)

Book Time Publication

c)

F. Meyer-Van Loo Press

d)

Rex Books Store

40.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit pinili ni Basilio na hindi sumapi sa plano ni Simoun?

a)

Dahil natatakot siyang mapahamak sa rebolusyon.

b)

Dahil nais niyang ipakita na ang edukasyon ang tamang daan sa pagbabago.

c)

Dahil naniniwala siyang walang kabuluhan ang paghihiganti.

d)

Dahil ayaw niyang masangkot sa anumang usaping pampulitika.

41.

Paano nakaapekto ang kanyang pinagdaanan sa kanyang mga desisyon?

a)

Dahil sa kanyang pinagdaanan, natutunan niyang ang paghihiganti ang tanging paraan ng paglaya.

b)

Dahil sa kanyang pinagdaanan, pinili niyang tahakin ang landas ng edukasyon upang makatulong sa iba.

c)

Dahil sa kanyang pinagdaanan, pinili niyang huwag makialam sa anumang laban.

d)

Dahil sa kanyang pinagdaanan, natakot siyang sumali sa rebolusyon.

42.

Ano ang kahulugan ng desisyon ni Basilio sa konteksto ng panahong kinabibilangan niya?

a)

Ipinapakita nito na may ibang paraan upang labanan ang pang-aapi bukod sa dahas.

b)

Ipinapakita nito na wala siyang pakialam sa kalagayan ng Lipunan.

c)

Ipinapakita nito na nais lamang niyang magpayaman para sa sarili.

d)

Ipinapakita nito na hindi siya sigurado kung ano ang dapat niyang gawin.

43.

May kasabihang “Kung walang magpapaapi, walang mang-aapi” ang taong may ganitong pananaw sa buhay ay

a)

handang ipaglaban ang kanyang Karapatan

b)

takot ipaglaban ang Karapatan

c)

matulungin sa kapwa

d)

matapat sa bayan

44.

Si Huli ay naglagay ng 250 pesos sa ilalim ng mahal na birhen dahil naniniwala siya na ito ay madadagdagan. Ano ang maaaring saloobin ukol rito?

a)

Ang pananalig ni Huli ay bahagi ng kanyang kultura at paniniwala, ngunit mas mainam na pagsikapan at pag-ipunan ang pera upang ito ay lumago.

b)

Ang ginagawa ni Huli ay mali sapagkat hindi dapat umasa sa himala para sa pag-unlad ng buhay.

c)

Wasto ang ginawa ni Huli dahil ang pananampalataya ay sapat upang dumami ang kanyang pera.

d)

Walang kabuluhan ang ginawa ni Huli dahil walang katotohanan ang mga paniniwala niya.