WorksheetsPRE-ACTIVITY IN FILIPINO
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Bakit itinuturing na arbitraryo ang wika?
Dahil lahat ng wika ay may parehong tunog
Dahil ito ay napagkasunduan
Dahil mahirap itong matutunan
Dahil ito ay palaging nakabatay sa Ingles
Kapag sinabing ang wika ay isang sistematikong balangkas, ano ang ibig sabihin nito?
Walang sinusunod na mga patakaran ang wika
Mayroong maayos na pagkakasunod-sunod at ayos ng mga tunog, salita, at pangungusap
Ang wika ay ginagamit lamang nang basta-basta ng mga tao
Hindi ito nagbabago
Alin sa mga teorya ng wika ang nagsasaad na ang wika ay nagmula sa mga tunog ng kalikasan at mga hayop?
Teoryang Dingdong
Teoryang Bow-wow
Teoryang Pooh-pooh
Teoryang Tata
Ano ang teorya na batay sa Banal na Kasulatan na nagsasaad na ang pagkakahati-hati ng wika ay nagmula sa pagtatayo ng isang mataas na tore?
Teoryang Yoheho
Teoryang Tarara-boom-de-ay
Teoryang Coo coo
Teoryang Tore ng Babel
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa antas ng pormal na wika?
Panlalawigan at Kolokyal
Pambansa at Pampanitikan
Kolokyal at Panlalawigan
Kolokyal at Slang
Ang salitang 'chibog' na nangangahulugang pagkain ay anong antas ng wika?
Panlalawigan
Kolokyal
Balbal
Pambansa
Ano sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na halimbawa ng kolokyal?
"Pader" para sa dingding
"Meron ka bang pera, Ate?"
"Ambot sa imo!" (Bisaya ng "Ewan ko sa'yo")
"Gumagamit siya ng matalinghagang salita sa tula."
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sosyolek?
“Wer na u? D2 na me.”
“Balay” para sa bahay
'Ward' sa ospital
“Bigyan ng jacket yan!”
Ano ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng mga ponema o makabuluhang tunog ng isang wika?
Morpolohiya
Ponolohiya
Sintaks
Semantika
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng klaster o kambal-katinig?
giliw
sombrero
misa
lalaki
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pares-minimal?
mesa-misa
lalaki - lalake
giliw - kasuy
marami - madami
Ano ang suprasegmental na ponema na makikita sa pagtaas at pagbaba ng boses sa buong pangungusap?
Diin
Tono
Intonasyon
Hinto
Ang salitang 'pambili' mula sa 'pang + bili' ay isang halimbawa ng:
Asimilasyon
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Pag-aangkop
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagpapalit ng ponema?
hintay + ka = teka
takip + an = takipan = takpan
ma- + dunong = marunong
–in + lipad = (linipad) = nilipad
"Ang Maynila ay punô ng magagandang tanawin."
Ano ang pangngalang pantangi sa pangungusap?
puno
maganda
tanawin
Maynila
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangngalang basal?
aklat
guro
pag-ibig
lamesa
Sa pangungusap na 'Tumulong kami sa paglilinis ng silid-aralan.' Alin ang panghalip?
tumulong
kami
silid-aralan
paglilinis
"Lahat ay inaanyayahan sa pagtitipon." Anong uri ng panghalip ang lahat?
Pananong
Panaklaw
Paari
Pamatlig
Tumatakbo si Maria tuwing umaga. Alin ang pandiwa?
Maria
umaga
tumatakbo
tuwing
Siya ay magtatanim ng bulaklak sa bakuran. Anong aspeto ng pandiwa ito?
Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Si Carla ay mabait sa lahat ng kaklase niya. Alin ang pang-uri?
mabait
Carla
lahat
kaklase
Binigyan sila ng guro ng tig-dalawa pang papel. Anong uri ng pang-uri ang salitang tig-dalawa?
Panlarawan
Kardinal
Ordinal
Pamahagi
"Naglakad nang dahan-dahan ang matanda." Alin ang pang-abay?
naglakad
matanda
dahan-dahan
nang
Nag-aral siya sa silid-aklatan. Aling uri ng pang-abay ang "silid-aklatan"?
Panlunan
Pamanahon
Paraan
Panulad
Nagluto siya ng ulam at naghanda ng mga plato. Alin ang pangatnig sa pangungusap?
siya
ng
at
naghanda
Umalis siya para sa kanyang pamilya. Alin ang pang-ukol sa pangungusap?
siya
umalis
para sa
pamilya
Ano ang tamang pang-angkop sa pangungusap na ito? Ang mabango ___ bulaklak ay regalo ni Anna.
Na
Ng
G
Wala
Ano ang wastong pang-angkop? Mapagkakatiwalaan___ kaibigan si Jose.
Na
Ng
G
Wala
Ano ang papel ng 'ay' sa pangungusap na ito: Ang aklat na ito ay akin.
Pantukoy
Pang-angkop
Pangawing
Pangatnig
Ano ang kayarian ng salitang gabi-gabi?
Payak
Inuulit (Ganap)
Inuulit (Di-ganap)
Tambalan
Tukuyin ang ayos ng pangungusap: Masipag si Pedro.
Karaniwang ayos
Di-karaniwang ayos
Tambalan
Hugnayan
Anong uri ng pangungusap ito: Kailan ka pupunta sa palengke?
Pasalaysay
Patanong
Pautos/Pakiusap
Padamdam
Anong kayarian ng pangungusap ito: Nagpunta sila sa palengke at bumili ng prutas habang ako ay nagluto sa bahay.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Si Ana ay gustong makita kung gumagana ang bagong cellphone. Kaya kailangan niya itong ________.
subukan
subukin
Napansin ni Maria na may alikabok sa mesa kaya kailangan niya itong ________ ng basang basahan.
pahirin
pahiran
Pagkatapos kumain, sinabi ng nanay: 'Juan, ________ mo ang mesa.'
punasin
punasan
Naiwan ni Carlo ang kanyang bag sa klase. Sabi ng guro: "Huwag mong ________ ang iyong mga gamit."
iwan
iwanan
Wala akong pera pero si Bel ay ________ limang piso.
may
mayroong
________ malakas ang ulan, hindi kami matutuloy sa palaruan.
Kung
Kapag
Sabi ng nanay: "Juan, ________ mo ang sahig para malinis bago dumating ang bisita."
walisin
walisan
Si Mark ay nagsabi: "Darating _____ siya mamaya." Alin ang tamang pahayag?
Darating din siya mamaya.
Darating rin siya mamaya.
Bago pumasok, kumatok si Ana sa ________ upang siya ay marinig. Umakyat siya sa ________ upang makita ang tanawin sa itaas..
pinto; hagdan
pintuan; hagdan
pinto; hagdanan
pintuan; hagdanan
Alin sa sumusunod ang kabilang sa anyo ng panitikang PROSA?
Epiko
Nobela
Soneto
Oda
Anong anyo ng tula ang nagsasalaysay ng kabiguan sa pag-ibig at mga pakikipagsapalaran ng mga bayani?
Tulang Liriko
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Tulang Padula
"Florante at Laura" ay isang halimbawa ng anong uri ng tulang pasalaysay?
Korido
Epiko
Awit
Balad
Siya ay gumamit ng sagisag-panulat na Laong Laan at Dimasalang.
Graciano Lopez Jaena
Jose Rizal
Marcelo H. del Pilar
Mariano Ponce
Siya ang kinikilalang Hari ng Balagtasan.
Francisco Balagtas
Severino Reyes
Jose Corazon de Jesus
Lope K. Santos
Alin sa pangungusap ang gumagamit ng tayutay na Pagtawag (Apostrophe)?
“O, Kamatayan! Bakit mo ako kinukuha nang maaga?”
“Ang kanyang tinig ay tila musika sa aking pandinig.”
“Sumasayaw ang mga bituin sa kalangitan.”
“Tinawag ng pluma ang isip ng makata.”
Anong uri ng tayutay ang nasa pangungusap na:
“Lahat ng mata ay nakatuon sa entablado.”
Pagtutulad (Simile)
Pagpalit-saklaw (Synecdoche)
Pagsasatao (Personification)
Pagwawangis (Metaphor)
Anong uri ng tayutay ang ginamit sa:
“Korona ang nag-utos na siya ay parusahan.”
Pagmamalabis (Hyperbole)
Pagpalit-saklaw (Synecdoche)
Pagpalit-tawag (Metonymy)
Pagtawag (Apostrophe)
