Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Values 9 - Ikalawang Markahang Pagsusulit Rebyu

Total questions: 35

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na halimbawa ng lipunang sibil?

a)

Barangay Hall

b)

Simbahan na tumutulong sa mahihirap

c)

Munisipyo

d)

Kapitolyo

2.

Ang Red Cross ay isang halimbawa ng organisasyon na:

a)

Naglalayong kumita

b)

Tulong sa kapwa nang walang kapalit

c)

Pinapatakbo ng gobyerno

d)

Para lamang sa mga estudyante

3.

Bakit mahalaga ang lipunang sibil sa isang bansa?

a)

Upang mapalitan ang pamahalaan

b)

Upang makipagkumpitensya sa gobyerno

c)

Upang makatulong sa pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng tao

d)

Upang maging tanyag sa media

4.

Alin sa mga katangian ang nagpapakita ng boluntaryong paglilingkod?

a)

Pagtulong para sa bayad

b)

Pagtulong dahil inutusan

c)

Pagtulong nang bukas-loob at walang hinihinging kapalit

d)

Pagtulong dahil sa takot

5.

Anong layunin ng media bilang kasapi ng lipunang sibil?

a)

Magpalaganap ng tsismis

b)

Magpahayag ng katotohanan

c)

Manlinlang ng tao

d)

Magpalaganap ng takot

6.

Kapag sinasabing “ang simbahan ay tagapagtanggol ng dignidad ng tao,” ang ibig sabihin nito ay:

a)

Nagpaparusa sa mga makasalanan

b)

Nagtuturo ng kabutihan at pagpapahalaga sa buhay

c)

Nagpapataw ng batas sa lahat

d)

Nanghihikayat ng takot

7.

Ano ang tawag sa mga gawaing tumutulong sa kalikasan tulad ng tree planting?

a)

Pang-ekonomiyang gawain

b)

Gawaing panlipunan

c)

Gawaing makatao

d)

Gawaing pangkapaligiran

8.

Sa lipunang sibil, bakit mahalaga ang kabutihang panlahat?

a)

Dahil ito ay para sa lahat

b)

Dahil ito ay para sa mayayaman

c)

Dahil ito ay batas ng simbahan

d)

Dahil ito ay kapritso lamang

9.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng lipunang sibil?

a)

Espiritwalidad

b)

Katarungang panlipunan

c)

Panlilinlang

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

10.

Ang karapatang pantao ay batay sa:

a)

Kahirapan

b)

Dignidad ng tao

c)

Yaman ng bansa

d)

Lahi at kasarian

11.

Ang karapatang mabuhay ay nangangahulugang:

a)

Karapatang pumatay

b)

Karapatang mabuhay nang ligtas at payapa

c)

Karapatang manakot

d)

Karapatang sumuway sa batas

12.

Sa anong sitwasyon mo maipapakita ang paggalang sa karapatang pantao?

a)

Pagtutuligsa sa ibang paniniwala

b)

Pagpaparaya sa pananampalataya ng iba

c)

Pananakit ng hindi kapareho ng relihiyon

d)

Pagmamaliit sa mahihirap

13.

Kapag may tungkulin ang bawat karapatan, ito ay nangangahulugang:

a)

Gawin ang gusto mo

b)

Walang limitasyon ang karapatan

c)

Dapat gampanan din ang responsibilidad

d)

Walang dapat igalang

14.

Ang karapatang mag-aral ay kaugnay ng tungkuling:

a)

Maglaro sa klase

b)

Mag-aral nang mabuti

c)

Umiwas sa guro

d)

Mag-cutting class

15.

Sa lipunan, ang “tama” ay karaniwang batay sa:

a)

Kagustuhan ng nakararami

b)

Likas na batas moral

c)

Kagustuhan ng may pera

d)

Takot sa parusa

16.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggawa ng mabuti?

a)

Pagsisinungaling upang makalusot

b)

Pagbibigay ng tulong sa nangangailangan

c)

Pagmamaliit sa kapwa

d)

Pagtatago ng totoo

17.

Ang kabutihan ay hindi nakabase sa pansariling interes kundi sa:

a)

Pansariling kapakinabangan

b)

Kapakanan ng lahat

c)

Utos ng barkada

d)

Pabor ng guro

18.

Ano ang ibig sabihin ng “tao lang”?

a)

Katwiran para gumawa ng masama

b)

Pag-amin sa kakulangan ngunit pagsisikap na magbago

c)

Pagmamataas sa nagawang mali

d)

Pag-iwas sa responsibilidad

19.

Kung ang kaibigan mo ay nalulungkot at gusto mong tulungan, anong katangian ng lipunang sibil ang pinapakita mo?

a)

Pakikialam

b)

Pagmamalasakit

c)

Pagpapabaya

d)

Paninisi

20.

Kung hindi na kayang tugunan ng gobyerno ang lahat ng problema, sino ang makatutulong dito?

a)

Lipunang sibil

b)

Mga artista

c)

Ibang bansa

d)

Mga negosyante lamang

21.

Bakit kailangang igalang ang karapatang pantao ng iba?

a)

Dahil utos ng batas

b)

Dahil ito ang batayan ng pagiging makatao

c)

Dahil takot tayo sa parusa

d)

Dahil gusto nating magmukhang mabait

22.

Ang “paggalang sa kalayaan ng iba” ay nagpapakita ng:

a)

Pananagutan

b)

Kawalang pakialam

c)

Kakulangan ng disiplina

d)

Pagkamakasarili

23.

Ang paggawa ng tama ay nangangailangan ng:

a)

Pag-iisip, puso, at konsensiya

b)

Takot at utos lamang

c)

Dahilan ng iba

d)

Pagsunod lang sa kaibigan

24.

Bakit mahalagang suriin kung mabuti o tama ang isang gawain?

a)

Para hindi mapagalitan

b)

Para masabing banal

c)

Para masigurong makabubuti sa sarili at sa iba

d)

Para makakuha ng mataas na grado

25.

Kung may kaklase kang inapi, ano ang tama mong gawin?

a)

Manahimik na lang

b)

Makisabay sa nang-aapi

c)

Ipagtanggol o isumbong sa guro

d)

Iwasan ang lahat

26.

Ang lipunang sibil ay bahagi ng pamahalaan.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Ang Simbahan ay kabilang sa mga kasapi ng lipunang sibil.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Ang media ay may tungkuling itago ang katotohanan.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Lahat ng karapatan ay may katumbas na tungkulin.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Ang katarungan ay nagbibigay ng nararapat sa bawat isa.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Ang kabataan ay walang kakayahang mag-ambag sa lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Ang karapatang pantao ay para lamang sa mayayaman.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Ang pagtulong sa kapwa ay isang pagpapakita ng kabutihan.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Ang kabutihan ay dapat lamang kapag may kapalit.

a)

TAMA

b)

MALI

35.

Ang paggawa ng tama ay nagpapakita ng moral na pagkatao.

a)

TAMA

b)

MALI