Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FINALS MAKRONG KASANAYAN

Total questions: 40

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Sa isang seminar, hindi maintindihan ng mga mag-aaral ang tagapagsalita dahil sa maingay na bentilador sa silid. Alin sa mga suliranin sa pakikinig ang direktang naapektuhan?

a)

Mensahe

b)

Tagapagsalita

c)

Tagapakinig

d)

Kalagayang Pisikal

2.

Pinapanood ni Liza ang isang patalastas at napansin niyang paulit-ulit ang paggamit ng mga salitang gaya ng "pinaka", "nangunguna", at "100% garantisado". Anong uri ng pakikinig ang dapat gamitin upang masuri ang diskurso?

a)

Komprehensiv

b)

Kritikal

c)

Mapagpahalaga

d)

Tahimik

3.

Bilang isang guro sa Filipino, paano mo matutulungan ang mga mag-aaral sa sekundarya na malampasan ang kakulangan sa kaalamang sosyo-kultural sa pakikinig ng dokumentaryo sa isang rehiyonal na wika?

a)

Ipatala ang dokumentaryo

b)

Ibigay muna ang background bago ito pakinggan

c)

Pagsalitain ang mga mag-aaral sa kanilang wika

d)

Hayaan silang mag-interbyu

4.

Napansin ng isang guro na hirap sa pakikinig ang kanyang klase dahil mabilis magsalita ang tagapagsalita at gumagamit ng kolokyal na wika. Anong dapat niyang gawin upang mapadali ang komprehensyon?

a)

Itigil ang panayam

b)

Magpabasa na lang ng transcript

c)

Ipaulit ang mga bahagi at ipaliwanag ang di pamilyar na wika

d)

Pagtawanan ang tagapagsalita upang magaan ang loob

5.

Sa anong sitwasyon magiging epektibo ang pagkuha ng tala bilang estratehiya sa pakikinig?

a)

Sa pagbibigay ng pasalitang babala

b)

Sa panonood ng silent film

c)

Sa pakikinig ng detalyadong panayam

d)

Sa pangangalap ng tsismis

6.

Ang isang mag-aaral ay humuhugot ng mga palatandaan gaya ng tono ng boses at kilos ng tagapagsalita. Anong uri ng kasanayang pakikinig ang kanyang ginagamit?

a)

Komprehensiv

b)

Kritikal

c)

Mapagpahalaga

d)

Pagbibigay-pansin

7.

Sa isang gawain, pinagawa ang mga mag-aaral ng simbolikong representasyon ng narinig nilang kwento. Aling istratehiya sa komprehensiv na pakikinig ang ginamit?

a)

Pagkakategorya

b)

Paglikha ng Imahe

c)

Pagkuha ng tala

d)

Pagtatanong

8.

Ang isang mag-aaral ay nakinig sa isang patalastas at sinuri kung ito'y may mapanlinlang na nilalaman. Anong pakikinig ang isinasagawa?

a)

Komprehensiv

b)

Kritikal

c)

Panlibang

d)

Pasibo

9.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tinawag bigla si Mico para magsalita sa harap ng klase. Wala siyang dalang tala ngunit nagawang maglahad batay sa kanyang alam. Anong uri ito ng pagsasalita?

a)

Ekstemporenyus

b)

Memoryado

c)

Impromptu

d)

Pagbasa ng papel

10.

Sa isang interbyu sa trabaho, napansin na monotone at walang eye contact ang aplikante. Ano ang mali sa kanyang pagsasalita?

a)

Sobrang emosyon

b)

Hindi binigyang diin ang mensahe

c)

Ginamit ang di angkop na wika

d)

Nakatuon lang sa binabasang papel

11.

Sa klase, binigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na magsalita ng opinyon sa isang isyung panlipunan. Anong layunin ng pagsasalita ang nalilinang dito?

a)

Personal

b)

Impormal

c)

Panghikayat

d)

Teknikal

12.

Isang estudyante ang nagpakitang may malakas na tinig, malinaw na mensahe at sinserong pakikipag-ugnayan sa awdyens. Alin sa mga salik ng epektibong pagsasalita ang nakamit niya?

a)

Koherens

b)

Kaayusan at sinseridad

c)

Tinig at diksyon lamang

d)

Estetikong gawi

13.

Sa isang graduation speech, nagsalita si Lianne ng buong talumpati mula sa kanyang memorya ngunit nabitin siya nang makalimot ng isang linya. Anong uri ng pa

4 lines
14.

Sa isang graduation speech, nagsalita si Lianne ng buong talumpati mula sa kanyang memorya ngunit nabitin siya nang makalimot ng isang linya. Anong uri ng pagsasalita ito?

a)

Impromptu

b)

Pagbasa ng papel

c)

Memoryado

d)

Ekstemporenyus

15.

Paano makatutulong ang prewriting o brainstorming sa pagpapabuti ng pagsasalita?

a)

Upang mapaganda ang suot

b)

Upang malinawan ang kabuuang istruktura ng talumpati

c)

Upang maikli ang sasabihin

d)

Upang maalis ang kaba

16.

Sa isang debate, ginamit ng estudyante ang mga konkretong ebidensya sa kanyang argumento. Anong kasanayan ang kanyang pinatotohanan?

a)

Personal na wika

b)

Mapagpalibang diskurso

c)

Lohikal na pangangatwiran

d)

Teknikal na pagsulat

17.

Kapag ang isang tagapagsalita ay tuwirang tumitingin sa mga mata ng kanyang tagapakinig, ano ang kanyang ipinahihiwatig?

a)

Takot

b)

Pagtatanim ng loob

c)

Kawalang-alam

d)

Sinseridad at koneksyon

18.

Binigyan ng guro ang mga mag-aaral ng sanaysay tungkol sa climate change. Pinatukoy niya ang pangunahing ideya at sinusuportahang detalye. Anong antas ng pag-unawa sa pagbasa ang isinasaalang-alang?

a)

Interpretasyon

b)

Aplikasyon

c)

Pang-unawang Literal

d)

Pagpapahalaga

19.

Sa pagbabasa ng isang editorial, nabuo ni Trina ang kanyang sariling palagay batay sa kontekstong inilahad ng awtor. Anong dimensyon ng pagbasa ang kanyang naabot?

a)

Interpretasyon

b)

Mapanuring Pag-unawa

c)

Pagpapahalaga

d)

Literal

20.

Kung ang isang mag-aaral ay gumamit ng kanyang dating karanasan upang mas mapalalim ang pag-unawa sa isang binasa, anong teorya ng pagbasa ang kanyang ginamit?

a)

Bottom-Up

b)

Top-Down

c)

Interaktib

d)

Iskema

21.

Paano mo magagamit ang iskaning sa pag-aaral para sa exam?

a)

Pagbabasa ng buong aklat nang paulit-ulit

b)

Paghanap agad ng tiyak na impormasyon tulad ng petsa at termino

c)

Pagtatala ng mahahabang sipi

d)

Pagbasa ng maikling kwento nang tahimik

22.

Isang estudyante ang mabilis magbasa ngunit hindi maunawaan ang binasa. Ano ang maaari niyang paunlarin?

a)

Persepsyon

b)

Komprehensyon

c)

Reaksyon

d)

Asimilasyon

23.

Bakit mahalagang isaalang-alang ang kaayusan ng tindig at tamang bigkas sa malakas na pagbasa?

a)

Para makabighani ng awdyens

b)

Para makatanggap ng mataas na marka

c)

Para maging mas epektibo ang paghahatid ng mensahe

d)

Para hindi mapansin ang kahinaan sa pagbasa

24.

Sa pagbasa ng tula, isinasaalang-alang ni Lira ang simbolismo at damdaming nakapaloob sa bawat taludtod. Anong dimensyon ng pagbasa ito?

a)

Literal

b)

Interpretasyon

c)

Pagpapahalaga

d)

Reaksyon

25.

Anong proseso ng pagbasa ang nagsasangkot sa pagbibigay ng kahulugan sa mga simbolo at koneksyon ng ideya ng awtor at mambabasa?

a)

Persepsyon

b)

Asimilasyon

c)

Komprehensyon

d)

Reaksyon

26.

Bilang isang mamamahayag, kailangang magsulat si Reggie ng artikulo na nagpapahayag ng saloobin ukol sa isyung pambansa. Anong uri ng sulatin ito?

a)

Malikhaing sulatin

b)

Transaksyunal na sulatin

c)

Personal na sulatin

d)

Pormal na liham

27.

Si Mia ay nagsulat ng sanaysay na layuning mahikayat ang mambabasa na tanggihan ang paggamit ng plastik. Anong anyo ng pagpapahayag ito?

a)

Ekposisyon

b)

Panghihikayat

c)

Pasalaysay

d)

Palarawan

28.

Anong anyo ng pagpapahayag ito?

a)

Ekposisyon

b)

Panghihikayat

c)

Pasalaysay

d)

Palarawan

29.

Bakit mahalaga ang kaisahan sa isang akdang isinusulat?

a)

Para magmukhang mas mahaba ang teksto

b)

Para madaling maedit ang akda

c)

Para hindi malito ang mambabasa sa layunin

d)

Para makabuo ng malikhaing kwento

30.

Ang isang mag-aaral ay sumailalim sa peer-editing at pinayuhang ayusin ang pagkakasunod-sunod ng kanyang ideya. Anong bahagi ng proseso ng pagsulat ito?

a)

Pre-writing

b)

Drafting

c)

Revising

d)

Publishing

31.

Sa pagsusulat ng buod, sinigurado ni Anton na tanging mahahalagang detalye lamang ang isinama. Aling pamantayan ang kanyang pinairal?

a)

Diin

b)

Kaisahan

c)

Kasapatan

d)

Kaliwanawan

32.

Nagplano si Rizza na gumawa ng talumpati. Naglista siya ng ideya at sumailalim sa brainstorming kasama ng kanyang grupo. Anong yugto ng pagsulat ito?

a)

Drafting

b)

Revising

c)

Pre-writing

d)

Editing

33.

Bakit masasabing ang pagsulat ay isang sistematikong proseso?

a)

Dahil nangangailangan ito ng magandang papel

b)

Dahil may tiyak na hakbang at lohikal na pag-unlad ng ideya

c)

Dahil may kasamang graphics at video

d)

Dahil isa itong makabagong sining

34.

Paano nagkakaiba ang malikhaing sulatin sa transaksyunal na sulatin?

a)

Ang malikhaing sulatin ay nakabatay sa datos

b)

Ang transaksyunal ay personal

c)

Ang malikhaing sulatin ay nagbibigay-pokus sa estetika ng wika

d)

Ang transaksyunal ay walang pormat

35.

Pinanood ng klase ang dokumentaryo ukol sa child labor at sila ay pinasulat ng reaksyong papel. Anong antas ng pag-unawa ang nalilinang dito?

a)

Literal

b)

Interpretatibo

c)

Internatibo

d)

Mapanuri

36.

Sa pag-uulat ni Jay, napansin ng guro na siya’y kumukopya lang sa nakita sa video at walang sariling interpretasyon. Anong uri siya ng manonood?

a)

Sleeper

b)

Bewildered

c)

Forward Watcher

d)

Eager Beaver

37.

Anong uri ng palabas ang layuning magpaliwanag ng konsepto gamit ang datos at paliwanag?

a)

Narrative

b)

Argumentative

c)

Expository

d)

Persuasive

38.

Pinanood mo ang isang pelikula at habang pinapanood ito’y sinusuri mo kung alin ang totoo at alin ang kathang-isip. Anong antas ng panonood ito?

a)

Literal

b)

Kritikal

c)

Interpretatibo

d)

Internatibo

39.

Anong uri ng panonood ang ginagamit kung ang tagapanood ay lubos na nakikilahok gamit ang isipan at damdamin?

a)

Kaswal

b)

Kritikal

c)

Deskriminatibo

d)

Komprehensibo

40.

Sa panonood ng isang bidyo ng campaign ad, napansin ng guro ang paggamit ng musika, kulay at simbolo upang makuha ang damdamin ng manonood. Ano ang pangunahing layunin ng bidyo?

a)

Argumentative

b)

Informative

c)

Sympathetic

d)

Narrative