Font size
WorksheetsDignidad ng Tao - EsP 10
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
Kapag siya ay naging masamang tao.
Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
Wala sa nabanggit
Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala
Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?
Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama sa ibang tao.
Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
Maging tapat sa lahat ng ginagawa
Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad maliban sa isa?
Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo.
Ang mga sumusunod ay mga hakbangin tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan maliban sa isa?
Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
Pagtanggap sa sariling limitasyon.
Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
Pagsasabuhay ng panghabambuhayna paninindigan sa kabutihan.
Dahil sa dignidad, naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
Tama
Mali
Ang kapwa ay dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
Tama
Mali
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Tama
Mali
Lahat ng tao anuman ang katayuan ay nararapat na igalang.
Tama
Mali
Ang tao ang pinakabubukod tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Tama
Mali
Ang pinakamahalagang layunin ng lipunan ay ang pagpapanatili, pagpapaunlad at paglinang ng tao.
Tama
Mali
Punahin ang dumi ng ating kapwa bago punasan ang ating sariling dungis.
Tama
Mali
Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenting bahagi ng ating pakikipagkapwa-tao.
Tama
Mali
Kailangan ang tibay ng loob at tatag ng kalooban sa kabutihan.
Tama
Mali
Ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay hindi panghabambuhay na proseso.
Tama
Mali
