Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 9

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing katangian ng nobela?

a)

Isang tulang may malalim na kahulugan

b)

Isang akdang pampanitikan na mahaba at may kabanata

c)

Isang talumpating pampulitika

d)

Isang sanaysay na may aral

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng nobela?

a)

Tauhan

b)

Banghay

c)

Koro

d)

Tagpuan

3.

Ang nobelang epistolar ay karaniwang isinusulat sa anyo ng:

a)

Tula

b)

Sanaysay

c)

Liham o talaarawan

d)

Dula

4.

Ano ang layunin ng nobelang makasaysayan?

a)

Magpatawa

b)

Ilarawan ang mga engkanto

c)

Ipakita ang kalagayang panlipunan sa nakaraan

d)

Gumawa ng kathang-isip na mundo

5.

Ang simbolismo sa nobela ay ginagamit upang:

a)

Magbigay ng pagod sa mambabasa

b)

Magbigay ng tuwirang pahayag

c)

Magpahiwatig ng mas malalim na kahulugan

d)

Magdagdag ng tauhan

6.

Sa nobelang 'Kung Mangarap Ka Nang Matagal,' ano ang simbolikong pahayag ni Kwang Meng tungkol sa trabaho?

a)

Ito ay isang gantimpala

b)

Isa itong pangarap

c)

Isa itong uri ng pagkaalipin

d)

Isa itong larong pambata

7.

Ano ang pangunahing layunin ng maikling kwento?

a)

Magpakilig

b)

Maglarawan ng isang tagpo lamang

c)

Maglahad ng isang mahalagang pangyayari

d)

Magbigay ng personal na opinion

8.

Ang simula ng maikling kwento ay karaniwang binubuo ng:

a)

Katapusan at Pagsusuri

b)

Tauhan, tagpuan, suliranin

c)

Tema at pananaw

d)

Simbolismo at banghay

9.

Ang kasukdulan ay tumutukoy sa:

a)

Panimulang tagpo

b)

Pagpapakilala ng tauhan

c)

Pinakamataas na bahagi ng kwento

d)

Pagtatapos ng kwento

10.

Ang paksang diwa sa maikling kwento ay tumutukoy sa:

a)

Lugar ng tagpo

b)

Damdaming naramdaman ng tauhan

c)

Pinakakaluluwa o sentral na tema

d)

Tuwirang pahayag ng may-akda

11.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa karagdagang sangkap ng maikling kwento?

a)

Estilo ng awtor

b)

Kaisipan

c)

Damdamin

d)

Koro

12.

Kapag sinabing 'ang baril ay sumisimbolo ng kapangyarihan,' ito ay halimbawa ng:

a)

Literal na kahulugan

b)

Banghay

c)

Konotasyon

d)

Tema

13.

Ano ang pang-ugnay?

a)

Salitang pandiwa

b)

Salitang nag-uugnay ng mga salita o parirala

c)

Salitang pantukoy

d)

Salitang inuulit

14.

Alin ang pang-ukol sa pangungusap: 'Ang sulat ay para sa guro.'

a)

ay

b)

para sa

c)

sulat

d)

guro

15.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pangatnig?

a)

ngunit

b)

dahil sa

c)

ng

d)

kaya

16.

sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pangatnig?

a)

ngunit

b)

dahil sa

c)

ng

d)

kaya

17.

Sa pangungusap na 'Malakas ang ulan kaya naantala ang klase,' ang salitang 'kaya' ay:

a)

Pang-angkop

b)

Pang-ukol

c)

Pangatnig - paninsay

d)

Pangatnig - pananhi

18.

Alin sa mga ito ang halimbawa ng pang-angkop?

a)

ng

b)

sa

c)

o

d)

at

19.

Ang 'kung, kapag, tila' ay halimbawa ng pangatnig na:

a)

Panimbang

b)

Panubali

c)

Panlinaw

d)

Panapos

20.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan?

a)

Sa tingin ko...

b)

Naniniwala ako...

c)

Ayon sa mga datos…

d)

Palagay ko…

21.

Kapag ang pahayag ay may suportang datos o ebidensya, ito ay:

a)

Opinyon lamang

b)

Alinlangan

c)

Katotohanan

d)

Hinuha

22.

'Marahil ay hindi niya sinasadya.' Ito ay halimbawa ng:

a)

Katotohanan

b)

Haka-haka

c)

Opinyon

d)

Balita

23.

Ang katangian ng katotohanan ay:

a)

Batay sa sariling damdamin

b)

Walang basehan

c)

Obhetibo at may ebidensya

d)

Lahat ay hula lamang

24.

Alin sa mga sumusunod ang ekspresyon ng opinyon?

a)

Batay sa datos...

b)

Napatunayan na…

c)

Sa aking palagay…

d)

Ayon sa ulat…

25.

Alin sa mga sumusunod ang denotibong kahulugan ng 'malakas na hangin'?

a)

Nagpapahayag ng galit

b)

Talagang malakas ang ihip ng hangin

c)

Isang babala sa away

d)

Senyales ng kaguluhan

26.

Kapag sinabi mong 'masakit sa mata ang kulay ng kanyang damit,' ito ay:

a)

Denotibo

b)

Konotibo

c)

Pantukoy

d)

Literal

27.

Ang konotatibong kahulugan ay:

a)

Tiyak at literal

b)

Gamit sa agham

c)

Di-tuwiran at malalim

d)

Pangmatematika

28.

Alin sa mga ito ang halimbawa ng konotasyon?

a)

Maliit ang bahay

b)

Mainit ang ulo

c)

Mabigat na kahon

d)

Maliwanag na ilaw

29.

Ang kahulugang denotibo ay:

a)

Batay sa damdamin

b)

Simbolikal

c)

Tuwirang kahulugan

d)

Palatandaan

30.

'Maitim ang ulap' na tumutukoy sa paparating na problema ay halimbawa ng:

a)

Denotibo

b)

Konotibo

c)

Pormal

d)

Tayutay