wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th QUARTER EXAM in E.S.P. 7

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Anong katangian ng tao bilang persona ang nagbibigay sa kaniya ng kakayahang magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili?

a)

Indibidwalidad

b)

Kamalayan sa Sarili

c)

Umiiral na Nagmamahal

d)

Kakayahang Kumuha ng Buod o Esensya

2.

Anong katangian sa pagpapakatao ang tumutukoy sa tao sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao?

a)

persona

b)

indibidwal

c)

pagkakaiba

d)

personalidad

3.

Anong katangian sa pagpapakato ang tumutukoy sa pagkamit ng tao sa kaniyang kabuuan bilang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagka sino?

a)

persona

b)

indibidwal

c)

pagkakaiba

d)

personalidad

4.

Anong katangian ng tao bilang persona ang nagtutulak sa kaniya na magmahal, gumawa ng mabuti at makipagkapuwa-tao?

a)

Indibidwalidad

b)

Kamalayan sa Sarili

c)

Umiiral na Nagmamahal

d)

Kakayahang Kumuha ng Buod o Esensya

5.

Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng sarili batay sa katangian ng pagpapakatao? Dahil___________________.

a)

ito ay makatutulong na magampanan niya ang kaniyang tungkulin hindi lang sa sarili kundi bilang isang mabuting mamamayan.

b)

magiging madali ang pagpapaunlad ng kaniyang sarili kung ang kaniyang ginagawa ay nakabatay sa mga katangiang ito.

c)

mas magiging matagumpay siya sa buhay kung ginagabayan siya ng mga katangian ng pagpapakatao.

d)

kung hindi nakabatay sa katangian ng pagpapakatao ang kaniyang mga desisyon ay maaari siyang magkamali.

6.

Paano mo mapapaunlad ang iyong kamalayan sa sarili?

a)

Suriin ang sariling kakayahan at kahinaan.

b)

Ipagwalang bahala ang angking kakayahan.

c)

Palakasin ang loob sa bawat pagsubok sa buhay.

d)

Patunayan ang kakayahan sa pamamagitan ng pakipagkumpetensiya.

7.

Ano ang gagawin mo upang maisagawa ang pagtupad sa iyong tungkulin bilang isang mabuting mag-aaral?

a)

Pagbutihin ang pag-aaral.

b)

Tumulong sa mga gawaing-bahay.

c)

Magpakita ng malasakit sa kapuwa.

d)

Mamuhay nang tahimik at matiwasay.

8.

Paano mo maipakikita ang pagiging isang mabuting mamamayan ng inyong komunidad?

a)

Suwayin ang mga batas na ipinapatupad.

b)

Makilahok sa mga programang pangkalikasan.

c)

Tumulong sa mga gawain ng komunidad kung may bayad

d)

Laging unahin ang sariling kapakanan bago ang ibang tao.

9.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggabay ng pamilya sa pagpili ng pinuno ng komunidad?

a)

Pagturo sa kahalagahan ng katapatan at pagiging patas.

b)

Pagwawalang bahala sa kanilang karapatang bumoto.

c)

Pag-iwas na mapag-usapan ang tungkol sa politika

d)

Pagtanggap ng pera kapalit ng kanilang boto.

10.

Bakit mahalaga ang paggabay ng pamilya sa mga anak sa pagpili ng pinuno ng komunidad? Upang_________.

a)

masunod ang gusto ng magulang sa pipiliing pinuno.

b)

magkaroon sila ng wastong kaalaman at kritikong pag-iisip.

c)

makinabang ang buong pamilya sa ibibigay ng napiling pinuno.

d)

masabi ng mga tao na ang pamilya ay magaling pumili ng pinuno.

11.

Paano ang gagawin mong pagkilatis sa pinuno na may mabuting katangian?

a)

Pag-aralang mabuti ang kaniyang plata porma, karakter at mga nagawa.

b)

Magmasid kung sino ang pinakasikat sa mga tumatakbong pinuno.

c)

Tingnan ang kaniyang kakayahang magbigay ng donasyon.

d)

Isaalang-alang ang kaniyang katayuan sa buhay.

12.

Alin ang iyong mas papahalagahan sa pagpili ng pinuno, ang kaniyang impluwensiya sa lipunan o ang kaniyang katapatan at pagmamalasakit. Bakit?

a)

Ang impluwensiya sa lipunan, katapatan at pagmamalasakit dahil kailangan niya ng suporta ng tao upang maipakita ang kaniyang katapatan at pagmamalasakit.

b)

Ang kaniyang impluwensiya sa lipunan dahil mas madali siyang makakuha ng suporta sa mga makapangyarihang tao.

c)

Ang kaniyang katapatan at pagmamalasakit dahil ang tunay at tapat na lider ay inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sarili.

d)

Ang kaniyang kakayahang makiuso dahil mahalaga ito upang mas madali siyang makaimpluwensiya ng ibang tao.

13.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutang paggamit sa social media?

a)

Pagbahagi ng mga fake news.

b)

Pag-iwas sa pagbahagi ng personal na impormasyon.

c)

Magcomment ng kahit na ano ng hindi pinag-iisipan.

d)

Pagtanggap ng friend request sa taong taong hindi mo kakilala.

14.

Alin sa sumusunod ang maaaring gawin upang maiwasan ang pagkuha ng iyong personal na impormasyon sa social media?

a)

Gumamit ng malakas na password at siguraduhing naka private ang iyong personal account.

b)

Makipagkaibigan sa lahat kahit na hindi gaanong kilala.

c)

Iclick ang mga link kahit na hindi mapagkakatiwalaan.

d)

Ipost ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa sarili.

15.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng social media MALIBAN sa isa. Alin dito?

a)

Iwasan ang paggamit ng hate speech o cybebullying.

b)

Maniwala kaagad sa mga nababasang impormasyon.

c)

Tiyakin ang pinagmulan ng balita bago magshare.

d)

Maging responsible sa paggamit ng oras sa online.

16.

Bakit mahalaga na maging mapanagutan sa paggamit ng social media? Upang______________________.

a)

magamit ito sa positibong paraan.

b)

masiyahan ang mga taong kachat.

c)

magkaroon ng kalayaang magpost ng kahit na ano.

17.

May kaibigan kang nagbabahagi ng mga fake news sa social media na alam mong magdudulot nang hindi mabuti sa mga makakabasa nito. Ano ang gagawin mo?

a)

Pabayaan siya dahil masaya siya sa kaniyang ginagawa.

b)

Isi-share ko ang mga ito upang mas marami ang makabasa.

c)

Pupurihin ko siya sa kaniyang ginagawa at hihikayating magpost pa ng marami.

d)

Ipaliliwanag ko sa kaniya ang kahalagahan ng pagkilatis sa impormasyon bago ito ibahagi.

18.

Nagpakalat ng isang mapanirang komento ang iyong kaibigan sa kaniyang naging kaalitan sa paaralan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Pagalitan siya sa kaniyang ginawa.

b)

Tulungan siyang magkalat ng mapanirang komento.

c)

Kampihan siya dahil kaibigan ko siya.

d)

Payuhan siya sa tamang gawi sa paggamit ng social media.

19.

Ang iyong kaibigan ay mahilig magcomment o magbigay ng opinyon sa mga isyu o impormasyong nababasa niya sa social media. Isang araw ay nakatanggap siya ng negatibong comment sa isang taong hindi nagustuhan ang kaniyang opinyon. Kung ikaw ang nasa katayuan niya, paano mo pangangasiwaan ang sitwasyon?

a)

Ibabash siya upang makapaghiganti ako.

b)

Hahayaan na lang siya upang huwag ng lumaki ang gulo.

c)

Maghahanap ako ng mga kakampi sa pagbabash sa kaniya.

d)

Sasagutin ko siya nang maayos at ipaliliwanag ang aking saloobin.

20.

Ano ang kaugnayan ng espirituwalidad sa pagiging mabuting mamamayan?

a)

Napapatibay nito ang pananampalataya sa Diyos.

b)

Wala itong kaugnayan sa pagiging mabuting mamamayan.

c)

Pinipigilan nito ang tao na gumawa ng hindi mabuti sa kapuwa.

d)

Nagtuturo ito ng mabuting asal at tamang pakikitungo sa kapuwa.

21.

Paano nakatutulong ang espirituwalidad sa pagiging isang mabuting mamamayan?

a)

Ang espirituwalidad ay nakatuon lamang sa gawaing panrelihiyon at hindi nakatutulong sa pagiging mabuting mamamayan.

b)

Walang kinalaman ang espirituwalidad sa pagiging mabuting mamamayan dahil may sariling batas para dito.

c)

Ito ay gumagabay sa tao na gumawa ng tama, magkaroon ng integridad at maging makatarungan.

d)

Magkaiba ang pagiging mabuting mamamayan at pagkakaroon ng malalim na espirituwalidad.

22.

Nagkaroon ng sakuna sa inyong komunidad. Bilang isang kabataan na may malalim na pananampalataya, ano ang iyong gagawin?

a)

Manatili sa bahay at ipagdasal na lamang ang mga biktima.

b)

Hayaan ang simbahan at gobyerno na tumulong sa mga biktima.

c)

Ipost sa social media ang nangyari upang umani ng maraming likes.

d)

Magbigay ng donasyon at aktibong makilahok sa mga gawaing pagtulong.

23.

Kung pagninilayan mo ang isyung korapsyon sa ating bansa, alin sa sumusunod ang iyong magiging reyalisasyon kung bakit ito nangyayari?

a)

Nagkakaroon ng korapsyon dahil likas na tiwali ang tao.

b)

Ito ay pangkaraniwang nangyayari dahil bahagi na ng kultura ng bansa.

c)

Madaling matukso ang tao sa pera dahil gusto nilang maging mayaman.

d)

May mga taong hindi pinapahalagahan ang integridad at tunay na pagseserbisyo sa bayan.

24.

Bakit kailangang pagnilayan ang mga isyu ng bayan? Upang____________________.

a)

magkaroon ng wastong kamalayan sa mga nangyayari at makapagbigay ng tamang pagpapasiya at pakikisangkot ayon sa sariling kakayahan.

b)

makapaghikayat ng ibang kabataan na sumali sa mga gagawing pag-aalsa laban sa gobyerno.

c)

maipakita ang iyong pagiging mabuting mamamayan at umani ng papuri sa ibang kabataan.

d)

mapalakas ang puwersa ng mga kabataan sa pagharap sa mga isyu.

25.

Matapos mong mapagnilayan ang isyu tungkol sa illegal logging, ano ang nararapat mong gawin?

a)

Tumulong sa pagputol ng mga punungkahoy.

b)

Makilahok sa mga kampanya laban sa illegal logging.

c)

Manahimik na lang at hayaan ang gobyerno na lumutas nito.

d)

Huwag ng makialam dahil makasisira ito sa aking pag-aaral.

26.

Ang R.A 9147 o kilala sa tawag na "The Philippines' Wildlife Act" ay isang batas na nagsasaad kung paano mapanatili at mahikayat ang balanse sa ekosistema at biological diversity. Ano ang pangunahing layunin nito?

a)

Mapanatili at maprotektahan ang buhay-ilang pati ang kanilang tirahan.

b)

Magkaroon ng bahay ang mga buhay-ilang na nawalan ng tirahan.

c)

Mapalawak ang panghuhuli at pagbebenta ng buhay-ilang.

d)

Mapahaba ang buhay ng buhay-ilang.

27.

Ang paggamit ng sustainable na pagsasaka ay nakatutulong upang hindi masira ang habitat ng mga hayop. Alin dito ang nagpapakita ng sustainable na pagsasaka?

a)

slash and burn na pagsasaka

b)

desertification, deforestation at crop rotation

c)

organic farming, crop rotation, at integrated pest management

d)

crop rotation, desertification, riparian buffers at integrated pest management

28.

Alin sa sumusunod ang ipinapatupad upang mabigyan ng ligtas na lugar ang mga hayop na makapagpahinga magpalaki ng mga anak, at magpatuloy ng kanilang natural na gawain?

a)

Pagtatag ng protected areas.

b)

Pagbabawal sa illegal logging.

c)

Pagbabawal sa dynamite fishing.

d)

Pagpalawak ng organic farming.

29.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad ng layunin ng SDG 15 na tinatawag na "Life on Land" o "Buhay sa Kalupaan"?

a)

Paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue.

b)

Pagbibigay ng tirahan sa mga hayop na nahuli sa kagubatan.

c)

Paglaban sa riparian buffers, land degradation, at pagkawala ng biodiversity.

d)

Paggamit sustenableng paraan sa pagsasaka upang mapanatili ang kalikasan at ang kalusugan ng ekosistema.

30.

Bakit kailangang panatilihin ang panahanan o habitat ng mga hayop sa pamayanan? Upang_______________.

a)

makaakit ng maraming turista sa pamayanan.

b)

mapanatili ang balanse sa kalikasan o biodiversity.

c)

mabawasan ang pagdami ng mga hayop sa kagubatan.

d)

lumago ang negosyong paghahayupan ng pamayanan.

31.

Paano mapapanatili ang balanse ng ekosistema at biological diversity? Sa pamamagitan ng _______________.

a)

pagsunod sa mga batas ng pamayanan na may kinalaman sa ekosistema at biological diversity.

b)

pagbigay ng tirahan sa mga hayop na nahuli sa kagubatan at alagaan sa bahay.

c)

panonood ng documentary videos tungkol sa endangered animals.

d)

paglagay sa mga hayop sa animal zoo upang pagkakitaan.

32.

Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na ginagawa ang illegal logging sa kagubatan?

a)

Dadami ang mga hayop sa kagubatan.

b)

Mas madaling makita ang mga hayop at mahuhuli kaagad.

c)

Masisira ang panahanan o habitat ng mga hayop at mauubos ang kanilang populasyon.

d)

Makakalbo ang kagubatan at magkakaroon ng bagong populasyon ng mga halaman.

33.

Paano magagampanan ng mga mamamayan ang pangangalaga sa panahanan o habitat ng mga hayop?

a)

Magpatayo ng mga gusali sa kagubatan.

b)

Itapon ang basura at kemikal sa karagatan.

c)

Pahintulutan ang mga ilegal na gawain sa pangingisda.

d)

Higpitan ang pagsira sa kagubatan o pagputol ng mga punungkahoy.

34.

Si Mang X ay gumagamit ng dinamita sa pangingisda upang makahuli ng maraming isda. Alam mong makakasira sa panahanan ng mga isda ang kaniyang ginagawa. Ano ang pinakamainam na hakbang na iyong gagawin?

a)

Hikayatin ang aking ama na gayahin si Mang X upang makahuli din ng maraming isda.

b)

Tumawag ng pulis upang ipahuli si Mang X at makabayad siya ng multa.

c)

Ipagwalang bahala ang kaniyang ginagawa dahil hindi naman ako apektado.

d)

Pumunta sa opisina ng barangay at isumbong ang kaniyang ginagawa upang siya ay mapangaralan.

35.

Alin sa sumusunod ang tamang paraan ng pag-unlad ng isang pamayanan?

a)

Pagpapatayo ng maraming gusali kahit na maaapektuhan ang kalikasan upang magkaroon ng trabaho ang mga tao.

b)

Pagsasaalang-alang sa pangangalaga at pagpapanatili sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan.

c)

Payagang pumasok sa pamayanan ang mga negosyanteng nais magtayo ng mga malls kapalit ng pagsira sa kagubatan.

d)

Pagpapahintulot sa dynamite fishing upang maraming maitindang isda sa pamayanan.

36.

Ang sumusunod ay ang mga kapaki-pakinabang na dulot ng glokalisasyon na tumutugon sa suliranin ng bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?

a)

Paglaganap ng implasyon o inflation.

b)

Makapagbibigay ng trabaho sa mas nakararaming Pilipino.

c)

Magkakaroon ng pagkakataong malaman, mas makilala at makibagay sa kulturang mayroon ang ibang bansa.

d)

Magkakaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ibang bansa sa aspeto ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo.

37.

Alin sa sumusunod ang isa sa mabuting dulot ng glokalisasyon na tumutukoy sa pagtutulungan ng mga lokal na negosyo na magkaroon ng access sa pandaigdigang merkado habang nananatiling tapat sa kanilang lokal na pagkakakilanlan?

a)

Pangangalaga sa kalikasan.

b)

Pagpapalakas ng ekonomiya.

c)

Pagpapahusay ng serbisyo publiko.

d)

Pagpapanatili ng kultura at tradisyon.

38.

Alin dito ang mabuting dulot ng glokalisasyon na tumutukoy sa pagtutulungan ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mas epektibong programa sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyo gamit ang pinakamahusay na pandaigdigang pamamaraan na iniangkop sa lokal na konteksto?

a)

Pangangalaga sa kalikasan.

b)

Pagpapalakas ng ekonomiya.

c)

Pagpapahusay ng serbisyo publiko.

d)

Pagpapanatili ng kultura at tradisyon.

39.

Paano natutugunan ng glokalisasyon ang suliranin ng bayan?

a)

Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

b)

Pag-aangkat ng mga produkto galing sa ibang bansa dahil mas matibay.

c)

Paghihikayat sa mga kakilala na tangkilikin ang mga produkto ng ibang bansa.

d)

Pag-eexport ng produktong mababa ang kalidad sa pandaigdigang mercado.

40.

Kung maglilikha ka ng produkto o serbisyo na tumutugon sa pangangailangan ng iyong pamayanan at alinsunod sa globalisasyon, alin dito ang iyong gagawin? Gagawa ako ng mga produktong ___________________.

a)

imported dahil mas mabili ang mga ito.

b)

eco-friendly gamit ang lokal na materyales.

c)

yari sa synthetic materials na maaaring makasira sa kalikasan.

d)

may mababang kalidad dahil mas makakamura ako sa mga materyales.