WorksheetsReview
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Si Zheng He ay isang manlalakbay at eksplorador mula sa _______.
Arabia
Persia
Tsina
India
Ilan ang tinatayang paglalayag o ekspedisyon na pinangunahan ni Zheng He?
Lima
Pito
Siyam
Sampu
Ilang taon halos naglakbay si Ibn Battuta sa iba’t ibang bansa?
10 taon
20 taon
30 taon
40 taon
Sino ang nagtatag ng Imperyong Mogul sa India noong 1526?
Akbar the Great
Babur
Shah Jahan
Aurangzeb
Saang labanan nagwagi si Babur na nagbigay daan sa pagtatatag ng Imperyong Mogul?
Labanan sa Delhi
Labanan sa Panipat
Labanan sa Agra
Labanan sa Lahore
Sino ang pinakatanyag na pinuno ng Imperyong Mogul na nakilala sa kanyang religious tolerance o pagpaparaya sa relihiyon?
Akbar the Great
Jahangir
Shah Jahan
Aurangzeb
Sino ang nagpagawa ng Taj Mahal, bilang alaala sa kanyang asawa?
Babur
Akbar
Shah Jahan
Aurangzeb
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paglalarawan sa Imperyong Mogul?
Isang imperyo na nakasentro sa kalakalan sa Europa
Isang imperyo ng mga Muslim na naghari sa India at nagtaguyod ng sining, arkitektura, at relihiyosong pagpaparaya
Isang bansang Kristiyano na lumaban sa mga Muslim
Isang kolonya ng mga Tsino
Sa panahon ng Tokugawa Shogunate, ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng _______.
Emperador
Daimyo
Shogun
Samurai
Ano ang layunin ng Edict of Sakoku na ipinatupad noong 1635?
Buksan ang Japan sa kalakalan
Ihiwalay ang Japan mula sa ugnayan sa ibang bansa
Palawakin ang teritoryo ng Japan
Hikayatin ang mga dayuhan na manirahan sa Japan
Alin sa mga sumusunod ang ipinagbawal ng Edict of Sakoku?
Pag-aaral ng mga siyensiyang Kanluranin
Pagpasok at paglabas ng mga dayuhan sa Japan
Pagpapadala ng mensahe sa emperador
Pagpapalaganap ng Budismo
Alin sa mga sumusunod ang pang-ekonomiyang motibo ng imperyalismo?
Pangangailangan ng hilaw na materyales at bagong pamilihan
Pagpapalaganap ng demokrasya
Pagpapalawak ng relihiyon
Pagpapataas ng edukasyon
Ang pariralang “White Man’s Burden” ay tumutukoy sa:
Pananagutan ng mga Kanluranin na “paunlarin” ang mga bansang sinakop
Pagpapalaganap ng kapayapaan sa daigdig
Pagpapalakas ng kalakalan
Pagpapairal ng pagkakapantay-pantay
Ano ang kabuuang layunin ng mga Kanluraning bansa sa pagpapatupad ng imperyalismo?
Magtulungan sa pag-unlad ng bawat bansa
Palakasin ang sariling bansa sa pamamagitan ng pananakop at pagsasamantala
Magpalaganap ng kapayapaan sa Asya
Magtayo ng paaralan at simbahan
Ang imperyalismo ay tumutukoy sa _______.
Pagpapalitan ng mga kalakal
Pagpapalakas ng kultura at sining
Pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano
Pagpapalawak ng sakop ng kapangyarihan ng isang bansa sa iba
