Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kaalaman sa FlipTop at Hugot Lines

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang FlipTop?

a)

Isang uri ng sayaw

b)

Isang kompetisyon ng rap battle gamit ang wikang Filipino

c)

Isang programa sa telebisyon

d)

Isang dula sa entablado

2.

Ano ang layunin ng FlipTop?

a)

Mang-insulto lamang

b)

Magpatawa lang sa tao

c)

Ipakita ang husay sa paggamit ng wika at talino sa pagbuo ng tugma

d)

Manalo ng pera

3.

Anong katangian ang karaniwang makikita sa mga FlipTop rapper?

a)

Tahimik at mahiyain

b)

Marunong magtula at maglaro ng salita

c)

Hindi marunong gumamit ng Filipino

d)

Laging galit

4.

Paano naiiba ang FlipTop sa spoken poetry?

a)

Mas seryoso ang FlipTop

b)

May ritmo at tugmaan sa mabilisang palitan ng linya

c)

Walang rhyme ang FlipTop

d)

Parehong-pareho lang

5.

Ano ang madalas na gamit ng wika sa FlipTop?

a)

Pormal

b)

Kolokyal o impormal

c)

Teknikal

d)

Pampanitikan lamang

6.

Ano ang ibig sabihin ng “hugot line”?

a)

Linyang may malalim na pinaghuhugutan ng damdamin

b)

Walang kahulugan na salita

c)

Isang biro lamang

d)

kasabihan mula sa ninuno

7.

Bakit tinawag na “hugot” ang mga ganitong linya?

a)

Dahil literal na hinihila sa puso o damdamin

b)

Dahil may hugis

c)

Dahil ito ay kanta

d)

Dahil galing sa pelikula

8.

Karaniwang pinagmumulan ng hugot lines ay:

a)

Saya at tagumpay

b)

Pag-ibig, kabiguan, at karanasan sa buhay

c)

Kasaysayan

d)

Agham

9.

Ano ang layunin ng paggamit ng hugot lines?

a)

Manira ng tao

b)

Magpahayag ng damdamin sa malikhaing paraan

c)

Mang-insulto

d)

Magturo ng leksyon

10.

Paano naiiba ang hugot line sa kasabihan?

a)

Mas seryoso ang hugot line

b)

Hugot line ay batay sa personal na karanasan, samantalang ang kasabihan ay aral sa buhay

c)

Pareho lang

d)

Hugot line ay walang kahulugan

11.

Ano ang pick-up line?

a)

Linyang ginagamit para manligaw o magpatawa

b)

Kasabihan

c)

Bugtong

d)

Talumpati

12.

Karaniwang layunin ng pick-up line ay:

a)

Manakot

b)

Magbigay ng impormasyong siyentipiko

c)

Magpatawa o makakuha ng atensyon ng iba

d)

Manlibre ng pagkain

13.

“Para kang Google, kasi lahat ng hinahanap ko, nasa’yo.” Anong uri ng linya ito?

a)

Hugot line

b)

Pick-up line

c)

Kasabihan

d)

Bugtong

14.

Paano nagiging malikhaing paraan ng pakikipagkomunikasyon ang pick-up lines?

a)

Dahil gumagamit ng matalinhagang salita at doble kahulugan

b)

Dahil walang saysay

c)

Dahil ginagamit sa away

d)

Dahil may kasamang galit

15.

Saan madalas ginagamit ang pick-up lines?

a)

Sa pormal na debate

b)

Sa pang-araw-araw na biruan o panliligaw

c)

Sa mga akademikong pagsusulat

d)

Sa opisyal na liham

16.

Ano ang tumutukoy sa personal na paraan ng paggamit ng wika ng isang indibidwal?

a)

Dayalek

b)

Sosyolek

c)

Idyolek

d)

Ekolek

17.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Idyolek?

a)

“Langga ta gud ka.”

b)

“Hoy Gising!” – Ted Failon

c)

“Sali ako laro ulan.”

d)

“Mi nombre.”

18.

Ang barayti ng wika na nalilikha dahil sa heograpikal na lokasyon ng mga gumagamit nito ay tinatawag na:

a)

Dayalek

b)

Ekolek

c)

Sosyolek

d)

Pidgin

19.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Dayalek?

a)

“Papa” – ama

b)

“Magandang gabi bayan”

c)

“Namumutan ta ka”

d)

“Oh my God! It’s so mainit naman dito!”

20.

Ang barayti ng wika na ginagamit lamang ng isang partikular na grupo sa lipunan ay tinatawag na:

a)

Ekolek

b)

Sosyolek

c)

Pidgin

d)

Etnolek