Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 9 2NDQ REVIEW

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa mga prinsipyo na nagiging batayan ng isang tao upang magtrato ng pantay sa kapwa?

a)

Karapatan

b)

Isip at kilos-loob

c)

Kalayaan

d)

Dignidad

2.

Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.

a)

Karapatan

b)

Tungkulin

c)

Kalayaan

d)

Dignidad

3.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng isang mag-aaral?

a)

pagsuot ng uniporme

b)

pagpasok sa paaralan sa takdang oras

c)

pagsuot ng Identification Card (ID)

d)

pag-cucutting classes

4.

Ang tungkuling gawing legal ang mga pribadong ari-arian ay ayon sa anong Karapatan ng tao?

a)

Karapatang Mabuhay

b)

Karapatan sa pribadong ari-arian

c)

Karapatang Magpakasal o magkaroon ng pamilya

d)

Karapatan sa pananampalataya

5.

Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?

a)

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral

b)

Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin

c)

Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan

d)

Kung may karapatan, ipaglaban mo

6.

Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?

a)

Karapatan sa buhay

b)

Karapatan sa pribadong ari-arian

c)

Karapatang magtrabaho

d)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

7.

Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ano?

a)

Obligasyong Moral

b)

Karapatang Moral

c)

Likas na Batas Moral

d)

Moralidad

8.

Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa alin ito?

a)

Terorismo

b)

Pagpataas sa sanggol

c)

legal na pagmimina

d)

Diskriminasyong pangkasarian

9.

Anong karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon? Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain; Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib; Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud; Pag-iwas sa eskandalo

a)

Karapatang maghanapbuhay

b)

Karapatang magpakasal

c)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

d)

Karapatan sa buhay

10.

Si Mang Dado ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang mga patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?

a)

Oo, dahil mawalan ng ikabuhuhay ang kaniyang pamilya.

b)

Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinyon sa trabaho.

c)

Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin sa trabaho.

d)

Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho.

11.

Ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan na pumipigil sa abortion at pagpatay.

a)

Karapatang magpakasal

b)

karapatang magtrabaho

c)

Karapatan sa pribadong ari-arian

d)

karapatan sa buhay

12.

Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangang ng tao ang sariling gamit o pag-aari.

a)

Karapatan sumamba

b)

karapatan sa buhay

c)

Karapatan sa pribadong ari-arian

d)

karapatang magtrabaho

13.

May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib. Anong karapatan ang ipinapakita dito?

a)

Karapatang magpakasal

b)

karapatang magtrabaho

c)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

d)

karapatan sa buhay

14.

Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar upang makapagtatrabaho o lumayo sa panganib.

a)

Karapatan sa pagpili ng propesyon

b)

karapatang pumunta sa ibang lugar

c)

Karapatan sa buhay

d)

karapatang magpakasal

15.

Ito ay mga panuntunang kailangang sundin. Ito rin ang nagsisilbing gabay upang mapanuto at magkaroon ng disiplina ang bawat tao.

a)

Batas

b)

Karapatan

c)

Tungkulin

d)

Kalayaan

16.

Saan nakabatay ang Likas na Batas Moral?

a)

Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino

b)

Mula sa kaisipan ng mga pilosopo

c)

Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao

d)

Mula sa Diyos

17.

Alin sa sumusunod ang hindi naaayon sa Likas na Batas Moral?

a)

Pagkalas ng buwis sa mga manggagawa na walang konsultasyon

b)

Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar

c)

Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili

d)

Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo

18.

Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?

a)

Ibinubulong ng anghel

b)

Naiisip na lamang

c)

Itinuturo ng baway magulang

d)

Sumisibol mula sa konsensiya

19.

Ano ang layunin ng RA 10627 (Anti-Bullying Act)?

a)

Ipagbawal ang droga

b)

Protektahan ang mga estudyante laban sa pang-aapi

c)

Ipagtili ang paggamit ng plastik

d)

Ipatupad ang disiplina sa lansangan

20.

Ito ay pinagbatayan ng mga tao kung ano ba ang mga mabuting gawain at masasamang gawain.

a)

Batas Moral

b)

Karapatan

c)

Tungkulin

d)

Kalayaan

21.

Isa ito sa mga pinagmulan ng batas moral na naglalaman ng lahat ng batas ng tao.

a)

Natural Law

b)

Eternal Law

c)

Moral Law

d)

Change Law

22.

Bakit hindi kailangang ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang Likas na Batas Moral?

a)

Dahil kaya itong ituro ng magulang sa mga bata.

b)

Dahil may instructional manual na pwedeng basahin.

c)

Dahil may kapangyarihang taglay ang tao na umalam.

d)

Dahil nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal.

23.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga pagpapahalagang kasama ng Likas na Batas Moral?

a)

Kapayapaan

b)

Katarungan

c)

Pagmamahal

d)

Pagtitiis

24.

Dito nakaangkla ang Pandagdag ng Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao.

a)

Universal Law

b)

Universal Declaration of Human Rights

c)

Eternal Law

d)

Universal Declaration of state

25.

Ito ang laging pakay at layon ng tao sa buhay.

a)

Mabuti

b)

Masama

c)

Tama

d)

Paggawa

26.

Alin ang nagpapakita ng paglabag sa batas at paghadlang sa kabutihang panlahat?

a)

Pagsama sa mga grupo na ang hangarin ay batikusin at siraan ang nasa gobyerno

b)

Paggabya ng magulang sa anak upang mahubog ang kaniyang pagpapakatao

c)

Paghulí sa mga nagbebenta ng ilegal na droga at pagparusa sa kanila

d)

Pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan

27.

Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan at isang aktibidad o gawain ng tao.

a)

Karapatan

b)

Kalayaan

c)

Paggawa

d)

Batas-Moral

28.

Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa alin?

a)

Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos

b)

Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.

c)

Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makalamang at makasakit ng kapuwa.

d)

Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.

29.

Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay paraan ng _________.

a)

Pagbibigay kahulugan sa buhay

b)

Pagpapadama ng obligasyon

c)

Paglinang ng kaalaman at kasanayan

d)

Pagtugon sa mga pangangailangan

30.

Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?

a)

Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa

b)

Kapag kinakailangan isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.

c)

Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng trabaho na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.

d)

Lahat ng nabanggit

31.

Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa alin?

a)

Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan

b)

Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.

c)

Upang tulungan ang mga mayayaman.

d)

Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao

32.

Ano ang obheto ng paggawa?

a)

Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto

b)

Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

c)

Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglika ng mga produkto

d)

Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

33.

Ano naman ang subheto ng paggawa?

a)

Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto

b)

Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

c)

Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglika ng mga produkto

d)

Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

34.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng pagtataguyod ng dignidad ng tao sa pamamagitan ng paggawa?

a)

Nag-overtime sa trabaho sa Lovise sapagkat nais niyang matapos ang deadline bago ang itinakdang oras.

b)

Bilang guro ay ibinibigay ni Jaypee ang lahat ng kaniyang magagawa upang matulungan na maunawaan ng kaniyang mga mag-aaral ang kanilang aralin.

c)

Inuna ni Yujin ang paglalaro ng online games bago niya ginawa ang inutos na gawaing bahay ng kaniyang ina

d)

Bagamat pagod na sa trabaho si Leila bilang nurse ng isang ospital ay sinisikap pa rin niya na maalagaan ang kaniyang mga pasyente sa abot ng kaniyang makakakaya.

35.

Kailan natin nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?

a)

Kapag nakita ang proseso ng paggawa

b)

Kapag maayos ang paggawa

c)

Kapag tao mismo ang gumawa

d)

Kapag walang nasasayang sa paggawa

36.

Lahat ng mga mag-aaral ay kailangang makilahok sa Brigada Eskwela ng paaralan. Ano ang dapat mong gawin dito upang maipakita ang pagpapahalaga mo sa paggawa?

a)

Tumulong dahil tungkulin mo ito bilang mag-aaral

b)

Tumulong at magkaroon ng attendance araw-araw

c)

Tumulong sa mga kailangang kumpunihin

d)

Tumulong dahil masaya itong gawin

37.

Ang mga sumusunod ang maaaring makamit sa pamamagitan ng paggawa alin ang hindi?

a)

nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan

b)

napapataas ang tiwala sa sarili

c)

nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay

d)

Napag-iibayo ang pagiging tamad ng manggagawa.

38.

Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat ng mayroong kamalayan at pananagutan.

a)

Bolunterismo

b)

Dignidad

c)

Pakikilahok

d)

Pananagutan

39.

Ano ang tinutukoy ng pagbigay ng sarili na hindi naghahandog ng anumang kapalit?

a)

Bolunterismo

b)

Dignidad

c)

Pakikilahok

d)

Responsibilidad

40.

Alin sa sumusunod ang tunay na kahulugan ng pakikilahok?

a)

Isang pagtulong na may inaasahang kapalit

b)

Isang paggawa na may kakambal na pagmamahal

c)

Isang malayang pagpili na walang puwersa ng pamimilit

d)

Isang pananagutang tinututupard tungo sa kabutihang panlahat

41.

Ano ang mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

Pagmamahal, Malasakit at Talento

b)

Talento, Panahon at Pagkakaisa

c)

Panahon, Talento at Kayamanan

d)

Kayamanan, Talento at Bayanihan

42.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?

a)

Bayanihan (lipat-bahay)

b)

Programa ng barangay tulad ng libreng gupit

c)

Pagsali sa beauty contest ng barangay

d)

Pagsali sa volleyball tuwing intramurals

43.

Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pakikilahok?

a)

Medical at dental program ng mga kilalang tao

b)

Pagboto tuwing eleksyon

c)

Pagpopost ng plataporma ng tatakbong mayor

d)

Pagpapakain sa mga batang lansangan

44.

Nagsagawa ang mga mag-aaral sa EsP 9 ng paglilinis sa pamayanan bilang paglalapat sa araling Pakikilahok at Bolunterismo. Aling mag-aaral ang may kilos ng pagkukusa?

a)

Pumunta si Frances dahil ayaw niyang biguin ang kaniyang mga kapangkat.

b)

Pumunta si Marvin dahil kailangan ito upang tumaas ang kaniyang grado.

c)

Pumunta si Jun dahil nais niyang makatulong sa gagawing paglilinis.

d)

Pumunta si Rey dahil kukuha siya ng larawan na pang-Facebook.

45.

Hindi nakalahok si Roco sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na may sakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?

a)

Impormasyon

b)

Sama-samang Pagkilos

c)

Pagsuporta

d)

Konsultasyon

46.

Alin sa sumusunod ang taliwas sa layunin ng pagsasagawa ng bolunterismo?

a)

Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.

b)

Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon.

c)

Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta.

d)

Nagkakaroon siya ng oportunidad upang makilala at sumikat.

47.

Ano ang pinapakita ng halimbawang ito: “Hindi mo kayang maglinis sapagkat mahina ang iyong katawan. Makapagbibigay ka ng tulong sa pamamagitan ng donasyon, paghahanda ng pagkain para sa mga naglilinis o di kaya’y pagpapalaganap ng impormasyon sa mga tao para makilahok sila.”

a)

Pagsuporta

b)

impormasyon

c)

konsultasyon

d)

pagpapasiya

48.

Paano maipapakita ang pakikilahok bilang isang obligasyong likas sa dignidad ng tao?

a)

Pipililin na hindi lumahok sa paggawa ng proyekto sa EsP upang makapapahinga.

b)

Pipililin na hindi sumama sa barkada upang magawa ang tungkulin sa bahay.

c)

Pipililin na linisin ang kalsada kahit pinipilitan lamang.

d)

Pipililin na mamuno sa mga pangkatang gawain ng klase.

49.

Bakit mahalagang makilahok sa mga gawain ng barangay ang isang kabataan?

a)

Dahil mahalagang maging mapanagutan sa lipunang kinabibilangan.

b)

Dahil sa patakarang may penalty ang miyembro na hindi makikilahok.

c)

Dahil kailangang maipakita ang pagiging kabilang dito.

d)

Dahil simpleng paggawa lamang naman ito.

50.

Alin ang nagpapakita ng sama-samang pagkilos?

a)

Nagtulungan na maglinis ang bawat miyembro ng barangay sa kanilang nasasakupan.

b)

Nagbigay ng gagawin ang Brgy. Captain, sa halip na tumulong kanya-kanyang gumawa ang kanyang nasasakupan.

c)

Mga tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas ng oras.

d)

Mga tao na tumutulong dahil may hinihintay na kapalit.