Font size
WorksheetsFil 7 Q2 Mahabang Pagsusulit 1
Total questions: 22
Worksheet time: 17mins
Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na pangkat ng mga tao; sinasasaklaw nito ang mga tradisyon. Ang kwentong bayan ay tinatawag sa Ingles na _______.
Folkdance
Folksong
Folklore
Kwentong pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Pabula
Parabula
Alamat
Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop, bagay, o kalikasan ang gumaganap bilang tauhan na nagsasalita at kumikilos na parang tao, at ang kwento ay naglalaman ng aral o mabuting asal na maaaring matutunan ng mambabasa.
Parabula
Pabula
Pasalita
Isang maikling kuwentong may aral na karaniwang hango sa Bibliya at gumagamit ng mga talinghaga upang ituro ang mga espiritwal na prinsipyo at magandang asal.
Pabula
Mitolohiya
Parabula
Isang koleksyon ng mga tradisyonal na kuwento, kadalasang oral, na nagpapaliwanag sa mga diyos, diyosa, bayani, at mga nilalang na may supernatural na kapangyarihan.
Mito
Alamat
Pabula
Salitang Latin ng mito/mitolohiya
Mythos
Mytoes
Mentos
Ang mitolohiya ay mula sa salitang _______ na Muthos.
Latin
Greek
Filipino
Basahin ang tekstong at sagutang ang mga katanungan.
Ang palaka sa sapa kung humuhuni ay napakalakas. "Kokak! Kokak!", sabi ng palaka. Isang Araw, pumunta sI Pipo sa sapa upang humuli ng palaka. Nagtago ang mga palaka. Walang nahuli si Pipo. Siya ay umuwing kaawa-awa.
Saan matatagpuan ang mga palaka?
(a)
Basahin ang tekstong at sagutang ang mga katanungan.
Ang palaka sa sapa kung humuhuni ay napakalakas. "Kokak! Kokak!", sabi ng palaka. Isang Araw, pumunta si _______ sa sapa upang humuli ng palaka. Nagtago ang mga palaka. Walang nahuli si _____. Siya ay umuwing kaawa-awa.
Sino ang pumunta ng sapa?
(a)
Kasingkahulugan ng kaawa- awa.
masayahin
nahahabag
maramdamin
Ang Alibughang Anak ay Isang halimbawa ng kwentong mula sa _______.
Mito
Alamat
Parabula
May isang mangingisdang may pitong dalagang anak na nakatira sa Dumangas, isang bayang matatagpuan sa hilagang silangan ng Iloilo sa bahagi ng islang Panay. Ang pitong anak ay napakaganda kung kaya’t ang kanilang kantanyagan ay umabot sa iba’t ibang bayan. Napakaraming manliligaw ang pumupunta sa kanilang lugar sa pagnanais na mahingi ang kamay ng napupusuan. Sapagka’t mahal na mahal ng ama ang mga dalagita, ninanais nito na ang mga mapangasawa ng mga dalagita’y sa bayan lang din upang hindi mahiwalay sa kanya.
Dahil sa katanyagan ng magkakapatid ay tingungo sila ng pitong makikisig na mangangalakal sa pamamagitan ng bangka. Napakaraming regalo ang binigay ng mga ito. Patuloy na nag-usap ang pitong pares hanggang sa mag-ibigan ang mga ito. Ninais ng mga mangangalakal na dalhin ang mga dalagita ngunit hindi pumayag ang mangingisda. Dahil dito, isang araw ay napagpasyahan ng mga dalagita na tumakas sa kanilang Ama kapag ito’y pumalaot upang mangisda.
Nang matanaw ng ama ang kanyang mga anak na nakasakay sa bangka ng mga mangangalakal ay kaagad itong sumagwan upang makuha ang mga anak muli. Sa kasawiang palad ay napakahina ng kanyang bangka kung kaya’t hindi ito nakahabol. Labis na nasaktan ang Ama nang tila ba’y nakinig ang Poon—umulan ng napakalakas. Umuwi ang Amang luhaan.
Pagkaumaga’y umalis ang Ama upang sundan muli ang mga anak ngunit laking gulat nito nang makitang may pitong islang nakatirik dito. Labis ang kanyang dalamhati nang makita ang bangkay ng pitong anak sa mga pulo. Tinawag itong Isla de los Siete Pecados sa pag-alala ng pitong suwail na anak.
Ano kaya ang pamagat ng binasang tekstong?
Isla ng Pitong Datu
Isla ng Pitong Makasalanan
Isla ng Pitong dalaga
Ang kwentong ng Siete Picados ay Isang halimbawa ng _________.
Mitolohiya
Parabula
Alamat
Labis na nasaktan ang Ama nang tila ba’y nakinig ang Poon—umulan ng napakalakas.
Ano ang kasingkahulugan ng Poon?
Datu
Bathala
Pinuno
Labis na nasaktan ang Ama nang tila ba’y nakinig ang Poon—umulan ng napakalakas. Umuwing ang amang luhaan.
Anong damdamin ang nangibabaw sa tekstong?
Mapagmahal
Malungkot
Masaya
dang Pampanitikan
Konsepto sa Wika
Blog
Si Agila at si Maya
December 30
Maria
Halimbawa ng Pabula
Si Agila at Si Maya (Pabula)
halimbawa ng pabula
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang ma
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyo ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas na pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.
“Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
Anong uri ng kwentong bayan ang binasang tekstong?
Parabula
Pabula
Mito
Ano kaya ang pamagat ng tekstong binasa?
(a)
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?”, wika ni Agila.
Anong damdamin ang nangingibabaw sa tekstong?
Masayahin
Pagmamayabang
Pagmamalasakit
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”, sagot naman ni Maya.
Anong damdamin nangingibabaw Kay Maya?
Tiwala sa sarili
Tiwala sa Diyos
Buhat sa binasang pabula, sino ang tauhang bilog sa kwentong binasa?
Agila
Maya
Agila at Maya
Wala sa kanila
Buhat sa binasang pabula, sino ang tauhang lapad sa kwentong binasa?
Agila
Maya
Agila at Maya
Wala sa kanila
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas na pag-ulan. Anong damdamin ang nangingibabaw sa tekstong binasa?
Pagkabahala
Pagmamayabang
Pagkakaisa
