WorksheetsPagsusulit sa ESP-9
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ang tawag sa pagtitiyaga upang maabot at makamit ang layunin at mithiin sa buhay?
a. pagpupunyagi
b. malikhaing ideya
c.katalinuhan
d. kabayanihan sa bayan
Ito naman ang hindi paggagasta ng pera sa walang kabuluhang bagay.
a. pagiging mahinahon
b. pagiging determinado
c.pagtitipid
d. pagiging masipag
Ito ang paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon. Ano ito?
a. pagtitipid
b. pagtitiyaga
c. pag-iimpok
d. pagtatago
Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. pag-iimpok
b. pagtitipid
c. pagbibigay
d. pagkakawang-gawa
Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
a.maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. maging masipag at matutong maging matiyaga
Ano ang kaakibat ng kasipagan?
a.kababaang-loob
b. paggalang
c. pagpupunyagi
d. pagiging maaagap
Ano ang tawag sa pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip napagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon?
a. kasipagan
b. katatagan
c. pagsisikap
d. pagpupunyagi
Ano ang ipinapakitang pagpapahalaga kapag ang isang tao ay nagsisikap na gawin at tapusin ang isang bagay ng may kalidad?
a.kaginhawan
b. katarungan
c. kasipagan
d. karangyaan
Anong katangian ang naipapakita sa pagtitipid at pag-iimpok
a. pagmamahal sa salapi
b. pagpapahalaga sa pinagpaguran
c. Pagiging madamot
d. pagiging makasarili
Bakit mahalaga ang pagpupunyagi sa buhay?
a. dahil ito ang magpapayaman sa tao
b. dahil makikita kung sino ang tunay na matibay
c. dahil ito ang mag-uudyok sa tao upang hindi sumuko.
d. wala sa nabanggit
