WorksheetsSecond Quarter Marked Test in GMRC 4
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Nagtanong ang guro sa klase kung ano ang mga talento na nais nilang paunlarin. Sinabi ni Mia na siya ay mahilig sa pagsasayaw at gusto niyang sumali sa dance club. Anong talento ni Mia ang nais niyang paunlarin?
A. pagkanta
B. pagguhit
C. pagsasayaw
D. paglikha ng tula
Isang araw, nagpakita si Bb. Trucilla ng isang bagong proyekto sa klase. Sinabi niya na mahalaga ang bawat opinyon at ideya mula sa mga mag-aaral. Paano nakatutulong ang pagtanggap ng guro sa mga opinyon ng mag-aaral sa kanilang tiwala sa sarili?
A. Nagiging sanhi ito ng pagkabalisa.
B. Nagtuturo ito ng pakikipag-argumento.
C. Wala itong epekto sa kanilang pag-aaral.
D. Nagsisilbing inspirasyon ito para sa mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga ideya.
Si Jeffoy ay nagdesisyon na subukan ang isang bagong bagay, ang pag-awit sa harap ng klase. Bagamat kinakabahan siya, sinabi ng kanyang kaibigan na kaya niya ito. Paano nakatulong ang suporta ng kanyang kaibigan sa tiwala ni Jeffoy sa sarili?
Wala itong epekto sa kanya.
Naging dahilan ito upang hindi siya sumali.
Nagpatibay ito ng determinasyon na subukan.
Nagdulot ito ng pagdududa sa kanyang kakayahan.
Si Carla ay mahusay sa pagpipinta. Nang makita ito ng kanyang mga magulang, binigyan siya ng mga materyales at nagbigay sila ng oras upang mag-aral ng sining nang sama-sama. Paano nakatulong ang suporta ng kanyang mga magulang sa pagpapaunlad ng talento ni Carla sa pagpipinta?
Walang magiging epekto.
Naging sanhi ito ng kanyang pag-aalinlangan.
Naging dahilan ito upang tumigil siya sa pagpipinta.
Nagbigay ito ng pagkakataon upang mas matutuhan niya ang sining.
Si Ana ay nahihirapan sa kanyang aralin sa GMRC. Tinulungan siya ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaral ng magkasama at pagbibigay ng mga simpleng paliwanag. Paano nakatulong ang tulong ng pamilya ni Ana sa kanyang pag-unlad sa aralin?
Nagpahirap ito sa kanyang pag-aaral.
Wala itong epekto sa kanyang takbo ng pag-aaral.
Nakatulong ito upang mas maintindihan niya ang aralin.
Nagdulot ito ng pagkalito sa kanya.
Nakita ni Mia na ang kanyang proyekto ay kailangan ng dagdag na oras at effort, kaya't nagdesisyon siyang ipagpatuloy ito sa kabila ng pagod. Anong katangiang taglay ni Mia?
magalang
mananampalataya
masunurin
matiyaga
Si Amiya ay gustong makasama ang kanyang pamilya sa mga gawain sa kanilang tahanan tuwing Linggo. Nais niyang malaman kung ano ang makatutulong sa kanila na maging mas malapit. Alin sa mga sumusunod na gawain ang makatutulong sa pamilya ni Amiya?
Pagsasaayos ng bubong ng bahay.
Pagluluto ng paboritong ulam ng pamilya.
Pagbasa ng libro nang mag-isa sa kanyang kwarto.
Pagsasagawa ng mga takbuhan at palaro sa bakuran.
Bakit mahalaga ang pagtulong sa mga gawaing bahay kasama ang pamilya?
para makapagpahinga sa upuan
upang makapanood ng telebisyon
maiwasang magalit ang mga magulang
mas maging masaya ang pagsasama ng pamilya
Si Sam ay nakatala ng mga iniiwang ng kanilang sala kasama ang kanyang mga kapatid. Gusto nilang gawin ito nang maayos upang makapagpahinga ang kanilang mga magulang. Ano ang dapat gawin ni Sam at ng kanyang mga kapatid upang maisagawa ang kanilang gawain sa sala nang may kahusayan?
Magpahinga habang nagtatrabaho ang isa.
Maglaro muna bago simulan ang paglilinis.
Huwag na mag-usap at gumawa ng mabilis.
Magplano kung anong gawain ang unang gagawin at magsimula agad.
Si Matt ay palaging tumutulong sa kanyang mga magulang sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis at pagluluto. Napansin niya na habang tumutulong siya, mas nagiging masaya ang kanilang pamilya at natututo rin siya ng mga bagong bagay. Ano ang natutunan ni Matt tungkol sa pagtulong sa mga gawaing bahay?
Para lang sa mga matatanda ang pagtulong.
Nakakapagod at hindi kailangan ang pagtulong.
Ang pagtulong ay hindi mahalaga at mas mabuti pang maglaro na lang.
Nakapagpapaunlad at nakapagpapasaya sa kanilang pamilya ang pagtulong.
Habang kumakain ng hapunan ang pamilya ni Marco napansin niyang lahat sila ay abala sa kanilang mga cellphone at hindi sila nag-uusap sa isa't isa. Ano ang epekto ng paggamit ng cellphone sa kanilang komunikasyon?
Nagiging mas masaya ang lahat.
Lahat sila ay nagiging mas malapit.
Si Leo at ang kanyang nanay ay nag-uusap tungkol sa kanyang mga takdang aralin. Minsan, hindi siya nakikinig nang maayos. Ano ang makatutulong kay Leo upang mas maging epektibo ang kanilang usapan?
magalit sa nanay
magpanggap na nakikinig
magtanong kung may hindi naintindihan
Umalis nang tahimik habang nagsasalita ang nanay.
Si Ben ay palaging nagrereklamo kapag hindi siya nauunawaan ng kanyang mga magulang. Paano dapat kumilos si Ben upang mapabuti ang kanilang komunikasyon?
tumahimik na lang
ipahayag ang saloobin nang maayos
magalit sa mga magulang at magreklamo
iwasan ang mga magulang sa tuwing may sinasabi
Si Leo ay nag-aaral ng isang bagong aralin sa GMRC ngunit nahihirapan siya at gustong sumuko. Ano ang magandang hakbang na dapat gawin ni Leo upang maging mapagpasensiya sa sarili?
magalit sa kanyang guro
Isara ang kanyang libro at huwag na lang mag-aral.
Tanungin ang kanyang kaibigan kung paano ito gawin.
Magpahinga saglit at bumalik sa aralin ng may bagong isip.
Sa isang proyekto sa paaralan, si Keith ay nahihirapang makipagtulungan sa isang kaklase na madalas na naiiba ang opinyon. Paano maipapakita ni Keith ang pagiging mapagpasensiya sa kanyang kaklase?
Umalis nang maayos sa grupo at huwag na makipagtulungan pa.
Magalit sa kanya at pagsabihan ng "Hindi mo ba ito naiintindihan!"
Maghintay na matapos siyang magsalita at ipahayag ang kanyang opinyon nang maayos.
Tawanan ang kaklase kapag nagkamali ito dahil hindi naman siya nakikipagtulungan.
Si Shara ay madalas na tumutulong sa kanyang mga magulang sa mga gawain sa bahay. Sinasabi niya na ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at respeto. Ano ang natutunan ni Shara mula sa kanyang pananampalataya tungkol sa pagtulong sa pamilya?
Ang pagtulong ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.
Hindi siya dapat mag-alala pa sa ibang tao dahil nakakapagod ito.
Ang pagtulong sa mga gawain ay hindi nagpapakita ng pagmamahal.
Mas mabuting iwanan ang pamilya sa tuwing may mga gawain bahay.
Tuwing Linggo, ang pamilya ni Angel ay nagtitipon para sa misa. Bakit mahalaga para kay Angel at sa kanyang pamilya ang pagdalo sa misa?
upang makilala ng iba
para maiwasan ang problema
magkaroon ng dahilan para sa pagpapasalamat
Sinabihan ng nanay ni Marlyn na magligpit ng kanyang mga laruan bago matulog. Nahihirapan siyang magligpit sa dami nito. Ano ang maaaring mangyari kung hindi siya susunod?
wala itong magiging epekto
Magiging magulo ang kanyang kwarto.
Magiging masaya ang kanyang mga nanay.
Magkakaroon siya ng mas maraming oras sa paglalaro.
Sinabi ng tatay ni Marco na dapat siyang tumulong sa mga gawaing bahay, kaya nagligpit siya ng kanilang mga gamit. Anong magandang asal ang ipinakikita ni Marco?
magalang
mananampalataya
masunurin
matiisin
Si Liza ay inutusan ng kanyang nanay na maglinis ng kanyang kwarto. Alam niyang ito ay bahagi ng kanyang responsibilidad. Ano ang dapat gawin ni Liza upang ipakita ang kanyang pagiging masunurin?
Iwanan ang kanyang kwarto na magulo.
Magalit at sabihing ayaw niyang maglinis.
Maghintay na may tutulong sa kanyang gawain.
Maglinis ng maayos at sundin ang utos ng kanyang nanay.
Ano ang maaaring maging epekto sa pamilya ng sama-samang pagsasagawa ng pananampalataya?
Nagiging abala sa mga responsibilidad ng bawat isa.
Nagiging sanhi ng kawalan ng oras para sa ibang aktibidades.
Nagdadala ng masaganang pagpapala at pagkakaisa sa pamilya.
Nagiging dahilan ng hidwaan at hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya.
Matapos ang mahabang taon ng pagsusumikap sa kanyang pag-aaral, si Ben ay nakapagtapos ng kolehiyo. Nagbigay siya ng talumpati kung saan ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Diyos at sa kanyang pamilya. Alin sa sumusunod ang nais niyang ipabatid sa kanyang talumpati?
Ang mga tagumpay ay dapat ipinapaalam sa lahat.
Ang tagumpay ay bunga lamang ng sariling pagsusumikap.
Ang pagpapahalaga sa materyal na bagay ay higit na mahalaga.
Ang pasasalamat sa Diyos at sa pamilya ay mahalaga sa bawat tagumpay.
Sa isang pamilya, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawang magkapatid, si Lisa at si Mark. Dahil sa isang hindi sinasadyang pangyayari, nagalit si Mark kay Lisa at hindi na sila nag-usap ng ilang linggo. Sa kabila ng sama ng loob, nagpasiya siyang makipag-usap kay Lisa at humingi ng tawad. Ano ang pangunahing mensahe ng sitwasyong ito tungkol sa pagpapatawad sa pamilya?
Ang paghingi ng tawad ay dapat hindi ginagawa agad.
Ang hindi pagkakaintindihan ay dapat itinatago nalang.
Ang pagpapatawad ay hindi mahalaga at hindi ito kailangan sa pamilya.
Bakit kailangan ang pag-unawa, pagkakaisa, at pagdadamayan sa pamilya?
Ito ay magiging dahilan ng hidwaan at alitan.
Upang umiwas sa mga responsibilidad sa pamilya.
Dahil dito magiging mas mayaman at makapangyarihan.
Para maging mas malapit at matatag sa kabila ng mga pagsubok.
Paano nakaapekto ang pananampalataya ng pamilya ni Antonio sa kanilang kalagayan?
Nagpalala ito ng hidwaan sa loob ng pamilya.
Nagdulot ito ng higit pang stress at pag-aalala.
Wala itong naging epekto sa kanilang sitwasyon.
Nagbigay ito ng lakas at pag-asa sa pagharap sa kanilang sitwasyon.
Napansin ni Juan na madalas maiwan ng kanyang mga kaklase na bukas ang gripo sa kanilang CR. Ano ang maaaring gawin ni Juan upang matulungan ang kanyang mga kaklase na maging mas responsable sa paggamit ng tubig?
Hindi na lang siya makialam.
Pagalitan ang mga kaklase upang matutong magtipid ng tubig.
Sirain ang gripo upang malaman nila ang kahalagahan ng tubig.
Magsagawa ng kampanya sa paaralan tungkol sa pagtitipid ng tubig.
Sa Barangay Payapa ay may programa upang mapanatili ang kalinisan ng kanilang lokal na ilog. Bilang bahagi ng programang ito, hinihikayat ang mga residente na huwag magtapon ng basura sa ilog. Ano ang tungkulin ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig?
Magtapon ng basura sa ilog.
Huwag makialam sa mga gawain ng barangay.
Magreklamo sa mga tao na hindi sumusunod sa mga alituntunin.
Makilahok sa mga clean-up drives at ipaalam sa iba ang kahalagahan ng malinis na tubig.
Sa isang bayan, may mga pabrika na nagtatapon ng kemikal sa dagat at ilog. Dahil dito, unti-unting nasisira ang mga yamang-dagat at nagkakaroon ng polusyon sa tubig. Ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang labanan ang polusyon sa tubig na dulot ng mga pabrika?
Balewalain na lang ito dahil hindi ka naman apektado.
Manahimik at hayaan na lang ang mga pabrika na gawin ang gusto nila.
Magsimula ng negosyo na gumagamit ng mga kemikal mula sa mga pabrika.
Ireport ang mga pabrika sa ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa kalikasan.
Sa barangay ni Carlo, madalas na nagkakaroon ng pagbaha tuwing umuulan dahil sa mga plastik na nagbara sa mga kanal at ilog. Napansin ng mga residente na ang mga plastik na ito ay nagdudulot ng polusyon sa kanilang pinagkukunan ng tubig. Ano ang maaaring gawin ng mga residente upang makatulong sa barangay para sa plastic waste reduction?
Magtapon ng plastik sa mga kanal.
Gumamit ng reusable bags at containers.
Ipagwalang-bahala ang mga programa sa kalinisan.
Ipagpatuloy ang paggamit ng plastik dahil mas madali itong gamitin.
Sa bahay nila Elena, napansin ng kanyang pamilya na madalas na nagkakaroon ng amoy sa kanilang lababo dahil sa mga natirang pagkain at basura na hindi maayos na itapon. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ni Elena upang maiwasan ang pagbabaho ng kanilang lababo?
Huwag pansinin ang amoy sa lababo.
Gumamit ng maraming kemikal sa paglilinis.
Iwanang bukas ang gripo habang naghuhugas.
Regular na linisin ang lababo at itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
Sa tahanan ni Elena, may tradisyon silang magdasal nang sama-sama tuwing umaga bago umalis para sa trabaho at paaralan. Ang simpleng gawaing ito ay hindi lamang nagpapalakas ng kanilang pananampalataya, kundi nag-uugnay rin sa kanilang pamilya sa mga positibong pagsisimula ng araw. Alin sa sumusunod ang nagpapatatag ng kaugalian Pilipino sa tahanan ni Elena?
pag-aaway habang nagdarasal
sa pamamagitan ng paglimot sa responsibilidad
Dahil sa pag-darasal nang mag-isa at hindi sumasali sa pamilya.
Pagkakaroon ng sama-samang pagdarasal bago simulan ang araw.
Sa paaralan ni Kath, nagdaos sila ng isang "Eco Day" kung saan ang mga mag-aaral ay hinimok na magdala ng mga recyclable materials tulad ng plastic at papel. Sa araw na iyon, nagkaroon sila ng mga aktibidad tulad ng paggawa ng sining gamit ang mga plastic at papel. Ano ang ipinakita ng mga mag-aaral sa paaralan ni Kath tungkol sa pagiging makakalikasan?
pagsuway sa mga batas ng kalikasan
pagkaawa sa mga hayop at halaman
pagbili ng maraming plastik na produkto
pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at pagbabawas ng basura
Ipinagmamalaki ni Pedro ang kulturang Pilipino sa kaniyang mga kaibigan. Ipinakita niya ang mga tradisyonal na sayaw, pagkain, at mga awitin ng Pilipinas. Ang kanyang mga kaibigan ay labis na humanga sa kaniya. Anong kaugalian Pilipino ang ipinakita ni Pedro?
pagkahiya sa sariling kultura
pagsuway sa mga lokal na kaugalian
pagsuway sa mga tradisyon ng kanyang bayan
pagpapahalaga at pagmamalaki sa tradisyon at kultura ng Pilipinas
Si Roberto ay mahilig mag-aral ng kasaysayan ng Pilipinas at mga kontribusyon ng mga bayani sa kalayaan ng bansa. Nang malaman niyang may nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nagtulong-tulong sila at kanyang mga kaklase para maghanda ng mga aktibidad tulad ng mga talumpati, tula, at mga tradisyonal na sayaw na sumasalamin sa kulturang Pilipino. Paano naipakita ni Roberto ang kanyang pagiging makabayan?
A. pagmamalaki sa kulturang Pilipino
B. dahil sa paglimot sa mga tradisyon ng bansa
C. hindi pakikilahok sa mga programa ng paaralan
D. sa tulong ng pag-iwas sa mga aktibidad, dahil nahihiya
Dapat bang tularan ang pamilya ni Miguel? Bakit?
Oo, ngunit hindi na kailangan ang masyadong pag-uusap tungkol sa kasaysayan.
Hindi, dahil ang mga ganitong aktibidad ay nauubos lamang ang oras ng pamilya.
Hindi, dahil ang pagiging makabayan ay dapat gawing personal na desisyon ng isang tao.
Oo, dahil ang suporta ng pamilya ay nag-uudyok sa kanya na mas maging responsable at makabayan sa kanyang komunidad.
Sa barangay ni Aling Nena, nagkaroon ng malawakang pagbaha matapos ang malakas na ulan. Agad na nag-organisa ang mga residente ng bayanihan upang tumulong sa mga naapektuhan. Ang bawat pamilya ay nagdala ng pagkain, damit, at mga gamit sa kanilang mga kapitbahay na nangangailangan. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa bayanihan?
Pagsisiraan at pag-aaway sa mga miyembro ng komunidad.
Pagtutulungan ng mga tao sa kanilang komunidad para sa isang layunin.
Pag-aalaga at suporta sa mga kapitbahay sa panahon ng pangangailangan.
Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagkakaisa.
Paano nakakaapekto sa isang pamilya ang pagdiriwang ng Media Noche?
Nagdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya.
Nagiging dahilan ito ng hindi pag-pansin sa mga tradisyon at kulturang Pilipino.
Nagsisilbing dahilan ito para sa bawat isa na mag-focus lamang sa sarili nilang interes.
Nagpapalakas ito ng samahan at pagkakaisa ng pamilya habang pinapahalagahan ang mga tradisyon at kulturang Pilipino.
Si Eba ay nagdaos ng kaarawan sa kanilang bahay, napansin ng kanyang lola na may ilang pamahiin na dapat sundin. Sinabi ng lola niya na dapat silang maglagay ng labing-dalawang bilog na prutas sa mesa upang magdala ng kasaganaan. Sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, sumunod si Eba sa mga pamahiin ng kanyang lola. Ano ang maaaring maging dahilan kung bakit sinunod ni Eba ang mga pamahiin ng kanyang lola?
Para maging katatawanan lamang sa kanyang mga kaibigan.
Upang ipakita na siya ay mas mataas kaysa sa mga nakatatanda.
Upang ipakita ang kanyang pag-aalinlangan sa mga tradisyon ng pamilya.
Dahil nais niyang magpakita ng paggalang sa mga tradisyon at kultura ng kanilang pamilya.
Si Angelo ay palaging nagmamano at gumagamit ng "po" at "opo" sa kanyang mga magulang at mga guro. Sa tuwing makikita niya ang kanyang lola, hindi siya nag-aatubiling magmano at magbigay ng respeto sa kanya. Paano maiimpluwensyahan ni Angelo ang kanyang mga kamag-aral na maging magalang sa mga nakatatanda?
Magtuturo sa kanila ng mga pamahiin.
Maging mabuting halimbawa sa kanila.
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa salitang hindi pakikipag-usap.
Tuturuan niyang makipag-usap sa matatanda ng walang respeto.
Si Mark ay nasasabik na sa pagdiriwang ng Pasko. Kasama ang kanyang pamilya, naglagay sila ng parol sa kanilang bahay at nag-ayos ng mga dekorasyon. Nagsimula na rin ang "Simbang Gabi." Alin sa mga sumusunod ang tunay na layunin ng Pasko?
makakuha ng maraming regalo
ipakita ang mga bagong dekorasyon sa bahay
magkaisa at magpasalamat sa mga biyayang natamo
Makipagtalo sa mga kapitbahay tungkol sa mga tradisyon.
