Font size
WorksheetsPost-Test in Filipino 8
Total questions: 60
Worksheet time: 3600secs
Bakit maituturing na mahalagang pangyayari sa akda ang mga pagsubok na nararanasan ni Florante at Aladin?
Bihira ang ganitong pangyayari
Pinasasabik nito ang mambabasa
Inaalis ang pagkainip sa binabasang akda
Nag-iiwan ito ng aral sa isipan ng mambabasa
Sa mga pagsubok na naranasan ni Florante, anong pangunahing kaisipan ang mahalaga rito?
Huwag pansinin ang mga problema dahil lilipas din ito
Lilipas ang mga pagsubok kaya panatilihing maging mapagpakumbaba
Kung may mga pagsubok na nararanasan, maging matalino sa pagdesisyon
May mga taong handang tumulong sa atin kapag tayo ay nakararanas ng mga suliranin
Kung babalikan mo ang kasaysayan ng ating bayan, sino o ano ang sinasagisag ni Florante?
Aliping pinarusahan
Pamahalaang maka-Pilipino
Pilipinong inalisan ng kalayaan
Dayuhan umaabuso sa kapangyarihan
Sa mga Pilipino, ano ang ipinapahiwatig ng pagkakatali ni Florante sa puno ng higera noong panahon na isinulat ang akdang ito?
Inalisan ng hanapbuhay
Ninakaw na kayamanan
Kawalang kalayaan
Tahimik na buhay
Bakit iniligtas ni Aladin ang kabataang Kristiyano kahit na ang kanilang mga lahi ay itinuturing na magkaaway?
Tinuruan siya ng kaniyang ama na maging matulungin
May gantimpala para sa sinumang magliligtas kay Florante
Dahil sa kanyang tungkulin na iligtas ang anak ng duke
Likas sa tao ang mangailangan ng tulong
Paano mo ilalarawan ang tono sa sumusunod?
Sa pagkalungayngay mata’y idinilat Himutok ang unang
bati sa liwanag Sinundan ng taghoy na kahabag-habag
“Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap?
Nababalisa
Nalulungkot
Nangangamba
Natatakot.
Kinalinga ni Aladin na isang Moro si Florante na isang Kristiyano. Ano ang mahihinuhang katangian ng akda sa bahaging ito?
Makatao
Makabansa
Maka-Diyos
Makakalikasan
Ipagpalagay na ikaw ay napadpad sa gubat at nasaksihan mo ang ginagawang pag-aasikaso ni Aladin kay Florante, ano ang dapat mong maging saloobin?
Mapapahanga kay Florante dahil tinatanggap niya ang tulong mula sa iba
Malulungkot dahil ang gumagawa ng pagtulong ay yaong dapat na kauri
Magtataka dahil hindi naman talaga ito nangyayari sa tunay na buhay
Masaya dahil kahit na magkaiba ng pananampalataya ay tumutulong
Ano ang sinisimbolo ni Aladin?
Mapagmahal sa kalikasan
Masipag sa mga gawain
Taong matulungin
Yaman ng bayan
Sa music video ng kantang May Bukas Pa ni Rico J. Puno, alin sa sumusunod na damdamin ang dapat mong maibahagi na may temang katulad din sa akda?
Bahagi ng kantang “May Bukas Pa”
Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw
Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas
I .Mapangarapin pa rin sa kabila ng mga kahirapang pinansiyal sa buhay.
II.Masayahing puso kahit pinagtaksilan ng mga kinikilalang mahal sa buhay.
III.Matatag na kalooban dahil tulad ng mga tauhan sa akda, may pagsubok din tayo.
IV.Puso na may pag-asa kahit namatayan na ng mahal sa buhay.
I, II at IV
I, II at III
II, III at IV
I, III, IV
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa Atenas na pinagpadalhan kay Florante?
Nakapagpamulat sa isipan ni Florante
Mayroong mahihinhin na tao
Nakalulungkot ang paligid
Puno ng karangalan
Kung ipababasa sa iyo ng guro ang kasunod na saknong, paano mo ito bibigkasin?
“Kaya’t nang isabog sa sansinukuban ang
doradong buhok na masayang Araw,
nagbangong hinaho’t pinasalamatansa
langit ang bagong lakas na katawan.
Malungkot
Masaya
May pagtataka
May takot
Nalantad din ang tunay na ugali ni Adollfo. Kung ikaw ang biktima ng maling gawa niya, paano mo siya itatama? Ibigay ang wastong pagkakasunod ng dapat na gawin.
I. Pagsabihan siya na nakasasakit ang kaniyang ginagawa.
Ipabatid ang magiging epekto rin nito sa kaniyang sarili at maging sa mga mahal niya sa buhay.
Tanggapin siya at bigyan ng pagkakataong magbago.
II. Ipabatid ang magiging epekto rin nito sa kaniyang sarili at maging sa mga mahal niya sa buhay.
Tanggapin siya at bigyan ng pagkakataong magbago. Ipaalam sa kaniya ang mga mali niyang ginagawa.
Pagsabihan siya na nakasasakit ang kaniyang ginagawa.
III.Pagsabihan siya na nakasasakit ang kaniyang ginagawa.
Ipabatid ang magiging epekto rin nito sa kaniyang sarili at maging sa mga mahal niya sa buhay.
Tanggapin siya at bigyan ng pagkakataong magbago. Pagsabihan siya na nakasasakit ang kaniyang ginagawa.
IV.Tanggapin siya at bigyan ng pagkakataong magbago. Pagsabihan siya na nakasasakit ang kaniyang ginagawa.
Ipabatid ang magiging epekto rin nito sa kaniyang sarili at maging sa mga mahal niya sa buhay.
Ipaalam sa kaniya ang mga mali niyang ginagawa.
I
II
III
IV
"Bihirang balita’y magtapat, kung magkatotoo ma’y marami ang dagdag.” Ano ang kahulugan nito?
Kapag bihira kang magkuwento, nadadagdagan mo na ito sa simula hanggang dulo
Marami nang nababago sa tunay na nangyari kapag ito ay naikuwento na sa iba.
Nadadagdagan ang sinasabi ng nagkukuwento kapag nakaririnig ng balita
Tapat ang isang taong bihirang magkuwento ng mga pangyayari
Ano ang ginamit na estilo ng awtor sa pagsasalaysay ng awit?
Balik-tanaw
Kumbensiyonal
Linyar o tuloy-tuloy.
Sirkular o paikot-ikot.
Sino ang pangunahing tauhan ng Alamat ng Bembaran at ang kaniyang katangian?
Bantugan/ malakas
Rogongan/ masipag
Memongan/ mabuting lider
Diwatandaw Gibon/ mahal ang kanyang bansa
Ano ang hakbang sa pananaliksik na nakatuon sa pagwawasto ng nakasulat na nilalaman ng pananaliksik?
Pinal na balangkas
Paglalahad ng layunin
Pagsusulat ng pinal na pananaliksik
Pagwasto at pagrebisa ng burador
Anong damdamin ang namamayani sa tauhan sa kasunod na saknong?
“Ang pusong matibay ng himalang dikit,
nahambal sa aking malumbay na hibik
dangan ang kaniyang katutubong bait ay
humadlang disin sinta ko’y nabihis.”
Malungkot
Nababagabag
Masaya
Nagagalit
Alin sa sumusunod na saknong ang nagpapakita ng motibo ng tauhan?
“Ako’y walang sagot na naipahayag kundi Haring poo’t nagdapa sa yapak
nang aking hahagkan ang mahal na bakas kusang itinindig at muling niyakap.”
“Patotohanan mong hindi iba’t ikaw
ang napangarap kong gererong matapang na maglalathala sa sansinukuban
ng kapurihan ko at kapangyarihan.”
“Siyang pamimitak at kusang nagsabog ng ningning ang talang kaagaw ni Venus anaki’y bagong umahon sa bubog
buhok ay naglugay sa perlas na batok.”
“Tuwang pangalawa kung hindi man langit ang itinatapon ng mahinhing titig
O,ang luwalhating buko ng ninibig pain ni kupidong walang makarakip.”
Saan nagmula ang salitang Epiko?
Ito ay nagmula sa pangalang KUR
Ito ay nagmula sa salitang Epikus.
Mula sa salitang Ingles na Epic
Mula sa salitang Griyego na 'epos'.
"At ang pagkamatay ng ina kong pili,malaon nang lanta’y nanariwang muli.” Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Malambot
Patay
Sariwa
Sira
Saan maihahalintulad ang mga pangyayari sa akda sa nangyayari sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan?
Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
Pagiging magkaribal ng mag-ina sa pag-ibig
Kawalan ng pag-asa ng mga namumuno
Ningas kugon na umiiral sa bawat isa
Alin sa mga sumusunod na islogan ang angkop sa aralin patungkol sa pagpapalaki ng anak?
Batang sinusunod lagi ang gusto, kaginhawahan ang matatamo
Huwag palakihin ang bata sa palo, titigas ang ulo.
Ang batang pinalaki sa luho ay hindi matututo
Maging matalino upang hindi maloko
Ano ang katangian ni Tuwaang?
Malakas at matapang na tao
Tumutulong at nagmamahal sa iba.
Masunurin at maaasahan sa lahat ng oras
May kapangyarihan at kayang gawin ang imposible
Alin sa mga pahayag na makikita sa ibaba ang nagpapakita ng pagbibigay- katuturan o depinisyon?
Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na pasilidad ng kalusugan para sa karagdagang impormasyon.
Ang Coronavirus ay kadalasan nakukuha sa malapitang pakikisalamuha sa taong mayroon nito
May ilang Coronavirus na maaaring maipasa ng tao sa tao ( human- to- human transmission )
Ang Coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng MERS at SARS
Alin sa mga talata sa ibaba ang nagpapakita ng pagtutulad?
Hindi natin maiiwasan ang mabagot , malungkot at mag-alala dahil sa nararanasan nating pandemya ngayon
Ang komunikasyon ay isang pagpapalit ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo
Naging masaya ang buhay ni Marcela mula nang makilala niya ang kanyang ama.Tulad ng isang batang naghahangad na magkaroon ng bagong laruan
Wika ang nagbibigkis sa ating pagkakaisa. Ito ay naging daan upang maipahayag ang ating damdamin, sandata sa pagpapahiwatig sa ating kakayahan at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Ano sa mga talata sa ibaba ang nagpapakita ng teknik na pagsusuri?
Dahil sa modernong panahon, ang mga kabataan ay mas lalong nagiging malikhain dahil sa kahiligan nilang manggalugad sa bagong teknolohiya o gadget ngayon
Ang gamot ay sustansya kaiba sa idinulot na pagkain na nakapagbabago sa gawain ng katawan o isipan. Ito ay maaaring galing sa mga halaman o pinaghalong produkto na ginawa ng mga eksperto
Hindi hadlang ang kahirapan kung may pagtitiis at determinasyon sa pagkamit sa mga hangarin o pangarap sa buhay. Maraming pagsubok ang haharapin , mayaman man o mahirap. Marapat lamang na manalig ka sa Diyos na siyang lumikha sa lahat ng tao.
Sagana sa likas na yaman ang bansang Pilipinas: Luzon, Visayas at Mindanao. Kayumanggi ang balat ng mga naninirahan dito. Maraming magagandang dilag at matitikas na binata. Namumuhay nang simple at taglay ay talento at kakayahan
Ano ang hakbang sa pananaliksik na kung saan ang mga datos at mga materyales ay kumpleto.
Balangkas
Pagsulat ng burador
Pangangalap ng tala
Pagwawasto at Pagrebisa
Sa alamat ng 'Ang Unang Hari ng Bembaran,' ano ang mahalagang payo na sinabi ng hari sa kanyang anak tungkol sa pag-aasawa?
Magpakita ng katatagan sa pamumuno
Magtiis habang kayo ay magkasama.
Ipaglaban ang iyong karapatan kung tama ito
Sundan ang iyong asawa at pangalagaan ang kaniyang kalusugan.
Ano ang hinabilin ng hari sa kanyang dalawang anak tungkol sa pamumuno ng kanilang bayan?
Magpakita ng katatagan sa pamumuno.
Maging mabuting pinuno sa kanyang nasasakupang bayan
Ayusin ang anumang alitan sa iyong nasasakupang bayan
Huwag kayong kakampi sa anomang panig upang ang pagpapasya ay maging karapat-dapat
Ano ang katumbas ng salitang asawa sa Eupemistikong Pahayag?
Kaagapay sa hirap
Kabiyak ng dibdib
Kabiyak ng mukha
Katuwang sa buhay
Paano mo isusulat nang pinakaimpormal ang salitang: Pare, legit ito?
2ll, leg8?
Pre, for real?
Pards, talaga?
Repa, truelalu?
Sikat na sikat ang linyang “Sana oil!” sa mga millenial. Ano ang nais ipakahulugan nito?
Umaasang ang lahat ay may hinahangaan
Nagnanais na makahanap ng isang bagay
Humihiling na sana ang lahat ay may kaibigan
Naghahangad na magkaroon ng lahat ng bagay
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng programang telebisyon?
Nagbibigay-serbisyo sa masa
Nagbibigay ng totoong kalagayan ng mga tao sa isang lugar
Nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng tao
Nagbibigay ng angkop na ekspresyon sa bawat sitwasyong kinakaharap ng mga Pilipino
Alin sa mga salita sa ibaba ang kasalungat ng mangmang?
Mabuti
Madugo
Masinop
Matalino
Anong mga impormal na salita ang ginagamit kung nais sabihin ng kabataan ang “malungkot na lalaki/babae”?
bessywap
cry baby
lodicakes
sadboi/g
Alin sa mga hudyat ng Sanhi at Bunga ang angkop sa pangungusap? Hindi nahuhuli sa klase si Ana, ____________ maagang-maaga siyang gumigising.
dahilan
sapagkat
bunga nito
sa ganitong dahilan
Ano ang angkop na sanhi at bunga ng sitwasyon sa ibaba? Sa pandemyang Covid -19 mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang paglabas ng bahay ngunit si Aling Nena ay lumabas pa rin kahit na walang quarantine pass _____.
Sapagkat nahawaan siya
Kaya siya nahawaan siya ng sakit
Dahil nahawaan siya ng sakit
sa gayon nahawaan siya ng sakit
Bakit ang mga mangingisda ay kailangan pang pumalaot para makahuli ng mga isda?
Mas maraming isda ang makukuha sa laot
Masarap mangisda kapag maraming nahuhuli
Malaki ang kita kapag maraming nahuhuling isda
Dahil kakaunti na lamang ang nahuhuling mga isda
Anong hakbang sa pananaliksik ang binibigyang pansin ang pagsasatama ng mga naisulat na nilalaman ng pananaliksik?
Pinal na balangkas
Paglalahad ng layunin
Pagsusulat ng pinal na pananaliksik
Pagwasto at Pagrebisa ng burador
Alin sa mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ang nagpapakita ng mga dahilan kung bakit nais na isagawa ang pananaliksik?
Paglalahad ng layunin
Pagsulat ng burador o rough draft
Pagwasto at pagrebisa ng burador
Paghahanda ng tentatibong balangkas
Ekonomiya ang pangunahing aspekto kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang Filipino.Ito ang sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang responde. Sumunod ang pag-aaral na may 22 respondente o 44% nang kabuoang responde. Sa huli ay lipunan na may 5 responde o 10 % nang kabuoang responde.
Sino ang tinutukoy na respondente?
Taong nananaliksik
Mag-aaral ng pananaliksik
Tumutugon sa pananaliksik
Tumutulong sa pananaliksik
Ekonomiya ang pangunahing aspekto kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang Filipino.Ito ang sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang responde. Sumunod ang pag-aaral na may 22 respondente o 44% nang kabuoang responde. Sa huli ay lipunan na may 5 responde o 10 % nang kabuoang responde.
Sa pag-aayos ng mga datos, paano isagawa ang pananaliksik?
Mag-interbyu ng mga saksi sa gagawing pananaliksik
Nangangailangan din ng estatistika o hypotesis na patutunayan ng mga pag-aaral
Tuwirang interbyu sa mga taong malaki ang naiaambag sa ikahuhusay
isinasagawang pananaliksik
Dapat na makabuo nang ideya ang mananaliksik kung saan at paano makapangangalap ng mga datos.
Ekonomiya ang pangunahing aspekto kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang Filipino.Ito ang sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang responde. Sumunod ang pag-aaral na may 22 respondente o 44% nang kabuoang responde. Sa huli ay lipunan na may 5 responde o 10 % nang kabuoang responde.
Alin ang nangungunang aspeto na naging epektibo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?
Lipunan
Pag-aaral
Ekonomiya
Pag-aaral at ekonomiya
Ekonomiya ang pangunahing aspekto kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang Filipino.Ito ang sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang responde. Sumunod ang pag-aaral na may 22 respondente o 44% nang kabuoang responde. Sa huli ay lipunan na may 5 responde o 10 % nang kabuoang responde.
Ayon sa pag-aaral, bakit hindi nahihilig ang mga mag-aaral na pahalagahan ang mga pampanitikang akda sa Filipino?
Malalalim na mga salita
Mahina ang boses ng guro
Mahahaba ang mga babasahin
Pamamaraang ginagamit ng guro
Paano naging anyways ang salitang “N e wazeee”?
may kamukhang mga letra
nakikisabay lamang sa uso
sa kaartehan ng sumusulat
magkatunog kung bibigkasin
Anong uri ng impormal na komunikasyon kung ikaw ay sasabihan ng isang online gamer na: “Awit naman talaga sa iyo. Awitized”?
balbal
banyaga
di-pormal
kolokyal
“Sumulat na sa‘kin si Richard. Sabi, ayaw n’yang mag-hotel o umupa ng bahay o apartment nang solo…” wika ni Mr. Dela Cruz. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
makatipid sa gastos
upang baguhin ang kanyang buhay na kanyang kinalakhan
interesadong malaman niya ang buhay at kultura ng mga Pilipino
malapit sa isa’t isa si Richard at ang nagsasalita sa pangungusap
Paano nakatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo?
Nakapagbibigay ng aliw sa tagapakinig
Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista
Natatalakay ang mahahalagang isyung nagaganap sa isang bansa
Nabibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad
Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
Naku! Delikado naman pala iyan!
Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon
Kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit nakapikit
Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Freedom of Information (FOI)Bill, bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno
Alin sa sumusunod ang nagpapakilala ng konsepto ng pananaw?
sabi nga
talaga nga
naman pala
sang-ayon sa
Sa pangangalap ng datos sa pananaliksik, alin sa sumusunod ang unang dapat gawin?
Mangolekta ng mga datos sa iba’t ibang lugar
Alamin ang paksang gagawan ng pananaliksik
Bumuo ng balangkas sa pagkakasunod-sunod
Iayos ang nakolekta nang ayon sa binuong balangkas
Paano nakaiimpluwensya sa publiko ang komentaryo ng mga broadcaster sa maiinit na isyung pinag-uusapan?
Nahihikayat ang bawat isa na maging kapanalig sa lahat ng paniniwala ng
broadcaster
Nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magpahayag ng sariling saloobin
Nahihikayat ang tagapakinig na pumanig sa taong nagbibigay ng komentaryo
Nabibigyang-linaw ang mga ideya ng tagapakinig sa isyung pinag-uusapan
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pagkunan ng datos sa pananaliksik kaugnay sa vlog ng kabataan?
YouTube
Paano nagiging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista sa radyo?
Tutok sa social media ang mga komentarista
Nanonood sa telebisyon araw-araw upang makabalita
Nangangalap ng sarbey upang makakuha ng mga datos
Nagsasaliksik ng wastong impormasyon sa mga napapanahong isyu
Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryon panradyo?
Makinig sa isang halimbawa ng komentaryong panradyo
Magsaliksik ukol sa mahuhusay na komentarista sa radyo
Tumungo sa malapit na istasyon ng radyo at magsagawa ng panayam
Magkaroon nang malinaw na proposisyon kaugnay ng isyung tatalakayin
Mahalaga pa ba ang pahayagan sa modernong panahon?
Hindi na dahil mas gusto na ng mga tao ang napanonood at napakikinggan kaysa binabasa
Depende sa tao kung ano ang kanyang libangan- ang pagbabasa ba , panonood o pakikinig
Oo dahil hindi naman lahat ng balita ay mapanonood sa telebisyon o mapakikinggan sa radyo
Oo dahil ito ang nakasanayang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga ang pagbabasa ng isang pahayagan?
Napakahalaga upang magkaroon ng pambansang kamalayan sa kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa
Sobrang halaga upang makasagot lagi sa mga katanungan ng guro sa bawat paksa ng talakayan
Pinakamahalaga ang impormasyong makukuha sa pahayagan upang maging matalino
Mahalagang-mahalaga upang maging una sa mga kanagapan lalo na sa social media
Paano mapahahalagahan ng isang mag-aaral na katulad mo ang isang pahayagan?
Sasagutan ang mga crossword puzzle at palaisipan
Ibebenta ito sa kapwa mag-aaral upang mabasa nila
Palaging bibili ng mga diyaryo sa pamilihan upang may mabasa
Pananatilihin ang pagsubaybay sa lipunan sa pamamagitan ng pagbasa nito
Bakit mas marami pa ring nagbabasa ng tabloid kaysa sa broadsheet?
Marami ang hindi nakauunawa ng Ingles sa Pilipinas
Maraming mababasa tungkol sa artista, libangan at isports
Mura at kayang bilhin ng maraming pangkaraniwang mamamayan
Maraming nakaaaliw at makabuluhang babasahin ang makikita rito
