wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER-AP 5-1ST Q

Total questions: 50

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng kasaysayan?

a)

Upang magtala ng mga pangalan ng bayani

b)

Upang malaman lamang ang mga petsa ng nakaraan

c)

Upang maunawaan ang mga pangyayari at aral mula sa nakaraan

d)

Upang matandaan ang lahat ng detalye ng mga digmaan

2.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na kahulugan ng kasaysayan?

a)

Pag-aaral ng wika at panitikan

b)

Pag-aaral ng agham at teknolohiya

c)

Pag-aaral ng nakaraan ng tao at lipunan

d)

Pag-aaral ng ekonomiya at kalakalan

3.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng disiplinang panlipunan na tumutulong sa kasaysayan sa pag-unawa sa kultura ng mga tao?

a)

Ekonomiks

b)

Sosyolohiya

c)

Agham Panlipunan

d)

Inhinyeriya

4.

Isang mananaliksik ang gumagamit ng mga lumang mapa, tala ng kalakalan, at tala sa pananalapi upang pag-aralan ang kasaysayan ng kalakalan sa Maynila noong ika-17 siglo. Aling disiplinang panlipunan ang pinakamalapit na kaugnay ng kanyang pananaliksik?

a)

Antropolohiya

b)

Ekonomiks

c)

Heograpiya

d)

Arkeolohiya

5.

Ayon sa Continental Drift Theory, paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas?

a)

Pagtaas ng tubig-dagat na bumuo ng mga isla

b)

Paghihiwalay at paggalaw ng malalaking masa ng lupa

c)

Pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng dagat

d)

Pagbagsak ng malalaking meteor mula sa kalawakan

6.

Sa alamat ng Malakas at Maganda, saan nagmula ang unang lalaki at babae ayon sa mito?

a)

Bato sa gitna ng dagat

b)

Bunga ng kawayan

c)

Lupa mula sa bundok

d)

Uod na naging tao

7.

Ang Pacific Theory ay nagsasabing ang Pilipinas ay nabuo mula sa:

a)

Paghihiwalay ng Pangea

b)

Pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng dagat

c)

Pagsama-sama ng malalaking isla

d)

Pagbabago ng klima at pagkatunaw ng yelo

8.

May nakitang bagong maliit na isla malapit sa Mayon Volcano. Batay sa Pacific Theory, paano mo ipapaliwanag ang paglitaw nito sa mga kaklase mo?

a)

Nabuo ito dahil sa pag-angat ng lupa mula sa lindol

b)

Nabuo dahil sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat

c)

Nabuo dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa hilaga

d)

Nabuo dahil sa pagguho ng bundok

9.

Alin sa sumusunod ang teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas mula sa pagputol ng tulay na lupa na nagdudugtong dito sa kalapit-bansa?

a)

Teoryang Plate Tectonics

b)

Teoryang Tulay na Lupa

c)

Teoryang Continental Drift

d)

Teoryang Bulkanismo

10.

Ayon sa mitong “Alamat ni Malakas at Maganda,” paano nabuo ang unang mga tao?

a)

Mula sa punong kahoy

b)

Mula sa kawayan na nabiyak

c)

Mula sa lupa at hangin

d)

Mula sa isdang ginto

11.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng paniniwalang panrelihiyon tungkol sa pagkakabuo ng Pilipinas?

a)

Pagsabog ng Taal Volcano

b)

Kwento ng Bathala at mga diyos

c)

Pagsukat ng distansya ng mga pulo

d)

Paggalaw ng tectonic plates

12.

Ikaw ay isang mag-aaral na gumagawa ng proyekto tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Paano mo ipapaliwanag sa mga kaklase ang pagkakaiba ng teoryang siyentipiko at mitolohikal?

a)

Ang teoryang siyentipiko ay batay sa agham, ang mitolohikal ay batay sa paniniwala

b)

Ang teoryang siyentipiko ay kathang-isip, ang mitolohikal ay totoo

c)

Pareho silang walang ebidensya

d)

Pareho silang haka-haka lamang

13.

Ano ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng mga labi at gamit ng sinaunang tao upang matukoy ang kanilang pinagmulan?

a)

Antropolohiya

b)

Heolohiya

c)

Kartograpiya

d)

Mitolohiya

14.

Batay sa teoryang Out of Taiwan, paano nakarating ang mga Austronesian sa Pilipinas?

4 lines
15.

Ano ang tawag sa teorya ni Wilhelm Solheim II na nagpapaliwanag ng paglawak ng Austronesian mula sa rehiyon ng Sulu at Celebes Sea?

a)

Nusantao Maritime Trading and Communication Network

b)

Out of Taiwan Theory

c)

Island Hopping Theory

d)

Lapita Cultural Expansion

16.

Ano ang tawag sa teorya ni Wilhelm Solheim II na nagpapaliwanag ng paglawak ng Austronesian mula sa rehiyon ng Sulu at Celebes Sea?

a)

Nusantao Maritime Trading and Communication Network

b)

Out of Taiwan Theory

c)

Island Hopping Theory

d)

Lapita Cultural Expansion

17.

Ang absolute na lokasyon ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng isang lugar o bansa gamit ang sistemang grid. Ano ang absolute na lokasyon ng Pilipinas?

a)

3° 21’ at 21° 25’ hilagang latitude at 116° silangang latitude

b)

3° 23’ at 21° 25’ hilagang latitude at 116° at 127° silangang longhitude

c)

4° 23’ at 21° 25’ hilagang latitude at 116° at 127° kanlurang longhitude

d)

4° 23’ at 21° 25’ hilagang latitude at 116° at 127° silangang longhitude

18.

Ano ang kagamitan na ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng isang bansa?

a)

mapa

b)

grid

c)

latitud

d)

longhitud

19.

Ano ang klimang nararanasan ng mga bansang matatagpuan sa gitnang latitude?

a)

Ekwador

b)

Polar

c)

Temperate

d)

Tropical

20.

Anong espesyal na guhit ang humahati sa globo sa Silangan at Kanlurang Hatinglobbo na bumabagtas sa Greenwich England?

a)

Ekwador

b)

Latitud

c)

Longhitud

d)

Prime Meridian

21.

Bakit tinaguriang “Pintuan ng Asya” ang Pilipinas?

a)

dahil sa klimang nararanasan dito

b)

dahil sa pamayanang naitatag ng mga Pilipino

c)

dahil sa husay ng mga Pilipino sa pakikipagkalakalan

d)

dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente ng Asya

22.

Paano mailalarawan ang kinalalagyan ng isang bansa kung ang nakapalibot dito ay katubigan?

a)

absolute

b)

insular

c)

latitud

d)

relatibo

23.

Paano mailalarawan ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa mga karatig bansa nito?

a)

absolute

b)

insular

c)

latitud

d)

relatibo

24.

Alin ang grupo ng mga bansa na malapit sa Pilipinas ang tumutukoy na halimbawa sa relatibong lokasyon na bisinal?

a)

China, Japan, Korea

b)

Cambodia, Laos, Thailand

c)

Australia, Brunei, Singapore

d)

Indonesia, Taiwan, Vietnam

25.

Ano-ano ang mga anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas?

a)

Bashi Channel, Dagat Celebes, Dagat China at Dagat Pasipiko

b)

Bashi Channel, Karagatang Antartiko, at Karagatang Arktiko

c)

Dagat Celebes, Dagat China, Karagatang Indiano, at Katimugang Karagatan

d)

Dagat China, Karagatang Antartiko, at Karagatang Arktiko, Ilog

26.

Itinuturing na pinakamalaking karagatan sa mundo at matatagpuan sa silangang bahagi ng bansa. Anong anyong tubig ito?

a)

Bashi Channel

b)

Celebes Sea

c)

Karagatang Pasipiko

d)

West Philippine Sea

27.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hilaga ng Brunei, at nasa timog ng bansang Taiwan. Ano ang pangunahing direksiyon ang ginamit sa pagtukoy sa lokasyon ng ating bansa?

a)

hilaga at timog

b)

timog silangan

c)

kanluran at timog

d)

kanluran at silanga

28.

Saang rehiyon kabilang ang Pilipinas sa kontinente ng Asya?

a)

Hilagang Asya

b)

Timog Asya

c)

Silangang Asya

d)

Timog silangang Asya

29.

Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag sa pagiging arkipelago ng Pilipinas batay sa topograpiya nito, maliban sa isa. Alin ito?

a)

binubuo ito ng 7,107 na mga pulo

b)

bahagi ng Asya na pinakamalaking kontinente sa daigdig

c)

matatagpuan sa pagitan 4° 20’ at 21° 25’ hilagang latitude at 116° at 127° silangang longhitude

d)

napaliligiran ng mga malalaking anyong tubig gaya ng karatang Pasipiko, Kanlurang Dagat, Bashi Channel at Dagat Celebes

30.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng Pamayanang Ilaya?

a)

Malapit sa dagat at kabuhayan ay pangingisda

b)

Matatagpuan sa kabundukan at kabuhayan ay pangangaso at pagtatanim

c)

Malapit sa kapatagan at kabuhayan ay pagsasaka ng palay

d)

Matatagpuan sa tabi ng lawa at kabuhayan ay pagtitinda

31.

Ang Pamayanang Ilawud ay karaniwang nakikipagpalitan ng produkto sa Pamayanang Ilaya. Ano ang madalas nilang ipalit?

a)

Karne at mga prutas mula sa kagubatan

b)

Isda at asin mula sa dagat

c)

Ginto at perlas mula sa ilog

d)

Palay at mais mula sa kapatagan

32.

Sa anong paraan nagkakatulungan ang Pamayanang Ilaya at Pamayanang Ilawud?

a)

Nagbibigay ang Ilaya ng isda sa Ilawud

b)

Nagbibigay ang Ilawud ng mga produkto mula sa bundok

c)

Palitan ng produkto ayon sa pangangailangan ng bawat isa

d)

Pagbibigay ng donasyon sa isa’t isa

33.

Batay sa heograpiya, bakit mahalaga sa Pamayanang Ilawud ang malapit sa tubig?

a)

Para sa mabilis na transportasyon at pangingisda

b)

Para mas malapit sa kagubatan

c)

Para makakuha ng mga hayop na ligaw

d)

Para makagawa ng mas maraming bahay

34.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga antas ng lipunan sa sinaunang bayan?

a)

Datu

b)

Timawa

c)

Alipin

d)

Gobernador-Heneral

35.

Ano ang tawag sa mga malayang mamamayan na tumutulong sa datu at walang utang na dapat bayaran?

a)

Timawa

b)

Alipin sa gigilid

c)

Alipin namamahay

d)

Maginoo

36.

Paano nakaugnay ang datu sa kanyang mga sakop?

a)

Namumuno lamang kapag may digmaan

b)

Pinoprotektahan at pinamumunuan ang barangay

c)

Nagbibigay lamang ng buwis sa ibang datu

d)

Hindi nakikialam sa gawain ng sakop

37.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng maginoo at timawa?

a)

Ang maginoo ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, ang timawa ay malayang mamamayan ngunit mas mababa ang antas

b)

Ang maginoo ay walang lupa, ang timawa ay may lupa

c)

Ang maginoo ay alipin, ang timawa ay malayang mamamayan

38.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng maginoo at timawa?

a)

A. Ang maginoo ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, ang timawa ay malayang mamamayan ngunit mas mababa ang antas

b)

B. Ang maginoo ay walang lupa, ang timawa ay may lupa

c)

C. Ang maginoo ay alipin, ang timawa ay datu

d)

D. Ang maginoo ay manggagawa, ang timawa ay mangangalakal

39.

Sa paghahambing ng alipin saguiguilid at aliping namamahay, alin ang tama?

a)

A. Pareho silang may sariling tahanan

b)

B. Pareho silang malaya

c)

C. Ang aliping namamahay ay nakatira sa sariling bahay, ang alipin sa guiguilid ay nakatira sa bahay ng amo

d)

D. Ang alipin sa gigilid ay mas malaya kaysa sa aliping namamahay

40.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na antas sa lipunan ng sinaunang Pilipino?

a)

A. Upang magkaroon ng maayos na pamamahagi ng pagkain

b)

B. Upang masiguro ang kaayusan at maayos na pamamahala

c)

C. Upang mapataas ang bilang ng alipin

d)

D. Upang maging mas mabilis ang pangangalakal

41.

Ano ang tawag sa mga taong nagsisilbi bilang manggagamot at tagapamagitan sa espiritu?

a)

A. Babaylan

b)

B. Datu

c)

C. Alipin

d)

D. Timawa

42.

Ano ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng barangay noong sinaunang panahon?

a)

A. Maharlika

b)

B. Timawa

c)

C. Datu

d)

D. Alipin

43.

Alin sa mga sumusunod ang tumatalakay sa pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas?

   I.  Mito(alamat)

   II. Relihiyon

   III.Teorya ng Tulay na Lupa

   IV.Teorya ng Core Population

a)

 A. Bilang I

b)

 B. Bilang I

c)

C. Bilang I, II,III

d)

D. Bilang I II, III at IV

44.

Sino ang mga tao na tinatayang nanirahan na sa Pilipinas 67 000 na ang nakalilipas at 47 000 na mas maaga sa Tabon Man?

a)

 A. Cagayan Man

b)

B. Callao Man

c)

c. Java Man

d)

d. Peking Man

45.

Paano mo pahahalagahan ang mga paniniwala at teorya ng pinagmulan ng ating lahi?

a)

A. bigyang pansin lamang ang mga pag-aaral na    

            ginawa ng mga dalubhasa

b)

B. pagtuunan ng pansin ang sariling opinyon sa mga

            paniniwala at teorya ng pinagmulan ng lahing    

            Pilipino

c)

C. ibahagi ang sariling paniniwala at teorya sa

            pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino sa kapwa    

             mag-aaral

d)

D. bigyan ng mataas na pagkilala at paggalang ang  

            mga natuklasang mga paniniwala at teorya ng

            pinagmulan ng lahi ng mga Pilipino.

46.

Ang mga sumusunod ay tumatalakay sa pinagmulan ng mga unang tao sa Pilipinas. Alin lamang ang HINDI?

a)

A. Teorya mula sa Alamat

     

b)

B. Teorya mula sa Bibliya

c)

C. Teorya ng Austronesian Migration

d)

D. Teorya ng Continental Shelf

47.

 Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa teknolohiya na ginamit ng mga unang Pilipino sa Panahon ng Bato. Alin lamang ang HINDI?

a)

A. gumamit ng jade at nephrite na bato sa    

            pagsasaka

b)

B. gumamit ng makinis at matulis na bato sa

            pagsasaka

c)

C. gumamit ng metal sa paggawa ng kutsilyo at

            sandata

d)

D. gumamit ng magaspang na bato na pambiyak

            ng kahoy

48.

Anong uri ng teknolohiya ang ginamit ng mga  sinaunang Pilipino noong panahon ng Metal?

a)

A. pagpapanday o   paghuhugis ng metal

b)

B. pagbibilog ng mga magaspang na bato

c)

C. pagpapakinis sa mga bato

d)

D. pagtutunaw sa mga batong jade at nephrite

49.

Gumamit ng tapayan o banga bilang

imbakan ng pagkain ang mga sinaunang Pilipino sa panahong pre-kolonyal. Ano naman ang ginagamit nating imbakan ng pagkain sa kasalukuyan?

a)

A. balanga       

b)

B. kawali

c)

 C. palayok

d)

D. refrigerator

50.

Alin sa mga sumusunod ang nagsilbing transportasyon ng ating mga ninuno upang marating ang mga malalayong lugar sa komunidad?

a)

A. balangay

b)

B. eroplano

c)

C. kotse

d)

D. tren