Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test in Araling Panlipunan 9 - 2nd Quarter

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay mga saklaw ng mikroekonomiks maliban sa __________.

a)

Demand ng mga mamimili

b)

Suplay ng mga negosyante

c)

Kita ng buong bansa

d)

Mamimili

2.

Isa sa mahahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

a)

Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

b)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.

c)

Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

d)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.

3.

Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng __________.

a)

Walang kaugnayan ang demand sa presyo

b)

Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand

c)

Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

d)

Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

4.

Alin ang nagpapakita ng kurba ng demand ng Produktong A batay sa talahanayan?

a)

(image of downward sloping line)

b)

(image of upward sloping line)

c)

(image of horizontal line)

d)

(image of vertical line)

5.

Anong salik ang maaaring magpababa sa demand ng motor?

a)

Pagbaba ng presyo ng gulong

b)

Pagbaba ng singil sa rehistrasyon

c)

Pagtaas ng presyo ng gasolina

d)

Pagtaas ng presyo ng motor

6.

Sa kasalukuyang panahon, malaki ang gampanin ng teknolohiya sa buhay ng mga tao. Dahil dito, dumadami ang bumibili ng laptop dahil ito ang in-demand. Anong salik ng demand ito?

a)

Inaasahan ng mamimili

b)

Presyo ng kaugnay na produkto

c)

Panlasa

d)

Kita

7.

Natanggal sa trabaho ang ama ni Kardo kaya bumibili na lang siya sa ukay-ukay. Anong salik ng demand ang nakaapekto?

a)

A. Kita

b)

B. Panlasa

c)

C. Dami ng mamimili

d)

D. Katiyakan ng produkto

8.

Kapag tumaas ang presyo ng kape, bumababa ang demand ng asukal. Ano ang relasyon ng asukal at kape?

a)

A. Magkaugnay na kalakal

b)

B. Pamalit na kalakal

c)

C. Magkatunggaling kalakal

d)

D. Lahat ng nabanggit

9.

Ano ang ipinapakita ng graph?

a)

Pagtaas ng demand

b)

Pagbaba ng demand

10.

Tuwing panahon ng kapaskuhan hindi maiwasan ng tao ang bumili ng panghanda tulad ng quezo de bola at prutas. Anong salik ng demand ang ipinakikita dito?

a)

Kita

b)

Panlasa

c)

Inaasahan ng mamimili

d)

Kapalit na produkto

11.

Sina Pirena, Amihan, Alena at Danaya ay mga negosyante ng bigas. Si Pirena ay nagbibili ng isang sako sa halagang P1400, si Amihan ay P1390 kada sako samantalang P1410 kay Alena at P1380 kay Danaya. Kung ikaw ang mamimili, kanino ka bibili?

a)

Pirena

b)

Amihan

c)

Alena

d)

Danaya

12.

Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak sa tuwing sasapit ang Undas?

a)

Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa bulaklak kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.

b)

Dahil sa tuwing sasapit ang Undas, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.

c)

Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Undas sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.

d)

Tuwing sasapit ang Undas, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.

13.

Ano ang reaksyon ng isang variable sa pagbabago ng presyo?

a)

Produktibidad

b)

Seguridad

c)

Integridad

d)

Elastisidad

14.

Kung ang nakompyut na elastisidad ay eksaktong 1, ito ay nangangahulugang

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Ganap na Elastic

15.

Sabihin kung ang mga sumusunod ay elastic, inelastic, o unit elastic.

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

16.

Sabihin kung ang mga sumusunod ay elastic, inelastic, o unit elastic. 16. Tubig, gamot, bigas

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

17.

Nabawasan ng 20 porsyento ang dami ng binibiling TV set matapos taasan ang presyo nito ng 15 porsyento. Ano ang elastisidad ng TV set?

a)

15

b)

20

c)

5

d)

1.33

18.

Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawain ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?

a)

Demand

b)

Suplay

c)

Presyo

d)

Ekilibriyo

19.

Alin ang nagpapakita ng kurba ng suplay ng Produktong B batay sa talahanayan?

a)

(pataas na linya)

b)

(pababa na linya)

c)

(patag na linya)

d)

(kurba na pababa)

20.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng batas ng supply?

a)

Tumataas ang supply kapag tumataas ang presyo.

b)

Bumababa ang supply kapag tumataas ang presyo.

c)

Tumataas ang supply kapag bumababa ang presyo.

d)

Tumataas ang supply kahit hindi bumababa ang presyo

21.

Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalaang supply ng sardinas?

a)

6

b)

10

c)

20,000

d)

30,000

22.

Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapapataas sa antas ng produksiyon at supply ng produkto?

a)

Paggamit ng angkop na teknolohiya

b)

Pagdami ng bilang ng mga mamimili

c)

Pagmahal ng mga salik ng produksiyon

d)

Pagtaas ng demand para sa produkto

23.

Dati-rati maliit na makina lamang ang ginagamit ni Aling Nati sa pananahi ng mga burdadong damit. Sa tinagal-tagal ng panahon nakaipon ng puhunan at nakabili ng dalawang yunit ng pananahing pwedeng gamitin sa pagbuburda. Dumami ang natahating mga damit burdado na nangangahulugan na mas mabilis na produksiyon ng patahian. Ano ang naging epekto ng naidagdag na mga makina sa kanyang patahian?

a)

Naalwan si Aling Nati sa mabilis na pananahi

b)

Nawalan ng silbi na makatulong sa tahian ni Aling Nati

c)

Nakadagdag ng gastusin ni Aling Nati taun-taon

d)

Nakatulong upang maparami ang natahating damit

24.

Ang niyog, saging at kawayan ang pangunahing produkto ng Tanay, Rizal. Sa loob ng isang taon maaari kang kumita ng 100,000 piso sa kawayan, 150,000 sa saging at 200,000 sa kawayan. Kung ikaw ay may balak magtanim alin sa mga ito ang iyong pagtuunan ng pansin?

a)

Niyog

b)

Saging

c)

Kawayan

d)

Hane

25.

Tuwing sasapit ang Kapaskuhan at Piyesta ng Bayan ng Tanay nagkakaroon ng mga nagtitinda ng iba't-ibang produkto sa Plaza. Ano ang nangyayari sa dami ng supply ng mga produkto?

a)

Dumaramami

b)

Kumakauanti

c)

Nanatili

d)

Lahat ng nabanggit

26.

Ano ang ipinapakita ng graph?

a)

Pagtaas ng demand

b)

Pagbaba ng demand

c)

Pagbaba ng supply

d)

Pagtaas ng supply

27.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kapag tumaas ang presyo ng mga chicken feed?

a)

Tataas ang supply ng manok at bababa ang presyo nito

b)

Tataas ang supply ng manok at tataas ang presyo nito

c)

Bababa ang supply ng manok at tataas ang presyo nito

d)

Bababa ang supply ng manok at bababa ang presyo nito

28.

Kung ang sitwasyon sa pamilihan ay ganito -- ang supply ng produkto ay kakaunti ngunit marami ang demand ng tao -- ang presyo ay ________.

a)

Tataas

b)

Bababa

c)

Mananatili

d)

Walang Mangyayari

29.

Nagkaroon ng brown-out sa kalakhang Maynila. Ano ang magiging epekto nito sa supply ng produkto?

a)

Tataas

b)

Bababa

c)

Mananatili

d)

Walang Mangyayari

30.

Kailangang magdagdag ng kwarto sa resort.

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

31.

Manufactured goods

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

32.

Proposyonal na laki ng pagbabago sa presyo at dami ng suplay.

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

33.

Kung ang nakompyut na elastisidad ng suplay ay 0.99 ito ay nangangahulugan

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

34.

Ano naman ang elastisidad ng suplay kung ito ay 1.01?

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unit Elastic

d)

Perfectly Elastic

35.

Sa ekonomiks, kailan masasabiing mayroong pamilihan sa isang lugar?

a)

Kapag mayroong mamimili

b)

Kapag may nagbebenta

c)

Kapag may tumatanggap sa presyo

d)

Kapag may nagbibili at nagbebenta

36.

Ang punto kung saan nagkakasundo ang mamimili at bahay-kalakal sa isang takdang presyo ay tinatawag na ________.

a)

Kakulangan

b)

Kalabisan

c)

Ekwilibriyo Presyo

d)

Ekilibriyo

37.

Ano ang presyong ekwilibriyo ng graph?

a)

10

b)

20

c)

30

d)

40

38.

Ano ang ekwilibriyo dami ng graph?

a)

300

b)

400

c)

500

d)

600

39.

Sa anong presyo nagkakaroon ng surplus (kalabisan)?

a)

30

b)

40

c)

50

d)

60

40.

Sa anong presyo nagkakaroon ng shortage (kakapusan)?

a)

10

b)

20

c)

30

d)

40

41.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkakaroon ng ekwilibriyo?

a)

A. Pantay ang dami ng suplay at demand

b)

B. Mas madami ang demand kaysa suplay

c)

C. Labis ang suplay kaysa demand

d)

D. Walang demand at suplay

42.

Sa presyong 5000, ang demand para sa tablet X ay 20,000. Ngunit ang naprodyus na tablet X ay 15,000. Ano ang dapat gawin upang magkaroon ng ekwilibriyo?

a)

Bawasan ang supply

b)

Bawasan ang demand

c)

Taasan ang presyo

d)

Ibaba ang presyo

43.

Alin ang nagpapakita ng ekwilibriyong presyo (EP) at ekwilibriyong dami (ED)?

a)

EP=3, ED=9

b)

EP=4, ED=12

c)

EP=1, ED=6

d)

EP=9, ED=3

44.

Sa presyong P4, ilan ang handang isupply ng prodyuser?

a)

3

b)

6

c)

9

d)

12

45.

Sa presyong P1, ilan ang handang bilhin ng konsyumer?

a)

6

b)

9

c)

12

d)

15

46.

Kung sa presyong P4 nangyayari ang kalabisan o surplus, ilang ang naging sobra nito?

a)

3

b)

6

c)

9

d)

12

47.

Kung sa presyong P1 nangyayari ang kakulangan o shortage, ilang ang naging kulang nito?

a)

3

b)

6

c)

9

d)

12

48.

Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

a)

Paghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid

b)

Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin

c)

Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer

d)

Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

49.

Ano ang tawag sa pinakamataas na presyong itinakda ng pamahalaan sa isang produkto?

a)

Price Floor

b)

Price Ceiling

c)

Price Control

d)

Price Adjustment

50.

Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mababa at hindi na makatarungan para sa mga prodyuser dahil sa malaking gastos sa produksyon, gumagawa ang batas ng pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamatataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?

a)

price ceiling

b)

price floor

c)

market clearing price

d)

price support