wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MidTerm Exam Fil 3 Section J

Total questions: 30

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pinakasentral na ideya sa isang sulatin?

a)

Estilo

b)

Paksa

c)

Kaayusan ng mga bahagi

d)

Shared knowledge

2.

Ano ang mahalaga upang makabuo ng mahusay na paksa?

a)

Limitadong kaalaman

b)

Mas maraming ideya kahit walang pagsasaliksik

c)

Sapat na kaalaman at pananaliksik

d)

Paggamit ng masalimuot na salita

3.

Sa aling elemento nakasalalay ang lubos na pag-unawa ng mambabasa?

a)

Estilo

b)

Kaayusan ng mga bahagi

c)

Shared knowledge

d)

Paglilipat ng mensahe

4.

Ano ang karaniwang ginagamit sa pagsasaayos ng mga bahagi ng sulatin?

a)

Tula

b)

Balangkas

c)

Sanaysay

d)

Lathalain

5.

Alin ang tamang pagkakasunod ng mga bahagi ng isang sulatin?

a)

Katawan – Introduksyon – Konklusyon

b)

Introduksyon – Katawan – Konklusyon

c)

Konklusyon – Katawan – Introduksyon

d)

Katawan – Konklusyon – Introduksyon

6.

Anong istilo ng pagpapahayag ang naglalayong magpaliwanag ng pangyayari o opinyon?

a)

Paglalarawan

b)

Paglalahad

c)

Pagsusuri

d)

Pangangatwiran

7.

Alin ang naglalayong magbigay ng biswal na konsepto ng isang bagay o pangyayari?

a)

Paglalarawan

b)

Paglalahad

c)

Paghahambing

d)

Pagsusuri

8.

Anong paraan ng pagpapahayag ang tumutukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay?

a)

Paglalarawan

b)

Pangangatwiran

c)

Paghahambing at Pag-iiba

d)

Pagsusuri

9.

Anong paraan ang nagpapaliwanag ng sanhi at bunga ng isang pangyayari?

a)

Pagsasalaysay

b)

Paghahambing

c)

Paglalahad

d)

Sanhi at Bunga

10.

Ano ang istilong konbersasyonal na madalas gumamit ng unang panauhan?

a)

Pagsasalaysay

b)

Pangangatwiran

c)

Paglalarawan

d)

Pagsusuri

11.

Anong paraan ng pagpapahayag ang gumagamit ng argumento upang makahikayat?

a)

Paglalahad

b)

Paglalarawan

c)

Pangangatwiran

d)

Pagsusuri

12.

Alin ang tumutukoy sa pagsusuri ng kalakasan at kahinaan ng isang gawa?

a)

Pagsusuri

b)

Pangangatwiran

c)

Pagsasalaysay

d)

Paglalarawan

13.

Ano ang tinatawag na shared knowledge ng manunulat at awdyens?

a)

Kaalamang taglay ng isa

b)

Kultura, paniniwala, at wika na pareho nilang alam

c)

Eksklusibong impormasyon ng manunulat

d)

Teknikal na datos

14.

Bakit mahalaga ang shared knowledge sa retorika?

a)

Upang gawing mas mahirap ang paksa

b)

Upang makabuo ng bagong wika

c)

Upang mas maging interesado ang awdyens

d)

Upang maiwasan ang introduksyon

15.

Ano ang dalawang paraan ng paglilipat ng mensahe?

a)

Pasalita at Pasulat

b)

Paningin at Pandinig

c)

Pagbasa at Pagsulat

d)

Katawan at Konklusyon

16.

Ano ang dapat iwasan sa paglilipat ng mensahe?

a)

Paggamit ng kwento

b)

Pagbibigay ng tiyak na halimbawa

c)

Masyadong maraming impormasyon

d)

Pagbibigay ng anekdota

17.

Ano ang kailangang magkaroon ng kaisahan?

a)

Katawan lamang

b)

Introduksyon lamang

c)

Konklusyon lamang

d)

Paksa

18.

Ano ang dapat gawin sa introduksyon?

a)

Huwag pansinin

b)

Dapat makatawag-pansin

c)

Gawing mahaba at malabo

d)

Ilagay sa hulihan

19.

Ano ang dapat katangian ng konklusyon?

a)

Mahaba at detalyado

b)

Maikli at malaman

c)

Laging may kasamang datos

d)

Dapat walang laman

20.

Anong paraan ang makatutulong upang maging mas kawili-wili ang paglilipat ng mensahe?

a)

Iwasan ang tiyak na halimbawa

b)

Maglahad ng anekdota o kwento

c)

Magbigay ng napakahabang datos

d)

Gumamit ng teknikal na wika

21.

Ito ay gumagamit ng wasto, mabisa at magandang pananalita upang maipahayag ang mensahe at lubos na maunawaan ng tagapakinig.

a)

Retorika

b)

Tayutay

c)

Idyoma

d)

Salawikain

22.

Binibigyang halaga ang kasiningan ng pagpapahayag upang mas maunawaan at mahikayat ang mga nakikinig at bumabasa.

a)

TAMA

b)

MALI

23.

Isa sa mga katangian ng retorika ay isangkot ang tagapakinig na may intensyon na magbigay impormasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

24.

Ang hindi lubos na pakikinig ng mga mag-aaral sa klase ay isang halimbawa sa paglabag sa katangian ng retorika na ito ay nagbibigay kapangyarihan.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

Kapag nagsalita ang isang ama sa harap ng kanyang kamag-anak at naikwento niya ang kanyang mga ginawa upang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak, ito ay halimbawa ng Pathos.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

Salitang griyego na nangangahulugang tagapag-salita sa publiko

a)

retorika

b)

rhetor

c)

mamamahayag

d)

pasalita

27.

Pangkat ng mga guro nagtuturo sa mga tao noong unang panahon upang ito maging tagapag-salita.

a)

dakila

b)

rethorikos

c)

sophists

d)

mga tanyag

28.

Masasabing mabisa ang pahayag ng isang tao kung ang kanyang pinaglalaanan ng mensahe ay naaantig ang damdamin, napapaisip, at higit sa lahat nagbabago ang kaasalan.

a)

Wika

b)

Lipunan

c)

Sining

d)

Pilosopiya

29.

Ayon sa kanya,“Ang retorika ay agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.”

a)

RICHARD WHATLEY

b)

SOCRATES

c)

CORAX

d)

ARISTOTLE

30.

Ayon sa kanya “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.”

a)

RICHARD WHATLEY

b)

SOCRATES

c)

CORAX

d)

ARISTOTLE