NEW
Font size
WorksheetsREVIEW2
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Kung ang isang teksto ay nagpapakita ng suliranin sa lipunan at mga mungkahing hakbang upang ito’y masolusyunan, anong estruktura ang ginamit?
sanhi at bunga
suliranin at solusyon
paghahambing
Tuwing kailan ipapatak ang SYSTANE: isang patak sa parehong mata tuwing 4 na oras at sa tuwing ito’y mangangati. Anong uri ito ng tekstong ekspositori?
Journal
Medikal na Teksto
Brochure
"Ang labis na paggamit ng cellphone ay nagdudulot ng kakulangan sa atensyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral, bukod dito, ito ay nakaaapekto rin sa kanilang pangkalahatang pangkalusugan."
Ano ang estruktura ng tekstong ito?
paghahambing
sanhi at bunga
suliranin at solusyon
Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), sinabi Pang. Ferdinand Marcos Jr. na “Puspusan nating inaayos at pinagaganda ang ating Sistema ng edukasyon. Sa lahat ng mga pinapahalagahan ng administrasyon, ito pa rin ang nasa rurok”. Anong uri ito ng tekstong ekspositori?
Heograpiya
Kasaysayan
transkripsyon ng talumpati
"Mabilis makararating sa pupuntahan kung sasakay ngunit mas maganda sa kalusugan ang paglalakad." Anong estruktura ang ginamit sa tekstong ito?
paghahambing
sanhi at bunga
suliranin at solusyon
Naging pormal na teritoryo ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang italaga ni Haring Philip II (nanungkulan bilang hari ng Espanya mula 1556 hanggang 1598) si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang Gobernador-Heneral ng kapuluan. Anong uri ito ng tekstong ekspositori?
Heograpiya
Kasaysayan
Journal
Sa pagsusuri sa nangyayari sa lipunan mkapansin-pansin na mas may disiplina ang mga kabataan noon kaysa ngayon. Anong estruktura ito?
paghahambing
sanhi at bunga
suliranin at solusyon
Dahil sa lumalalang problema sa trapiko ay naisip ng MMDA na ipatupad ang odd-even coding scheme. Anong estruktura ito?
paghahambing
sanhi at bunga
suliranin at solusyon
Ang Intramuros ay isang makasaysayang lugar sa Pilipinas na matatagpuan sa Maynila. Matatagpuan sa Intramuros ang Fort Santiago (kung saan unang kinulong ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal), Rizal Shrine, Rizaliana Furniture Exhibit, Bahay Tsinoy, Casa Manila, San Agustin Church at Museum, Baluarte de San Diego at iba pang makasaysayang lugar. Anong estruktura ito?
Depinisyon
Deskripsyon
Pagsusunod-sunod
Piliin ang pahayag na gumagamit ng estrukturang pagbibigay-depinisyon.
Ang “photosynthesis” ay proseso kung
saan gumagawa ng pagkain ang mga
halaman gamit ang sikat ng araw.
Ang kape at tsaa ay parehong may caffeine.
Ang basura sa ilog ay sanhi ng pagbaha.
Bakit ipinasunog ng mga Kastila ang mga katutubong panitikan?
dahil sa tingin nila ay hindi ito kailangan
dahil hindi nila ito maintindihan
Dahil pinaniniwalaan nilang galing ito sa diyablo
Ano ang tawag sa panitikang nagpasalin-salin sa bibig ng tao?
panitikang pasulat
panitikang pasalindila
panitikang patula
Ito ay isang uri ng katutubong panitikan na nagpapahayag ng pangyayari, kaisipan, at tradisyon ng isang lipunan o pangkat?
karunungang-bayan
epiko
alamat
Ano ang pagkakaiba ng alamat at epiko bilang mga panitikang katutubo?
Ang alamat ay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay at ang epiko naman ay tungkol sa kabayanihan
Ang epiko ay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay at ang alamat naman ay tungkol sa kabayanihan
Ang alamat aybatay sa katotohanan at ang epiko naman ay gawa-gawa lamang
Anong ibig sabihin ng taludtod at saknong?
Ang taludtod ay grupo ng linya at ang saknong ay mga linya sa tula
Ang taludtod ay mga linya sa isang tula at ang saknong naman ay grupo ng mga linya sa isang tula
Ang taludtod ay saknong ay pareho lamang
Anong panitikang katutubo ang iyong gagamitin upang maipakita ang kabayanihan at kultura ng mga sinaunang Pilipino?
Alamat
Tula
Epiko
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Anong mensahe ng tula?
Walang hihigit pa sa pagmamahal sa kanya
Walang hihigit pa sa pagmamahal sa sarili
Walang hihigit pa sa pagmamahal sa sariling bayan
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ano ang sukat ng tula?
wawaluhin
lalabindalawahin
lalabing-animin
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ilang taludtod mayroon ang tula?
4
5
6
"Hindi nawawala ang problema sa polusyon sapagkat patuloy pa rin ang kawalan ng disiplina ng mamamayan”
Anong uri ng estruktura ng tekstong ekspositori ang ginamit?
deskripsyon
sanhi at bunga
suliranin at solusyon
Paano ipinapakita sa mga tekstong pampanitikan ng katutubo ang kanilang ugnayan sa kalikasan?
Sa pamamagitan ng mga alamat at
epikong nagpapakita ng paggalang sa
kalikasan bilang bahagi ng kanilang
paniniwala
Sa pamamagitan ng mga salawikaing
nagbabala tungkol sa kalikasan
Sa pamamagitan ng pagtutol sa pag
aalaga ng hayop
Ang isang pabalat ng komiks ay nagpapakita ng isang superhero na may maliwanag na background, malalakas na kulay, at pamagat na “BAGONG BAYANI: Laban sa Katiwalian”.
Tanong: Ano ang layunin ng ganitong disenyo ng pabalat?
manghikayat at magpahayag ng tema
mapatunayang totoo ang nilalaman ng komiks
maipakita ang kahusayan sa pagguhit
makikita ang isang batang lalaki na may hawak na basurang plastik, habang sa likod niya ay may mga bundok ng basura. Nakakunot ang kanyang noo at may linya sa itaas ng kanyang ulo na nagsasabing, “Hanggang kailan kaya ito magpapatuloy?” Anong elemento ang maaaring gamitin upang maipakita ang damdamin ng tauhan?
gutter
salaysay
ilustrasyon ng tauhan
Paano maaaring gamitin ang espasyo (whitespace) upang bigyang-diin ang pag-iisa ng karakter?
Walang laman
puno ng detalye
dikit-dikit na elemento
Ang isang larawan ay gumagamit ng maraming matatalim na linya at madilim na kulay. Anong damdamin ang maaaring ipakahulugan nito?
pagmamahal
kaba at pag-aalala
kagalakan at pag-asa
