wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahang Pagsusulit - ESP 6

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat ang inyong sagot sa unahan ng bawat bilang na tumutugma sa iyong napiling sagot. Ano ang ibig sabihin ng pagiging responsable?

a)

Ginagawa ang tungkulin at pananagutan nang may katapatan.

b)

Iniiwasan ang mga gawain sa bahay.

c)

Tinutupad lamang kapag may nakakakita.

d)

Ginagawa kung kailan gusto lang.

2.

Ano ang ibig sabihin ng pangako?

a)

Isang laro ng mga bata.

b)

Isang kasunduan na dapat tuparin.

c)

Isang utos ng magulang.

d)

Isang pabor na pwedeng kalimutan.

3.

Sino ang maituturong na responsableng tao?

a)

Yung tumutupad sa kanyang sinasabi.

b)

Yung laging nagdadahilan.

c)

Yung umaasa sa iba.

d)

Yung nagsisinungaling para makalusot.

4.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagtupad sa pangako?

a)

Hindi sumipot sa usapan.

b)

Tinulungan ang kaibigan tulad ng ipinangako.

c)

Nagdahilan para hindi matuloy.

d)

Umiwas sa napagkasunduan.

5.

Ano ang ibig sabihin ng pagkakaibigan?

a)

Isang samahan ng dalawang taong nagtutulungan at nagmamalasakitan.

b)

Isang laro sa pagitan ng magkakilala.

c)

Isang tungkulin sa paaralan.

d)

Isang paligsahan sa kabaitan.

6.

Ano ang mahalagang katangian sa isang mabuting kaibigan?

a)

Mapagpanggap

b)

Matapat at mapagkakatiwalaan

c)

Madaldal at mapanghusga

d)

Laging may hinihingi

7.

Ano ang ibig sabihin ng "mabuting pakikipagkaibigan"?

a)

Pagtutulungan, respeto, at pag-unawa sa isa’t isa.

b)

Pag-aaway at paglaban-laban.

c)

Paninira ng iba.

d)

Pag-iwas sa mga kaibigan.

8.

Ano ang ginagawa ng isang kaibigang may malasakit?

a)

Pinagtatawanan kapag nagkamali.

b)

Pinagtatanggol at tinutulungan ang kaibigan.

c)

Iniiwasan kapag may problema.

d)

Pinagkakalat ang lihim ng kaibigan.

9.

Ano ang ibig sabihin ng katapatan?

a)

Pagsasabi ng totoo at paggawa ng tama.

b)

Pagtatago ng katotohanan.

c)

Pagpapanggap sa iba.

d)

Pagpapasikat sa lahat.

10.

Sino ang itinuturing na tapat na tao?

a)

Yung nagsasabi ng totoo kahit walang nakakakita.

b)

Yung nagsisinungaling para makalusot.

c)

Yung umaayon lang sa gusto ng iba.

d)

Yung laging nagdadahilan.

11.

Ano ang kabaligtaran ng katapatan?

a)

Katapangan

b)

Kasinungalingan

c)

Kabutihan

d)

Kababaang-loob

12.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan sa paaralan?

a)

Hindi nangongopya sa pagsusulit.

b)

Nagsisinungaling sa guro.

c)

Gumagawa ng dahilan kapag nahuli.

d)

Nagtatago ng maling gawa.

13.

Ano ang ibig sabihin ng paggagalang sa ideya ng kapwa?

a)

Pakikinig at pagbibigay-halaga sa opinyon ng iba.

b)

Pagtatawa sa sinasabi ng iba.

c)

Pagpapaliwanag kung bakit mali sila.

d)

Pagwawalang-bahala sa kanilang sinasabi.

14.

Ano ang dapat gawin kapag may suhestiyon ang kaklase sa isang proyekto?

a)

Pakinggan at pag-isipan kung makabubuti.

b)

Tawanan at maliitin ang ideya.

c)

Sabihing ikaw na lang ang masusunod.

d)

Huwag pansinin.

15.

Ano ang ipinapakita ng taong marunong makinig sa ideya ng iba?

a)

Paggalang at bukas na kaisipan

b)

Pagmamataas

c)

Pagwawalang-bahala

d)

Pagkukuwari

16.

Bakit mahalagang tumupad sa pangako?

a)

Para magustuhan ng lahat.

b)

Para mapanatili ang tiwala ng iba.

c)

Para makaiwas sa parusa.

d)

Para makakuha ng gantimpala.

17.

Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natupad ang pangako?

a)

Tataas ang tiwala ng iba.

b)

Mawawala ang respeto at tiwala sa iyo.

c)

Magiging masaya ang lahat.

d)

Wala itong epekto sa iba.

18.

Ano ang ipinapakita ng isang taong tinutupad ang kasunduan?

a)

Katapatan at pananagutan

b)

Katigasan ng ulo

c)

Pagpapabaya

d)

Pagiging makasarili

19.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting kaibigan?

a)

Dahil natututo tayong makisama at magmahal sa kapwa.

b)

Para laging may makasama sa laro.

c)

Para may kakampi sa lahat ng oras.

d)

Para hindi mapagalitan ng guro.

20.

Paano mo maipapakita na nauunawaan mo ang halaga ng pagkakaibigan?

a)

Sa pamamagitan ng pagtulong, pakikinig, at paggalang.

b)

Sa pamamagitan ng paninira sa iba.

c)

Sa pamamagitan ng pangungutya.

d)

Sa pamamagitan ng panlalampas.

21.

Paano nakatutulong ang katapatan sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa?

a)

Dahil napapanatili nito ang tiwala ng bawat isa.

b)

Dahil napapaniwala ang iba sa kasinungalingan.

c)

Dahil naiiwasan ang pakikipag-usap.

d)

Dahil mas madali ang pag-iwas sa responsibilidad.

22.

Bakit hindi dapat magsinungaling kahit maliit na bagay lang?

a)

Dahil ang maliliit na kasinungalingan ay maaaring humantong sa mas malaking problema.

b)

Dahil walang makakaalam naman.

c)

Dahil mas madaling gawin.

d)

Dahil nakakatua minsan.

23.

Ano ang maaaring mangyari kung ang lahat ay hindi magiging tapat?

a)

Magkakaroon ng gulo at pagkawala ng tiwala sa isa’t isa.

b)

Mas magiging payapa ang komunidad.

c)

Lahat ay magiging masaya.

d)

Walang magbabago.

24.

Bakit mahalaga ang paggalang sa ideya ng kapwa?

a)

Dahil nagpapakita ito ng respeto at pagtanggap sa pagkakaiba ng bawat isa.

b)

Dahil kailangang lang makinig kahit ayaw mo.

c)

Dahil gusto mong mapuri ng iba.

d)

Dahil wala kang sariling opinion.

25.

Ano ang maaaring mangyari kapag walang paggalang sa ideya ng iba?

a)

Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at away.

b)

Mas magiging matatag ang grupo.

c)

Lahat ay magiging masaya.

d)

Mas magiging madali ang paggawa ng desisyon.

26.

May napagkasunduan kayo ng pamilya na maglinis tuwing Sabado, ngunit gusto mong manood ng TV. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Manood muna ng TV bago maglinis.

b)

Tumupad sa kasunduan at maglinis muna.

c)

Magpanggap na may ibang gagawin.

d)

Ipagpaliban ang paglinis.

27.

Ang iyong kaklase ay hindi tinupad ang usapan ninyong gumawa ng proyekto. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Magalit at huwag makipag-usap.

b)

Paalahanin siya nang maayos tungkol sa inyong kasunduan.

c)

Ipagwalang-bahala na lang.

d)

Huwag nang tumulong sa susunod.

28.

May kaibigan kang nalungkot dahil bumagsak siya sa pagsusulit. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tiyaking mas mataas ang iyong marka kaysa sa kanya.

b)

Aliwin siya at tulungan mag-aral.

c)

Iwasan siya para hindi ka madamay.

d)

Tawanan siya.

29.

Nakasama mo ang iyong kaibigan sa isang pagkakamali. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Aminin ang pagkakamali at humingi ng tawad nang magkasama.

b)

Sisihin ang kaibigan mo.

c)

Itago ang totoo sa guro.

d)

Magturo ng iba.

30.

Nahuli mo ang kaibigan mong nagsinungaling. Ano ang tamang gawin?

a)

Awayin at layuan siya.

b)

Ka-usapin nang mahinahon at himukin siyang maging tapat.

c)

Ikalat ang ginawa niya sa iba.

d)

Patawanan siya at bale-walain.

31.

Nakakita ka ng pitaka sa silid-aralan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Isoli ito sa guro o sa may-ari.

b)

Itago ito at huwag ipaalam sa iba.

c)

Kumuha ng laman bago isauli.

d)

Ipagpaliban muna ang pagsasauli.

32.

Tinanong ka ng guro kung ikaw ay nakapasa sa proyekto ngunit hindi mo pa ito naisusumite. Ano ang dapat mong sagot?

a)

Sabihin ang totoo na hindi mo pa naisusumite.

b)

Sabihing oo para hindi mapagalitan.

c)

Magdahilan na nakalimutan ng kaklase mo.

d)

Umiwas sa tanong.

33.

Ang iyong kaibigan ay humingi ng tulong para manloko ng guro. Ano ang tamang gawin?

a)

Tumangging sumama at ipaliwanag kung bakit mali ito.

b)

Sumang-ayon para hindi masira ang pagkakaibigan.

c)

Itago ang ginawa Ninyo.

d)

Tawanan na lang ito.

34.

Sa pagtatalakay ng proyekto, may mungkahi ang kaklase mo na iba sa iyong ideya. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Pakinggan muna bago magbigay ng sariling opinion.

b)

Sabihin agad na mas maganda ang sa iyo.

c)

Umalis sa grupo.

d)

Tawanan ang kanyang mungkahi.

35.

May kaklase kang mahiyain ngunit may magandang ideya. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hikayatin siyang ibahagi ang kanyang ideya.

b)

Huwag pansinin dahil tahimik naman siya.

c)

Sabihin na ikaw na lang ang magsasalita.

d)

Ipagwalang-bahala ang kanyang opinion.

36.

Paano nakatutulong ang pagtupad sa pangako sa pagkakaroon ng mabuting samahan?

a)

Nagpapakita ito ng katapatan at pagtitiwala sa isa’t isa.

b)

Nagdudulot ito ng takot sa iba.

c)

Nagiging dahilan ng pag-aaway.

d)

Wala itong epekto sa relasyon.

37.

Ano ang maaaring maging resulta kung ang lahat ay hindi marunong tumupad sa pangako?

a)

Magkakaroon ng tiwala ang bawat isa.

b)

Magiging magulo at mawawala ang tiwala sa isa’t isa.

c)

Lalong magiging maayos ang Samahan.

d)

Mas magiging masaya ang lahat.

38.

Paano nakatutulong ang matibay na pakikipagkaibigan sa pagkakaroon ng mapayapang pamayanan?

a)

Dahil nagkakaroon ng pagkakaisa, respeto, at pagtutulungan.

b)

Dahil walang pakialamanan.

c)

Dahil nagkakaroon ng kompetisyon.

d)

Dahil nagiging mas masaya lang ang ilan.

39.

Ano ang maaaring mangyari kung ang isang tao ay hindi marunong makipagkaibigan?

a)

Magiging malungkot at mahihirapan makibagay sa iba.

b)

Magiging mas sikat sa paaralan.

40.

Paano nakatutulong ang paggalang sa ideya ng kapwa sa pagtatrabaho bilang isang grupo?

a)

Nagdudulot ito ng pagkakaisa at mas maayos na pagpapasya.

b)

Nagdudulot ito ng kompetisyon.

c)

Nagiging dahilan ng pag-aaway.

d)

Nagiging mahirap magdesisyon.

41.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na kahalagahan ng pagtupad sa pangako?

a)

Ginagawa lamang kapag may kapalit.

b)

Ginagawa kahit walang nakakakita dahil ito ay tama.

c)

Tinutupad kapag may gantimpala.

d)

Ginagawa para magustuhan ng iba.

42.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan?

a)

Ang pagkakaibigan ay dapat batay sa yaman o kapangyarihan.

b)

Ang pagkakaibigan ay dapat pinangangalagaan sa pamamagitan ng tiwala at respeto.

c)

Ang pagkakaibigan ay dapat kapag may kapakinabangan lamang.

d)

Ang pagkakaibigan ay hindi kailangang panatilihin.

43.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na katapatan?

a)

Ginagawa ang tama kahit walang nakakakita.

b)

Tapat lamang kapag may kapalit.

c)

Tapat lang sa harap ng guro.

d)

Tapat kapag may gantimpala.

44.

Paano mo masusukat ang katapatan ng isang tao?

a)

Sa kanyang mga salita at gawa na pareho sa katotohanan.

b)

Sa dami ng kanyang kaibigan.

c)

Sa taas ng grado sa paaralan.

d)

Sa ganda ng kanyang anyo.

45.

Bakit dapat ipagmalaki ang pagiging tapat?

a)

Dahil ito ay tanda ng mabuting pagkatao at paggalang sa sarili at kapwa.

b)

Dahil ito ay nagpapasikat sa iba.

c)

Dahil ito ay madali lang gawin.

d)

Dahil ito ay nakakakuha ng premyo.

46.

Kung gagawa ka ng poster tungkol sa paggalang sa ideya ng kapwa, anong mensahe ang nararapat ilagay?

a)

“Makinig, Umunawa, at Igalang ang Opinyon ng Iba”

b)

“Ako Lang ang Tama”

c)

“Walang Silbi ang Mungkahi Mo”

d)

“Mas Magaling Ako sa Lahat”

47.

Gumagawa kayo ng proyekto sa klase. Paano mo ipapakita ang paggalang sa ideya ng iyong mga kasamahan?

a)

Pagsasama-sama ng lahat ng suhestiyon at pagpili ng pinakamainam.

b)

Pagtanggi sa mga suhestiyon ng iba.

c)

Pagpapatahimik sa nagsasalita.

d)

PAgdedesisyon nang mag-isa.

48.

Kung ikaw ang lider ng grupo, paano mo masisiguro na naririnig ang lahat ng ideya?

a)

Magbibigay ng pagkakataon sa bawat miyembro na magpahayag ng opinyon.

b)

Pipiliin lang ang malalapit na kaibigan.

c)

Tatapusin agad ang pagpupulong.

d)

Hahayaan lang na ang iba ang masunod.

49.

Nais mong gumawa ng tula tungkol sa paggalang sa ideya ng kapwa. Ano ang dapat na tema ng iyong tula?

a)

Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw.

b)

Pagkakaroon ng isang opinion.

c)

Pagiging tahimik sa lahat ng oras.

d)

Pagpapatawa sa opinyon ng iba.

50.

Kung ikaw ay magdidisenyo ng aktibidad sa klase para ipakita ang paggalang sa ideya ng kapwa, alin ang pinakamainam?

a)

Isang talakayang nagbibigay sa lahat ng pagkakataong magsalita at makinig.

b)

Paligsahan kung sino ang pinakamahusay.

c)

Laro ng hulaan kung sino ang tama.

d)

Tahimik na pagsusulat ng opinyon nang walang talakayan.