wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP6_Q1-Balik-Aral (Part 1)

Total questions: 25

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang nagtatag at tinaguriang “Ama ng Katipunan”?

a)

Andres Bonifacio     

b)

Apolinario Mabini      

c)

Emilio Aguinaldo      

d)

Jose Rizal

2.

Alin sa sumusunod na aklat ang sinulat ni Jose Rizal na gumising sa kamalayang makabansa ng mga Pilipino? 

a)

Noli Me Tangere

b)

Maria Clara at Ibarra

c)

Ibong Adarna

d)

Propaganda

3.

Ano ang pangyayaring HIGIT na nagpaigting sa galit ng mga Pilipino sa mga Kastila?

a)

Pagbabayad ng buwis

b)

Pag-aalsa sa Cavite 

c)

Pagbubukas ng Suez Canal

d)

Pagbitay sa tatlong paring martir

4.

Paano natin maipakikita ang damdaming nasyonalismo?

a)

Makipag-away sa mga Espanyol.

b)

Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis.

c)

Pakikiisa at pagtataguyod ng mga programa at proyekto ng pamahalaan

d)

Pagwewelga at pagsagawa ng demonstrasyon laban sa pamahalaan

5.

Bakit ipinatapon ng mga Espanyol sa Marianas Island si Melchora Aquino o si Tandang Sora?

a)

Dahil matanda na siya

b)

Dahil mayroon siyang trabaho doon

c)

Dahil naghatid siya ng mga impormasyon sa Kastila

d)

Dahil kinupkop at pinakain niya ang niya ang maraming katipunero sa kanilang tahanan

6.

Alin ang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?   

a)

Pagpasok ng kaisipang liberal

b)

Pagdating ng mga paring Espanyol

c)

Pag-aalsa laban sa mga Espanyol

d)

Pagdami ng mga peninsulares at insulares

7.

Paano ipinakita ng mga propagandista o repormista ang kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol?

a)

Sila ay gumamit ng malalakas na armas.

b)

Sila ay nakipagkaibigan sa mga Espanyol.   

c)

Sila ay nagsagawa ng mga welga, rali o demonstrasyon sa mga plaza.   

d)

Sila ay nagsulat ng mga babasahing kumakalaban sa pamahalaang Espanyol.

8.

Nais ng mga Propagandista na maipabatid sa bawat Pilipino ang tungkol sa kasamaan at kabulukan ng sistema ng pamamalakad ng pamahalaan ng mga Espanyol at mga prayle sa pamamagitan ng pagsulat at pagtalumpati. Anong katangian ang ipinakita ng mga propagandista?

a)

Pagmamahal sa sariling bansa

b)

Pagkamaalalahanin sa mga Espanyol

c)

Pakikipagtulungan sa mga Espanyol

d)

Pagmamahal sa pamahalaang Espanyol

9.

Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng mga 

    Pilipino? 

a)

Naging mabilis ang pagdami ng mananakop sa bansa

b)

Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang kaisipang liberal sa bansa

c)

Sila ay nagsagawa ng mga welga, rali o demonstrasyon sa mga plaza

d)

Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas na nakatulong upang madaling masakop ang ating bansa.

10.

Si Heneral Gregorio del Pilar ay isa sa mga pinakamagiting na bayani ng bansa. Sa murang edad, paano niya ipinagtanggol ang bayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga prayle   

b)

Sa pamamagitan ng pagpapasuko kay Hen. Lawton

c)

Sa pamamagitan ng pagsunog ng mga babasahing Kastila

d)

Sa pamamagitan ng pagprotekta sa pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo sa mga tumutugis na Amerikanong sundalo sa Tirad Pass   

11.

Ano ang dahilan ng pagpunit ni Bonifacio at ng iba pang mga katipunero sa kanilang Sedula?

a)

Ito ay luma na at dapat palitan na.

b)

Dito nakalagay ang kanilang mga pangalan

c)

Naglalaman ito ng mga listahan ng mga kalaban ng mga Katipunan

d)

Ito ay hudyat na sisimulan na nila ang pakikilaban sa mga Espanyol.

12.

Ano ang ginawa ng mga Pilipino upang labanan ang hindi mabuting pamamahala ng mga Kastila?

a)

Nagsawalang-kibo sila sa mga pangyayari

b)

Nakipagsabwatan sila sa mga pinunong Kastila

c)

Nagsagawa ng mga pag-aalsa laban sa mga Kastila

d)

Nagbabayad ng itinakdang buwis ang mga Pilipino sa mga Kastila

13.

Sapilitang ipinaturo ang wikang Espanyol sa mga paaralan ngunit tumanggi ang mga gurong prayle na gawin ito. Ano ang kanilang naging kadahilanan?

a)

Dahil mas gusto nila ang wikang Pilipino

b)

Dahil mahirap makaintindi ang mga Pilipino ng wikang Kastila.

c)

Dahil nagagalit ang mga Pilipino kapag tinuturuan sila ng wikang Espanyol.

d)

Dahil takot sila na matuto ang mga Pilipino ng kanilang wika at malalaman ang kanilang tunay na layunin.

14.

Sino ang kilala bilang “Lakambini ng Katipunan” at asawa ni Andres Bonifacio?

a)

Gregoria De Jesus

b)

Teresa Magbanua

c)

Gabriela Silang

d)

Trinidad Tecson

15.

Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa na isinagawa ng ating mga bayani?  

a)

Kawalan ng pagkakaisa

b)

Kawalan ng mahusay na pinuno

c)

Kakulangan sa mga armas

d)

Kakulangan ng mga sundalo

16.

Ano ang isa sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino na naganap noong  Setyembre 28, 1901?

a)

Mock Battle

b)

Balangiga Massacre

c)

Labanan sa Tirad Pass

d)

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at

17.

Sila ay mga kababaihang nagbuwis ng kanilang buhay sa pagkamit ng adhikain ng rebolusyon, MALIBAN sa ISA. Sino siya?

a)

Agueda Kahabagan

b)

Gregoria Montoya

c)

Teresa Magbanua

d)

Teodora Alonzo

18.

Sino ang kinikilalang lider ng mga Magdalo at inihalal na pinuno ng Republika ng Biak-na-Bato?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Jose Rizal

d)

Pedro Paterno

19.

Anong pangyayaring naganap sa lugar ng Silencio at Sociego sa Sta. Mesa noong Ika-4 ng Pebrero, 1899?

a)

Nahuli si Emilio Aguinaldo

b)

Pagtakas ni Emilio Aguinaldo

c)

Pinatay si Andres at Procopio Bonifacio

d)

Pinaputukan ng mga Amerikano ang mga sundalong Pilipino

20.

Bakit makasaysayan ang pagkatatatag ng Unang Republika ng Pilipinas? 

a)

Dahil dito na nakalaya sa Espanya

b)

Dahil ito ay laban sa mga Amerikano

c)

Dahil ito ang unang Republika sa Asya

d)

Dahil ito ang unang Republika sa buong mundo

21.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalayaan ng ating bansang Pilipinas?

a)

Paglimot sa araw ng pagpapahayag sa kalayaan ng ating bansa.

b)

Pakikilahok sa pamamagitan ng paggawa ng bandila ng Amerika.

c)

Pakikilahok sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.

d)

Pangungutya sa mga Pilipinong bayani na nakipaglaban para sa Kalayaan.

22.

Paano mailalarawan ang ginawa nina Gregorio Del Pilar at mga kasamang sundalo sa pakikipaglaban sa mga sundalong Amerikano?  

a)

Kawalan ng tiwala sa pakikipaglaban

b)

Kagitingan at pagmamahal sa bayan

c)

Walang pagkakaisa at pagiging makasarili

d)

Walang maayos na istratehiya sa pakikipaglaban

23.

Marami sa mga bayani natin ang gumamit ng mga alyas o sagisag-panulat tulad nina Rizal at  Del Pilar. Bakit gumamit ng alyas ang mga propagandista? 

a)

upang maipahatid ang hinihinging reporma

b)

upang hindi mailathala ang kanilang mga isinulat 

c)

upang higit na makilala sa larangan ng panitikan

d)

upang makaiwas sa pagpaparusa ng mga Espanyol

24.

Ang Dekretong Edukasyon ng 1863 ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na makapag- aral nang libre sa mga pampublikong paaralan hanggang sa kasalukuyan. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang iyong pag-aaral?

a)

Pumasok sa klase kahit tanghali na.

b)

Tumulong sa magulang sa pagtitinda sa palengke

c)

Gumawa ng takdang aralin bago makipaglaro sa mga kaibigan

d)

Dalhin ang tablet at gamitin sa klase habang nagtuturo ang guro

25.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagsasaad ng katotohanan?

a)

Si Melcora Aquino ang naging “Ina ng Katipunan”. 

b)

Si Trinidad Tecson ay tinaguriang “Ina ng Biak na Bato.”

c)

Si Josefa Llanes Escoda ay naging pangulo ng “Lupon ng Kababaihan.” 

d)

Si Gregoria de Jesus ang tagapangasiwa ng mga mahahalagang dokumento ng kilusan.