wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panimulang Pagsusulit (Kasanayan sa Wika)

Total questions: 20

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.
1. Iniabot ni Hans ___________ palihim kay Daniel ang kaniyang napulot na pitaka.
a)
a. ng
b)
b. nang
c)
c. para kay
d)
d. kina
2.

2. Kami'y nagagalak sapagkat ang buong 8-Daniel ay naimbitan para sa munting _______________ sa darating na kaarawan ni Emily sa lunes.

a)
a. salusalo
b)
b. salo-salo
c)
c. salo salo
d)
d. salu salo
3.
3. _____________ mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.
a)
a. sundin
b)
b. susundin
c)
c. sundan
d)
d. susundan
4.
4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng wastong gamit ng mga bantas maliban sa isa. Ano ito?
a)
a. T’wing ako’y gigising
b)
b. Iba’t iba
c)
c. Bakit tayo susuko?
d)
d. Paru-paro
5.
5. Pangarap ______ maging mabuting mamamayan.
a)
a. din
b)
b. rin
c)
c. kung
d)
d. kong
6.
6. “Ipinagluto ng kanyang ina si Bb. Xena.” Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
a)
a. Tagaganap
b)
b. Layon
c)
c. Tagatanggap
d)
d. Kagamitan
7.
7. Hayun ang iyong mga kaibigan masayang kumakain. Ang salitang hayun ay isang _________?
a)
a. Pangngalan
b)
b. Pandiwa
c)
c. Pang-angkop
d)
d. Panghalip
8.
8. “Tunay ngang pihikan si Yna. Labis siyang mapili sa mga taong kakaibiganin niya.” Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakadiin sa loob ng pangungusap.
a)
a. mapili
b)
b. mataray
c)
c. masiyahin
d)
d. maangas
9.

9. Tanging ang kadiliman ng gabi ang saksi sa tahimik niyang paghikbi.

a)
a. pag-iyak
b)
b. pagngiti
c)
c. pagkindat
d)
d. pagngisi
10.

10. Kitang-kita sa mga mata ni Angelika ang pagiging tuso. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakadiin.

a)
a. mabuti
b)
b. magalang
c)
c. magiliw
d)
d. mapagbigay
11.
11. Ikaw ay tinatamad ngunit kailangan mo nang kumilos. Ang sawikaing nababagay sa pahayag na ito ay
a)
a. magbilang ng poste
b)
b. hindi makabasag pinggan
c)
c. maglubid ng buhangin
d)
d. magbanat ng buto
12.
12. Sabihin mo na ang totoo Totoo at walang anumang pagsisinungaling Pagsisinungaling sa aki’y mahirap tanggapin Tatanggapin lamang ang bagay na nararapat sa akin. Ang binasa sa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
a)
a. Anapora
b)
b. Epipora
c)
c. Anadiplosis
d)
d. Konsonans
13.
13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng Personipikasyon sa loob ng pangungusap?
a)
a. Ang tik-tak ng relo ay maririnig sa kalagitnaan ng gabi.
b)
b. Mabilis tumakbo ang panahon.
c)
c. Pag-ibig, masdan mo ang iyong ginawa.
d)
d. Ang kagandahan niya’y tulad ng isang diwata.
14.
14. Si Mang Andres ay malakas pa kahit alog na ang kanyang baba. Ang alog na ang baba ay nangangahulugang ___________?
a)
a. pumanaw
b)
b. bingi-bingihan
c)
c. matanda na
d)
d. bata pa
15.

15. Ilibing sa limot ang lahat ng mga malulungkot na nangyari sa ating buhay.

a)
a. sasariwain
b)
b. kalimutan
c)
c. alalahanin
d)
d. iwasan
16.
16. Ayusin ang mga sumusunod na salita upang makabuo ng isang makabuluhang pangugusap. (1) pareho (2) ng dalawang (3) sa bait (4) magkapatid (5) ang ugali
a)
a. 1-3-5-2-4
b)
b. 1-5-2-4-3
c)
c. 1-2-3-4-5
d)
d. 1-4-2-5-3
17.
17. (1) Ang bansang Pilipinas ay tinatawag ding “Perlas ng Silangan” (2) Binubuo ito ng higit-kumulang na pitong libong mga pulo (3) Ang bansang ito ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo- Ang Luzon, Visayas, at Mindanao (4) Ang bansang ito ay may klimang tropical na akmang-akma upang mabuhay ang iba’t ibang halaman at hayop na tanging bansa lamang na ito maaring mabuhay.
a)
a. 1-2-3-4
b)
b. 1-2-4-3
c)
c. 1-3-2-4
d)
d. 1-4-3-2
18.

18. Pagtukoy ng Mali.

Magpahinga ka na at pahiran mo ang pawis na nasa iyong mukha.

a)
c. pahiran
b)
a. magpahinga
c)
b. ka na
d)
d. iyong mukha
e)
e. walang mali
19.
19 (1) Halos isang piye (1 foot) lang ang taas nito kapag nakatayo (2) Bagamat karaniwan itong matatagpuan sa mga bayan sa Timog-Kanlurang Palawan (3) Ang Pilandok o “Philippine Mousedeer” ay isang maliit na hayop (4) Nakilala ang pilandok mula sa mga pabulang Meranao kung saan ito inilalarawan bilang mapanlinlang.
a)

a. 3-1-4-2

b)
b. 4-2-1-3
c)
c. 4-1-3-2
d)
d. 3-1-2-4
20.
20. Ayusin ang mga sumusunod na salita upang makabuo ng isang makabuluhang pangugusap. (1) ang ginamit ng guro (2) upang isulat (3) ang lumang pluma (4) ang kanyang tula
a)
a. 1-2-4-3
b)
b. 3-1-2-4
c)
c. 2-4-1-3
d)
d. 4-1-2-3