Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Quarter Filipino 7 Worksheet (2025-2026)

Total questions: 62

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

Anong paraan ng pagkukuwento ang pangunahing ginagawa ng ating mga ninuno para ipahayag ang naiisip, nadarama, at iba pa?

a)

pasulat

b)

pasalindila

c)

pagte-text

d)

palarawan

2.

Paano madalas isinusulat ang mga kuwentong-bayan?

a)

patula

b)

tuluyan

c)

palimbag

d)

pabaliktad

3.

Ano-ano ang madalas na tampok sa mga kuwentong-bayan ng isang pook o lugar?

a)

wika at kultura

b)

kaugalian at tradisyon

c)

pagkain at sayaw

d)

relihiyon at paniniwala

4.

Anong panitikan ang nagbibigay ng kuwento ng pinagmulan ng isang bagay?

a)

dula

b)

alamat

c)

maikling kuwento

d)

karunungang bayan

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng alamat?

a)

tauhan

b)

banghay

c)

saknong

d)

tunggalian

6.

Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang alamat?

a)

pagkakaroon ng isang tauhan

b)

pagkakaroon ng isang suliranin

c)

pagkakaroon ng iba’t ibang kabanata

d)

pagtatalakay sa pinagmulan ng isang bagay

7.

Isang bahaging ipinapakilala sa bahaging ito ng kuwento ang tagpuan at ang tauhan.

a)

banghay

b)

kasukdulan

c)

simula

d)

kakalasan

8.

Ano ang tawag sa pinakamahalagang tagpo ng alamat?

a)

banghay

b)

kasukdulan

c)

simula

d)

kakalasan

9.

Kailan dumating ang mga Austronesyano?

a)

Mesolitiko

b)

Metal

c)

Neolitiko

d)

Paleolitiko

10.

Ang _______ ay isa sa patunay na isa ang mga Austronesyano ang nakaimpluwensiya sa panitikang katutubo.

a)

a. pangangaso

b)

b. paggawa ng mga kagamitan yari sa metal

c)

c. pangingisda

d)

d. lahat ng nabanggit

11.

Ano ang kahulugan ng "isinuyod" sa kuwento ng Pilandok?

a)

hinila o kinaladkad sa ibabaw

b)

humukay nang malalim

c)

tumalon sa ibabaw

d)

naglakad nang mabagal

12.

Sa pabula na Si Pilandok at ang Batingaw, ano ang "batingaw" na tinukoy doon?

(a)  

13.

Alin ang pinakamahusay na kahulugan ng 'maharilika'?

a)

isang uri ng mandirigma

b)

isang mataas na uri o maharlikang tao

c)

isang mangangalakal

d)

isang pinunong relihiyoso

14.

Ano ang ibig sabihin ng 'kumaripas' sa konteksto ng kuwento?

a)

nagtago nang tahimik

b)

lumaban pabalik

c)

tumakbo nang mabilis

d)

naglakad nang maingat

15.

Sa kuwento ni Juan Osong, ano ang kahulugan ng 'gumapang'?

a)

Naglakad nang may pagmamalaki

b)

Natulog sa labas

c)

Tumalon nang mataas

d)

Gumalaw nang nakadapa

16.

Ano ang nakita ni Pilandok na akala niya ay isang batingaw?

a)

isang bundok

b)

isang bato

c)

isang bahay-pukyutan

d)

isang sako ng bigas

17.

Ano ang naging reaksyon ni Somusun nang malaman niya ang kahalagahan ng batingaw kay Pilandok?

a)

nabighani at nagkaroon ng kagustuhan

b)

nagtaka at naakit

c)

nagpapalakpakan at nagtataka

d)

nagagalit at nagtataka

18.

Sino ang manlalakbay na dumaan at nakausap ni Pilandok?

a)

Ang Sultan

b)

Isang magsasaka

c)

Si Somusun

d)

Isang sundalo

19.

Bakit nagpasiya si Somusun na patunugin ang inaakalang batingaw?

a)

dahil siya ay gutom

b)

dahil inutos ng sultan

c)

dahil gusto niyang malaman ang tunog nito

d)

dahil gusto niyang ipagmalaki ang kanyang pagiging maharlika

20.

Anong ugali ni Pilandok ang di dapat pamarisan?

a)

pagiging matalino sa paglinglang

b)

pagiging madiskarte

c)

pagiging magaling

d)

magsinungaling para lang yumaman

21.

Aling panitikan ang itinatanghal sa entablado?

a)

isang sagradong kasulatan

b)

isang mahiwagang inumin

c)

isang kampana o bating

d)

isang korona ng hari

22.

Naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan dahil ito ay ___________.

a)

nahahati ito sa iba't ibang yugto

b)

may maraming tagpuan

c)

may maraming tauhan

d)

lahat ng nabanggit

23.

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kilala bilang isang akdang pampanitikan na may layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay at ipinapalabas sa _____________.

a)

lansangan

b)

tanghalan

c)

labas ng bahay

d)

paaralan

24.

Ang sumusunod ay layunin ng dula MALIBAN sa isa. Alin dito?

a)

Magbigay-libangan sa mga manonood.

b)

Magbigay-buhay ang mga tauhan sa kuwento.

c)

Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.

d)

Maipakita sa mundo na ang mga Pilipino ay magaling sa larangan ng pagtatanghal.

25.

Alin dito ang isang elemento ng dula na naging bersiyon ng dulang pagtatanghal?

a)

teknikal

b)

iskrip

c)

direktor

d)

tauhan

26.

Sa dula, ang _______ ang sentro ng kuwento sapagkat sila ang nagbibigay-buhay nito.

a)

teknikal

b)

iskrip

c)

direktor

d)

tauhan

27.

Anong dula ang itinatanghal sa lansangan na naglalayong magbigay ng magandang pagtatanghal sa taong-bayan?

a)

dulang pantahanan

b)

dulang pampaaralan

c)

dulang panlansangan

d)

dulang pang-entablado

28.

Ayon kay ________, ang dula ay kinilala bilang isang akdang pampanitikang layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay na ipinapalabas o ipinamamalas sa tanghalan.

a)

Lope K. Santos

b)

Jose P. Rizal

c)

Alejandro G. Abadilla

d)

Jose A. Arrogante

29.

Ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang” ay dula mula sa ___________.

a)

Luzon

b)

Maranao

c)

Maguindanao

d)

Visayas

30.

Ang ___________ ay isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan.

a)

babaylan

b)

manggagamot

c)

albularyo

d)

manghuhula

31.

Aling paraan ang pagbibigay kahulugan na kung saan literal o totoong kahulugan ng salita. Maaaring ang kahulugan ay mula sa deksyunaryo mismo?

a)

konotatibo

b)

literal

c)

denotatibo

d)

matalinhaga

32.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng konotatibong kahulugan?

a)

Ang puso ko'y nasasaktan

b)

Ang araw ay sumisikat sa silanganan

c)

Ang aso ay hayop na may apat na paa

d)

Ang babae ay isang anghel

33.

Ano ang denotatibong kahulugan ng salitang “Rosas”?

a)

Isang uri ng bulaklak

b)

Maganda at mabango

c)

simbolo ng pag-ibig

d)

kulay pula

34.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng konotatibong kahulugan ng salitang ITIM?

a)

ang kulay ng ulan

b)

simbolo ng kamalasan

c)

ang kulay ng damit

d)

ang kulay ng gabi

35.

Ano ang pagkakaiba ng denotatibo at konotatibong kahulugan?

4 lines
36.

Si Juan ay nag-aral ng mabuti para sa pagsusulit. Ano ang magiging bunga ng pag-aaral ni Juan ng mabuti?

a)

Nabagsak siya sa pagsusulit

b)

Hindi siya nakapag-aral ng iba pang asignatura

c)

Nakakuha siya ng mataas na marka

d)

Napagalitan siya ng kanyang guro

37.

Ano ang sanhi ng mababang marka ni Maria?

a)

Matalino si Maria.

b)

Laging siya ay may sakit.

c)

Laging naglalaro ng computer games at hindi nag-aaral.

d)

Mabait ang kanyang guro.

38.

Uminom ng maraming tubig si Pedro araw-araw. Ano ang posibleng bunga ng pag-inom ni Pedro ng maraming tubig ay?

a)

magkakaroon siya ng sakit sa bato

b)

magiging dehydrated siya

c)

magiging malusog ang kanyang katawan

d)

magkakaroon siya ng sakit sa puso

39.

Alin sa sumusunod ang HINDI karaniwang hudyat ng sanhi?

a)

dahil sa

b)

kaya

c)

kung

d)

sapagkat

40.

Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng bunga?

a)

Dahil sa

b)

sapagkat

c)

upang

d)

samakatuwid

41.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “bunga” sa isang pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga?

a)

ang dahilan ng isang pangyayari

b)

ang resulta o epekto ng isang pangyayari

c)

ang lugar kung saan nangyari ang isang pangyayari

d)

ang oras kung kailan nangyari ang isang pangyayari

42.

Ano ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori?

a)

Magbigay-aliw sa mga mambabasa gamit ang kathang-isip na kuwento.

b)

Magbigay ng impormasyon tungkol sa Agham, Kasaysayan, at Agham Panlipunan.

c)

Hikayatin ang mga mambabasa na kumilos.

d)

Magpahayag ng personal na damdamin.

43.

Alin sa mga sumusunod ang siyentipikong publikasyon na dumadaan sa pagsusuri ng mga dalubhasa?

a)

menu

b)

brochure

c)

journal

d)

resipe

44.

Ano ang pangunahing katangian ng Personal na Sanaysay?

a)

naglalaman ng presyo ng mga pagkain

b)

tumatalakay sa siyentipikong pananaliksik

c)

naglilista ng mga hakbang sa pagluluto

d)

tumatalakay sa aktuwal na karanasan ng manunulat

45.

"Anim na Sabado ng Beyblade" ni Ferdinand Pisigan Jarin ay halimbawa ng _________.

a)

Tekstong pangkasaysayan

b)

Tekstong medikal

46.

Aling uri ng tekstong ekspositori ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lokasyon at gabay sa paglalakbay?

a)

heograpiya

b)

memoir

c)

menu

d)

journal

47.

Ayon sa historian na si Tony Donato (2018), kaugnay sa Katipunan na nakibaka sa mga laban sa mga Kastila, tatlo lamang ang nasusulat na memoir. Ito ay ang Katipunan at ang Rebolusyon ni Heneral Santiago Alvarez, memoir ni Heneral Artemio Ricarte at ang Talarawan ng Katipunero ng Castor de Jesus. Itong ikatlo ang pinaniniwalaang makasasagot tungkol sa sinapit ng Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio at ng kaniyang mga kapatid sa malupit na kamay ni Heneral Aguinaldo.

a)

lima

b)

apat

c)

tatlo

d)

dalawa

48.

Anong memoir ang pinaniniwalaang makasasagot tungkol sa sinapit ng Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio?

a)

Katipunan at ang Rebolusyon

b)

Memoir ni Heneral Artemio Ricarte

c)

Ang Talarawan ng Katipunero ng Castor de Jesus

d)

Memoir ni Andress Bonifacio

49.

Anong impormasyon ang karaniwang matatagpuan sa mga brochure ng paaralan?

a)

mga medikal na rekord

b)

mga pangyayaring pangkasaysayan

c)

mga tagubilin sa pagluluto

d)

mga kurso at kasaysayan ng paaralan

50.

Ano ang layunin ng medikal na teksto?

a)

Magtala ng paggamit ng gamot at rekord ng pasyente.

b)

Magtbigay ng direksyon sa paglalakbay.

c)

Maglista ng presyo ng pagkain.

d)

Magbahagi ng personal na karanasan.

51.

Ano ang pangunahing nilalaman ng menu ng restawran?

a)

impormasyong pangkasaysayan

b)

komprehensibong listahan ng pagkain at presyo

c)

mga tagubilin sa medisina

d)

mga direksyon sa paglalakbay

52.

Saan pangunahing ginagamit ang transkripsyon ng talumpati?

a)

mga tagubilin sa pagluluto

b)

gabay sa lokasyon

c)

listahan ng presyo

d)

paglalagom ng mahahalagang bahagi ng talumpati

53.

Ano ang tawag sa organisado at mahusay na ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata?

a)

anapora

b)

katapora

c)

kohesyong gramatikal

d)

pagpapalit

54.

Kung ang panghalip ay sumusunod sa panggalang tinutukoy, ito ay tinatawag na ______.

a)

nominal

b)

verbal

c)

katapora

d)

anapora

55.

Heneral Apoy ang tawag sa kaniya. Si Santiago Alvarez ay bayani ng Kabitenyo. Ito ay halimbawa ng ______.

a)

katapora

b)

anapora

c)

nominal

d)

verbal

56.

Kapag ang pinapalitan ay pangngalan, ito ay tinatawag na __________.

a)

verbal

b)

pagpapalit

c)

nominal

d)

anapora

57.

Alin sa mga sumusunod ang pangatnig na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga?

a)

habang

b)

sapagkat

c)

ngunit

d)

saka

58.

Ang paggamit ng salitang "mananakop" bilang kapalit ng "Kastila" ay halimbawa ng ______.

a)

verbal

b)

anapora

c)

katapora

d)

nominal

59.

Kung ang panghalip ay nauuna sa pangngalang tinutukoy, ito ay __________.

a)

anapora

b)

nominal

c)

katapora

d)

verbal

60.

Ang paggamit ng pandiwang "nalaman" bilang kapalit ng "nabatid" ay halimbawa ng _____

a)

verbal

b)

nominal

c)

anapora

d)

katapora

61.

Ano ang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap?

a)

pang-ugnay o pangatnig

b)

panghalip

c)

anapora

d)

katapora

62.

Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng panghalip?

a)

para magkaroon ng katapora

b)

para hindi maging paulit-ulit ang pagbanggit ng pangngalan

c)

para magkaroon ng anapora

d)

para magkaroon ng verbal