wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

VE8_Q2_Competency Assessment

Total questions: 55

Worksheet time: 41mins

Name
Class
Date
1.
Ano ang pangunahing pagpapahalaga na ipinapakita kapag tinutulungan ang isang kamag-aral na nahihirapan sa aralin?
a)
A. Disiplina
b)
B. Malasakit
c)
C. Pagkamapagsarili
d)
D. Katapatan
2.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng aplikasyon ng pasasalamat?
a)
A. Hindi pagpapansin sa kabutihan
b)
B. Pagrereklamo sa gawaing bahay
c)
C. Pagtangging tumulong kahit ikaw ay tinulungan
d)
D. Pagtulong sa kapatid matapos kang tulungan sa pag-aaral
3.
Alin sa mga gawain ng pamilya ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pasasalamat?
a)
A. Pagrereklamo sa Gawain
b)
B. Paglimot sa mga sakripisyo
c)
C. Pagwawalang-bahala sa kabutihan
d)
D. Paggunita at pagdiriwang ng mga biyaya
4.
Ano ang pinakamainam na paglalarawan ng pasasalamat?
a)
A. Paninisi sa iba
b)
B. Pagwawalang-bahala sa biyaya
c)
C. Palaging naghahangad ng higit pa
d)
D. Pagiging mapagpasalamat at marunong kumilala
5.
Aling awiting Pilipino ang nagpapakita ng sakripisyo ng mga magulang?
a)
A. Anak
b)
B. Bahay Kubo
c)
C. Lupang Hinirang
d)
D. Magtanim ay Di Biro
6.
Bakit mahalaga ang pagkilala sa kabutihang ginagawa ng pamilya?
a)
A. Nagiging makasarili tayo
b)
B. Mas lalo tayong nagrereklamo
c)
C. Nagiging sanhi ng di-pagkakaunawaan
d)
D. Natututo tayong pahalagahan at mahalin ang pamilya
7.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagpapakita ng pasasalamat?
a)
A. Pagtangging kilalanin ang pabor
b)
B. Pagrereklamo kahit may natanggap na tulong
c)
C. Hindi pagpapansin sa tulong na natanggap
d)
D. Pagpapasalamat sa kapatid na tumulong sa takdang-aralin
8.
Alin sa mga kilos ang malinaw na nagpapakita ng pasasalamat sa magulang?
a)
A. Pagrereklamo sa mga Gawain
b)
B. Pagtangging tumulong sa bahay
c)
C. Pagpapasalamat sa kanilang suporta
d)
D. Pagwawalang-bahala sa kanilang sakripisyo
9.
Ano ang positibong epekto ng pasasalamat sa pamilya?
a)
A. Nagdudulot ng alitan
b)
B. Nagpapahina ng samahan
c)
C. Nagpapatibay ng ugnayan
d)
D. Nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan
10.
Ano ang wastong paraan upang malampasan ang problema ng pamilya?
a)
A. Pag-iwas
b)
B. Pagpapabaya
c)
C. Pagtutulungan
d)
D. Pagkakawatak-watak
11.
Ano ang positibong epekto ng pasasalamat sa pamilya?
a)
A. Nagdudulot ng alitan
b)
B. Nagpapahina ng samahan
c)
C. Nagpapatibay ng ugnayan
d)
D. Nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan
12.
Ano ang wastong paraan upang malampasan ang problema ng pamilya?
a)
A. Pag-iwas
b)
B. Pagpapabaya
c)
C. Pagtutulungan
d)
D. Pagkakawatak-watak
13.
Alin sa mga sumusunod ang maling gawain ng kabataan na nakakaapekto sa pamilya?
a)
A. Pagsunod sa magulang
b)
B. Pag-aaral nang Mabuti
c)
C. Pag-abuso sa teknolohiya
d)
D. Paggalang sa nakatatanda
14.
Sino ang unang dapat gumabay sa mga anak sa pagharap sa pagsubok?
a)
A. Guro
b)
B. Kaibigan
c)
C. Magulang
d)
D. Kapitbahay
15.
Ano ang tamang tugon kapag nahaharap sa kahirapan ang pamilya?
a)
A. Mag-away-away
b)
B. Magtago sa problema
c)
C. Tumigil sa lahat ng gawain
d)
D. Maging matatag at magtulungan
16.
Ano ang pangunahing ugat ng maraming suliraning kinakaharap ng pamilya?
a)
A. Media
b)
B. Kahirapan
c)
C. Edukasyon
d)
D. Teknolohiya
17.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng banta sa pamilya?
a)
A. Karalitaan
b)
B. Pagmamahalan
c)
C. Pagtutulungan
d)
D. Pagpapahalaga
18.
Ano ang dapat gawin kapag may suliranin ang pamilya?
a)
A. Maghiwa-hiwalay
b)
B. Magturuan ng sisi
c)
C. Manahimik na lamang
d)
D. Magtulungan at magkaisa
19.
Ang pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok ay tinatawag na:
a)
A. Pag-ibig
b)
B. Katapatan
c)
C. Katatagan
d)
D. Katapangan
20.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI pundasyon ng matibay na ugnayan?
a)
A. Paggalang
b)
B. Pagtataksil
c)
C. Pagtitiwala
d)
D. Pagmamahal
21.
May usapan kayo ng iyong kaibigan ma magkikita sa plaza upang doon kayo magpaplano para sa kanyang kaarawan. Sa kasamaang palad ay hindi ka niya sinipot sa itinakdang oras. Paano mo sasabihin sa kaniya ang iyong nararamdaman sa positibong paraan?
a)
A. "Bakit ba nahuli ka na naman? Ang tagal mo talaga."
b)
B. "Sana naman sa susunod hindi ka na mahuli sa usapan natin."
c)
C. "Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo. Bakit ba ang tagal mo?"
d)
D. "Pilit kong inunawa kung bakit ka nahuli, pero hindi sana ako naghintay ng matagal kung umalis ka ng bahay nang mas maaga."
22.
Ano ang halimbawa ng pagkilala sa personal na hangganan?
a)
A. Pagtanggal ng pahintulot
b)
B. Pagpilit sa tao na sumang-ayon
c)
C. Paglabag sa personal na espasyo
d)
D. Pagrespeto sa desisyong tumanggi ang kaibigan
23.
Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal?
a)
A. Pinipilit ang atensyon
b)
B. Manghiram nang walang paalam
c)
C. Laging lumalabag sa personal na espasyo
d)
D. Humingi muna ng pahintulot bago yumakap
24.
Bakit mahalaga ang respeto sa pagpapakita ng pagmamahal?
a)
A. Dahil ito ay hindi kailangan
b)
B. Dahil ito ay para makontrol ang iba
c)
C. Dahil ito ay para umiwas sa responsibilidad
d)
D. Dahil ito ay nagpapanatili ng hangganan ng bawat isa
25.
Ano ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng pagiging magulang?
a)
A. Pagwawalang-bahala sa anak
b)
B. Hindi pakikisalamuha sa anak
c)
C. Pagpapabaya sa pangangailangan
d)
D. Pagbibigay ng pagmamahal at paggabay
26.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng maayos na pagsasama sa mag-asawa?
a)
A. Katapatan at pagtitiwala
b)
B. Paulit-ulit na pagtataksil
c)
C. Pagmamahalan at suporta
d)
D. Paghahati ng responsibilidad
27.
Ano ang pundasyon ng pangmatagalang relasyon?
a)
A. Pisikal na anyo
b)
B. Yaman at kasikatan
c)
C. Pag-ibig, tiwala, at respeto
d)
D. Pagkakaroon ng maraming kaibigan
28.
Ano ang pinakamahalagang batayan ng tunay na pagkakaibigan?
a)
A. Laging pagbibigay ng regalo
b)
B. Pansariling kapakinabangan
c)
C. Pagmamahalan, tiwala, at respeto
d)
D. Pagkakapareho ng interes lamang
29.
Ang pagbibigay galang sa opinyon ng iba ay pagpapakita ng:
a)
A. Respeto
b)
B. Katatagan
c)
C. Pagmamalasakit
d)
D. Pananampalataya
30.
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang wastong asal sa tahanan?
a)
Para makaiwas sa sermon
b)
B. Ipinapakita nito ang paggalang
c)
C. Para lamang magustuhan ng magulang
d)
D. Nakakapagpasaya lamang ito ng kapaligiran
31.
Ang mabuting pagpapasya ay dapat nakabatay sa:
a)
A. Prinsipyo
b)
B. Emosyon lamang
c)
C. Pagkakaroon ng maraming pera
d)
D. Paghahangad ng pansariling kapakinabangan
32.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng wastong asal sa lipunan?
a)
A. Pagsunod sa batas
b)
B. Pagsuway sa mga guro
c)
C. Pagwawalang-bahala sa kapwa
d)
D. Pagsigaw sa pampublikong lugar
33.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng responsibilidad sa pamilya?
a)
A. Paglalaro ng buong araw
b)
B. Pagpapabaya sa tungkulin
c)
C. Pagtulong sa gawaing bahay
d)
D. Panonood ng telebisyon lamang
34.
Kapag may kaibigan kang may problema, ano ang tamang dapat gawin?
a)
A. Iwasan siya
b)
B. Tawanan siya
c)
C. Baliwalain ang kanyang damdamin
d)
D. Pakinggan siya nang may pag-unawa
35.
Ano ang dapat isaalang-alang kapag gagawa ng desisyon na makakaapekto sa iba?
a)
Ang payo ng kaibigan
b)
B. Ang pansariling interes
c)
C. Ang makakabuti sa lahat
d)
D. Ang kagustuhan ng nakararami lamang
36.
Ano ang ipinapakita ng kabataang marunong humingi ng tawad kapag nagkamali?
a)
Pagpapakumbaba
b)
B. Kahinaan ng loob
c)
C. Pagiging pabaya
d)
D. Pag-iwas sa pananagutan
37.
Ano ang pagpapahalagang natututuhan sa pagtutulungan sa pamayanan?
a)
A. Pagiging tamad
b)
B. Pagiging makatao
c)
C. Pagiging makasarili
d)
D. Pag-iwas sa responsibilidad
38.
Ano ang kahulugan ng empatiya?
a)
A. Pagbibigay ng opinion
b)
B. Pagpapakita ng galling
c)
C. Pagpapasya nang mag-isa
d)
D. Pagdamay sa damdamin ng iba
39.
Ang pagiging responsable sa paaralan ay nangangahulugang:
a)
A. Pagiging tamad sa klase
b)
B. Pagpapabaya sa mga Gawain
c)
C. Pag-iwas sa gawaing pang-akademiko
d)
D. Pagganap ng tungkulin at pagsunod sa alituntunin
40.
Ano ang pangunahing tungkulin ng kabataan sa lipunan?
a)
A. Pagkakanya-kanya
b)
B. Pag-aaral nang Mabuti
c)
C. Pag-iwas sa komunidad
d)
D. Pagpapabaya sa tungkulin
41.
Ano ang nagpapakita ng presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya?
a)
A. Yaman
b)
B. Kasikatan
c)
C. Karangyaan
d)
D. Kapayapaan at pagmamahalan
42.
Ano ang ibig sabihin ng nailalapat sa kontekstong pangkasanayan?
a)
A. Naalala lang
b)
B. Nasusulat lang
c)
C. Naipinta lamang
d)
D. Naipapakita sa gawa
43.
Ano ang katangian na tumutulong sa pagpapatatag ng pamilya?
a)
A. Pag-iisa
b)
B. Pagtatalo
c)
C. Tiwala sa isa’t isa
d)
D. Matinding kompetisyon
44.
Ano ang magiging gawain ng mag-aaral ayon sa performance standards?
a)
A. Makapagsulat ng nobela
b)
B. Makapag-perform ng sayaw
c)
C. Makapagbenta ng produkto
d)
D. Makapagsagawa ng paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos
45.
Ano ang inaasahang kilos ng mag-aaral matapos mapag-aralan ang aralin?
a)
A. Nagtatago ng lihim
b)
B. Nag-iisa sa problema
c)
C. Nagmamadaling mag-alis
d)
D. Naisasabuhay ang pananampalataya
46.
Ano ang tamang pagpapahalaga sa sariling kakayahan?
a)
A. Pagyayabang sa talent
b)
B. Paghahambing ng sarili sa iba
c)
C. Pagwawalang-bahala sa kakayahan
d)
D. Pagkilala at paggamit sa sariling kakayahan nang may kababaang-loob
47.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng pagkilala sa presensiya ng Diyos?
a)
A. Pagmamataas
b)
B. Pagwawalang-bahala
c)
C. Paguusap nang may galit
d)
D. Pag-aalaga at pagtutulungan sa oras ng problema
48.
Ano ang pinakamahalagang layunin ng tamang pagpapasya?
a)
A. Pag-iwas sa problema
b)
B. Pagkamit ng kabutihang panlahat
c)
C. Pagbibigay ng pansariling kasiyahan
d)
D. Pagkakaroon ng mas maraming kaibigan
49.
Alin ang halimbawa ng positibong pagpapahalaga sa sarili?
a)
A. Pagsuko agad sa hamon
b)
B. Pag-iwas sa responsibilidad
c)
C. Pagpapakita ng determinasyon
d)
D. Pagkukunwari upang mapansin
50.
“Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan”. Ang pangungusap na ito ay ___________________________.
a)
A. Tama, bahagi ng pagkakaibigan ang iba't-ibang uri ng hidwaan
b)
B. Mali, hindi lahat ng kaibigan ay dumadaan sa ganitong dramahan
c)
C. Mali, minsan ay hindi nagiging magkaibigan ang dalawang taong nagkasakitan ng loob
d)
D. Tama, nakikilala ng lubos ang kaibigan kapag nakararanas ito ng krisis na may kaugnayan sa pagkakaibigan
51.
Ano ang dapat patunayan ng mag-aaral bilang bahagi ng learning outcomes?
a)
A. Na ang pamilya ay perpekto
b)
B. Na may maraming ari-arian ang pamilya
c)
C. Na alam niya ang lahat ng sagot sa pagsusulit
d)
D. Na ang presensiya ng Diyos ay nakikita sa pagmamahalan at katatagan
52.
Ano ang isang konkretong paraan ng paglinang ng pananampalataya sa pamilya?
a)
A. Pagbasa ng komiks
b)
B. Paglalaro nang mag-isa
c)
C. Pagtakbo paminsan-minsan
d)
D. Pagdarasal at pagtulong sa isa’t isa
53.
Ano ang unang dapat isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
a)
A. Ang pinakamadaling gawin
b)
B. Ang payo ng lahat ng kaibigan
c)
C. Ang kapakanan ng sarili at ng iba
d)
D. Ang pagkakaroon ng materyal na gantimpala
54.
Ano ang ibig sabihin ng responsableng pagpapasya?
a)
A. Pag-iwas sa anumang desisyon
b)
B. Pagpapasya nang padalos-dalos
c)
C. Pagpapasya na may pananagutan sa resulta
d)
D. Pagpapasya batay lamang sa pansariling interes
55.
Iniisip mo na mas mahal ng iyong magulang ang iyong ate. Nararamdaman mo na hindi patas ang pagtrato nila sa inyong magkakapatid. Alin ang pinaka-praktikal na gawin upang mapabuti ang iyong relasyon sa kanila?
a)
A. Manatiling tahimik upang maiwasan ang samaan ng loob sa pamilya.
b)
B. Ipahayag ang iyong sama ng loob sa iyong ate upang makarating sa inyong mga magulang.
c)
C. Magplano ng mahusay at ipahayag ang iyong nararamdaman sa kanila sa paraang magalang.
d)
D. Huwag magpapaapekto sa sitwasyon at hayaang ang magulang na lang ang magbigay solusyon.