Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 Q2 EXAM REVIEWER

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ayon kay Agapay, saan nakasalalay ang magiging uri ng tao sa hinaharap?

a)

Sa yaman o katayuan sa buhay

b)

Sa antas ng kanyang pinag-aralan

c)

Sa kanyang mga kilos at gagawin

d)

Sa mga taong nakapaligid sa kanya

2.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kilos ng tao (acts of man)?

a)

Paghinga habang natutulog

b)

Pagbibigay ng tulong sa nangangailangan

c)

Pagpapasya kung mag-aaral o hindi

d)

Paghingi ng tawad sa nagawang kasalanan

3.

Ano ang tawag sa kawalan ng kaalaman na nagiging dahilan kung bakit ang kilos ng tao ay hindi itinuturing na makataong kilos?

a)

Bisyo

b)

Pamimilit

c)

Pagnanasa

d)

Kamangmangan

4.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa panlabas na puwersa na pumipilit sa tao na kumilos laban sa kanyang kalooban?

a)

Karahasan

b)

Takot

c)

Gawi

d)

Masidhing damdamin

5.

Ano ang tawag sa paulit-ulit na kilos na nagiging bahagi na ng sistema ng tao?

a)

Takot

b)

Gawi

c)

Karahasan

d)

Kamangmangan

6.

Kapag ang isang tao ay nagagalit agad kahit sa maliit na bagay, anong salik ang umiiral sa kanyang kilos?

a)

Gawi

b)

Karahasan

c)

Kamangmangan

d)

Masidhing Damdamin

7.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ilang yugto mayroon ang makataong kilos?

a)

8

b)

10

c)

12

d)

14

8.

Ano ang unang hakbang sa moral na pagpapasiya ayon sa “LISTEN process”?

a)

Magkalap ng patunay

b)

Magsagawa ng pasiya

c)

Tingnan ang kalooban

d)

Umasa sa tulong ng Diyos

9.

Ano ang layunin ng hakbang na “Maghanap ng ibang kaalaman”?

a)

Upang mapabilis ang pagdedesisyon

b)

Upang maiwasan ang magpadalos-dalos

c)

Upang palawakin ang pagninilay-nilay

d)

Wala sa pagpipilian

10.

Ano ang tawag sa salik na tumutukoy sa panloob na layunin o intensiyon ng isang kilos?

a)

Layunin

b)

Paraan

c)

Kahihinatnan

d)

Sirkumstansiya

11.

Bakit sinasabing ang makataong kilos ay may pananagutan ang tao?

a)

Dahil ito ay hindi napag-iisipan

b)

Dahil ito ay dulot ng takot o pwersa

c)

Dahil ito ay may kaalaman at kusa

d)

Dahil ito ay likas sa kalikasan ng tao

12.

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “ang kilos ang nagbibigay-patunay kung ang tao ay may kontrol sa sarili”?

a)

Sukat ng talino

b)

Walang ugnay sa moralidad

c)

Bunga ng emosyon

d)

Sukat ng kalayaan at pananagutan

13.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng layon ng mag-aksyon bilang batayan ng kabutihan o kasamaan?

a)

Isang magulang na nagtatrabaho upang mapaaral ang anak

b)

Isang lider-estudyante na nag-aanyaya sa outreach program

c)

Isang guro na nagbibigay ng tulong sa mga nahihirapan sa aralin

d)

Isang estudyanteng tumulong sa kaklase na makapasa sa maling paraan

14.

Paano nakaaapekto ang gawi sa kilos ng tao?

a)

Ang gawi ay bunga ng kamangmangan

b)

Ang gawi ay walang kaugnayan sa moralidad

c)

Ang paulit-ulit na kilos ay maaaring maging awtomatiko

d)

Ang gawi ay nagiging masama kung kung ito ay pinag-iisipan

15.

Ano ang ipinapahiwatig kapag ang isang kilos ay bunga ng karahasan?

a)

Ang karahasan ay palatandaan ng tapang

b)

Ang kilos ay bunga ng sariling kagustuhan

c)

Ang tao ay hindi malaya dahil napilitan lamang siya

d)

Ang tao ay ganap na responsable sa kanyang ginawa

16.

Bakit kailangang kilalanin ng isang mag-aaral ang mga salik na nakaaapekto sa kanyang kilos?

a)

Upang makaiwas sa pakikisalamuha sa kanyang pamilya o kaibigan

b)

Upang mapagtakpan ang kanyang mga pagkakamali at gawin ito muli

c)

Upang magamit bilang dahilan kapag nagkamali at magawan ito ng paraan

d)

Upang malaman niya kung kailan siya responsable sa kanyang mga desisyon

17.

Bakit kailangan ang paggamit ng isip sa bawat pagpapasiya?

a)

Dahil hindi mahalaga ang emosyon

b)

Upang mapag-isipan kung alin ang mabuti o masama

c)

Para makasabay sa desisyon ng iba at minsanan ang pasiya

d)

Upang mabilis magpasya kahit walang pagninilay o repleksiyon

18.

Paano makatutulong ang pagninilay sa paggawa ng moral na desisyon?

a)

Upang mapili ang kilos na makabubuti sa sarili at sa kapwa

b)

Para hindi makaramdam ng alinlangan at maging sigurado

c)

Para mapabilis ang pagpili ng aksyon at masolusyonan agad

d)

Upang masunod ang dikta ng damdamin at madiskobre ang sarili

19.

Ano ang ipinapahiwatig ng hakbang na “Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos”?

a)

Na dapat iasa lahat sa kapalaran ng tao

b)

Na ang tao ay hindi kailangang mag-isip

c)

Na ang pananampalataya ay gabay sa wastong pasya

d)

Na dapat hintayin na ang tulong ng iba kung hindi kaya

20.

Ano ang ipinahihiwatig ng paraan sa paggawa ng kilos?

a)

Tumutukoy ito sa kahihinatnan ng kilos

b)

Tumutukoy ito kung saan naganap ang kilos

c)

Tumutukoy ito kung sino ang gumawa ng kilos

d)

Tumutukoy ito kung paano isinagawa ang kilos

21.

Nakita mong niloloko ng kaklase mo ang guro sa pagsusulit. Alam mong mali ito, ngunit nanahimik ka. Ano ang ipinakita mong kilos?

a)

Kusang-loob na pagtulong

b)

Pagpapakita ng kabayanihan

c)

Pagtanggi sa masamang gawa

d)

Pakikibahagi sa paggawa ng masama

22.

Ang isang barangay official ay pinilit pirmahan ang isang dokumento na alam niyang mali. Anong salik ang nakaaapekto sa kanya?

a)

Gawi

b)

Takot

c)

Karahasan

d)

Masidhing damdamin

23.

Kung kailangan mong magdesisyon kung tatanggapin mo ang alok na trabaho habang nag-aaral, aling hakbang ang dapat mong unang gawin?

a)

Agad itong tanggapin para makatulong sa pamilya

b)

Tanungin ang mga kaklase kung ano ang gagawin nila

c)

Magkalap ng patunay tungkol sa benepisyo at epekto nito

d)

Ipagpaliban na lang ang desisyon dahil lilipas din ang panahon

24.

Kung nakaramdam ka ng alinlangan sa iyong pasiya, anong hakbang sa moral na pagpapasiya ang dapat mong balikan?

a)

Magsagawa ng pasiya

b)

Magkalap ng patunay

c)

Tingnan ang kalooban

d)

Maghanap ng ibang kaalaman

25.

Kung si Nica ay tumulong sa kaklaseng nabagsak sa proyekto dahil gusto niyang makatulong, paano mailalarawan ang kanyang kilos?

a)

Walang pananagutan

b)

May mabuting layunin at paraan

c)

Mabuti ang paraan ngunit masama ang layunin

d)

Masama ang layunin, paraan, at sirkumstansiya

26.

Ang isang mag-aaral ay tumulong sa kapwa kahit walang nakatingin. Anong uri ng kilos ang ipinakita niya?

a)

Kilos ng tao

b)

Kusang-loob

c)

Di kusang-loob

d)

Walang kusang-loob

27.

Paano nagkakaiba ang epekto ng takot at karahasan sa kalayaan ng tao?

a)

Pareho silang nagbubunga ng ganap na pananagutan

b)

Sa takot, laging mabuti ang kilos; sa karahasan, laging masama

c)

Sa takot, siya ay kumikilos dahil sa pangamba; sa karahasan, may panlabas na pwersa

d)

Sa takot, pinipilit siya ng iba; sa karahasan, sarili niyang desisyon ang umiiral dahil siya ang namimilit

28.

Bakit mas mabigat ang pananagutan ng taong sinadyang pukawin ang kanyang galit upang makaganti kaysa sa taong agad na nagalit?

a)

Dahil parehong likas lamang ang galit sa tao

b)

Dahil pareho silang walang kontrol sa emosyon

c)

Dahil ang una ay inosente at ang ikalawa ay hindi

d)

Dahil ang una ay ginamit ang emosyon nang may malay

29.

Paano mo susuriin ang taong sinadyang palakihin ang kanyang galit upang makaganti?

a)

Siya ay tama dahil ipinagtanggol niya lamang ang sarili

b)

Siya ay walang pananagutan dahil natural lang magalit

c)

Siya ay inosente dahil hindi niya kontrolado ang emosyon

d)

Siya ay may pananagutan dahil nilabas niya ito sa masamang paraan

30.

Si Carlo ay nagdonate ng pera sa simbahan ngunit ipina-post ito sa social media. Paano mo ito masusuri?

a)

Mabuti, dahil nakatulong siya

b)

Masama, dahil ginamit ang social media

c)

Wasto, dahil nakita ng iba ang halimbawa niya

d)

Hindi ganap na mabuti dahil may pagmamataas