Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ap 5 second

Total questions: 77

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa

mga aspeto ng kultura na hindi nahahawakan o

nakikita, ngunit makikita sa paraan ng

pamumuhay, paniniwala, tradisyon, at

pagpapahalaga ng isang Lipunan at maapektuhan

at humuhubog sa pag-uugali at pamumuhay ng

tao.

a)

Kalikasan ng espiritu

b)

kalinangang di-materyal

c)

Paniniwalang Animismo

d)

Diwata

2.

Ang pananampalataya ng ating mga ninuno ay

maituturing na

a)

animismo.

b)

anito

c)

diwata

3.

Ang espiritu ay maaaring mapabuti o

makasama, kaya mahalaga ang mga ritwal at alay upang

humingi ng proteksyon, gabay, at biyaya.

a)

Diwata

b)

Kalikasan ng espiritu

c)

Paniniwala

4.

Naniniwala ang mga sinaunang Filipino na ma mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran.

Tinatawag nila itong ___ sa Tagalog.

a)

espiritu

b)

diwata

c)

anito

5.

Naniniwala ang mga sinaunang Filipino na ma mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran.

Tinatawag nila itong ___ sa Bisaya.

a)

espiritu

b)

diwata

c)

anito

6.

Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Filipino na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng araw, bundok, at ilog ay tirahan ng kanilang ____.

a)

espiritu

b)

yumaong ninuno

c)

diwata

d)

anito

7.

Mga diyos at espiritu:

pangunahing diyos o lumikha ng

lahat.

a)

Anito

b)

Bathala

c)

Diwata

8.

Mga diyos at espiritu:

sa Luzon, mga espiritu ng ninuno o

tagapangalaga ng pamilya at komunidad.

a)

Anito

b)

Bathala

c)

Diwata

9.

Mga diyos at espiritu:

sa Visayas, mga espiritu ng

kalikasan o tagapangalaga ng isang lugar.

a)

Anito

b)

Bathala

c)

Diwata

10.

Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na walang kamatayan ang

kaluluwa ng tao. Bagamat namamatay ang katawan, ang kaluluwa ay

patuloy na nabubuhay sa kabilang buhay.

a)

Anito

b)

Pangunahing Paniniwala

c)

Diwata

11.

Dalawang Uri ng Paglilibing:

unang paglilibing ng katawan pagkatapos ng

kamatayan. Maaaring isagawa sa lupa, kuweba, o sa mga jar (jar burial).

a)

Primary Burial

b)

Secondary Burial

c)

Pangunahing Paniniwala

12.

Dalawang Uri ng Paglilibing:

paglilipat o pagbalik sa iba pang lugar ng labi,

karaniwan pagkatapos ng ilang panahon, kasama ang ritwal o

seremonya.

a)

Primary Burial

b)

Secondary Burial

c)

Pangunahing Paniniwala

13.

Kasamang Alay o Mahahalagang Bagay:

Isinasaad sa paglilibing ang mga mahalagang bagay

na makakailangan ng yumao sa kabilang buhay,

tulad ng:

Damit

Alahas (ginto, kwintas)

Kagamitan sa pang-araw-araw

Layunin nito ay ____.

a)

pagbalik sa iba pang lugar ng labi,

karaniwan pagkatapos ng ilang panahon

b)

pagpapadali sa kaluluwa sa

kabilang buhay at pagbibigay-halaga sa namatay.

c)

paglilibing ng katawan pagkatapos ng

kamatayan.

14.

Gawain at Ritwal:

a)

*Pag-aalay ng pagkain, bulaklak, o

iba pang regalo sa mga espiritu.

  • *Pagdaraos ng seremonya sa

    pagdiriwang, paghingi ng

    proteksyon bago pumasok sa

    gubat o bago mag-ani

b)

Karaniwan, ito ay

naglalayong maiwasan ang kamalasan o

humingi ng suwerte.

15.

Pamahiin (Superstitious Beliefs):

Ito ay mga

paniniwala na umaapekto sa

pang-araw-araw na buhay ng mga

sinaunang Pilipino. Karaniwan, ito ay

naglalayong maiwasan

a)

pamahiin

b)

ritwal

c)

Paglilibing

16.

Halimbawa ng Pamahiin:

maaaring magdala ng malas.

a)

Umaalulong ang aso

b)

Hindi nagbubukas ng payong sa loob ng bahay

c)

Hindi pumapasok sa bahay na may paa sa harap ng

pintuan

d)

Pagdaan ng itim na pusa

17.

Halimbawa ng Pamahiin:

itinuturing na nagdudulot ng malas o sumpa.

a)

Umaalulong ang aso

b)

Hindi nagbubukas ng payong sa loob ng bahay

c)

Hindi pumapasok sa bahay na may paa sa harap ng

pintuan

d)

Pagdaan ng itim na pusa

18.

Halimbawa ng Pamahiin:

babala sa paparating na bisita o

panganib.

a)

Umaalulong ang aso

b)

Hindi nagbubukas ng payong sa loob ng bahay

c)

Hindi pumapasok sa bahay na may paa sa harap ng

pintuan

d)

Pagdaan ng itim na pusa

19.

Halimbawa ng Pamahiin:

paniniwala na malas.

a)

Umaalulong ang aso

b)

Hindi nagbubukas ng payong sa loob ng bahay

c)

Hindi pumapasok sa bahay na may paa sa harap ng

pintuan

d)

Pagdaan ng itim na pusa

20.

Halimbawa ng Pamahiin:

paniniwala na mawawala ang

suwerte.

a)

Bawal magwalis sa gabi

b)

Hindi nagbubukas ng payong sa loob ng bahay

c)

Hindi pumapasok sa bahay na may paa sa harap ng

pintuan

d)

Pagdaan ng itim na pusa

21.

Ito ay isang bagay na pinaniniwalaang

nagbibigay proteksyon, suwerte, o kapangyarihan sa may-ari.

a)

Espiritu

b)

Anting-Anting (Amulet o Agimat)

c)

Ritwal

d)

Pamahiin

22.

Gamit ng Anting-Anting (Amulet o Agimat)

a)

Pangkabuhayan → proteksyon sa araw-araw na gawain

b)

Sa labanan → panlaban sa kalaban o masasamang espiritu

c)

Pangkabuhayan → pamahiin sa araw-araw na gawain

d)

Sa labanan → panlaban sa kalaban o mabuting espiritu

23.

Paniniwala sa mga nilalang:

Naniniwala rin ang mga sinaunang Pilipino sa mga aswang,

mangkukulam, tikbalang, at tiyanak, kaya ang ____

ay ginagamit para maprotektahan laban sa kanila.

a)

espiritu

b)

anting-anting

c)

pamahiin

24.

Pag-aaral o Edukasyon ng

Sinaunang Pilipino:

Ang kanilang mga magulang ang

nagsisilbing __ sa kanilang mga anak.

a)

president

b)

guro

c)

master

25.

Ang mga lalaki ay

tinuturuan ding maging

____.

Tinuturuan din sila ng

kakayahang ____

a)

mandirigma, mangangaso,

mangingisda, at magsasaka.

b)

mamalengke, sumayaw at kumanta

c)

maglayag,

sumakay ng bangka, at

maging mahusay sa

pakikidigma.

d)

makipag-away, sumayaw at mamalengke

26.

Pag-aaral o Edukasyon ng

Sinaunang Pilipino:

ang mga babae ay

sinasanay sa ____.

Pinalalakas din ang kanilang

kakayahan bilang mabuting asawa

sa hinaharap. Itinuro rin sa kanila

ang ___

a)

pananahi, pagluluto,

paghahabi, at paghahayupan.

b)

pagiging masungit na maybahay

at ina, pagtuturo sa kanilang mga

anak, pag-aalaga sa katawan, at

ang kalinisan sa pang-araw-araw

na pamumuhay.

c)

matutulog buong araw

d)

pagiging mabuting maybahay

at ina, pagtuturo sa kanilang mga

anak, pag-aalaga sa katawan, at

ang kalinisan sa pang-araw-araw

na pamumuhay.

27.

BAYBAYIN:

Mayroon ding sinaunang sistema ng pagsusulat ang

mga Pilipino. Baybayin ang tawag dito na binubuo ng

____.

a)

labingpitong (17) titik—3 patinig at 14 na katinig

b)

labingpitong (18) titik—3 patinig at 14 na katinig.

c)

labingpitong (17) titik—3 patinig at 15 na katinig.

28.

BAYBAYIN:

Sa

pagsulat ay simple lamang ang kanilang mga ginamit

gaya ng dulo ng kutsilyo at matutulis na bakal na

tinatawag na ___.

Matutulis na bato at kahoy ang gamit nila sa pagsusulat

at pang-ukit gamit ang baybayin.

a)

bakal

b)

sipol

c)

wire

29.

BAYBAYIN:

ang kanilang

ginagamit na tinta

a)

Katas ng halaman

b)

sipol

c)

bayabas

30.

BAYBAYIN:

Sa mga ___ sila sumusulat.

a)

Katas ng halaman

b)

sipol

c)

dahon, balat ng

punongkahoy, at biyas ng kawayan

31.

Panitikan ng Sinaunang Pilipino:

Maraming nasulat noon ang nawala dahil sinira o

sinunog ng mga __.

a)

Espanyol

b)

Filipino

c)

Magnanakaw

32.

Panitikan ng Sinaunang Pilipino:

Gayunpaman, nanatili ang mga ito dahil sa ____

(pagpapasa ng kwento at kaalaman sa bibig).

a)

Espanyol

b)

Filipino

c)

pasalindila

33.

Mga Uri ng Panitikan:

May sukat, tugma, at taludtod.

Halimbawa: sawikain, bugtong,

salawikain, kawikaan.

a)

Kandila

b)

Panitikang Patula

c)

Botelya

34.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

May ulo, walang buhok, may leeg, walang katawan.

a)

Usok

b)

Botelya

c)

Kandila

35.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

a)

Usok

b)

Botelya

c)

Kandila

36.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Maliit pa si kumare, nakakaakyat na sa tore.

a)

Usok

b)

Botelya

c)

Kandila

37.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Araw-araw namamatay, buwan-buwan nabubuhay.

a)

Usok

b)

Botelya

c)

Kalendaryo

38.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Lumakad nang lumakad, hindi naman umuusad.

a)

Orasan

b)

Botelya

c)

Kalendaryo

39.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

May ngipin pero hindi kumakain.

a)

Orasan

b)

Suklay

c)

Kalendaryo

40.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Dalawang magkaibigan, laging nag-uunahan, pero hindi nagkikita.

a)

Orasan

b)

Tsinelas

c)

Kalendaryo

41.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Pag pinisil mo ako, iiyak ako.

a)

Orasan

b)

Toothpaste

c)

Kalendaryo

42.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

a)

Mata

b)

Toothpaste

c)

Kalendaryo

43.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Pag nagalit, umiinit. Pag natulog, lumalamig.👉

a)

Plantsa

b)

Toothpaste

c)

Kalendaryo

44.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Kulay berde sa umaga, kulay dilaw sa tanghali, kulay kayumanggi

sa gabi.

a)

Plantsa

b)

Toothpaste

c)

Saging

45.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Pag hawak mo ako, gumagalaw ako. Pag binitawan mo ako,

natutulog ako.

a)

Plantsa

b)

Bolpen

c)

Saging

46.

Mga Uri ng Panitikan:

Karaniwang kwento ng mga ninuno.

Halimbawa: mga kuwentong-bayan,

mitolohiya, alamat, pabula.

Tema: diwata, engkanto, duwende,

kababalaghan.

a)

Espiritu

b)

Panitikang Tuluyan (Prose Literature)

c)

Diwata

47.

Kahalagahan ng Panitikan:

Naipapakita ng tao ang kanyang iniisip at

nararamdaman.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan

c)

Nagpapanatili ng kultura at tradisyon

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

48.

Kahalagahan ng Panitikan:

Naitatala at naipapasa ang mga paniniwala,

kaugalian, at pamumuhay ng mga ninuno.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan

c)

Nagpapanatili ng kultura at tradisyon

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

49.

Kahalagahan ng Panitikan:

Nakapagbibigay ng kasiyahan at libangan.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan

c)

Nagpapanatili ng kultura at tradisyon

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

50.

Kahalagahan ng Panitikan:

May mga mahahalagang katuruan tungkol sa buhay at asal.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan

c)

Nagpapanatili ng kultura at tradisyon

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

51.

Kahalagahan ng Panitikan:

Pinag-uugnay ang mga tao sa pamamagitan ng pagbabahagi ng

karanasan at kuwento.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan

c)

Nagbubuklod sa tao

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

52.

Kahalagahan ng Panitikan:

Nadadagdagan ang kaalaman sa wika, kasaysayan, at

kultura.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapalawak ng kaalaman

c)

Nagbubuklod sa tao

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

53.

Kahalagahan ng Panitikan:

Nakapupukaw ng damdamin upang magsumikap, magmahal, at

gumawa ng mabuti.

a)

Nagsisilbing aliwan

b)

Nagpapalawak ng kaalaman

c)

Nagbibigay inspirasyon

d)

Nagbibigay ng aral at gabay

54.

Ang Kultura sa Pagkakakilanlang

Pilipino:


Ito aya itinuturing na pinakakaluluwa ng isa bansa

a)

kultura

b)

paniniwala

c)

relihiyon

55.

Ang Kultura sa Pagkakakilanlang

Pilipino:


Sa

makikita o masasalamnin ang katangian at kaibahan ng

mga Pilipino sa ibang nasyonalidad.

a)

pinakakaluluwa

b)

kultura

c)

salamin

56.

Ang Kultura sa Pagkakakilanlang

Pilipino:

Ang kalinangang Pilipino ay dumaan sa proseso ng mga

pagbabago dulot ng impluwensya ng iba’t ibang kultura ng

mga bansang nakipag-ugnayan at sumakop sa atin.

Ngunit bago pa man dumating ang mga dayuhan sa bansa ay

mayroon nang kalinangang taglay ang ating mga ninuno tulad

ng makikita sa sumusunod na mga larawan:

a)

Ang mga sinaunang Pilipino ay marunong nang makibagay sa kalikasan.

b)

May laganap na ugnayan sa mga dayuhang mangangalakal.

May malawak nang kaalaman sa panitikan at sining.

c)

May mga tanim na tumutubo sa kanilang bakuran.

d)

Ang masisispag na Ifugao habang nagtatanim sa Hagdan-Hagdang Palayan.

e)

*Mga sinaunang Muslim sa Mindanao.

*Mga sistema ng pagsulat at marunong nang bumasa.

57.

Mga Bansa sa Asya na nagkakaroon ng

Impluwensiya sa Kalinangang Pilipino:


Ang magandang lokasyon ng Pilipinas ang nagbigay-daan

sa pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan ng ating mga

ninuno sa ibang bansa sa Asya. Ang ating bansa noon ay

____.

a)

wala silang ginagawa

b)

nagsilbing daanan ng mga mangangalakal patungong

silangan

c)

mapayapa ang pamumuhay

58.

Mga Bansa sa Asya na nagkakaroon ng

Impluwensiya sa Kalinangang Pilipino:


Ilan sa mga dayuhang nakipagkalakalan at nakipag-ugnayan sa bansa ay ang

mga ____.

a)

Orang Dampuan mula sa Timog Vietnam, Orang Banjar mula sa

Borneo, Indian (Hindu), Arabe, at Tsino.

b)

Orang Dampuan mula sa Timog Silangan, Orang Banjar mula sa

Borneo, Indian (Hindu), Arabe, at Tsino.

c)

Orang Dampuan mula sa Timog Vietnam, Orang Banjar mula sa

Borneo, Indian (Hindu), UK, at Tsino.

59.

Impluwensiyang Indian (Hindu):
Ang mga Indian ay hindi direktang nakipag-ugnayan sa bansa. Gayumpaman, makikita sa ating kultura ang kanilang impluwensya.

Impluwensiyang Indian (Hindu):

a)
  • *paggamit ng belo at kordons sa

seremonya ng kasal

*pagsasabog ng bigas sa bagong kasal

b)

pagbibigay galang sa pagmamano

c)

*pagsusoot ng turban at sarong

*pagsasayaw ng mag-asawang

magkanak sa harap ng imahen o santo

na kanilang sinasamba

d)

pagsasabit ng kuwintas sa bulaklak sa

pagdating ng mga panauhin

e)

*pagbibigay ng dowry sa ikakasal

*pag-uugaling “bahala na”

60.

Impluwensiyang Indian (Hindu):

Pagpapahalaga sa mga pamahiin tulad ng:

a)

paniniwalang hindi makapag-aasawa ang isang dalagang

kumakanta sa harap ng lutuan habang nagluluto

b)

Impluwensiya ng wikang Sanskrit ng mga Indian sa ating wika

tulad ng mga salitang diwata, maharlika, lakan, lakambini,

hari, pari, mahal, dalaga, at iba pa.

c)

ang buntis na kumakain ng kambal na saging ay magkakaanak

din ng kambal; at kapag ang isang tao ay nanaginip na nalagas

ang kanyang ngipin ay may malapit siyang kamag-anak o

kaibigang mamamatay

d)

paniniwalang pagpapakitang tao

61.

Impluwensiya ng mga Tsino:

Ang mga ninuno natin ay nakipag-ugnayan din sa China.

Nakipagkalakalan sila sa mga katutubo sa pamamagitan ng

pakikipagpalitan ng paninda o produkto na kilala sa tawag na

__.

a)

diwata

b)

barter

c)

pamahiin

62.

Impluwensiya ng mga Tsino:

a)

paniniwalang hindi makapag-aasawa ang isang dalagang

kumakanta sa harap ng lutuan habang nagluluto

b)

paggamit ng mga porselana, payong, pilak,

pagsusuot ng maluwag na salawal, kamisa

tsino, paggawa ng pulbura

c)

*paggamit ng mga paputok sa pagsalubong ng

Bagong Taon at iba pang kasiyahan

*paglalaro ng mga sugal na gaya ng jueteng,

kuwhaho, at pangginggi

d)

*pagkain ng lugaw, pansit, siopao, siomai,

mami, tsapsuy, at okoy

*paggalang sa matatanda, pagbubuklod ng

pamilya, pakikipagkasundo ng magulang sa

mga anak sa pag-aasawa

63.

Impluwensiya ng mga Arabe:

Ang mga Arabe ay unang dumating bilang

mangangalakal at misyonero upang ipakilala ang

__ sa Pilipinas, lalo na sa Mindanao.

a)

Kristyano

b)

Islam

c)

Hindu

64.

Impluwensiya ng mga Arabe:

Ang

pinakamahalagang impluwensiya nila ay ang

relihiyong Islam at ang ___.

Naimpluwensiyahan din ang bansa sa panitikan,

paniniwala, musika at sayaw.

a)

pamahalaang sultanato

b)

Islam

c)

Hindu

65.

Narito ang 3 impluwensiya ng mga Arabe sa

Pilipinas:

– ipinakilala nina Karim ul Makhdum at

iba pang misyonerong Arabe.

a)

Kultura at Sining

b)

Relihiyong Islam

c)

Pamahalaang Sultanato

66.

Narito ang 3 impluwensiya ng mga Arabe sa

Pilipinas:

– isang sistemang mas malaki ang

sakop kaysa sa barangay at pinamumunuan ng sultan.

a)

Kultura at Sining

b)

Relihiyong Islam

c)

Pamahalaang Sultanato

67.

Narito ang 3 impluwensiya ng mga Arabe sa

Pilipinas:

– tulad ng singkil na sayaw,

instrumentong kulintang at kudyapi, at ang arkitekturang

moske.

a)

Kultura at Sining

b)

Relihiyong Islam

c)

Pamahalaang Sultanato

68.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Maliit na bahay, puno ng mga patay.👉

a)

Posporo

b)

Anino

c)

Hangin

69.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Kahit saan ka magpunta, siya’y laging kasama.

a)

Posporo

b)

Anino

c)

Hangin

70.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

Laging nauuna, hindi nakikita.

a)

Posporo

b)

Anino

c)

Hangin

71.

Ito ang matandang wika ng Indian kung saan nakuha ng mga Pilipino ang mga salitang diwata, hari, pari, dalaga, lakan at iba pa.

a)

Arabe

b)

Indian

c)

Sanskrit

d)

tsino

72.

Ito ang mga gamit na impluwensiya sa atin ng mga Tsino maliban sa:

a)

pamaypay

b)

payong

c)

porselana

d)

sarong

73.

Ang sumusunod ay impluwensiya ng mga Arabe sa ating kalinangan maliban sa:

a)

Islam

b)

kudyapi

c)

paputok

d)

singkil

74.

Ito ang tawag sa pook sambahan ng mga Muslim

a)

moske

b)

kapilya

c)

tabernakulo

d)

templo

75.

Ito ang tawag sa palitan ng kalakal sa pagitan ng mga Pilipino.

a)

bahala na system

b)

barter

c)

dowry

d)

Sanskrit

76.

Ibinibigay ng lalaki sa pamilya ng babaeng nais pakasalan.

a)

bahala na system

b)

dowry

c)

barter

d)

Sanskrit

77.

Isang Arabeng iskolar na kinikilalang isa sa mga nagdala ng islam sa bansa.

a)

Karim ul Makhdum

b)

Abu Bakr

c)

Raja Baguinda