wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Elysse AP - Second Monthly Reviewer

Total questions: 35

Worksheet time: 3hrs 55mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa pagpapalitan ng produkto ng mga lalawigan?

a)

Migrasyon

b)

Kalakalan

c)

Panlipunan

d)

Kultura

2.

Ano ang layunin ng pagtutulungan ng mga lalawigan at rehiyon?

a)

Para sa turismo lamang

b)

Kalakalan Para sa pagdiriwang ng pista

c)

Para magkaroon ng paligsahan

d)

Para sa kaunlaran

3.

Ano ang tawag sa isla na unang dinalaw ni Ferdinand Magellan noong 1521?

a)

Homonhon

b)

Mactan

c)

Sulu

d)

Cebu

4.

Ano ang tawag sa Corregidor noong World War II?

a)

The Bay

b)

The Rock

c)

The Island of Heroes

d)

The Fortress

5.

Ano ang inialay ni Ferdinand Magellan nang ipakilala niya ang Kristiyanismo sa Cebu?


a)

Simbahan ng Tayabas

b)

Krus sa Mactan

c)

Santo Niño de Cebu

d)

Imahe ng Birheng Maria

6.

Kanino ipinangalan ang lalawigan ng Sultan Kudarat?

a)

Sultan Mohammed Dipatuan Kudarat

b)

Sultan Alimudin

c)

Datu Puti

d)

Raha Humabon

7.

Ano ang pinagmulan ng pangalan ng lalawigan ng Biliran?

a)

Isang uri ng isda

b)

Isang damo na tinatawag na Bolobiliran

c)

Isang bundok

d)

Isang datu

8.

Ano ang tawag sa mga naninirahan sa Sulu na kilalang mahuhusay na mandaragat?

a)

Tagalog

b)

Tausug

c)

Ilocano

d)

Kapampangan

9.

Ano ang tanda ng pag-unlad o modernisasyon sa mga lalawigan?

a)

Pagbabagong Panlipunan

b)

Pagbabagong Pangkabuhayan

c)

Pagbabagong Pisikal

d)

Pagbabagong Politikal

10.

Ano ang pangunahing likas na yaman na hindi matutumbasan ng salapi?

a)

Tao

b)

Perlas

c)

Ginto

d)

Kalikasan

11.

Ano ang ginawang pook-tanggulan laban sa mga Hapones noong World War II?

a)

Cebu

b)

Homonhon

c)

Tayabas

d)

Corregidor

12.

Ano ang naging bunga ng pagdating ng sampung datu sakay ng balangay sa Aklan?

a)

Naituring na pinakamatandang lalawigan ang Aklan

b)

Naging kabisera ang Aklan

c)

Itinayo ang Barasoain Church

d)

Dumating ang Kristiyanismo

13.

Sino ang kauna-unahang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?

a)

Manuel Quezon

b)

Andres Bonifacio

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Apolinario Mabini

14.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “saysay” na pinagmulan ng salitang kasaysayan?

a)

Kahalagahan

b)

Alaala

c)

Paggunita

d)

Kuwento

15.

Kanino ipinangalan ang lalawigan ng Rizal?

a)

Andres Bonifacio

b)

Dr. Jose P. Rizal

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Apolinario Mabini

16.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “Sibu” o “Sibo” na pinagmulan ng pangalang Cebu?

a)

Kalakalan

b)

Pangingisda

c)

Pamumuhay

d)

Kapayapaan

17.

Ano ang tawag sa lugar na kilala bilang “Tuna Capital ng Pilipinas”?

a)

Cebu

b)

Davao

c)

Sulu

d)

General Santos

18.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pagbabagong naganap sa mga lalawigan?

a)

Pagbabago sa pisikal na anyo

b)

Pagbabago sa kabuhayan

c)

Pagbabago sa kalikasan

d)

Pagbabago sa populasyon

19.

Ano ang tawag sa kasunduan ng dalawang lungsod o bayan upang magtulungan para sa kaunlaran?

a)

Sister City Agreement

b)

Trade Alliance

c)

Barangay Pact

d)

Regional Accord

20.

Ano ang karaniwang ginagawa ng mga lalawigan at rehiyon sa panahon ng krisis o sakuna?

a)

Paligsahan

b)

Pagdiriwang

c)

Panonood ng palaro

d)

Relief at rescue operation

21.

Saang simbahan nagtipon ang mga Kongreso para sa Deklarasyon ng Kalayaan at Inagurasyon ng Unang Republika ng Pilipinas?

a)

Simbahan ng Quiapo

b)

Simbahan ng Barasoain

c)

Simbahan ng Tayabas

d)

Simbahan ng Antipolo

22.

Ano ang tawag sa labanang naganap sa Sulu bilang pagtutol ng mga Muslim laban sa mga Amerikano?

a)

Labanan sa Bud Bagsak

b)

Labanan sa Tirad Pass

c)

Labanan sa Mactan

d)

Labanan sa Corregidor

23.

Kailan naganap ang pagpapalaya ng Maynila mula sa mga Hapones?

a)

Agosto 21, 1983

b)

Hunyo 12, 1898

c)

Abril 27, 1521

d)

Pebrero 3, 1945

24.

Ano ang pinagmulan ng pangalan ng lalawigan ng Camiguin?

a)

Mula sa isang uri ng isda

b)

Mula sa salitang kamigin, na ibig sabihin ay bundok

c)

Mula sa salitang kamagong, isang uri ng puno

d)

Mula sa pangalan ng isang datu

25.

Sino ang namuno sa Cebu bago dumating ang mga Espanyol?

a)

Raha Humabon

b)

Datu Puti

c)

Sultan Kudarat

d)

Datu Kalantiaw

26.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “Sulu” na nagmula sa “Suug”?

a)

Bundok

b)

Lupa

c)

Alon o daluyong

d)

Isda

27.

Ano ang hindi halimbawa ng pagbabagong panlipunan?

a)

Pagdami ng tao

b)

Pagbabago sa tradisyon

c)

Paglipat ng tirahan

d)

Migrasyon

28.

Ang pangalan ng mga rehiyon ay palaging batay lamang sa pangalan ng mga bayani.

a)

TRUE

b)

FALSE

29.

Ang pagtutulungan ng mga lalawigan sa panahon ng kalamidad ay tinatawag na “relief and rescue operation.”

a)

TRUE

b)

FALSE

30.

Ang General Santos City ay tinaguriang “Tuna Capital ng Pilipinas.”

a)

TRUE

b)

FALSE

31.

Ang pagtutulungan ng mga lalawigan ay wala namang halaga upang masigurong may sapat na pagkain at produkto sa bawat lugar.

a)

TRUE

b)

FALSE

32.

Ang Sister City Agreement ay ginagawa lamang kapag may sakuna.

a)

TRUE

b)

FALSE

33.

Ang CALABARZON ay binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

a)

TRUE

b)

FALSE

34.

Ang MIMAROPA ay binubuo ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Pasig.

a)

TRUE

b)

FALSE

35.

Habang nasa Dapitan, nagpatayo si Rizal ng mga paaralan at nagturo sa mga kabataan.

a)

TRUE

b)

FALSE