NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 9 (Ekonomiks) - Multiple Choice Worksheet
Total questions: 48
Worksheet time: 24mins
Ayon sa Batas ng Demand, Kapag tumaas ang presyo, ___ ang dami ng produkto at serbisyo
Bababa
Mananatili
Tumaas
Walang Pagbago
Matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demanded?
Demand Curve
Demand Schedule
Demand Function
Quantity Demanded
Kapag dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na ________?
Capital Goods
Exterior Goods
Normal Goods
Inferior Goods
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon ng mga mamimili.
Demand
Kagustuhan
Supply
Pangangailangan
Tawag sa mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo o kapalit ng isang bagay?
Income Effect
Bandwagon Effect
Substitute Goods
Complementary Goods
Tawag sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo.
Demand Schedule
Demand Function
Demand Curve
Quantity Demanded
Ang paglakí ng kita ng tao ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand ______.
pakaliwa
pakanan
walang pagbabago
pagitna
Ito ay ang pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito din ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Demand Schedule
Demand Curve
Demand Function
Quantity Demanded
Anong salik na nakaaapekto sa demand na kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagawa ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand?
Panlasa
Kita
Dami ng mamimili
Presyo ng magkakaugnay na produkto
Ang negatibong ugnayan ng presyo at dami ng demand ay maipapakita ng:
A. pagbaba ng presyo at walang pagbabago sa suplay
B. pagbaba ng presyo at pagbaba ng demand
C. pagtaas ng presyo at pagbaba ng demand
D. pagtaas ng presyo at pagtaas ng suplay
Anong salik ang inilahad sa napabalitang may paparating na bagyo Paolo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa?
Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
Presyo ng magkaugnay ng produkto
Dami ng Mamimili
Panlasa
Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular produkto sa susunod na araw o linggo, Ano ang aasahan ng demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan?
Tataas
Mananatili
Bababa
Walang pagbabago
Alin ang tinutukoy sa simbolo na ed?
Supply
Demand
Price Elasticity of Supply
Price Elasticity of Demand
Ang pahayag na ang Price Elasticity of Demand ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito. Ang paglalalahad ay;
Mali
Walang sagot
Tama
Walang kabuluhan
Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa dahilan kung bakit kailangang mabayaran ang kuryente at tubig?
Patok ito sa pamilihan ngayon.
Ito ay mga pangunahing pangangailangan.
Ito ay ang mga produktong halos walang kapalit.
Mahirap mawala sa pang-araw-araw na pamumuhay
Lumakas ang benta ng karinderya ni Aling Elsa dahil sa bagong bukas na pabrika. Kaya maraming kumakain dito. Hindi niya nabatid na lumalaki na pala ang babayaran ng kanyang tubig. Walang siyang nagawa kaya nagbayad nalang ito upang magpatuloy ang operasyon ng kanyang karinderya. Anong uri ng elastisidad ang nabanggit na sitwasyon?
Elastic
Inelastic
Perfectly Elastic
Unit Elastic o unitary
Sa coefficient na /ε/= 0, anong uri ng Elastisidad ng demand ang tinutukoy nito?
Elastic
Perfectly Elastic
Unitary
Perfectly Inelastic
Ang biscuit at softdrinks ang mainam na mga halimbawa ng anong elastisidad ng demand?
Inelastic
Perfectly Elastic
Elastic
Unitary o Unit Elastic
Ang mga produktong mahalaga o kaya ay limitado ang pamalit malamang ay bibilhin pa rin ng mga mamimili, Aling sitwasyon ang umuugnay?
Walang pagbabago ng presyo sa pamilihan.
Pantay ang dami ng demand sa pagtugon ng presyo.
Mas maliit sa isang porsyento ang ibinababa ng quantity demanded ng mga mamimili.
Ang bawat isang porsyento ng pagtaas ng presyo, ay mas malaki sa isang porsyento ang ibinababa ng quantity demanded ng mga mamimili.
Anong uri ng elastisidad kapag magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded sa anumang pagbabago ng presyo?
Elastic
Perfectly Elastic
Inelastic
Unitary o Unit Elastic
Tawag sa mga taong nagtitinda ng mga produkto at serbisyo.
Konsyumer
Mamimili
Patron
Prodyuser
Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon.
Demand
Supply
Kagustuhan
Pangangailangan
Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa mga paraan sa paglalarawan ng Supply?
Supply Curve
Supply Function
Supply Schedule
Elasticity of Supply
Ayon sa Batas ng Supply, Sino ang magdedesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbababatayan.
Mamimili
Pamahalaan
Prodyuser
Konsyumer
Ang paggawa ng mga produkto ay nangangailangan ng iba’t-ibang salik gaya ng lupa, kapital, at entrepreneurship, Sa anong salik ito kabilang?
Ekspektasyon sa presyo
Pagbabago sa bilang ng nagtitinda
Pagbabago sa teknolohiya
Pagbabago sa mga salik ng produksyon
Pangunahing aktor ng pamilihan kung saan siya ang gumagawa ng plano hinggil sa dami at uri ng produkto na kanyang bibilhin na inilalarawan ng kanyang demand.
konsyumer
prodyuser
negosyante
bahay-kalakal
Ano ang paraan na ginagamit upang masukat ang magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago sa presyo nito?
Supply
Demand
Price Elasticity of Supply
Price Elasticity of Demand
Kailan masasabing Elastic ang supply?
Kapag walang pagbabago sa presyo.
Kapag pareho ang naging porsyento ng pagbabago ng quantity supplied.
Kapag mas maliit ang naging porsyento ng pagbabago ng quantity supplied kaysa porsyento ng pagbabago ng presyo.
Kapag mas malaki ang naging porsyento ng pagbabago ng quantity supplied kaysa porsyento ng pagbabago ng presyo.
Alin ang indikasyon na may shortage sa pamilihan?
QD
QD>QS
QD + QS
QD = QS
Bilang matalino at mapanagutang prodyuser naman, sa anong kalagayan ng pamilihan mas mainam ang pagpapataas ng dami ng produktong ipagbibili?
kapag may shortage
kapag may surplus
kapag may sale
kapag may maraming pera
Ang pagkakaroon ng surplus at shortage sa pamilihan ay bunga ng anong kalagayan o kondisyon ng pamilihan?
ekwilibriyo
hyper-inflation
disekwilibriyo
Implasyon
Mula sa ekwilibriyo sa pamilihan ay nagkaroon ng pagtaas ng demand, Ano ang magiging bagong kalagayan ng pamilihan?
Ekwilibriyo
shortage
surplus
Qs=Qd
Ano ang tawag sa kalagayan ng pamilihan kung saan ang dami na kayang bilhing produkto at serbisyo ng konsyumer at dami at kayang ipagbili ng prodyuser ay pareho?
disekwilibriyo
shortage
ekwilibriyo
surplus
Ano ang tawag sa kalagayan ng pamilihan kung saan mas marami ang kayang ipagbili ng mga prodyuser kaysa kayang bilhin ng mga konsyumers?
ekwilibriyo
ekwilibriyong dami
shortage
surplus
Bilang konsyumer sa anong kalagayan ng pamilihan mas mainam ang pamimili?
kapag may shortage
kapag may sale
kapag may surplus
kapag may pera
Napabalita ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa mga probinsiya ng Luzon sa kasalukuyan, kaya ipinagbabawal muna ang pag-aalaga ng mga baboy sa nasabing lugar at tanging ang Visayas lamang ang pinagkukunan nila ng karne na kinakailangan nila sa gagawang Hamon de bola at iba pang karne ng lata para sa kapaskohan. Ano ang kalagayan sa pamilihan at presyo ng mga produktong mula karne ng baboy sa Luzon?
bumaba ang demand ngunit tumaas ang supply kaya tumaas ang presyo
bumaba ang supply ngunit tumaas ang demand kaya tumaas ang presyo
tumaas ang demand ngunit hindi nagbago ang supply kaya bumaba ang presyo
tumaas ang supply at tumaas ang demand kaya tumaas ang presyo
Anong aklat ni Nicholas Gregory Mankiw ang nagsasaad na kapag nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser.
Macroeconomics (2001)
Economic Development (1994)
Essentials of Economics (2012)
Principles of Economics
Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser
Napababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
Nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser
Hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto
Anong klaseng pamilihan ang mayroong iisa lamang ang mamimili?
Monopolistiko
Monopsonyo
Monopolyo
Oligopolyo
Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng estrukturang ito?
May kakaibang produkto
Malayang kalakalan sa bilihan
Maraming prodyuser at konsyumer
Malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon
Uri ng pamilihang may maliliit na bilang o iilan lamang mga prodyuser ang nagbebenta ng magkatulad na produkto o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
Monopoly
Oligopoly
Monopsony
Monopolistiko
Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na nagsisilbing identification ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito?
Copyright
Property Rights
Patent
Trademark
Ano ang tawag sa tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga magsasaka at maliliit na negosyante?
Buwis
Subsidy
Pautang
Tax exemption
Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
Floor Prices
Price Ceiling
Market clearing Price
Price Support
Ito ay tumutukoy sa pagtatadhana ng pamahalaan ng pinakamataas o pinakamababang na itinatakda sa isang produkto sa panahong may hyperinflation?
Floor Price
Price Control
Price Ceiling
Price Freeze
Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtatataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol at iba pa) ay _____
Floor Price
Price Control
Price Ceiling
Price Freeze
Sa panahon ng kalamidad o pagkakaroon ng market failure sa pamilihan, Ano ang layunin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng price stabilization program?
Kontrolin ang presyo ng mga bibilihin sa pamilihan
Maipakita ng pamahalaan ang kanilang pagtupad sa tungkulin
Matamo ang layunin ng ekwilibriyo
Protektahan ang konsyumer at maliliit na prodyuser
Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid.
Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga konsyumer.
Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng bilihin.
