wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1ST GRADING REVIEW TEST FILIPINO 5

Total questions: 52

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ikinababahala ng pamahalaan ngayon ang pagdami ng kaso sa COVID - 19 Virus. Ano ang kalikasan ng pangngalang pamahalaan?

a)

layon

b)

ligaw

c)

likas

d)

likha

2.

_____ bata na may edad 20 pababa ay hindi dapat lumabas ng bahay ngayong panahon ng pandemya.

a)

ang

b)

ang mga

c)

dalawang

d)

isang

3.

Ang nars na si Ana ay masiglang nagtatrabaho pa rin kahit siya ay pagod na pagod na. Ano ang kasarian ng pangngalang nars sa pangungusap?

a)

Pambabae

b)

Panlalaki

c)

Di-tiyak

d)

Walang kasarian

4.

Ang mga pulis ay tumutulong sa pagpanatili nang maayos na kalagayan ng bansa sa panahon ng ECQ ( Enhanced Community Quarantine). Ano ang likas ng pangngalang pulis?

a)

ligaw

b)

likas

c)

likha

d)

wala

5.

Sa panahon natin ngayon, dapat maging maingat lahat sa mga gagawin at may _________tayo sa Diyos para lagi tayong ligtas. Ano ang pangngalang dapat ilagay sa patlang upang makumpleto ang pangungusap?

a)

kaligtasan

b)

pag-awit

c)

pananalig

d)

pagpapala

6.

Pangarap ng bawat mamamayang Pilipino ngayon na maibalik na sa normal na sitwasyon ang kanilang pamumuhay. Ano ang gamit ng pangngalang pangarap?

a)

basal

b)

lansakan

c)

ligaw

d)

tahas

7.

Si Marco ang mag-aayos ng mga mesa. ______ay magaling sa gawaing ito.

a)

Ako

b)

Ikaw

c)

Siya

d)

Tayo

8.

Nagkita _____ nina Amelia at Lori kahapon.

a)

ako

b)

ano

c)

kami

d)

gaanuman

9.

_____ kaya ang tirahan nila?

a)

Ano

b)

Kailan

c)

Saan

d)

Sino

10.

_____ ang nailigtas ni Chico?

a)

Bakit

b)

Ilan

c)

Kanino

d)

Saan

11.

Ang mga kaibigan mo at ikaw ay matutuwa sa mga mang-aawit na darating mamaya. Ano ang angkop na panghalip ang ihahalili sa mga salitang may salungguhit?

a)

Kami

b)

Kayo

c)

Sila

d)

Tayo

12.

______ ang iyong problema, malulutas natin iyan.

a)

Alinman

b)

Anuman

c)

Gaanuman

d)

Sinuman

13.

_______ pagsubok ay kaya nating malampasan basta't sama-sama at buo tayong pamilya.

a)

Alinman

b)

Bawat

c)

Kaninuman

d)

Saanman

14.

______may nakita akong agila sa puno.

a)

Diyan

b)

Hayan

c)

Hayun

d)

Heto

15.

Ang tamang paglalaro ng Tumbang Preso ay _______

a)

ganito

b)

ganiyan

c)

ganoon

d)

hayun

16.

_______sa bahay ampunan natutunan ko ang maraming bagay sabuhay.

a)

Dito

b)

Diyan

c)

Doon

d)

Naroon

17.

___________ang regalo ko sa iyo, Carl.

a)

Hayan

b)

Hayun

c)

Heto

d)

naroon

18.

_______ang gusto kong sayaw, nakakaindak talaga.

a)

Ganito

b)

Ganiyan

c)

Ganoon

d)

Gayundin

19.

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag. "Mata ay kinusot, sarili'y kinurot." Ang bata ay _______.

a)

hindi makapaniwala

b)

walang pakiramdam

c)

bagong gising

d)

naiiyak

20.

Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?

a)

Andres Bonifacio

b)

Apolinario Mabini

c)

Jose Rizal

d)

Lapu-lapu

21.

Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?

a)

Andres Bonifacio

b)

Apolinario Mabini

c)

Jose Rizal

d)

Lapu-lapu

22.

Saan ipinanganak si Doktor Jose Rizal?

a)

Cebu City

b)

Carmen, Bohol

c)

Negros Occidental

d)

Calamba, Laguna

23.

Ano ang pamagat ng dalawang aklat na isinulat ni Jose Rizal?

a)

Florante at Laura

b)

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

c)

Ibong Adarna at Ang Agila

d)

Biyaya ng Filipino at Kalayaan ng Pilipinas

24.

Ito ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao.

a)

Tula

b)

Salaysay

c)

Talambuhay

d)

Saknong

25.

Ito ay simpleng paglalahad ng isang maikling pangyayari batay sa namasid o naobserbahan.

a)

Tula

b)

Salaysay

c)

Talambuhay

d)

Saknong

26.

Ito ay isang uri ng sanaysay na tumatalakay sa buhay ng isang tao.

a)

Tula

b)

Salaysay

c)

Talambuhay

d)

Saknong

27.

Tumutukoy sa lugar o pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa isang akda.

a)

lungga

b)

pangyayari

c)

tagpuan

d)

tauhan

28.

Tumutukoy ito sa anumang pangyayaring hindi karaniwan, isang ulat na nakapagbibigay impormasyon at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig at nanonood.

a)

awitin

b)

balita

c)

laro

d)

sayaw

29.

Uri ng pangungusap na nagsasalaysay o nagpapahayag ng isang kwento o paksa.

a)

Padamdam

b)

Pakiusap

c)

Pasalaysay

d)

Patanong

30.

Ito ay tumutukoy sa kaisipan ng isang manunulat at nabibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng pagbabasa.

a)

awitin

b)

laro

c)

sayaw

d)

teksto

31.

Bahagi ng katawan na may kakayahang makapag-isip, makapagmemorya ng mga bagay-bagay at makapag-unawa nang maigi.

a)

katawan

b)

mukha

c)

puso

d)

utak

32.

Isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na nagsisilbing impluwensya upang makipag-usap nang mabuti.

a)

pagbabasa

b)

pakikinig

c)

pagsusulat

d)

pagsasalita

33.

Pagtatapos, kaarawan, kapanganakan, kamatayan ay mga halimbawa ng _______.

a)

pangyayari

b)

proseso

c)

tagpuan

d)

tauhan

34.

Matalik na magkaibigan sina Jezz at Ika. Ano ang pakahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

sanggang dikit

b)

sanggang iba

c)

sanggang layo

d)

sanggang wala

35.

Ito ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay na siyang gumaganap at nagiging epektibo ang isang sanaysay o teksto.

a)

lugar

b)

pangyayari

c)

tagpuan

d)

tauhan

36.

Taong nagbibigay impormasyon o nag-uulat sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa.

a)

mananayaw

b)

mang-aawit

c)

tagapagbalita

d)

tagalilok

37.

Si Ate ay matipid sa pera. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?

a)

maingat

b)

mapag-impok

c)

masinop

d)

mawaldas

38.

Ang salitang ito ay nangangahulugang nais gawin, mangyari o makamit sa hinaharap.

a)

pag-asa

b)

pangarap

c)

pagsakop

d)

pagsali

39.

Ang salitang ito ay nangangahulugang nais gawin, mangyari o makamit sa hinaharap.

a)

pag-asa

b)

pangarap

c)

pagsakop

d)

pagsali

40.

Ito ay isang malaking pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw, karaniwang sa kaarawan ng patron ng baryo o bayan.

a)

Binyag

b)

Pasko

c)

Piyesta

d)

Undas

41.

Dumanas ng maraming sigwa ang kanilang pamilya ngunit nalampasan nila ito. Ano ang kahulugan ng salitang sigwa?

a)

kasayahan

b)

kasaganaan

c)

karangalan

d)

pagsubok

42.

Marami tayong kababayang naghihikahos sa buhay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

naglapastangan

b)

naghihirap

c)

nagmumura

d)

yumayaman

43.

Dinamdam niya ang pagtaboy sa kanya ng nakakatanda niyang kapatid. Ano ang kahulugan ng pagtaboy?

a)

pang-aaway

b)

pagpapalayas

c)

panunukso

d)

pagbibintang

44.

Parang hagupit ng tadhana ang nangyayari. Ano ang damdaming napapaloob dito?

a)

lungkot

b)

paghanga

c)

poot

d)

saya/tuwa

45.

Mula sa awiting "Pagsubok", "Mga pagsubok lamang ýan, huwag mong itigil ang laban, huwag mong isuko, at iyong labanan," Ano ang tono ng awiting ito?

a)

malungkot

b)

mapagbiro

c)

mapanudyo

d)

satiriko

46.

Naputol ang usapan namin nang dumating si Jim. Ang salitang usapan ay nangangahulugang __________.

a)

dayalogo

b)

gusto

c)

paksa

d)

pangako

47.

Anong uri ng graph ang gumagamit ng guhit na pahalang at pahaba sa paglalarawan ng bahagdan sa bawat datos?

a)

bar graph

b)

line graph

c)

pie graph

d)

pictograph

48.

Anong uri ng graph ang nagpapakita ng pagbabago sa halaga o dami at ang mga datos dito ay ipinakikita ng mga tuldok na pinagdurugtong ng linya?

a)

bar graph

b)

line graph

c)

pie graph

d)

pictograph

49.

Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-matang nailipat kay Dagambu ang pamumuno sa mga dagang bukid.

a)

kagustuhan

b)

kusang loob

c)

napatulog

d)

sapilitan

50.

Anong uri ng sports ang may pinakamaraming pumipili?

a)

badminton

b)

basketball

c)

soccer

d)

volleyball

51.

Ilang mga mag-aaral ang nahihilig sa basketball?

a)

10

b)

20

c)

15

d)

25

52.

Tungkol saan ang bar graph sa itaas?

a)

Isports na Pinanalunan ng mga Mag-aaral sa Ikalimang Baitang

b)

Isports na Kinahihiligan ng mga Mag-aaral sa Ikalimang Baitang

c)

Bilang ng mga Mag-aaral sa Ikalimang Baitang na Nanalo sa Isports

d)

Nakuhang Iskor ng mga Mag-aaral sa Ikalimang Baitang sa Palaro