Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Animal Production Worksheet (Grade 8)

Total questions: 45

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Ang pamilya ni Mang Jose ay nag-aalaga ng manok at pato sa kanilang bakuran. Saang sangay ng animal production kabilang ang mga ito?

a)

Aquatic animals

b)

Livestock animals

c)

Poultry animals

d)

Small ruminants

2.

Bakit nakatutulong sa kabuhayan ng pamilyang Pilipino ang pag-aalaga ng poultry animals?

a)

Pang-eksport lamang sa ibang bansa

b)

Ginagamit lamang bilang alaga o libangan

c)

Nagbibigay ng itlog at karne na maaaring ipagbili

d)

Ginagamit lamang sa paligsahan gaya ng sabong

3.

Ang kambing na inaalagaan ni Aling Rosa ay nagbibigay ng gatas na kanilang binebenta. Saang sangay ng animal production kabilang ang kambing?

a)

Draft animals

b)

Large ruminants

c)

Poultry animals

d)

Small ruminants

4.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang animal production sa komunidad?

a)

Para lamang sa tradisyunal na ritwal

b)

Para lamang sa mga malalaking negosyo

c)

Ginagamit lamang bilang palamuti sa bukid

d)

Nagbibigay ng pagkain, dagdag kita, at hanapbuhay

5.

Ano ang maaaring gawing pakinabang mula sa dumi ng manok at pato?

a)

Pagkain ng mga tao

b)

Laruang ng mga bata

c)

Panggamot sa hayop

d)

Pampataba sa mga halaman

6.

Napansin ng guro na ang kanyang mag-aaral na nag-aalaga ng mga manok ay mas masipag at malikhaín. Anong pagpapahalaga ang nahuhubog sa pag-aalaga ng poultry animals?

a)

Takot sa hayop

b)

Kasipagan at pagkamalikhaín

c)

Katamaran at kawalang-pansin

d)

Kawalang-interes sa pagsasaka

7.

Kung ipapaliwanag mo ang kaugnayan ng pag-aalaga ng poultry animals sa SDG 8 (Decent Work and Economic Growth), alin ang pinakamainam na sagot?

a)

Nagbibigay ito ng aliw lamang sa mga tao

b)

Pinabababa nito ang bilang ng bukirin sa bansa

c)

Nakakapagpabawas ng oras ng mga bata sa paglaro

d)

Nagbibigay ng disenteng kabuhayan at nakatutulong sa ekonomiya ng pamilya at pamayanan

8.

Ayon sa Organic Agriculture Act of 2010 (RA 10068), bakit mahalaga ang paggamit ng organikong paraan sa pag-aalaga ng hayop?

a)

Para tumaas ang presyo ng mga bibilhin

b)

Para dumami ang imported na produkto

c)

Para makabawas sa gastos sa patuka at kemikal

d)

Para makaiwas sa sobrang pagbabayad ng buwis

9.

Nagkaroon ng sakit ang mga alagang baboy sa isang barangay. Aling ahensya ng pamahalaan ang dapat agad lapitan?

a)

Bureau of Animal Industry (BAI)

b)

Department of Trade and Industry (DTI)

c)

Department of Labor and Employment (DOLE)

d)

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

10.

Si Albert Dwight Tamayo, isang nurse mula Masbate, ay nagtagumpay sa poultry layer farming. Anong katangian ang ipinakita niya nang piliin niyang magsimula ng sariling poultry farm kaysa manatili sa ibang trabaho?

a)

Katamaran

b)

Kawalang-interes

c)

Malakas ang loob

d)

Pag-aantubili

11.

Kung ang layunin ng pamahalaan ay mapanatili ang maayos na kita ng maliliit na magsasaka, aling ahensya ang pangunahing namumuno dito?

a)

Department of Agriculture (DA)

b)

Department of Education (DepEd)

c)

Department of Science and Technology (DOST)

d)

Department of Environment and Natural Resources (DENR)

12.

Si Chito Suarez mula Bohol ay kilala sa pagpaparami ng itik at pagbebenta ng balut. Ano ang ipinapakita ng kanyang halimbawa?

a)

Na ang poultry farming ay walang kabuluhan

b)

Na ang pag-aalaga ng hayop ay pang-eksperto lamang

c)

Na mas mahalaga ang pagbili kaysa magparami ng hayop

d)

Na maaaring maging matagumpay kahit maliit ang panimula

13.

Kung ang isang magsasaka ay mabilis makahanap ng paraan kapag kulang ang patuka (hal. gumamit ng giniling na mais), anong katangian ang taglay niya?

a)

Determinado

b)

Maparaan

c)

Matapat

d)

Masigasig

14.

Paano nakatutulong ang mga NGO (non-government organizations) sa mga magsasaka ng poultry?

a)

Sila ay nagbibigay ng libangan at palabas

b)

Sila ay namamahala ng palengke para sa mga negosyante

c)

Sila ay naniningil ng mataas na bayarin sa mga magsasaka

d)

Sila ay nagbibigay ng tulong, pagsasanay, at suporta sa komunidad

15.

Nais ni Mang Kardo na magsimula ng maliit na poultry farm. Ano ang pinakamahalagang unang hakbang na dapat niyang isaalang-alang?

a)

Bumili ng maraming kagamitan agad

b)

Maghanap ng mamimili kahit wala pang manok

c)

Alamin ang tamang pagkain at bitamina ng alaga

d)

Pumili ng tamang lahi ng manok ayon sa layunin (itlog o karne)

16.

Kung ang layunin ng isang pamilya ay makapagbenta ng itlog sa palengke ng bayan, anong uri ng manok ang mas mainam alagaan?

a)

Broiler (meat type)

b)

White Leghorn (layer type)

c)

Rhode Island Red (dual purpose)

d)

Native chicken para sa sabaw

17.

Bakit mahalaga ang pagpili ng tamang lugar para sa kulungan ng manok?

a)

Para makaiwas sa pagbisita ng mga kapitbahay

b)

Para magkaroon ng maayos na bentilasyon at kalinisan

c)

Para mapabilis ang paglalaro ng mga bata

d)

Para hindi makita ng mga opisyal ng barangay

18.

Si Aling Rosa ay nagplano ng free-range poultry farm sa kanilang probinsya. Ano ang pangunahing benepisyo ng ganitong pamamaraan?

a)

Mas madaling kontrolin ang dami ng itlog

b)

Hindi na kailangan ng bentilasyon at tubig

c)

Mas mabilis lumaki kaysa sa commercial broilers

d)

Nakakabawas sa gastos sa kulungan at pakain dahil nakakapaghanap sila ng sariling pagkain

19.

Kung ikaw ay mag-aalaga ng manok para pagkakitaan, bakit mahalagang kilalanin ang iyong target market o kliyente?

a)

Para maipakita lamang na maraming alaga

b)

Para magkaroon ng mas maraming bisita sa farm

c)

Upang malaman kung kanino makikipaglaro ang mga alaga

d)

Para maiangkop ang uri ng alaga at produkto sa pangangailangan ng mamimili

20.

Ang mga kagamitan gaya ng kulungan, patukan, painuman, at gamit panlinis ay mahalaga sa pag-aalaga ng poultry animals. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ito mapaghandaan?

a)

Mas gaganda ang kalidad ng itlog

b)

Magiging mas mabilis silang dumami

c)

Hindi maaapektuhan ang produksiyon

d)

Magiging mahina at sakitín ang mga alaga, bababa rin ang kita

21.

Sa iyong barangay, maraming nag-aalaga ng Pateros duck para gawing itlog na maalat at balut. Ano ang pangunahing katangian ng lahing ito?

a)

Malalaki ang itlog at mataas ang kalidad ng karne

b)

May mahabang balahibo ang lalaki at batik-batik ang babae

c)

Mataas ang produksiyon ng itlog, umaabot ng 300 itlog sa isang taon

d)

Mas maliit kaysa sa imported breed, hindi naglilimlim, kulay itim/abo/kape

22.

Kung ang layunin ng isang pamilya ay makakaroon ng dagdag na kita mula sa karne ng manok, alin sa mga uri ng manok ang pinakaangkop?

a)

Arbor Acre at Hubbard

b)

Minorca

c)

Plymouth Rock

d)

White Leghorn

23.

Sa palengke ng bayan, mas mabili ang itlog kaysa karne. Aling uri ng manok ang dapat alagaan ng mga residente upang tumugon sa pangangailangan?

a)

Arbor Acre

b)

Cobb

c)

Rhode Island Red

d)

White Leghorn at Mikawa

24.

Ang pugo ay karaniwang pinagmumulan ng itlog na inilalaga at ibinebenta sa mga kalsada bilang street food. Ano ang dahilan kung bakit ito magandang pagkakitaan ng pamilya?

a)

Madaling hanapin sa kagubatan at bundok

b)

Maiksi ang leeg at paa kaya madaling alagaan

c)

Malaki ang katawan ng pugo kaya mas maraming karne

d)

Mabilis dumami at maraming gamit ang itlog sa lutuing Pilipino

25.

Ang pabo ay kadalasang inihahanda tuwing pista o espesyal na okasyon. Ano ang dahilan kung bakit mainam din itong alagaan para sa negosyo?

a)

Mas madaling pakainin kaysa itik

b)

Mas mura kaysa sa manok ang pabo

c)

Maikli ang panahon ng pagpapalaki nito

d)

Malaki ang katawan at nagbibigay ng mataas na halaga kumpara sa gastos sa pagpapalaki

26.

Ang mga gansa ay inaalagaan din sa ilang baryo sa Pilipinas. Ano ang pangunahing benepisyong dulot ng gansa sa mga pamilya?

a)

Ginagamit para sa paligsahang pampalakasan

b)

Ginagamit bilang bantay laban sa magnanakaw

c)

Nagbibigay ng itlog at karne na maaaring ipagbili

d)

Mas maganda lamang bilang alagang pampamilya

27.

Sa barangay ng San Miguel, maraming manok ang biglang namatay nang walang malinaw na sintomas. Aling sakit ang posibleng dahilan nito?

a)

Avian Flu

b)

Enteritis

c)

Pneumonia

d)

Pullorosis

28.

Kung mapapansin na ang mga sisiw ay may likidong puting dumi at nanghihina, anong sakit ang maaaring mayroon sila?

a)

Fowl Pox

b)

Enteritis

c)

Avian Flu

d)

Pullorosis

29.

Bakit mahalagang i-quarantine ang mga bagong biling sisiw o ibon bago isama sa iba?

a)

Para mas mabilis silang tumaba

b)

Para masanay sa bagong kapaligiran

c)

Para madagdagan ang bilang ng alaga agad

d)

Para matiyak na malusog at walang dalang sakit

30.

Kung nagkaroon ng scabs o parang sugat sa balat at pamamaga sa mata ang mga manok, anong sakit ang ito?

a)

Avian Flu

b)

Fowl Pox

c)

Pneumonia

d)

Pullorosis

31.

Ano ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkalat ng sakit gaya ng Avian Flu sa isang poultry farm?

a)

Pakainin ng sobrang dami ang mga manok

b)

Huwag pakainin ng bitamina ang mga alaga

c)

Ihalo agad ang bagong biling manok sa matagal nang alaga

d)

Linisin nang regular ang kulungan at panatilihin ang biosecurity

32.

Ano ang praktikal na benepisyo ng paggamit ng halamang gamot gaya ng bayabas at luya bilang duwa sa pagmamanok?

a)

Nagiging mas makulay ang balahibo ng manok

b)

Mas mabilis silang lumaki kaysa sa commercial feeds

c)

Nakakatipid at ligtas gamitin laban sa karaniwang sakit

d)

Hindi na kailangang kumonsulta sa beterinaryo kailanman

33.

Kung ikaw ay gagawa ng kulungan para sa sampung manok, alin sa mga pasilidad ang pinakamahalaga upang manatiling malusog ang mga ito?

a)

Malaking kulungan na walang bubong

b)

Malilit na kulungan na walang bentilasyon

c)

Kulang sa patuka at painuman

d)

Maayos na bentilasyon, patuka, painuman, at panlinis

34.

Nakita ni Liza na mabilis dumami ang langaw sa kanilang bakuran dahil sa dumi ng mga bibe. Ano ang pinakamaainam niyang gawin?

a)

Itapon ang dumi kung saan-saan upang mawala agad

b)

Hayaan matuyo ang dumi para hindi mangamoy

c)

Gumawa ng hukay na may takip para sa dumi ng mga alaga

d)

Huwag linisin ang kulungan para hindi maistorbo ang mga bibe

35.

Sa isang poultry farm sa Nueva Ecija, ginamit ang dumi ng manok bilang compost. Ano ang pangunahing pakinabang nito?

a)

Nagiging pagkain ng ibang hayop

b)

Nakakatulong upang tumaba agad ang mga manok

c)

Nagpapaganda ng kulay ng balahibo ng mga manok

d)

Nagbibigay ng sustansya sa lupa para sa mga pananim

36.

Bakit mahalagang magbigay ng tamang bitamina sa mga alagang manok?

a)

Para hindi na sila mangitlog

b)

Para mas mapadali ang paglilinis ng kulungan

c)

Upang maging mas malakas at makaiwas sa sakit

d)

Para maging makinis ang kanilang balahibo lamang

37.

Kung ikaw ay isang magsasaka at nais mong makatipid sa enerhiya, anong makabagong paraan ng waste management mula sa dumi ng manok ang maaari mong gamitin?

a)

Ihalo sa basura ng tahanan

b)

Pagsusunog ng dumi sa bakuran

c)

Itapon sa ilog ang dumi ng manok

d)

Paggawa ng biogas gamit ang biodigester

38.

Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit kailangang panatilihing malinis at maayos ang kulungan ng mga poultry animals?

a)

Para mas madali silang mabilang

b)

Para hindi gumastos sa gamot

c)

Para hindi makita ng kapitbahay ang dumi

d)

Para maging komportable ang mga alaga at makaiwas sa sakit

39.

Si Mang Ben ay may mga broiler chicken. Kailan pinakamaainam anihin ang mga ito para ibenta?

a)

Kapag kahit anong araw basta gusto ng may-ari

b)

Kapag sobrang laki na at halos hindi na makalakad

c)

Kapag dalawang linggo pa lamang at maliit pa ang timbang

d)

Kapag nasa 1.6 kilo na at 35 araw gulang, malusog at hindi sakitin

40.

Bakit mahalagang gawin ang sorting at grading ng itlog bago ito dalhin sa palengke?

a)

Para hindi makita ang mga basag na itlog

b)

Para maging maganda lamang tingnan ang mga itlog

c)

Para mas maging matipid ang presyo ng lahat ng itlog

d)

Para masiguro ang kalidad at kaligtasan ng pagkain ng mamimili

41.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Grade AA na itlog?

a)

May bitak ngunit ligtas pa rin kainin

b)

May mantsa sa shell at madaling mabasag

c)

May bahagyang batik, manipis ang puti, at patag ang pula ng itlog

d)

Malinis, walang basag, malinaw at matibay ang puti, at maayos ang pula ng itlog

42.

Si Aling Rosa ay bumili ng isang tray ng itlog. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ito maayos na imiimbak?

a)

Tataas ang presyo nito sa palengke

b)

Mas tatagal ang itlog at magiging masustansya

c)

Magiging mas maganda ang kulay ng pula ng itlog

d)

Mabilis itong masisira at maaaring magdulot ng sakit kapag nakain

43.

Ano ang pinakambisang paraan ng pag-iimbak ng manok o karne ng poultry upang hindi agad masira?

a)

Iwanan sa mainit na lugar

b)

Ilagay sa mesa nang matagal

c)

Ipalamig o i-freeze sa refrigerator

d)

Takpan ng tela at ilagay sa kusina

44.

Sa eksperimento ng mga mag-aaral, may dalawang itlog na inilagay sa magkaibang lugar: isa sa mainit at isa sa malamig. Ano ang maaaring konklusyon matapos ang pitong araw?

a)

Pareho lamang ang tagal ng dalawang itlog

b)

Mas mabilis masira ang itlog sa malamig na lugar

c)

Mas maganda ang lasa ng itlog sa mainit na lugar

d)

Mas matagal tumagal ang itlog sa malamig na lugar kaysa sa mainit

45.

Kung nais mong ipagbili ang itlog ng iyong alagang manok sa tingi sa palengke, anong paraan ng pagbebenta ang iyong gagamitin?

a)

Maramihan

b)

Online selling

c)

Pakyawan

d)

Per piraso o tingian