Worksheets2ND Q longtest
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Alin ang pinakamainam na kahulugan ng globalisasyon?
Pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabago ng pulitikal at ekonomiklal ng mga bansa sa mundo
Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto na mararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo
Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
Alin ang repleksyon ng globalisasyon?
Ang pagtatanim gamit ang makalumang tradisyon
Ang pagpapadala ng sulat sa kaibigan sa Amerika
Ang paggamit ng cellphone sa pakikipag-usap sa kapatid
Ang paggamit ng kalan na de uling sa pagluluto para makatipid
Sino ang nagsabing "Ang globalisasyon ay dumaan sa maraming panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring matapos sa hinaharap"?
Chanda
Scholte
Ritzer
Therbon
Paano inilarawan nina Nayan Chanda ang kanilang perspektibo at pananaw sa globalisasyon?
Ito ay may anim na wave o epoch
Ito ay taal o nakaugat sa bawat isa
Ito ay may isang mahabang siklo ng pagbabago
Ito ay isang penomenon na nagsimula noong ika-20 na siglo
Ano ang ipinahihiwatig ng anim na wave o epoch sa panahón ng globalisasyon?
Ang globalisasyon ay may hangganan
Ang globalisasyon ay nagmula sa pananakop ng mga kastila
Ang globalisasyon ay hindi na bagong phenomenon o pangyayari
Ang globalisasyon ay nangyayari lamang sa mga mahihirap na bansa
Alin ang HINDI epekto ng pagbagsak ng "Iron Curtain" ng Soviet Union noong 1991 na naging hudyat sa pag-usbong ng globalisasyon?
Nagbukás ang migrasyon sa Estonia
Pumasok ang pananaw ng Europa sa Russia
Isinara ang ugnayang panlabas ng Latvia sa Europa
Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa Ukraine
Alin ang HINDI manìpestasyon ng paniniwala na ang "Globalisasyon" ay taal o nakaugat sa bawat isa?
Mandigma at manakop
Magpakalat ng fake news
Magpakalat ng pananampalataya
Paghahangad ng tao sa maalwan na pamumuhay
Anong anyo ng globalisasyon ang nakakaapekto sa pagkahilig ng mga Pilipino sa KPOP at KDRAMA?
Ekonomiya
Sosyo-kultural
Politikal
Teknolohiya
Paano ka magbibigay serbisyo bilang call center agent ng kompanya?
Magbigay ng tulong teknikal sa mga kliyente
Magpakatotoo sa sarili sa paglabán sa galit ng kliyente
Magpakita ng pagmamahal sa bansa sa pagsasalita ng Tagalog
Magkaroon ng pagkakataong matawagan ang kamag-anak sa ibang lugar
Paano maipapakita ang pagiging isang Pilipino sa pagbili ng mga produkto sa kabila ng pagpasok ng maraming produktong imported sa bansa?
Bilihing ang imported dahil matibay
Tangkilikin ang sariling atin na produkto
Maging praktikal at bilhin ang pinakamura sa lahat ng produkto
Tangkilikin ang sariling atin na produkto
Paano mo masosolusyunan ang negatibong epekto ng teknolohiya na hatid ng globalisasyon?
Gamitin ang cellphone pangtext sa bf/gf
Gamitin ang computer sa paglaro ng Counter Strike
Gamitin ang internet sa paresearch ng assignment
Gamitin ang washing machine dahil nakakatamad maglaba
Paano matutulungan ng pamahalaan ang mga local refugees migrants ng bansa tulad ng mga nakatira sa Marawi?
Pangkauan ng tulong
Bigyan ng mapaglibangan
Rasyonan ng pagkain araw-araw
Bigyan ng trabaho at pangkabuhayan
Alin ang binagong depinisyon ng unemployment ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB)?
Walang trabaho ngunit madalas namimili ng trabaho
Gustong magtrabaho subalit madaling mapagod sa trabaho
Walang trabaho ngunit makapasok sa gustong pagtrabahuan
Walang trabaho, naghahanap at handang magtrabaho ngunit walang mapasukang trabaho
Pagpapatupad ng senior high sa kurikulum na naglalayong gabayan ang mag-aaral sa kasanayan na hinahanap ng kumpanya.
Ang pagkakaroon ng paksang tatalakayin sa kolehiyo matapos ang K-12 ay nakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa mag-aaral.
Mas maraming nagtapos ng kursong Engineer subalit mas mataas ang demand sa technical work na nagdudulot ng underemployment.
Karapatan at benepisyo na dapat tamasahin ng mga manggagawa.
Laging sumang-ayon sa mga gusto ng kumpanya at sa gobyerno para walang gulo.
Alin ang HINDI layunin ng Labor Code sa mga manggagawa?
Itaguyod at ipagdiwang ang araw ng paggawa sa Mayo 1
Paglinang ng mga potensyal na bumubuo sa lakas paggawa
Karapatan at benepisyo na dapat tamasahin ng mga manggagawa
Laging sumang-ayon sa mga gusto ng kumpanya at sa gobyerno para walang gulo
Anong ahensya ng gobyerno ang itinatag upang makatulong sa pagtaas ng kaalaman at kasanayan ng manggagawa?
ADM
ALS
BIR
TESDA
Alin ang HINDI maituturìng na suliranin ng mga magsasaka sa sektor ng agrikultura maliban sa kawalan ng lupa?
Suliranin sa patubig
Kawalan ng tulong teknikal
Pangangailangan ng tulong pinansyal
Matiyagang magsasaka at kanilang pamilya
Anong sektor ang humaharap sa kakulangan sa patubig?
Sektor ng Serbisyo
Sektor ng Industriya
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng Manggagawa
Ano ang tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
Outsourcing
Unemployment
Subcontracting
Underemployment
Alin ang kumakatawan sa anyo ng subcontracting na kung saan walang sapat na puhunan ang isang subcontractor upang gawin ang trabaho o serbisyo?
Job-subcontracting
Labor-Only Contracting
Non-regular Contracting
Iskemang Subcontracting
Alin ang HINDI tumutukoy sa mga dahilan ng unemployment?
Maliit na sahod
Pagbabago sa workplace ng paggawa
Mismatch sa mga kurso at sa hinahanap ng industriya
Hindi sapat ang kaalaman dahil sa hindi nakatapos ng pag-aaral
Anong programa ang ipinatutupad ng pamahalaan na may layuning maiangat ang antas ng kasanayan at kaalaman ng bawat Pilipino?
ALS
K12
SHS Program
TESDA
Alin ang epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa?
Binabayaran ng karampatang sahod
Pagbuo o pagsapi ng mga manggagawa sa union
May mga benepisyong tinatamasa na ayon sa batas
Naiiwasan ang pagbabayan ng separation pay, SSS, Philhealth, Pag-Ibig atbp.
Anong isyu sa paggawa ang tumutukoy ng kakulangan sa kasanayan at kakayahan na hinihingi ng mga kumpanya na pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa?
Job-skills mismatch
On-the-Job Training
Vocational skills training
Enhancement skills training
Anong proseso ang tumutukoy sa pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente?
Migrasyon
Permanent Migration
Labour Migration
Temporary Migration
Bakit kailangang mandayuhan o lumipat ng lugar ang ilang mga tao?
Kagustuhang makapag-asawa ng ibang lahi
Makapagsimula ng mas maayos na pamumuhay
Kagustuhang makapagliwaliw at makagala sa ibang bansa
Makahanap ng hanapbuhay na magbibigay ng malaking kita
Paano nakatulong ang pag-aaral o pagkkuha ng teknikal na kaalaman sa ibang mga bansa lalo na sa mga industriyalisadong bansa sa isang kabataang tulad mo?
Dahilan sa mas bihasa ang mga guro sa ibang bansa
Dahilan sa mas mataas ang tingin ng tao sa ibang bansa
Dahilan sa mas sisikat kung sa ibang bansa nakapagtapos
Dahilan sa makabagong teknolohiya na makukuha sa kanila
Paanong matatawag na forced labor ang isang sitwasyon?
May malinaw na kontrata sa pagtatrabahuhan
May mga benepisyong tinatamasa ang isang manggagawa
Pinagtrabaho ng sapat na oras
Pinagtrabaho sa pamamagitan ng dahas o pananakot
Ang sumusunod ay mga kategoriyang nagpapakita ng forced labor. Alin lamang ang HINDI?
Slavery and abduction
Humanitarian volunteer
Domestic workers involuntary situation
Prison labor and rehabilitation through work
Ano ang tawag sa kalakalan na nagaganap na kung saan ang pangunahing produkto o kalakal ay mga tao?
Human marketing
Human slavery
Human trafficking
Human trade
Alin sa mga batas na ito ang nilikha upang wakasan ang trafficking in person lalo na sa mga babae at bata?
R.A. 9231
R.A. 9103
R.A. 9208
R.A. 9215
Anong kasunduan ang naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat bansa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagay rito?
Accordian Accord
Bologna Accord
Education Accord
Washington Accord
Bakit minabuti ng ating pamahalaan na ipatupad sa ating bansa ang K12 program?
Upang maging globally standard na mga manggagawa
Upang madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral
Upang maging kilala ang ating mga manggagawa sa buong mundo
Upang iakma ang Sistema ng edukasyon hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo
Paano nakaapekto sa isang bansa ang lumalalang usapin sa brain drain?
Pagkakaroon ng mga sakit sa iba’t ibang panig ng mundo
Pagkalimot sa mga sakit na kultura kinagisnan ng isang bansa
Pagkawala ng mga mamamayan na masisipag sa trabaho
Pagkaubos ng mga mahuhusay na manggagawa sa isang bansa
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng positibong epekto ng globalisasyon?
Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa pagkalugi ng maliliit na negosyo
Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi maayos na paggamit ng mga likas na yaman
Pagpasok at pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa iba’t ibang panig ng mundo
Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis na transportasyon at komunikasyon
Ano ang kailangan ng isang bansa upang makaagapay sa globalisasyon?
Magpapasok ng maraming dayuhang namumuhunan
Pagpapabuti ng relasyon sa iba’t ibang bansa
Patuloy na suportahan ang pagpasok ng teknolohiya mula sa ibang bansa
Sapat na imprastraktura at kagamitan sa transportasyon at komunikasyon
Paano ginagawan ng paraan ang ating pamahalaan na makaagapay ang ating bansa sa globalisasyon?
Pagpapanatili ng matatag na ekonomiya
Pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor
Lumilikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyo
Maayos at matatag na sistema sa palitan ng dayuhan at lokal na salapi
Paano isinasaagawa ng pamahalaan ang pakikialam sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan na makisabay sa kompetisyon sa mga dayuhang negosyante?
Sa pagtulong sa Bottom Billion
Sa pagbibigay ng mga subsidies
Sa pagpapatupad ng Fair Trade
Sa pamamaraan ng Guarded Globalization
Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang tamang presyo ng produkto at serbisyo upang mapangalagaan ang interes ng parehong negosyante at ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan. Ano ito?
Bottom Billion
Guarded Globalization
Fair Trade
Subsidies
Ano ang tawag sa pinakamahihirap na bilyong mga tao mula sa mga bansa sa Asya at Africa?
Bottom Billion
Bottom Building
Bottom Country
Bottom Nation
