Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MOC TEST GRADE 4

Total questions: 47

Worksheet time: 47mins

Name
Class
Date
1.

Ang Pilipinas, bilang isang bansa ay_____.

a)

soberanyang tinatamasang mga mamamayan

b)

Pamahalaan, soberanya, teritoryoat mamamayan

c)

Malawak na teritoryo at matatapang na mamamayan

d)

Malayang mamamayan na tumutulong sa pamahalaan

2.

Ang kabuuang populasyon ng Pilipinas sa taong 2017 ay humigit-kumulang na 105.7 milyon katao. Anong sangkap ng bansa ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Pamahalaan

b)

Soberanya

c)

Teritoryo

d)

Tao

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI anyong lupa?

a)

burol, bundok, isla

b)

Ilog, dagat, karagatan

c)

Talampas, lambak, bulkan

d)

Bulubundukin, archipelago, kontinente

4.

Maraming yamang mineral na makikita sa Pilipinas ang magagamit sa industriya. Alin sa mga sumusunod na yamang-mineral ang di-metal?

a)

Bakal

b)

Ginto

c)

Langis

d)

Nickel

5.

Ano ang mabuting dulot ng pagiging arkipelago ng Pilipinas?

a)

Mahirapang kumunikasyon sa isa’tisa

b)

Walang pagkakaisa ang mga mamamayan

c)

Mabagal maipaabot ang tulong ng pamahalaan

d)

Maraming daungan, dalampasigan, at isda ng mahuhuli

6.

Ang Karagatang Pasipiko ay matatagpuan sa silangan, ang dagat Celebes at Sulu ay sa timog, ang Bashi channel ay sa hilaga, at West Philippine Sea ay sa kanluran. Anong paglalahat ang mabubuo sa pahayag?

a)

Ang Pilipinas ay may iba’t-ibang direksiyon

b)

Ang Pilipinas ay napapaligiran ng katubigan

c)

Ang Pilipinas ay mayaman sa yamang-dagat

d)

Ang Pilipinas ay maraming tubig-alat at tubig tabang

7.

Ano ang mainam gawin ng tao kung may malakas na bagyo sa lugar na mapanganib?

a)

Maligo sa ulan

b)

Manatili sa tahanan

c)

Lumikas sa ligtas na lugar

d)

Samahan ang mga kapitbahay

8.

Ano ang una mong gagawin kapag lumindol?

a)

Tatakbo palabas

b)

Sisigaw ng tulong

c)

Lalabas ng paaralan

d)

hahanap ng masisilungan

9.

Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa lokasyon ng Pilipinas sa daigdig?

a)

Hilagang Tsina

b)

Isang archipelago

c)

Silangan ng Pasipiko

d)

Timog-silangang Asya

10.

Ang islang Boracay sa Aklan ay isa sa pinakamagandang pook-pasyalan sa buong mundo. Ano ang kakaibang katangian nito na nagpapasaya sa mga turista?

a)

Mura ang bilihin sa loob ng isla

b)

Maraming katutubong nakatira sa isla

c)

Nagtataglay ito ng pinong buhangin na wala sa ibang pulo

d)

Madali itong mapuntahan ng mga dayuhang turista

11.

Bakit palay ang pangunahing pananim sa bansa?

a)

Nabubuhay ito kahit hindi matubig

b)

Akma ang klima ng bansa

c)

Madali itong tumubo sa tuyong lugar

d)

Paborito itong itanim ng mga magsasaka

12.

Ang mga hayop na marami sa Pilipinas ay kalabaw, unggoy, at kambing. Kumpara sa mga polar bear, Siberian husky, at merino sheep na nakatira sa mga bansa ng may malalamig na klima. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mga hayop saPilipinas?

a)

may mga sungay

b)

kulay kayumanggi

c)

maliliit ang katawan

d)

Maninipis na balahibo

13.

Paano bibigyang pugay ang pag-awit ng “Lupang Hinirang”?

a)

Ipagpapatuloy ko ang aking ginagawa

b)

Ilalagay ang aking kanang kamay sa dibdib at aawit.

c)

Aalis sa lugar ng mga nagsisi awit ng “Lupang Hinirang”.

d)

Tatayo sa tabi at titingnan ko ang mga mag-aaral na nagsisiawit.

14.

Maraming minahan ng ginto sa Baguio at Davao, tanso sa Surigao at Pangasinan, at chromite sa Misamis Oriental? Ipinakikita nito na maraming ____________

a)

Lalawigan sa bansa

b)

Magagandang pook sa bansa

c)

Kapakinabangan ng likas na yaman

d)

Mapagkukunan ng mineral sa Pilipinas

15.

Ang Clean and Green Project ay isang proyektong Barangay Luntian. Paano magiging epektibo ang kanilang programa?

a)

Magtulungan ang mga tao sa barangay

b)

Hikayatin ang ibang barangay na sumama

c)

Sumunod sa sinasabing punong-barangay

d)

Makipag-ugnayan sa mga matatanda sa barangay

16.

Mapangangalagaan ang ating yamang tubig kung ___________________.

a)

Itatapon ang basura sa tamang tapunan

b)

Magtatayong pabahay malapit sa mga dam

c)

Kukuhain ang mga tuyong kabibi pang hanapbuhay

d)

Maglalagay ng mga tagapagbantay malapit sa katubigan

17.

Ano ang masamang epekto ng industriyalisasyon sa kapaligiran?

a)

Paglaganap ng polusyon sa paligid

b)

Pagdaming populasyon sa lungsod

c)

Paglagong negosyong mangangalakal

d)

Paglaganap ng iba't-ibang sakit o epidemya

18.

Ang impluwensiyang mga Kastila ay mga lumang simbahan tulad ng Simbahan ng San Agustin sa Intramuros. Simbahan ng Sto Nino ng Cebu, at Simbahan ng San Sebastian sa Quiapo. Simbahan ang naging pamana ng mga Kastila dahil ____________.

a)

Madasalin ang mga Kastila

b)

Nagpalaganap sila ng Kristiyanismo

c)

Madaling makahikayat sa relihiyon

d)

Maraming nag-aaral na pari at madre noon

19.

Ang pangkat ng mga Muslim ay hindi nasakop ng mga Kastila at Amerikano sa panahon ng pananakop dahil ____________.

a)

Malayo ang lugar

b)

Malakas ang panalangin

c)

Malakas ang sandatang pandigma

d)

Buong tapang na lumaban sila sa mga mananakop

20.

Bakit mahalaga ang mga lumang istruktura ng Vigan sa mga Pilipino ngayon?

a)

Nalalaman natin ang estilong kabahayan noon

b)

Nagiging pasyalan itong mga turistang dayuhan at lokal

c)

Ang mga ito ay simbolong ating kultura at pagkakakilanlan

d)

Sentro itong kalakalan ng mga katutubo noong panahong iyon

21.

“Buhay ay langit sa piling mo, aming ligaya, napag may mang-aapi. Ang mamatay ng dahil sa’yo. Bakit ganito ang damdamin ng siping awit?

a)

Nagugutom ang mga tao

b)

May nagaganap na digmaan sa lugar

c)

Mahina ang mga mamamayan na lumaban

d)

May mga mananakop na umaalipin sa bayan

22.

Mayaman ang Pilipinas sa iba't-ibang anyong tubig. Ayon sa pahayag, alin sa sumusunod ang magiging produktong bansa?

a)

isda, perlas at palay

b)

Isda, perlas at kabibi

c)

Capiz shells, perlas at ginto

d)

Abaka, perlas na kwintas at kabibing pitaka

23.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nakakaapekto sa kulturang tao?

a)

edukasyon

b)

heograpiya

c)

kaunlaran

d)

pamilya

24.

Isang kaugalian ng mga Pilipino ang pamamanhikan. Kailangang magsagawa ng pamamanhikan bago ikasal upang ___________.

a)

Ipagdiwang ang kanilang unang pagkikita

b)

Pag-usapan ang disenyo at estilong kasal

c)

Ipakita ang katayuan sa buhay ng dalawang pamilya

d)

Pormal na hilingin ang basbas ng mga magulang ng babae

25.

Ang kultura ay tumutukoy sa __________.

a)

Paraan ng pamumuhay ng tao sa kanyang lugar

b)

Pagkakatulad ng katayuan sa lipunan ng mga tao

c)

Maunlad na pamumuhay ng tao sa kanyang lugar

d)

Sinaunang paniniwala ng mga tao sa kanyang lugar

26.

Ano ang epektong El Nino Phenomenon sa bansa?

a)

Matinding pagbaha

b)

Pagkalat ng malawakang epidemya

c)

Pagkamatay ng maraming mga isda

d)

Pagkamatay ng maraming mga pananim

27.

Si mang Tomas ay isang magsasaka sa Batangas. Nais niyang magkaroon ng makabagong kaalaman ukol sa pag-sasaka dahil ang kanyang pananim ay nasirang peste. Sa anong kagawaran siya maaaring dumulog huminging tulong?

a)

Kagawaran ng Agrikultura

b)

Kagawaran ng Edukasyon

c)

Kagawaran ng Katarungan

d)

Kagawaran ng Pananalapi

28.

Paano makapaglingkod bilang isang senador ang mga mamamayang Pilipino?

a)

Ihihirang siyang pangulo

b)

Iboboto siyang mamamayan

c)

Inaaprubahan itong korte suprema

d)

Itatalaga siyang pangalawang pangulo

29.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kwalipikasyon ng isang pangulo ng Pilipinas?

a)

Rehistradong botante

b)

Marunong bumasa at sumulat

c)

Sangkot sa isang krimen o anomalya

d)

Apatnapong taong gulang sa araw ng halalan

30.

Lumaganap ang Leptospirosis sa bansa dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar. Marami ang naapektuhang mamamayan dito. Anong kagawaran ang dapat magbigay ng edukasyon sa tao at magbigay lunas sa mga may sakit?

a)

Kagawaran ng Agrikultura

b)

Kagawaran ng Edukasyon

c)

Kagawaran ng Kalusugan

d)

Kagawaran ng Pananalapi

31.

Alin sa mga sumusunod ang Gawain ng Sangay ng Tagapagbatas?

a)

Nagpapatupad itong batas para kapakanan ng mamamayan

b)

Sumusuri ito sa pambansang budget ng Sangay ng Tagapagpaganap

c)

Sumusupil ito sa anumang karahasan, pananalakay o panghihimagsik

d)

Nagbabalangkas itong pamamaraan ng pamamalakad at pamamahalang bansa

32.

Ano ang katangian taglay upang maging karapat-dapat na pinunong bayan?

a)

Mataas ang naabot ng pag-aaral

b)

Mayaman at may kapangyarihan

c)

Matatag, Matapat, at matulungin sa mamamayan

d)

Taglay ang magandang itsura at maayos na pangangatawan

33.

Ang mga sumusunod ay mga mahalagang papel na ginagampanan ng Pambansang Pamahalaan sa lipunan MALIBAN sa:

a)

Nagpapaunlad ng ekonomiyang bansa

b)

Nagpapanatiling kapayapaan at kaayusan ng pamayanan

c)

Nagsasaayos ng programa para sa pangangailangan ng tao

d)

Nagsusuporta sa ibang bansa na nasa salantang kalamidad

34.

Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ay isa sa mga ahensiyang nangangasiwa sa islang Boracay na ipinag-utos ng Dating Pangulong Duterte na ipasara dahil sa ___________.

a)

Overpopulated ang lugar

b)

Nagpapalinis ang mga opisyal

c)

Maraming illegal na Gawain

d)

Hindi maayos na sewerage system

35.

Sa sagisag ng Sangay ng Tagapagbatas ay may nakasulat na 'Law serves peace, let it be done'. Alin sa mga pahayag ang akma sa taga?

a)

Ang batas ay hindi nasusunod ng iilan

b)

Ang mga sumusunod sa batas ay may kapayapaan

c)

Maglilingkod ang batas sa mamamayan

d)

Sumusunod sa batas para sa maayos na lipunan

36.

Isang out-of-school youth ang iyong kuya dahil sa kakulangan ng salaping pang-aral ng inyong magulang. Paano matutulungan ang kuya mo kung nais niyang mag-aral muli?

a)

Magsasabi kayo sa dating kamag-aral

b)

Magtatanong kayo sa school principal

c)

Gagawa kayo ng sulat sa Kagawaran ng Edukasyon

d)

Magrerehistro kayo sa Alternative Learning System (ALS)

37.

Ang sumusunod ay layunin ng Complete Treatment Pack ng Department of Health (DOH) ay:

a)

Mabigyan ng lunas ang mga karamdaman

b)

Magbahagi sa publiko ng mgal ibreng gamot at bakuna

c)

Mapataas ang singil sa mga pampublikong ospital

d)

Magtatalaga ng mga doctor, nars at komadrona sa malalayong lugar

38.

Paano na katutulong ang mga flyovers na ginawang Department of Public Works and Highways (DPWH) salungsod?

a)

Maiibsan ang trapiko

b)

Maipapakita ang proyektong mga bansa

c)

Magiging kaaya-aya sa mga turista ang lungsod

d)

Masasalamin ang kaunlaran ng bansa

39.

Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ang paskil na“ No Trespassing” sa isang lugar?

a)

huwag pumasok sa lugar

b)

huwag magnakaw sa loob

c)

huwag manira ng gamit sa loob

d)

huwag mag-ingay sa nasabing lugar

40.

Aling katangian ang dapat taglayin ng isang dayuhan upang maging mamamayang Pilipino?

a)

Naninirahan sa Pilipinas

b)

Matatas magsalita wikang ng Filipino

c)

Mataas ang katayuan sa buhay

d)

Kinilala ang saligang batas ng bansa

41.

Sa Pilipinas ang pinakamarami ay kasaping Simbahang Katoliko pumapangalawa ang Islam at ang pangatlo ay Evangelical Church. Anong karapatang panlipunan ito na tinatamasa ng mga Pilipino?

a)

Karapatang maglakbay

b)

Karapatang pumili ng relihiyon

c)

Karapatang pumili ng hanapbuhay

d)

Karapatang magpahayag ng opinyon

42.

Alin sa mga sitwasyon ang nag-uugnay nang tama sa paggalang sa karapatan ng iba?

a)

Magkukwento sa mga kapitbahay

b)

Ipapasyal ang mga alagang hayop sa labas ng bahay

c)

Pupuntahan ang kapitbahay upang pagsabihan na maglinis

d)

Hindi gagawa ng ingay kung ang kapitbahay ay natutulog na

43.

Alin sa mga tungkulin ang kaugnay sa karapatang magsalita at maglimbag?

a)

Isulat ang talambuhay ng bayani

b)

Isulat ang balitang sakto at tama

c)

Magsalita ng hindi nakakasakit ng kapwa

d)

Ipahayag ang damdamin ng malaya sa social media

44.

Mahilig maglakbay si Gina sa ibat-ibang lugar. Anong karapatana ng kanyang tinatamasa?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Politikal

c)

Karapatanng Nasasakdal

d)

Karapatang Pangkabuhayan

45.

Isa ang barangay Itogon sa Benguet ang nasalanta ng bagyo at landslide. Maraming tao ang nasiraan ng bahay, mga ari-arian, at binawian ng buhay. Bakit nagkakaroon ng ganitong sakuna?

a)

Hindi nakapaghanda ang mga tao sa bagyong dumaan

b)

Hindi naniniwala ang mga tao na mapinsala ang bagyo

c)

Walang anunsiyo ang pamhalaan na may bagyong darating

d)

Patuloy ang pagkasira ng kabundukan dahil sa quarrying at mining.

46.

Ang paghihiwalay ng basura na nabubulok sa di-nabubulok ay proyektong barangay para sa pangangalaga ng kalikasan. Paano magiging matagumpay ang proyekto?

a)

Ipagmamalaki sa social media ang proyektong barangay

b)

Uumpisahan ko sa aking sarili na gawin sa bahay at paaralan

c)

Maghihikayat ako ng ibang barangay na gayahin ang proyekto

d)

Hihikayatin ko ang aking pamilya at kakilala na gawin ang proyekto

47.

Ang Lungsod ng Maynila ay may ordinansa na “ asomo, italimo.”Kailangang sundin ang ordinansang ito dahil_____ .

a)

Mabebenta ang iyong aso sa iba

b)

Mamamatay ang iyong aso sa kalsada

c)

Magpapahamak ang aso ng ibang tao

d)

Maaaring manakaw ang iyong alagang aso