WorksheetsAP4 S1
Total questions: 16
Worksheet time: 8mins
Name
Class
Date
1.
Isa sa mga panukat ng pambansang kita ay ang __________.
a)
a. GDP at GNP
b)
b. DOH at DEPED
c)
c. PSA at PAGASA
2.
Ang ibig sabihin ng GDP ay __________.
a)
a. Gross Domestic Product
b)
b. General Domestic Price
c)
c. Great Development Plan
3.
Ano ang sinusukat ng GDP?
a)
a. Halaga ng mga produktong ginawa sa loob ng bansa
b)
b. Kita ng mga Pilipino sa ibang bansa
c)
c. Halaga ng mga produktong mula sa ibang bansa
4.
Ano ang ibig sabihin ng GNP?
a)
a. General National Policy
b)
b. Gross National Product
c)
c. Gross Nation Program
5.
Ang GNP ay sumusukat sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na __________.
a)
a. ginawa sa ibang planeta
b)
b. ginawa sa loob at labas ng bansa ng mga mamamayan
c)
c. ginawang libre ng pamahalaan
6.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sektor ng ekonomiya ng bansa?
a)
a. Agrikultura, Serbisyo, at Industriya
b)
b. Edukasyon, Turismo, at Kalusugan
c)
c. Pamahalaan, Media, at Transportasyon
7.
Ayon sa datos, alin ang may pinakamalaking ambag sa pambansang kita noong 2022?
a)
a. Agrikultura
b)
b. Serbisyo
c)
c. Industriya
8.
Alin ang sektor na may pinakamababang ambag sa pambansang kita?
a)
a. Serbisyo
b)
b. Industriya
c)
c. Agrikultura
9.
Tukuyin kung ito ba ay kabilang sa Gross National Product o Gross Domestic Product.
Si Mang Ramon, isang Pilipino na nagtatrabaho sa Saudi Arabia, ay nagpapadala ng pera buwan-buwan sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
a)
GNP
b)
GDP
10.
Tukuyin kung ito ba ay kabilang sa Gross National Product o Gross Domestic Product.
Ang isang kompanyang Hapon ay nagtayo ng pabrika ng sasakyan sa Laguna.
a)
GNP
b)
GDP
11.
Tukuyin kung ito ba ay kabilang sa Gross National Product o Gross Domestic Product.
Ang mga manggagawa sa Marikina ay gumagawa ng sapatos para ibenta sa ibang bansa.
a)
GNP
b)
GDP
12.
Tukuyin kung ito ba ay kabilang sa Gross National Product o Gross Domestic Product.
Si Ana, isang Pilipinong nurse sa Canada, ay kumikita ng dolyar mula sa kanyang trabaho doon.
a)
GNP
b)
GDP
13.
Ang pambansang kita ay palatandaan ng kaunlaran ng isang bansa.
a)
Tama
b)
Mali
14.
Ang GDP ay sumusukat sa mga produktong ginawa sa labas ng bansa.
a)
Tama
b)
Mali
15.
Ang pag-unlad ng ekonomiya ay makikita sa pagtaas ng pambansang kita.
a)
Tama
b)
Mali
16.
Ang accommodation at food services ay lumago nang husto dahil sa COVID-19.
a)
Tama
b)
Mali
100 %
