NEW
Font size
WorksheetsGMRC 3- Pangangalaga sa Kalikasan at Kaugalian ng Pamilya
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggalang sa tahanan?
A. Pagsisigaw sa magulang
B. Pagmamano sa matatanda
C. Pagtatalo sa kapatid
D. Paglalakad ng nakapaa
Ang bayanihan ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng:
A. Katamaran
B. Pagkakanya-kanya
C. Pagtutulungan
D. Pag-iwas sa responsibilidad
Alin ang hindi mabuting kaugalian sa pamilya?
A. Pagdadamayan sa oras ng pangangailangan
B. Pagsisinungaling sa magulang
C. Paggalang sa nakatatanda
D. Pagbibigay ng tulong sa kapwa
Bakit mahalagang isabuhay ang mabubuting kaugalian sa pamilya?
A. Para maparusahan ang bata
B. Para sumikat sa barangay
C. Para magkaroon ng maayos at masayang pamumuhay
D. Para hindi mapansin ng iba
Ang pagmamano ay simbolo ng:
A. Kalungkutan
B. Pag-aaway
C. Paggalang
D. Katamaran
Isa sa kaugalian ng pamilyang Pilipino ay ang sama-samang pagkain tuwing hapunan. Ano ang naipapakita nito?
A. Kainisan
B. Pagtutulungan
C. Pagkakaisa at pagmamahalan
D. Kompetisyon
Ang pagtulong sa gawaing-bahay ay tanda ng:
A. Katamaran
B. Kalayaan
C. Pagtutulungan sa pamilya
D. Pang-aabuso
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapamilya?
A. Pagtatawanan kapag nadapa
B. Pagsigaw sa magulang
C. Pag-alaga sa nakababatang kapatid
D. Pagpabaya sa may sakit
Ano ang ginagawa ng mga pamilya sa rehiyon kapag may bagyo o sakuna?
A. Nagtutulungan at nagbabayanihan
B. Nag-aaway sa tulong
C. Lumilikas na walang plano
D. Wala silang ginagawa
Aling kaugalian ang isinasabuhay kapag ang anak ay sumusunod sa payo ng magulang?
A. Katigasan ng ulo
B. Paggalang at pagsunod
C. Kalayaan
D. Katamaran
Ano ang maaaring mangyari kung walang mabuting kaugalian sa pamilya?
A. Magiging masaya ang lahat
B. Magkakaroon ng di pagkakaunawaan
C. Lalong titibay ang samahan
D. Mas maraming kaibigan
Bakit kailangang panatilihin ang mabuting kaugalian ng pamilya?
A. Para may maipagyabang
B. Para sa kaunlaran at pagkakaisa
C. Para sa pansariling kapakanan
D. Para magalit ang kapitbahay
Alin sa mga sumusunod ang tamang gawi sa pangangalaga sa kalikasan?
A. Pagtapon ng basura sa ilog
B. Pagsusunog ng plastik
C. Pagtanim ng mga halaman
D. Pagputol ng mga puno sa gubat
Ano ang ginagawa ng pamilyang may malasakit sa kalikasan?
A. Pinababayaan ang kalye na marumi
B. Nagtatapon ng basura kahit saan
C. Nagtatanim ng mga puno at halaman
Paano nakakatulong ang segregation ng basura sa kapaligiran?
A. Nakakadagdag ito sa polusyon
B. Nakakatulong ito sa pag-recycle at pag-compost
C. Mas mabilis ang pagkalat ng sakit
D. Mas madaming basurang natatapon
Anong simpleng gawi sa bahay ang makakatulong upang makatipid sa tubig?
A. Magbukas ng gripo habang nagsisipilyo
B. Gumamit ng tabo sa paliligo
C. Maghugas ng sasakyan araw-araw
D. Maglaro sa ulan
Bakit mahalaga ang pagtatanim ng puno sa bakuran?
A. Para may maputol sa Pasko
B. Para sa mas malamig na paligid at malinis na hangin
C. Para takpan ang kapitbahay
D. Para hindi magamit ang lupa
Alin sa mga sumusunod ang hindi makakabuti sa kalikasan?
A. Paggamit ng eco-bag sa pamimili
B. Pagtapon ng basura sa dagat
C. Pag-recycle ng bote at lata
D. Pagtatanim ng gulay sa bakuran
Paano makakatulong ang isang bata sa pangangalaga sa kalikasan?
A. Maglaro ng apoy
B. Magtapon ng basura kahit saan
C. Magpulot ng kalat sa paaralan o bakuran
D. Magputol ng halaman
Anong ginagawa ng pamilyang may malasakit sa kalikasan tuwing may piknik sa parke?
A. Iniiwan ang kalat sa damuhan
B. Nagtatapon ng basura sa ilog
C. Inilalagay ang basura sa tamang basurahan
D. Nasusunog ng plastik sa damuhan
Paano nakakatulong ang paggamit ng reusable na lalagyan?
A. Nakakadagdag sa basura
B. Nakakabawas sa paggamit ng plastik
C. Mas magastos
D. Mas mabilis masira
Ano ang tawag sa paggawa ng pataba mula sa mga nabubulok na basura tulad ng balat ng gulay?
A. Composting
B. Repainting
C. Segregating
D. Hoarding
Alin sa mga sumusunod ang gawing makakatulong sa pagbabawas ng polusyon sa hangin?
A. Pagsusunog ng dahon
B. Paglalakad o pagbibisikleta
C. Paggamit ng maraming sasakyan
D. Pagputol ng puno
Kapag may nasirang gamit sa bahay, ano ang dapat gawin?
A. Itapon agad
B. Sunugin para hindi kalat
C. Ayusin o i-recycle kung maaari
D. Iwanan sa kalsada
Bakit kailangang ituro sa mga bata ang pangangalaga sa kalikasan?
A. Para maligo sa ulan
B. Para maging responsable at mapangalaga sa kalikasan
C. Para makapaglaro sa labas
D. Para makapagtapon ng basura
