NEW
Font size
WorksheetsAP8 Unang Markahan Review
Total questions: 57
Worksheet time: 29mins
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na kahulugan ng heograpiya?
Pag-aaral ng kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan
Pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig at ugnayan nito sa tao
Pag-aaral ng kilos ng ekonomiya at kalakalan
Pag-aaral ng mga batas at pamahalaan
Ano ang tinutukoy ng topograpiya?
Pag-aaral ng pamamahala sa mga likas na yaman
Paglalarawan sa kabuuang klima ng isang bansa
aglalarawan sa hugis, taas, at anyo ng lupain sa isang lugar
Pagsusuri sa populasyon at demograpiya
Kapag ang Baguio ay kilala sa malamig na klima at Pine tree, anong tema ng heograpiya ito?
Lokasyon
Lugar
Rehiyon
Paggalaw
Ang pagtatanim ng palay sa mababang kapatagan ay halimbawa ng:
Paggalaw
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
Lugar
Rehiyon
Kapag ang teknolohiya mula ibang bansa ay ginagamit sa Pilipinas, ito ay anong tema ng heograpiya?
Lokasyon
Lugar
Rehiyon
Paggalaw
Kapag pinagsama-sama ang mga bansa sa Asya batay sa pagkakatulad ng kultura at klima, anong tema ng heograpiya ang inilalarawan?
Lokasyon
Lugar
Rehiyon
Paggalaw
Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng heograpiyang pisikal?
Anyong lupa at anyong tubig
Wika at relihiyon
Populasyon at migrasyon
Tradisyon at sining
Ang pag-aaral tungkol sa distribusyon ng populasyon at kanilang kultura ay bahagi ng:
Heograpiyang Pisikal
Heograpiyang Pantao
Topograpiya
Meteorolohiya
Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
Africa
Asya
Hilagang Amerika
Europa
Alin sa mga sumusunod na kontinente ang may pinakamaraming bansa?
Europa
Africa
Asya
Timog Amerika
Alin sa mga sumusunod ang pinakamaliit na kontinente sa lupaing nasasakupan?
Australia
Europa
Antarctica
Timog Amerika
Aling kontinente ang halos nababalutan ng yelo buong taon?
Hilagang Amerika
Europa
Antarctica
Asia
Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa pinakalabas na patong ng daigdig na kinapapalooban ng mga kontinente at karagatan?
Mantle
Crust
Core
Outer core
Alin sa mga sumusunod ang binubuo ng matunaw na bato o magma?
Inner core
Outer core
Mantle
Crust
Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan sa daigdig?
Indian Ocean
Pacific Ocean
Atlantic Ocean
Arctic Ocean
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pitong karagatan ng daigdig?
Pacific
Atlantic
Mediterranean
Indian
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang lugar?
Panahon
Klima
Temperatura
Humidity
Ang sonang pangklima na matatagpuan malapit sa ekwador, gaya ng sa Timog-Silangang Asya, Gitnang Africa, at Hilagang bahagi ng Timog Amerika, ay tinatawag na:
Tropikal
Temperate
Polar
Arid
Ang sonang pangklima na matatagpuan sa pagitan ng tropikal at polar zones, gaya ng sa Europa, Hilagang Amerika, at ilang bahagi ng Asya, na may apat na malinaw na panahon ay tinatawag na:
Tropikal
Temperate
Polar
Disyerto
Ang sonang pangklima na matatagpuan sa pinakamalalapit na lugar sa mga polo, gaya ng Antarctica at Arctic region, na may matinding lamig at yelo sa halos buong taon ay tinatawag na:
Tropikal
Temperate
Polar
Disyerto
Ayon sa Continental Drift Theory ni Alfred Wegener, ang mga kontinente noon ay dating magkakaugnay sa isang superkontinent na tinatawag na:
Gondwana
Pangaea
Laurasia
Panthalassa
Ayon sa Continental Drift Theory, paano gumalaw ang mga kontinente mula sa orihinal na posisyon nito?
Dahil sa pag-ikot ng mundo sa axis nito
Dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates sa ibabaw ng mantle
Dahil sa pagkakaroon ng mga lindol sa bawat kontinente
Dahil sa pagbabago ng klima sa buong mundo
Ano ang pangunahing ideya ng Plate Tectonics Theory?
Ang mundo ay may tatlong patong: crust, mantle, at core
Ang crust ng daigdig ay nahahati sa malalaking plato na gumagalaw sa ibabaw ng mantle
Ang mga kontinente ay palaging nasa parehong lokasyon
Ang mga bulkan ay matatagpuan lamang sa gitna ng mga kontinente
Sa Plate Tectonics Theory, ano ang tawag sa hangganan kung saan naghiwalay ang dalawang plate?
Convergent boundary
Divergent boundary
Transform boundary
Subduction zone
Sa Plate Tectonics Theory, ano ang karaniwang nabubuo sa convergent boundary kung saan nagtatagpo ang isang oceanic plate at isang continental plate?
Mid-ocean ridge
Rift valley
Bulkan at trench
Fault line
Ano ang tawag sa mga imahinaryong guhit na paikot mula silangan patungong kanluran at ginagamit upang masukat ang layo sa hilaga o timog ng ekwador?
Longitude
Latitude
Prime Meridian
International Date Line
Ano ang tawag sa imahinaryong guhit na naghahati sa mundo sa hilagang hemisphere at timog hemisphere?
Prime Meridian
Equator
Tropic of Capricorn
Arctic Circle
Ano ang pangunahing layunin ng mga imahinaryong guhit sa globo at mapa?
Upang magdagdag ng disenyo sa mapa
Upang malaman ang direksyon ng hangin
Upang matukoy ang tiyak na lokasyon ng mga lugar sa daigdig
Upang malaman ang taas ng bundok
Ano ang tawag sa imahinaryong guhit na may sukat na 0° longitude at naghahati sa mundo sa silangang hemisphere at kanlurang hemisphere?
Equator
Prime Meridian
Tropic of Cancer
Arctic Circle
Ano ang tumutukoy sa mataas na antas ng kaunlaran ng lipunan na may organisadong pamahalaan, relihiyon, sistema ng pagsulat, at kultura?
Lipunan
Kabihasnan
Tribo
Panahon ng Bato
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangunahing katangian ng isang kabihasnan?
Pamahalaan
Relihiyon
Urbanisasyon
Sistemang Panahon
Sino si Herodotus na tinaguriang “Ama ng Kasaysayan”?
nagtipon at nagsulat ng kasaysayan ng Persian Wars
pinunong militar ng Sinaunang Roma
pilosopong Tsino na sumulat ng Analects
manunulat ng epikong Iliad at Odyssey
Saan matatagpuan ang kabihasnang Mesopotamia?
Sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates
Sa lambak ng Ilog Nile
Sa kapatagan ng Huang He
Sa lambak ng Ilog Indus
Ano ang karaniwang katangian ng heograpiya ng Mesopotamia, Indus, Shang, at Ehipto na naging susi sa kanilang pag-usbong?
Malapit sa dagat na nagbibigay ng isda
Matatagpuan sa lambak-ilog na may matabang lupa at sapat na irigasyon
May mataas na bundok para sa proteksyon
May malamig na klima na angkop sa agrikultura
Ano ang pangunahing kahalagahan ng mga ilog sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan?
Nagbigay ng transportasyon, pagkain, at patubig sa agrikultura
Nagsilbing hangganan laban sa mga kaaway
Pinagmulan ng mga bundok at disyerto
Lugar ng paggawa ng palasyo
Bakit tinawag na “China’s Sorrow” ang Ilog Huang He?
Dahil sa tuwing tag-init, ito ay natutuyo
Dahil sa madalas nitong pag-apaw na sumisira sa mga pananim at bahay
Dahil ito ang pinagmulan ng malalakas na hangin sa China
Dahil sa matinding lamig ng tubig nito
Bakit tinawag ng mga sinaunang Tsino ang kanilang lupain na Middle Kingdom?
Pinakamalaking kaharian sa Asya
Sentro ng sibilisasyon
Pinakamayamang lupain
Napapalibutan ng tatlong ilog
Alin ang pinakamainam na paglalarawan sa pamumuhay ng kabihasnang Shang?
Namuhay bilang mangangaso
May agrikultura at bronse
Umasa sa kalakalan sa dagat
Walang pamahalaan
Saang bansa matatagpuan ang karamihan ng sinaunang Mesopotamia sa kasalukuyan?
Iran
Iraq
Syria
Turkey
Saang mga bansa matatagpuan ang sinaunang kabihasnang Indus sa kasalukuyan?
India at Pakistan
Nepal at Bhutan
Bangladesh at Myanmar
Iran at Afghanistan
Ano ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Sumerian?
Pangingisda sa Persian Gulf
Pagsasaka sa matabang lupain ng Mesopotamia
Paggawa ng papel mula sa papyrus
Pagmimina ng ginto
Ano ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Sumerian?
Pag-urong ng Ilog Nile
Madalas na pagsalakay ng mga Akkadian at iba pang tribo
Pagputok ng bulkan sa paligid ng Mesopotamia
Pagbagsak ng kalakalan sa karagatan
Ano ang cuneiform na nagmula sa mga Sumerian?
Isang uri ng armas pandigma
Isang sistemang pagsusulat gamit ang hugis-pako na marka
Isang anyo ng arkitektura
Isang paniniwala sa maraming diyos
Ano ang isa sa mga kahinaan ng heograpiya ng Mesopotamia?
Sobrang taas ng mga bundok na pumipigil sa kalakalan
Kawalan ng likas na depensa laban sa mga mananakop
Pagiging malayo sa mga ilog
Matinding taglamig buong taon
Ano ang isa sa mga dahilan ng kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado sa Sumeria?
Magkakalayo at nahihiwalay ng malalawak na disyerto
Laging nag-aagawan sa lupa at patubig
Iba-iba ang ginagamit na pera
Wala silang sariling wika
Sino si Hammurabi at ano ang kanyang pangunahing nagawa sa kasaysayan ng Mesopotamia?
Isang pari na nagtayo ng Ziggurat sa Ur
Isang hari ng Babylonia na gumawa ng unang nakasulat na batas
Isang pinuno ng Sumer na nag-imbento ng cuneiform
Isang heneral na nagpalawak ng imperyong Assyrian
Sino si Sargon I ng Akkad?
Isang pari na nag-imbento ng kalendaryong lunar
Isang hari na nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa Mesopotamia
Isang heneral na lumaban sa mga Hittite
Isang tagapagtayo ng Hanging Gardens
Ano ang pangunahing nagawa ni Nebuchadnezzar II?
Pagtatayo ng Hanging Gardens ng Babylonia
Pag-imbento ng sistema ng pagsusulat
Pagbuo ng Code of Hammurabi
Pagpapalawak ng imperyong Akkadian
Ano ang isang natatanging katangian ng Mohenjo-Daro at Harappa?
May mga piramide na gawa sa bato
May maayos na Sistemang kalsada at kanal
May mga palasyo na yari sa ginto
May malalaking templo sa gitna ng lungsod
Ano ang pagkakaiba ng Citadel at Lower City sa mga sinaunang lungsod ng Indus?
Ang Citadel ay para sa tirahan ng mga magsasaka, at ang Lower City ay para sa mga pinuno
Ang Citadel ay nasa mataas na bahagi para sa mahahalagang gusali, at ang Lower City ay tirahan ng mga tao
Ang Citadel ay lugar ng palengke, at ang Lower City ay para sa mga gusaling panrelihiyon
Ang Citadel ay lugar para sa hukbo, at ang Lower City ay para sa pangangalakal
Ano ang kahalagahan ng Khyber Pass sa Kabihasnang Indus?
Daan para sa kalakalan at paglalakbay
Lugar kung saan unang itinayo ang Mohenjo-Daro
Pinagmulan ng irigasyon para sa sakahan
Sentro ng relihiyosong seremonya
Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
Ang mga bundok at dagat ay nagsilbing proteksyon laban sa mga mananakop
Ang mabatong kapatagan ay nagbigay ng matibay na materyales sa pagtatayo ng bahay
Ang disyertong nakapalibot ay nagbigay ng likas na yaman
Ang mataas na talampas ay nagsilbing lugar ng mga templo
Ano ang pangunahing layunin ng mga piramide sa sinaunang Ehipto?
Tirahan ng mga magsasaka
Libingan ng mga paraon
Lugar ng kalakalan
Tanggulan laban sa kaaway
Ano ang nilalaman ng Book of the Dead?
Mga batas ng Ehipto
Mga tala ng kalakalan
Mga gabay at orasyon para sa paglalakbay sa kabilang buhay
Mga alamat tungkol sa pagkakalikha ng mundo
Bakit mahalaga ang Rosetta Stone sa kasaysayan?
Nagsilbing unang mapa ng Ehipto
Nagbigay ng susi sa pagbasa ng hieroglyphics
Naglalaman ng talaan ng mga paraon
Ginamit bilang altar sa mga seremonya
Sino si Haring Menes?
Ang paraon na nagpatayo ng Great Pyramid
Ang unang pinuno na nagbuklod sa Upper at Lower Egypt
Ang sumulat ng Book of the Dead
Ang nag-imbento ng hieroglyphics
Ano ang kahulugan ng Double Crown sa sinaunang Ehipto?
Simbolo ng pagkakaisa ngUpper at Lower Egypt
Palamuti para sa mga seremonya sa templo
Korona na ginagamit ng mga sundalo sa digmaan
Sagisag ng diyos na si Ra
