NEW
Font size
WorksheetsReview Quiz AP7 - Quarter 2
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Kung ang isang bansa ay nagnanais na tiyakin ang pangmatagalang pag-unlad pagkatapos ng pananakop, alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang?
Pagbabalik sa mga tradisyonal na paraan ng pamumuhay
Pagpapalakas ng sariling sektor ng edukasyon at pananaliksik
Pagpapanatili ng mga estratehiya na ipinapatupad ng mananakop
Pagpapalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng pakikialam sa mga karatig-bansa
Kung ang isang dating kolonya ay nais na makamit ang tunay na kalayaan mula sa impluwensya ng dating mananakop, ano ang maaaring pangunahing hakbang?
Pagpapalakas ng militar upang magpatuloy ang proteksyon
Pag-angkat ng mga produkto mula sa mga kaalyadong bansa
Pagtutok sa pagpapatibay ng sariling sistema ng pamahalaan at ekonomiya
Pagpapalakas ng diplomatikong relasyon sa mga bansa ng dating mananakop
Paano makatutulong ang pagkakaron ng mga makabagong kasaysayan sa pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan pagkatapos ng pananakop?
Sa pamamagitan ng pag-unlad ng mga bagong industriya
Sa pamamagitan ng pag-alis ng anumang aspeto ng kolonyal na pamumuhay
Sa pamamagitan ng pagtutok sa pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kamalayan at pagmamalaki sa sariling kultura at kasaysayan
Kung nagnanais ang isang bansa na maging mas mabisa ang estratehiya ng pagtuturo tungkol sa mga epekto ng kolonyalismo sa kanilang lipunan, alin sa mga sumusunod ang pangunahing hakbang?
Pagpapalawak ng teritoryo ng bansa
Pag-alis ng lahat ng modernong teknolohiya
Pagtanggal ng lahat ng banyagang impluwensya
Pagtatatag ng mga programang pang-edukasyon upang mapalaganap ang kaalaman tungkol sa kasaysayan
Suriin ang pangungusap. I. Ang Cambodia ay tinanggap ang pamamahala ng France samantalang ang Vietnam ay sumalungat dito. II. Ang Cambodia ay nagsagawa ng mga armadong labanan samantalang ang Vietnam ay nagsagawa ng negosasyon. Ang parehong pangungusap ay
TAMA
MALI
Ang unang pangungusap ay MALI
Ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawang pangungusap ay MALI
Ang unang pangungusap ay MALI at ang ikalawang pangungusap ay TAMA
Alin sa sumusunod ang pangunahing sanhi ng kolonyalismo sa Timog Silangang Asya?
Pagpapalaganap ng relihiyon
Pagtatanggol sa bansa mula sa panlabas na banta
Paghahanap ng bagong pamilihan para sa kalakalan
Pagtatatag ng direktang kontrol at pamahalaan sa isang teritoryo
Ang bansang Thailand ay kilala bilang malayang bansa. Alin sa sumusunod ang dahilan bakit naging buffer state ang Thailand?
dahil sa gampanin nito sa kalakalang panrehiyon
dahil sa mahalagang gampanin nito sa larangan ng relihiyon
dahil sa alyansang militar ang Thailand sa mga karatig bansa nito
dahil ito ay may estratehikong lokasyon sa pagitan ng mga kolonya ng British at French
Paano nakakaapekto ang Culture System sa lipunan ng Indonesia noong panahon ng kolonyalismo?
Naging resulta ng pag-unlad ng lokal na industriya
Naging dahilan ng malawakang bigay sa buhay at eksploitasyon
Nagbigay ito ng pagkakataon para sa pag-unlad ng lokal na pamumuhay
Nagkaroon ng maayos na relasyon ang mga magsasaka at pamahalaang Olandes
Paano naapektuhan ang lokal na politika sa Timog Silangang Asya sa Una at Ikalawang yugto ng pananakop?
Ang lokal na politika ay hindi naapektuhan sa parehong yugto ng pananakop
Sa ikalawang yugto ang mga lokal na pamahalaan ay mas malaya sa pamamahala samantalang sa unang yugto sila ay pinipilit ng mga mananakop
Sa unang yugto ang lokal na pamahalaan ay madalas na pinanatili, samantalang sa ikalawang yugto ay tinanggal at pinalitan ng kolonyal na pamahalaan
Sa unang yugto ang mga mananakop ay nakipag tulungan sa mga lokal na pinuno samantalang sa ikalawang yugto nagkaroon ng malawakang pananakop at pagpalit ng pamahalaan
Paano nakaapekto ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere sa mga bansa sa Timog Silangang Asya sa panahon ng imperyalistang Hapon?
Lumakas ang mga lokal na ekonomiya
Paglalagay ng mga pinunong lokal para sa mga nasakop
Eksploytasyon ng mga yaman ng mga nasakop para sa kapakinabangan ng Hapon
Nabuo ang mga sistemang pang-edukasyon para sa kapakanan ng mga nasakop
Paano tinugunan ng Vietnam ang pananakop sa kanilang bansa?
Naglunsad ng mahabang digmaan hanggang sa lumaya
Gumamit ng diplomasya upang makatim ang mga pagbabago
Nakipag alyansa sa mga kalapit na bansa para lumakas ang pwersa
Nagpatibay ng kasunduan sa mga mananakop para sa kapakinabangan ng bansa
Paano natamo ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ang kanilang kasarinlan buhat sa mga mananakop?
Nakipaglaban ang mga Asyano upang makamit ang kalayaan
Sinang-ayunan ang mga kondison ng mananakop para sa kapayapaan
Ginamit ng mga Asyano ang pakikipagkasundo sa mga kanluranin upang makamit ang kanilang kalayaan
Nakibaka, nakipakasundo at gumamit ng diplomasya ang mga bansang ito upang makamit ang kanilang kasarinlan
Alin sa sumusunod ang balakid sa pagkamit ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ng kanilang kasarinlan?
Pangunahin niyang balakid ang kakulangan ng mga bansa
Kawalan ng pagkakaisa dulot ng magkakaibang prinsipyo o paniniwala
Banta ng terorismo mula sa mga bansang nagpakalat ng mga radikal na ideolohiya
Panghihimasok ng mga kanluraning bansa na nagnanais na mapanatili ang impluwensya sa rehiyon
Bakit nagpatuloy ang panghihimasok ng mga bansa ng kanluran sa mga bansa sa Timog Silangang Asya?
Nais nilang mapanatili ang kontrol at impluwensya sa mga bansa sa rehiyon
Hangad ang mga kanluranin na paigtingin ang kalakalan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya
Upang siguraduhin na ang mga batas na ipanukala ay pabor sa kanila
Gustong matiyak na patuloy na mapananatili ang mga paniniwala at relihiyon na kanilang ipinakilala
Bakit ganon na lamang ang pagsisikap ng mga Hapon na ipatupad ang ideyang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere?
Nais ng Japan na mapangibabawan ang lahat ng bansa sa Asya
Nais ng Japan na maitaas ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga bansa sa Asya
Nais ng Japan na maipakita sa mga Kanluranin na kaya ng mga Asyano mamuhay nang wala sila
Nais ng Japan na makalikha ng nag-iisang pang-ekonomiya, pulitikal, at militar na imperyong Asyano
Bakit kinailangang ipatupad ng Espanyol ang reduccion sa Pilipinas?
upang makapagsimba ang mga Pilipino araw araw
upang makilala ng mga misyonero ang bawat Pilipino
upang madaling ito ng mabista ng gobernador-heneral ng bansa
upang mapadali ang pamamahala sa mga katutubo na noo’y malalayo ang tirahan
Sa simula ay naging mahirap para sa mga Pranses na masakop ang Vietnam dahil sa hayagang nitong pakikipaglaban sa kanila. Alin sa sumusunod ang isinagawa ng France upang maiwasan ang pagsalagunt at pakikipaglaban ng mga Vietnamese sa kanilang pananakop?
Hindi pinakialaman ng mga Pranses ang mga Vietnamese
Agad ang sinupil ng mga Pranses ang mga makabayang Vietnamese
Ipinataupad ng mga Pranses ang pamahalaang representative colonial sa Vietnam
Napakalat ang mga Pranses ng mga usapin laban sa iba’t ibang pangkat ng mga Vietnamese
Ang Cambodia ang isa sa matagumpay na nasakop ng France noong ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin. Alin sa sumusunod ang sanhi ng panpyagyaring naglagay sa Cambodia bilang protectorate ng France?
Salpittsang pinanimbasukan ng mga Pranses ang Cambodia
Walang pasibong ikinabit ng mga Pranses ang Cambodia sa Indochina
Hinimok ng mga Pranses ang hari ng Cambodia na lumagda sa Treaty of Protection
Unti-unting kinontrol ng mga Pranses ang Cambodia sa tulong ng haring pumalit kay Haring Norodom.
Ang Timog Silangang Asya ang isa sa naging sentro ng pananakop noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. Alin sa mga bansa sa Timog Silangang Asya ang nanatiling malaya sa kamay ng France at British?
Malaysia
East Timor
Thailand
Singapore
Ang Great Britain ang may pinakamaraming nasakop na bansa sa Timog Silangang Asya at isa dito ay ang Malaysia. Alin sa sumusunod ang ginamit ng British upang masakop nang tuluyan ang mga Malay?
Sapilitang sinakop ng mga British ang Borneo.
Nakipagkasundo ang mga British sa bawat sultan ng mga estadong Malay.
Mabilis na ipinatuapd ng mga British ang pamahalaang parlamentaryo sa bansa.
Agarang pinaghimasukan ng mga British ang pangangasiwa sa Minahan ng bansa.
Ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo ay nagsimula sa pamamagiatan ng pagahanap ng mga panibagong ruta ng kalakalan. Paano naman nagsimula ang ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?
dahil sa pagpahangad sa merkantilismo
dahil sa pagsisimula ng reboulusyong indutriyal
dahil sa hangarin ng kapitalismo o pamumuhunan
dahil sa patuloy na pagpapa yaman at pagpapalakas ng bansa
Ang cultivation o culture system ang isa sa mga patakarang pinairal ng Dutch East Indies sa Indonesia. Bakit ipinaitigil ito ng pamahalaan ng Netherlands?
Mahina ang naging kita ng Netherlands dito.
Naging mahirap para sa monarko ang pamahalaan ito.
Ito ay naging sanhi ng pag-alsa ng mga nasyonalismatg Indonea.
Hindi nila nagustuhan ang naging paraan ng pamamalakad nito sa Indonesia.
Ang bansang Thailand ay nagsilbing buffer zone ng bansang France at Great Britain noong panahon ng imperyalismong Kanluranin. Sa ilalim nito, ano ang naging silbi ng Thailand sa dalawang bansa?
Ito ay nagbigay ng puersang militar sa dalawang bansa.
Ito ay naging konekdng ng tarat sa pagitar ng dalawang bansa.
Ito ay naging basakan sa mga nasakop na teritoryo ng dalawang bansa.
Ito ay nagsilbing bukas o neutral na bansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang kolonyalismo ay isang sistema kung saan ang isang makapangyarihang bansang nananakop at namamahala sa isang mahina o maliit na bansa upang kontrolin ang likas na yaman, kalakalan, at mamamayan nito. Kung ang isang bansa ay sinakop upang kunin ang ginto at iba pang yaman, anong aspeto ng kolonyalismo ang ipinapakita nito?
Pamputika
Panlipunan
Pang-ekonomiya
Kultural
Ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa Asya ay nagdulot ng malaking epekto. Kung ikaw ay isang Asyano noong panahong iyon, ano ang maaaring maramdaman mo sa pagdating ng mga Europeo?
magagalak dahil libre ang mga spices
walang pakialam sa kanilang pagdating
matutuwa dahil may bagong paninda
matatakot dahil sa posibilidad ng pananakop
Isa ito ng mahagll tatlong daang taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon ng maraming pagbabago sa lipunan. Alin sa sumusunod ang maaaring nagkaroon ng magandang epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Ang pagkkuhna ng mga Espanyol sa mga lupain ng mga katutubo.
Ang pagpapataw ng mataas na buwis sa pamamagitan ng Tributo.
Ang sapilitang paggewa ng mga Pilipino sa ilalim ng Polo y servicio.
Ang pagdatarak ng mga paaralan at pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ang mga patakarang pinatupad ng mga Espanyol ay may layunin na mapaunlad ang kaayusan at makalikon ng pondo para sa pamahalaang kolonyal, ngunit nagkaroon ito ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino. Kung susuriin mo ang mga sitwasyon, ano ang naging bunga ng pagpapatupad ng mga patakarang Espanyol sa buhay ng mga katutubong Pilipino?
Naging malaya ang mga Pilipino sa pagpili ng kanilang hanapbuhay.
Naging pantay ang pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino at Espanyol.
Lumindad ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa mas owanguis na kalakalan.
Naghirap ang mamamayang Pilipino dahil sa sapil- abuso at salaiping pagawa.
Isa sa mga patakarang pinairal sa Pilipinas ng mga Espanyol ay ang sapilitang paglilipat ng mga tao mula sa maliliit at magkakahiwalay na pamayanan patungo sa iisang malaking bayan, upang mas madali silang mabantayan, mapatawan ng buwis, at maturuan ng relihiyon. Ano ang tawag sa patakarang ito?
Polo y servicio
Reduccion
Encomienda
Bandala
Ang mga kanluraning mananakop ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan at patakaran ng pananakop sa kanilang mga naging kolonya. Ano ang paraan na pangingamkam ng British kung saan pinag- away- away ang mga lokal na pinuno sa isang lugar upang mas mapadali nila itong mapasunod at masakop?
Operation Division
Resident System
Divide and Rule
Sphere of Influence
Kung ikaw ay isang Pilipino noong panahon ng pananakop ng Japan, ano ang pinakamabisang paraan upang ipaglaban ang kalayaan nang hindi nalalagay sa panganib ang iyong pamilya?
Sumapi sa gerilya at lumaban sa labanan
Tumakas patungong ibang bansa upang umiwas sa tunggalian
Makipagtulungan nang tuluyan sa mga Haponese para sa kaligtasan
Tumulong sa mga mamamayan sa pamamagtang lihim na pagkakalap ng impormasyon
Maraming Pilipino ang nahirapan sa sapilitang pagawa (forced labor) sa ilalim ng mga Haponese. Kung ikaw ang lider ng isang pamayanang Pilipino noon, ano ang pinakamabisang hakbang upang maprotektahan ang iyong nasasakupan?
Umasa sa ibang bansa na magpapadala ng tulong
Mag-alsa kaagad laban sa mga Haponese kahit walang armas
Utos sa mga mamamayan na sundin na lamang ang lahat ng patakaran
Makipag-ugnayan sa mga Haponese upang makakuha na mas maayos na kondisyon
Hindi lahat ng Pilipino ay tumutol agad sa pananakop. May ilan na nakipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan o upang protektahan ang kanilang pamilya, samantalang ang iba ay sumapi sa mga gerilya upang ipaglaban ang kalayaan ng bansa. Batay sa pahayag alin ang sumusunod ang pinakamalinaw na aral mula sa karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Imperyalismong Haponese?
Ang pananakop ay nagdudulot lamang ng kaunlaran.
Kailangang maging masunurin sa mga banyagang kapangyarihan.
Ang tunay na kalayaan ay nakukuha sa pagkakaisa at katatagan ng loob.
Mas mabuting umasa sa ibang bansa kaysa ipaglaban ang sariling bayan.
Nang sakupin ng Japan ang Pilipinas noong 1942, ipinahayag nila na layunin nila ang layuning "palayain ang Asya sa kamay ng mga Kanluranin", ito ay sa ilalim ng programang tinawag na Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Ngunit sa realidad, ang pamahalaang Hapon ay nagpatupad ng mahigpit na pamumuno, sapilitang pagawa, at sensura sa mamamayang Pilipino. Batay sa pahayag, ano ang tunay na layunin nito?
Mapalakas ang ugnayan ng Asya at Europa
Tumulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas
Magtagtag ng party-party na samahan ng mga bansa sa Asya
Makontrol ang mga bansa sa Asya sa ilalim ng pamahalaang Haponese
Ano ang pangunahing layunin ng Japan sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo noong ika-20 siglo?
Magtuo ng kulturang Asyano sa ibang bansa
Magtayo ng mga paaralan at simbahan sa Asya
Makakuha ng likas na yaman at pamilihan para sa produkto
Magbigay ng tulong sa mga bansang Asyano laban sa Kanluranin
Simulan ng Japan ang pagpapalawak ng teritoryo sa Asya. Isa sa kanilang layunin ay ang makontrol ang mga bansang mayaman sa likas na yaman at alisin ang impluwensya ng mga Kanluranin sa rehiyon. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit sinakop ng Japan ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
upang turuan ng kulturang Hapon ang mga Pilipino
upang ipagtanggol ang Pilipinas mula sa mga Amerikano
upang makakuha ng likas na yaman at pamilihan para sa kanilang teritoryo
upang magtatag ng party-party na samahan ng mga bansa sa Asya
Bakit ginamit ng Japan ang islogang "Palayain ang Asya sa mga Kanluranin" bilang bahagi ng kanilang pananakop?
upang makuha ang tiwala ng mga bansang Asyano
upang hikayatin ang mga Amerikano na makipagkaibigan
upang tulungan ang mga Kanluranin na manirahan sa Asya
upang makalikom ng likas na yaman mula sa mga Kanluranin
Ang pananakop ng Japan sa Pilipinas ay naganap noong Disyembre 8, 1941, ilang oras matapos ang pananalakay nito sa Pearl Harbor kung nasaan ang hukbong pandagat ng Amerika. Bakit sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor?
upang humina ang puwersang Amerikano
upang mapilitang bumalik ang Amerika sa kanilang bansa
upang mapasakamay nila ang armas at gamit pandigma ng Amerika
upang mapaalis ang Amerika sa Pilipinas na hadlang sa kanilang pananakop
Sa una, tinanggap ng mga Indones ang mga Hapones bilang mga tagapagpalaya o liberator, hanggang lumabas ang tunay na hangarin nila sa bansa. Ang sumusunod na patakarang pinairal ng Hapon sa Indonesia maliban sa:
Nagpatag na mararahas na batas sa ekonomiya.
Pinagsamantalahan ang likas na yaman ng bansa.
Gumamit ng kamay na bakal sa pagkontrol sa mga Indones.
Ipinatayo ang pampublikong paaralan para sa kabataang Indones.
Kunwari, ikaw ay isang tagapagayo ng pamahalaan, ano ang pinakaepektibong mungkahing hakbang ang ibibigay mo upang magamit ang positibong impluwensya ng Hapon nang hindi naaapektuhan ang pambansang pagkakakilanlan?
Gamitin ang sistemang pang-edukasyon ng Hapon nang buo upang maging kasing-unlad nila.
Kopyahin ang lahat ng polisiya ng Japan tungkol sa disiplina at ekonomiya upang mabilis na umunlad.
Iwasan ang anumang bagay na may kaugnayan sa kulturang Hapon upang mapanatili ang kalayaan ng isipan.
Ituro ang mga disiplina at kasanayang teknolohikal ng Hapon ngunit isama ito sa konteksto ng sariling kultura at
kasaysayan ng bansa.
Noong ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Japan kung saan ibinalik ang kapangyarihan ang emperador at sinimulan ang modernisasyon ng bansa sa larangan ng edukasyon, industriya, at militar. Ano ang tawag sa panahong ito ng pagbabagong nagpaunlad sa Japan?
Golden Age
Meiji Restoration
Imperial Japanese
The New Era
