Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa AP 5

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang gobernador-heneral na nagpatupad ng Monopolyo ng Tabako sa Pilipinas?

a)

Simon de Anda

b)

Jose Basco y Vargas

c)

Fernando Primo de Rivera

d)

William Draper

2.

Ano ang pangunahing layunin ng Monopolyo ng Tabako?

a)

Palaganapin ang pagsasaka ng tabako sa buong bansa

b)

Pataasin ang kita ng mga magsasaka

c)

Madagdagan ang kita ng pamahalaan at mabawasan ang pag-asa sa Mexico

d)

Palakasin ang lokal na industriya ng sigarilyo

3.

Ano ang hindi magandang epekto ng Monopolyo ng Tabako?

a)

Pagbaba ng produksyon ng pagkain

b)

Pagyaman ng mga opisyal ng pamahalaan

c)

Pag-unlad ng industriya ng tabako

d)

Paglaganap ng katiwalian at panunuhol

4.

Ano ang dahilan kung bakit ipinatigil ang Monopolyo ng Tabako?

a)

Dahil hindi ito naging matagumpay

b)

Dahil sa reklamo ng mga magsasaka at katiwaliang naganap

c)

Dahil pinayagan na ang malayang kalakalan

d)

Dahil bumaba ang pangangailangan sa tabako

5.

Ano ang pangalan ng samahang itinatag upang mapaunlad ang kalakalan sa Pilipinas?

a)

Kilusang Agraryo

b)

Real Compania de Filipinas

c)

Cofradia de San Jose

d)

Galyon Trade Corporation

6.

Ano ang dahilan ng pagkabigo ng Real Compania de Filipinas?

a)

Hindi sumuporta ang mga mangangalakal ng Maynila

b)

Hindi ito sinuportahan ng hari ng Espanya

c)

Hindi ito nagkaroon ng sapat na puhunan

d)

Hindi ito tinanggap ng mga Pilipino

7.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-aalsang agraryo?

a)

Mataas na buwis sa lupa

b)

Pangangamkam ng lupa ng mga prayle

c)

Pagsasara ng mga lokal na pamilihan

d)

Sapilitang pagtatanim ng tabako

8.

Saang lalawigan unang sumiklab ang pag-aalsang agraryo?

a)

Cavite

b)

Laguna

c)

Batangas

d)

Bulacan

9.

Sino ang pinuno ng pag-aalsa sa Batangas laban sa pangangamkam ng lupa?

a)

Hermano Pule

b)

Francisco Matienza

c)

Simon de Anda

d)

Juan Ortega

10.

Ano ang layunin ng Cofradia de San Jose na itinatag ni Hermano Pule?

a)

Maging isang lihim na samahan ng mga rebolusyonaryo

b)

Palaganapin ang Katolisismo sa mga Pilipino

c)

Magkaroon ng isang relihiyosong samahan para sa mga katutubo

d)

Magtatag ng isang bagong relihiyon sa Pilipinas

11.

Ano ang naging reaksyon ng mga Espanyol sa Cofradia de San Jose?

a)

Sinang-ayunan nila ito at kinilala bilang opisyal na samahan

b)

Sinubukan nilang pag-aralan ang layunin nito

c)

Hindi ito kinilala at ipinabuwag ito ng pamahalaan

d)

Ginamit nila ito upang palaganapin ang Kristiyanismo

12.

Ano ang ginawa ni Hermano Pule matapos siyang hindi tanggapin sa monasteryo?

a)

Bumalik siya sa kanyang bayan at nagtatag ng isang samahan

b)

Sumali siya sa hukbo ng Espanya

c)

Nagpunta siya sa ibang bansa upang mag-aral ng relihiyon

d)

Naging isang pinuno ng sakahan

13.

Sino ang namuno sa pagsalakay ng mga Ingles sa Maynila?

a)

Simon de Anda

b)

William Draper

c)

Manuel Rojo

d)

Fernando Primo de Rivera

14.

Ano ang ginawa ng mga Ingles nang hindi sumuko ang mga Espanyol sa Maynila?

a)

Nilisan nila ang lungsod nang walang labanan

b)

Pinilit nilang makipagkasundo sa mga Espanyol

c)

Ginamitan nila ito ng lakas at pinaputukan ng kanyon

d)

Hinayaan nilang pamahalaan ng mga Pilipino ang lungsod

15.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

b)

Mababang sahod ng mga sundalong Espanyol

c)

Pang-aabuso at di-makatarungang patakaran ng mga Espanyol

d)

Kawalan ng interes ng mga Pilipino sa kalakalan

16.

Ano ang pangunahing layunin ng merkantilismo?

a)

Palakasin ang ekonomiya ng mga kolonya

b)

Palawakin ang teritoryo ng Europa

c)

Paglikom ng mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak

d)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa Asya

17.

Ano ang naging epekto ng merkantilismo sa mga bansang Kanluranin?

a)

Pagbaba ng kanilang impluwensiya sa mundo

b)

Pagsara ng mga daungan sa ibang bansa

c)

Pagtatag ng mga kolonya upang mapalawak ang kanilang yaman

d)

Pagkawala ng interes sa pandaigdigang kalakalan

18.

Paano nakaapekto ang merkantilismo sa ugnayan ng Europa at iba pang mga bansa?

a)

Napilitan ang Europa na isara ang kanilang kalakalan sa ibang bansa

b)

Napahina ang impluwensya ng Europa sa pandaigdigang merkado

c)

Naging agresibo ang mga bansang Europeo sa pananakop ng mga teritoryo

d)

Lumakas ang ekonomiya ng mga bansang sinakop ng Europa

19.

Ano ang ibig sabihin ng "laissez-faire"?

a)

Kontrolado ng estado ang kalakalan

b)

Dapat magpalawak ng teritoryo upang lumakas ang ekonomiya

c)

Hindi dapat makialam ang gobyerno sa ekonomiya

d)

Ang estado lamang ang may karapatang magpatakbo ng negosyo

20.

Sino ang nagpakilala ng prinsipyong laissez-faire?

a)

Jean-Jacques Rousseau

b)

Voltaire

c)

Rene Descartes

d)

Adam Smith

21.

Ano ang pangunahing ideya ng Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment)?

a)

Ang katwiran ay dapat gamitin upang mapabuti ang lipunan

b)

Ang hari ang may absolutong kapangyarihan sa estado

c)

Ang simbahan ang may pinakamataas na awtoridad

d)

Ang digmaan ay kinakailangan upang makamit ang kaunlaran

22.

Ayon kay John Locke, ano ang pangunahing karapatan ng isang tao?

a)

Maging bahagi ng isang relihiyon

b)

Pumili ng pamahalaang gusto niyang pamunuan siya

c)

Maging mayaman at makapangyarihan

d)

Maging hari kung nais niya

23.

Ano ang pangunahing layunin ng Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment)?

a)

Palakasin ang relihiyosong pamamahala sa Europa

b)

Pagtuunan ng pansin ang tradisyunal na paniniwala

c)

Hikayatin ang paggamit ng katwiran upang mapabuti ang lipunan

d)

Itaguyod ang absolutong kapangyarihan ng mga hari

24.

Ano ang kontribusyon ni Jean-Jacques Rousseau sa Panahon ng Pagkamulat?

a)

Ipinaglaban niya ang absolutong kapangyarihan ng hari

b)

Sinabi niyang dapat kontrolin ng simbahan ang lipunan

c)

Ipinahayag niya na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng taumbayan

d)

Sinabi niyang ang tao ay hindi dapat makialam sa pamahalaan

25.

Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas?

a)

Naputol ang ugnayan ng Pilipinas sa Europa

b)

Napahina ang ekonomiya ng Pilipinas

c)

Napadali ang pagpasok ng mga liberal na ideya sa bansa

d)

Naging mahirap ang transportasyon ng produkto

26.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nakapag-aral sa Europa matapos ang pagbubukas ng Suez Canal?

a)

Dahil sa pagpayag ng Espanya na mag-aral ang mga Pilipino

b)

Dahil naging mas mabilis at mas mura ang paglalakbay patungo sa Europa

c)

Dahil sa pagtaas ng sahod ng mga Pilipino

d)

Dahil sa pag-alis ng Espanya sa Pilipinas

27.

Ano ang kahulugan ng "Ilustrado"?

a)

Mga taong walang edukasyon

b)

Mga magsasakang lumaban sa Espanya

c)

Mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa at may progresibong kaisipan

d)

Mga sundalong lumaban para sa Espanya

28.

Ano ang naging papel ng mga Ilustrado sa kilusang pagpapalaya ng Pilipinas?

a)

Sila ang namuno sa mga armadong rebolusyon

b)

Sila ang nagpatuloy ng sistemang Espanyol sa bansa

c)

Sila ang nagpalaganap ng mga ideyang humamon sa pang-aabuso ng mga Espanyol

d)

Sila ang naging bahagi ng pamahalaang kolonyal

29.

Ano ang naging pangunahing layunin ng mga Ilustrado sa simula ng kanilang kampanya?

a)

Agad na makamit ang kalayaan ng Pilipinas

b)

Itaguyod ang relihiyon bilang sentro ng gobyerno

c)

Hilingin ang reporma at pantay na karapatan para sa mga Pilipino

d)

Palitan ang pamahalaan ng isang absolutong monarkiya

30.

Ano ang naging epekto ng mga aklat, polyeto, at sulatin ng mga Ilustrado?

a)

Mas sumuporta ang mga Pilipino sa pamamahala ng Espanya

b)

Hindi ito nakaapekto sa pananaw ng mga Pilipino

c)

Ipinagbawal ito ng mga Pilipino dahil sa takot sa Espanya

d)

Naging instrumento ito upang imulat ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol

31.

Ano ang tawag sa sistemang sapilitang paggawa na ipinataw ng mga Espanyol sa mga Pilipino?

a)

Encomienda

b)

Polo y Servicio

c)

Tributo

d)

Bandala

32.

Sino ang nagtatag ng pinakamatagal na pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas?

a)

Lapu-Lapu

b)

Francisco Dagohoy

c)

Diego Silang

d)

Andres Malong

33.

Anong pangunahing layunin ang naging motibasyon ni Francisco Dagohoy sa kanyang pag-aalsa?

a)

Pagbabalik ng karapatan ng mga katutubo sa lupa

b)

Paghihiganti para sa kamatayan ng kanyang kapatid

c)

Pagpapatalsik sa mga prayle mula sa Bohol

d)

Pagtatatag ng sariling gobyerno sa Visayas

34.

Ano ang ipinaglaban ni Andres Malong sa kanyang pag-aalsa noong 1660?

a)

Pagtutol sa sapilitang paggawa at buwis

b)

Pag-aalis ng sistemang encomienda

c)

Kalayaan ng Pangasinan mula sa Espanya

d)

Pagprotesta laban sa diskriminasyon ng mga Espanyol

35.

Saang lugar naganap ang pag-aalsa na pinamunuan ni Diego Silang noong 1762?

a)

Pampanga

b)

Ilocos

c)

Cebu

d)

Bohol

36.

Bakit bigo ang karamihan sa mga naunang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Kawalan ng tamang koordinasyon at pagkakaisa

b)

Kulang sa mga armas at tagapamuno

c)

Mabilis na pagtugon ng mga sundalong Espanyol

d)

Lahat ng nabanggit

37.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga layunin ng pag-aalsa ng mga Pilipino?

a)

Paglaya mula sa pananakop ng Espanyol

b)

Pagtatanggol sa kalayaan ng relihiyon

c)

Pagtutol sa sapilitang paggawa

d)

Pagsuporta sa gobyernong Espanyol

38.

Ano ang pangunahing sanhi ng pag-aalsa ng mga Igorot noong 1601?

a)

Pagtutol sa Kristiyanismo

b)

Pagtanggal ng karapatan sa lupa

c)

Pagpapataw ng buwis ng mga Espanyol

d)

Sapilitang paggawa

39.

Ano ang ginawa ng mga Espanyol upang pigilan ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino?

a)

Nagpatupad ng mas mahigpit na batas

b)

Nagbigay ng konsesyon sa mga katutubo

c)

Nagpalakas ng kanilang hukbo

d)

Lahat ng nabanggit

40.

Ano ang naging dahilan ng pagkabigo ni Magalat sa kanyang pag-aalsa sa Cagayan?

a)

Kulang ang bilang ng kanyang tagasunod

b)

Nagkaroon ng taksil sa kanyang hanay

c)

Malakas ang puwersa ng mga Espanyol

d)

Lahat ng nabanggit

41.

Sa panahon ng mga naunang pag-aalsa, ano ang karaniwang naging kahihinatnan ng mga lider na Pilipino?

a)

Nabigyan ng amnestiya

b)

Pinarusahan o pinatay ng mga Espanyol

c)

Naging bahagi ng hukbong Espanyol

d)

Tumakas papunta sa ibang bansa

42.

Diego Silang: Vigan Ilocos Sur : Juan Caragay ___________________

a)

Baguio

b)

Tarlac

c)

Bulacan

d)

Dagupan

43.

Juan Ponce Sumoroy : Samar: Tapar _________________

a)

Baguio

b)

Panay

c)

Bulacan

d)

Dagupan

44.

Andres Malong: Pangasinan: Francisco Dagohoy _____________________

a)

Baguio

b)

Panay

c)

Bohol

45.

Andres Malong: Pangasinan: Francisco Dagohoy _____________________

a)

Baguio

b)

Panay

c)

Bohol

d)

Dagupan

46.

Sino ang prayleng tumangging basbasan ang patay na kapatid ni Francisco Dagohoy?

a)

Padre Garcia

b)

Padre Gaspar Morales

c)

Padre Juan de Salazar

d)

Padre Diego San Jose

47.

Siya ay kilala bilang mahusay na tagagawa ng mga espada, kanyon, at iba pang armas, madali nilang nagapi ang mga Espanyol sa pamumuno ni Martin de Goiti sa Iabanan sa Bangkusay, Tondo noong 1588.

a)

Panday Gisa

b)

Panday Kosa

c)

Panday Pira

d)

Panday Vico

48.

Ano ang ibig sabihin ng "Inang Bayan" at "Inang Pilipinas" sa konteksto ng kababaihang Pilipino?

a)

Simbolo ng kagitingan ng mga lalaki

b)

Patunay ng damdaming makabayan ng kababaihan

c)

Palayaw sa mga babaylan

d)

Tawag sa mga rebolusyonaryong grupo

49.

Ano ang pangunahing tungkulin ng babaylan noong sinaunang panahon?

a)

Pangangasiwa sa ritwal ng agrikultura

b)

Pagtuturo ng Kristiyanismo

c)

Pag-aalaga ng mga hayop

d)

Pangangalakal ng kalakal

50.

Sino ang kilalang "Visayan Joan of Arc"?

a)

Gregoria de Jesus

b)

Teresa Magbanua

c)

Gabriela Silang

d)

Patrocinio Gamboa