Font size
WorksheetsQ2 LONG QUIZ MABISANG KOMUNIKASYON
Total questions: 50
Worksheet time: 28mins
Ano ang tawag sa pangunahing paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ideya, at saloobin ng tao?
A. Komunikasyon
B. Pananampalataya
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabuuan ng tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng isang lipunan?
A. Kultura
B. Wika
Ano ang tawag sa kamalayang hinggil sa paggamit ng wika na nakaugat sa sariling tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino?
A. Kultural
B. Politikal
Sino ang pangunahing gumagamit ng wika bilang kasangkapan ng komunikasyon sa lipunan?
A. Simbahan
B. Tao
Ano ang tawag sa malikhaing paraan ng pagpapahayag na nakabatay sa kamalayang kultural ng Pilipino, tulad ng tula, awit, at kuwento?
A. Akademikong Pagsusulat
B. Malikhaing Pagpapahayag
Bakit mahalaga ang wika sa pagpapanatili ng kultura ng isang lipunan?
A. Nakatuon lamang ito sa pakikipagkalakalan
B. Ito ay nag-uugnay ng tradisyon, kaugalian, at paniniwala
Kapag ang isang Pilipino ay gumagamit ng salitang hiram mula sa banyagang wika, anong konsepto ang ipinapakita nito?
A. Pagkakaroon ng bagong identidad
B. Pagpapalitan at pag-unlad ng kultur
Paano naipakikita ang kamalayang kultural sa komunikasyon ng mga Pilipino?
A. Pagsasalita lamang ng wikang banyaga
B. Paggamit ng mga salitang may lokal na kahulugan at kaugnayan sa kaugalian
Kung ikukumpara ang akdang Pilipino sa isang banyagang akda, ano ang pangunahing pagkakaiba nito? Ang akdang Pilipino ay______.
A. Ang akdang Pilipino ay nakaugat sa sariling karanasan at kultura
B. Ang akdang banyaga ay hindi nauunawaan ng Pilipino
Bakit sinasabing malikhaing pagpapahayag ng kamalayang kultural ang mga tula, awit, at kuwento ng Pilipino?
A. Dahil ito ay ginagamit lamang sa paaralan
B. Dahil ipinapahayag nito ang kalinangan at damdamin ng mga Pilipino
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paggamit ng pangwika na nakaugat sa kultura ng Pilipino kung ikaw ay hihirangin na tagapagsalita sa isang programa para sa Buwan ng Wika?
A. Gamitin ang mga salitang banyaga upang maging moderno ang talumpati
B. Maghanda ng talumpati na gumagamit ng mga salitang Pilipino at naglalarawan ng kaugalian at tradisyon
Ano ang ipinakikita ng pagkakaiba-iba ito sa kultural na konteksto ng komunikasyon?
A. Pare-pareho lamang ang anyo ng paggamit sa lahat ng kultura
B. Ipinapakita na ang wika ay repleksyon ng natatanging pagpapahalaga ng isang Lipunan
"Isang guro ang naghanda ng aralin tungkol sa paggamit ng wika at kultura sa komunikasyon. Gumamit siya ng mga halimbawa ng bugtong at salawikain upang ipakita ang kamalayang kultural ng Pilipino."
Bilang mag-aaral, paano mo susuriin ang bisa ng ginamit sa naging paraan ng guro?
A. Hindi malinaw dahilan sa walang kaugnayan ang bugtong at salawikain sa wika ang paggamit ng banyagang halimbawa
B. Epektibo ito dahil nakatulong ito na ipakita ang kaugnayan ng wika at kultura sa konteksto ng Pilipino
Ano ang pangunahing layunin ng tekstong public-facing?
A. Makapagturo lamang ng teknikal na kaalaman
B. Makipag-ugnayan sa nakararaming tao o publiko
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong public-facing?
A. Patalastas sa telebisyon
B. Liham ng isang mag-aaral sa kanyang guro
Ano ang tawag sa uri ng teksto ang nakikita sa poster, billboard, o anunsyo na nakatuon sa publiko?
A. Public-facing
B. Teknikal
Ano ang pangunahing katangian ng public-facing text?
A. Madaling maunawaan ng madla
B. Limitado para sa espesyalisadong mambabasa
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa public-facing text?
A. Personal na journal
B. Social media post
Bakit kailangang gumamit ng malinaw at payak na wika sa tekstong public-facing?
A. Nang sa gayon ay mas mahaba ang nilalaman
B. Sa layuning mas madaling maunawaan ng nakararaming tao
Paano naiiba ang tekstong public-facing sa personal na tala tulad ng diary?
A. Nakatuon ang public-facing sa nakararami, samantalang ang diary ay pribado
B. Hindi madaling maunawaan ang public-facing
Kung makakakita ka ng isang infographic tungkol sa kalinisan at kalusugan, ano ang layunin nito bilang public-facing text?
A. Magpabatid at magpaalala sa publiko
B. Magpahayag ng personal na damdamin
Paano naipakikita ng public-facing text ang kamalayan sa pangangailangan ng madla?
A. Sa pagtutok sa simpleng impormasyon na kapaki-pakinabang
B. Sa paglalaghad ng personal na opinyon lamang
Bakit ang mga patalastas, anunsyo, at poster ay kabilang sa public-facing text?
A. Ito ay nakalaan sa nakararaming tao at madaling maunawaan
B. Ginagamit lamang ito sa paaralan
Isipin na ikaw ay gagawa ng maikling kwento tungkol sa karanasan ng isang mag-aaral sa unang araw ng pasukan. Anong elemento ng tekstong naratibo ang dapat mong unahin upang malinaw na maipakilala ang tauhan sa iyong kwento?
A. Tauhan
B. Tema
"Bumili na ng produktong ito upang maging mas masaya at maginhawa ang iyong buhay!"
Alin sa mga teknik ng tekstong persuwesib ang higit na makikita sa sipi?
A. Paggamit ng emosyon o damdamin (pathos)
B. Pagpapakita ng kredibilidad ng may-akda (ethos)
Alin sa mga sumusunod ang pinakamaainam na istruktura sa pagsulat?
A. Pagbibigay ng hakbang at tagubilin mula umpisa hanggang matapos
B. Paglalalahad ng mga dahilan kung bakit masustansya ang tsaa
Nasa isang barangay assembly ka at nakikinig sa Punong Barangay na nagbibigay ng ulat. Anong uri ng komunikasyon ang ipinapakita?
C. Publiko
D. Pampamilya
Habang naglalakad ka sa kalsada, nakita mo ang isang malaking billboard na nag-aanyaya sa mga mamamayan na makiisa sa tree-planting activity para sa kapaligiran. Ano itong uri ng komunikasyon?
A. Sibiko
B. Di-pormal
Sa isang klase, ipinapakita ng guro sa mga estudyante ang isang talumpati tungkol sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino upang mapanatili ang kultura. Ano ang sitwasyong ipinapakita?
A. Kultural
B. Politikal
Nakikinig ka ng balita sa radyo tungkol sa lagay ng panahon at babala ng bagyo, at nagkikipag-usap ka rin tungkol dito sa iyong kaibigan pagkatapos. Anong uri ng komunikasyon ang ipinapakita?
A. Interpersonal
B. Pormal
Sumali ka sa isang online webinar tungkol sa tamang paggamit ng social media at iniisip mo kung paano mo ito maipapahayag sa iyong sarili at maiaapply sa araw-araw. Anong uri ng komunikasyon ang ipinapakita?
A. Intrapersonal
B. Mass Communication
Isang kabataan ang nagsasalita sa harap ng mga opisyal ng barangay upang ipahayag ang pangangailangan ng streetlights sa kanilang lugar. Ano ang ipinapakitang layunin ng komunikasyong sibiko?
A. Magbahagi ng personal na kwento
B. Mag-udyok at magpahayag ng isyung panlipunan
Habang nasa paaralan, nakita mong nakapaskil ang iskedyul ng community clean-up drive. Paano ipinakikita ng anunsyo ito ang komunikasyong sibiko?
A. Nakatuon lamang ito sa personal na pangangailangan
B. Nagbibigay ito ng impormasyong para sa kapakanan ng komunidad
Ang isang lider ng kabataan ay nagbahagi ng talumpati tungkol sa pagbotong nang tama at tapat. Ano ang mensahe ng komunikasyong sibiko dito?
A. Magkuwento ng sariling karanasan
B. Hikayatin ang komunidad na maging mulat sa tungkuling panlipunan
Kung ang guro ay nag-aanyaya sa mga estudyante na sumali sa tree-planting project, paano ito nauunang sa komunikasyong sibiko?
A. Ito ay para lamang sa layunin ng paaralan
B. Nakatutok ito sa pagtulong at pag-aambag sa kapakanan ng komunidad
Nanonood ka ng programang pangtelebisyon na nagtuturo ng tamang paghihiwalay ng basura para sa kalinisan ng pamayanan. Ano ang naipakikita nito tungkol sa komunikasyong sibiko?
A. Nakapokus ito sa pagpapalakas ng kamalayang panlipunan
B. Layunin lamang nitong mang-aliw sa mga manonood
Ikaw ay napiling kinatawan ng klase upang magsalita sa isang Youth Forum tungkol sa kalinisan ng kapaligiran. Paano mo magagamit ang komunikasyong sibiko sa sitwasyong ito?
A. Magbigay ng talumpati na nag-uudyok sa mga kabataan na makiisa sa mga proyektong pangkalinisan
B. Manood na lamang ng programa tungkol sa kalikasan
"Isang alkalde ang nagbigay ng talumpati sa harap ng mga mamamayan tungkol sa mga proyekto ng kanilang bayan. Mapapansin na gumamit siya ng mga simpleng salita at halimbawa mula sa araw-araw na buhay."
Ano ang ipinapakitang katangian ng komunikasyong publiko sa sitwasyong ito?
A. Paggamit ng wikang madaling maunawaan ng nakararami
B. Pagtuon lamang sa interes ng tagapagsalita
"Bilang mag-aaral, naatasan kang gumawa ng isang maikling poster o slogan na magpapakita ng kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon."
Aling gawain ang pinakamahusay na halimbawa ng paglikha gamit ang komunikasyong kultural?
A. Sumulat ng lihim na tala tungkol sa sariling damdamin
B. Gumawa ng poster na may islogan tulad ng “Wikang Filipino: Tinig ng Ating Kultur”
Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan tungkol sa kanilang proyekto, anong sitwasyong pangkomunikasyon ang ipinapakita?
A. Interpersonal
B. Intrapersonal
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng intrapersonal na komunikasyon?
A. Talakayan ng pamilya sa hapag-kainan
B. Pagninilay ng isang tao sa kanyang sarili
Ang pakikipag-usap ng isang tagapagsalita sa harap ng mga mamamayan tungkol sa mga proyekto ng kanilang bayan. Mapapansin na gumamit siya ng mga simpleng salita at halimbawa mula sa araw-araw na buhay. Anong uri ng komunikasyon ito?
A. Isang mag-aaral na nagsasalita sa sarili bago ang pagtatanghal
B. Pampublikong komunikasyon
Sa isang barangay assembly, ang kapitan ay nagbibigay ng ulat sa mga mamamayan. Anong uri ito ng komunikasyon?
Pang-akademiko
Publiko
Habang nag-aaral ka para sa darating na pagsusulit, kinausap mo ang sarili mo tungkol sa mga plano at hakbang na gagawin mo upang mas maging handa. Anong sitwasyong pangkomunikasyon ang ipinapakita?
A. Interpersonal
B. Intrapersonal
Nakikinig ka ng balita sa radyo tungkol sa lagay ng panahon. Anong sitwasyong pangkomunikasyon ito?
A. Mass media
B. Publiko
Ang uri ng komunikasyon na ginagamit ng pamahalaan upang iparating sa mamamayan ang mga programa at proyekto ay tinatawag na (a) .
Ang pakikilahok ng mamamayan sa mga talakayang panlipunan at pampulitika ay bahagi ng (a) .
Ang pagpapahayag ng mga tradisyon, paniniwala, at sining ng isang grupo ay kabilang sa (a) .
Ang pagbibigay ng impormasyon ng mga lider ng gobyerno sa mga mamamayan sa pamamagitan ng talumpati o pahayag ay isang halimbawa ng (a) .
Ang pagpapahalaga sa wika, pananamit, at kaugalian ng isang lahi ay ipinapakita sa (a) .
