NEW
Font size
WorksheetsApat na Yugto ng Disaster Management Plan
Total questions: 40
Worksheet time: 13mins
Ano ang kahalagahan ng prevention and mitigation sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction Management?
Nagiging batayan sa pagbuo plano.
Nagbibigay paalala at babala
Nagbibigay ng kaalaman sa mga gagawin para makaiwas sa sakuna
Nagbibigay ng tugon sa oras ng kalamidad
Ano ang kahalagahan ng Community – Based Disaster Risk Reduction and Management sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran?
Pagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
Pagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam.
Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano.
Lahat ng nabanggit.
Ang pagbuo ng disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at hazard assessment ay isang halimbawa ng anong uri mitigation?
Structural
Temporal
Physical
Non-Structural
Ang hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan. Anong katangian ng vulnerability ang maaaring maapektuhan nito?
Pisikal o material
Panlipunan
Pag-uugali tungkol sa Hazard
Pamahalaan
Sa pamamagitan nito, natutukoy kung ano ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
Hazard assessment map
Temporal na katangian ng hazard
Historical profile
Pisikal na katangian ng hazard
Ito ay isang paraan ng pagsasagawa ng hazard assessment na kung saan ginamamit ang mapa ng lugar upang tukuyin ang maaaring mapinsala ng kalamidad.
Hazard assessment map
Temporal na katangian ng hazard
Historical profile
Pisikal na katangian ng hazard
Umabot ng halos dalawang buwan ang digmaang sibil sa Marawi City na kung saan nagdulot ng malaking pinsala sa buhay , ari-arian at kabuhayan ng mga tao roon. Anong temporal na katangian ang sinuri sa sitwasyon sa Marawi?
Frequency
Duration
Speed of onset
Forewarning
Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng vulnerability assessment?
Hazard
Disaster
Resilience
Risk
Hakbang sa pagbuo ng CBDRRM plan na kung saan tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Disaster Preparedness
Disaster Rehabilitation and recovery
Disaster Response
Disaster Prevention and Mitigation
Paano isinasagawa ang hazard assessment sa isang komunidad?
Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng kalamidad.
Tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
Tinataya ang mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad.
Tinataya ang Pisikal at temporal na katangian ng kalamidad.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging vulnerability ng isang komunidad?
Kawalan ng interes sa programa ng pamahalaan.
Malawakang partisipasyon ng mamamayan.
Kakulangan sa pondo ng pamahalaan
Pagkakaroon ng alitan sapagitan ng local at national government
Sinusuri ang lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar sa panahon ng kalamidad.
Capacity Assessment
Vulnerability Assessment
Risk Assessment
Hazard Assessment
Kung ang Top-down approach ay nagsisimula sa pamahalaan ang pagpaplano ng Disaster Management.
Anong grupo ang nagsisimula ng pagpaplano kung ang ginamit ay bottom-up approach?
Pribadong Sektor
Non-Government Organization
Business Sector
mamamayan
Paano magiging epektibo ang paggamit ng Top- down and bottom-up approach?
Pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito.
Paggamit sa kalakasan ng dalawang approach.
Pagbibigay ng tamang detalye at impormasyon sa mamamayan.
Pagbibigay ng agarang tulong ng pamahalaan.
Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan MALIBAN sa isa.
Mabawasan ang epekto ng kalamidad.
Mailigtas ang mas maraming buhay ng tao at ari-arian
Makapagbibigay ng karampatang solusyon.
Makapagplano ng madalian.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paliwanag kung bakit mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa pagbuo ng Disaster Management Plan?
Ang mamamayan ang pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad.
Ang mamamayan ang may pinakamalaking bilang sa lipunan.
Sa mamamayan lahat nakasalalay ang tungkulin sa pagbuo ng disaster management plan.
Ang mamamayan ang namumuno sa pagbuo ng disaster management plan.
Sino ang bunubuo at nagpaplano ng Disaster Management Plan?
Pamahalaan
Mamamayan
Non-government Organization
Iba’t ibang sector
Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
CBDRM
Resilience
PDRRM
Hazard Assessment
Noong August 2OO6, lumubog ang oil tanker ng M/T Solar 1 sa baybayin ng Guimaras at Negros na naging dahilan ng oil spill. Anong kosepto ang tinutukoy sa sitwasyon?
Disaster
Vulnerability
Natural Hazard
Human-Induced Hazard
Maraming buhay, kabuhayan, ari-arian ang napinsala ng bagyong Carina. Ang sitwasyong ito ay nagpapakita ng anong kosepto?
Disaster
Vulnerability
Natural Hazard
Human-Induced Hazard
Pinag-iingat ang mga residente na malapit sa Bulkang Taal dahil sa naglalabas ito ng matinding usok. Anong konsepto ang tinutukoy sa sitwasyon?
Disaster
Vulnerability
Natural Hazard
Human-Induced Hazard
Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
Disaster Management
PDRRMF
Community –Based Disaster and Risk Management
Natural Hazard
Malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng Disaster Management Plan. Anong approach ang ginagamit dito?
Hazard Assessment
Bottom-up approach
Disaster approach
Top-down approach
Tuwing may kalamidad, ang Brgy. San Felipe ay naghihintay ng tulong mula sa kanilang local na pamahalaan. Anong konsepto ang ginamit sa sitwasyong ito?
Hazard Assessment
Bottom-up approach
Disaster approach
Top-down approach
Ano ang tawag sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
Disaster Rehabilitation and Recovery
Disaster Prevention and Mitigation
Disaster Preparedness
Disaster Response
Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan?
Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad
Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang masamang epekto ng mga kalamidad
Inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad
Sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan?
Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon
Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente
Pagkukumpuni ng mga nasirang bahay
Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot
Bakit mahalagang mabantayan ang presyo ng mga bilihin pagkatapos ng isang kalamidad?
upang masiguro na hindi malulugi ang mga nagtitinda
upang mahirapan ang tao na makabangon mula sa kalamidad
upang maiwasan ang mananamantalang negosyante
upang mapabagsak ang presyo ng mga bilihin
Inabutan ka na lindol sa loob ng isang gusali, ano ang unang pagtugon na dapat mong gawin?
Mananatili sa loob ng gusali habang lumilindol.
Magsasagawa ng drop, cover, hold.
Magtatago sa loob ng silid.
Lulundag sa palapag ng gusali upang agaran na makalabas.
Habang ikaw ay nasa paaralan ay nakita mo na nagsisimula na ang sunog sa inyong silid-aralan, ano ang nararapat mong gawin?
Tatawagin ang iyong kapwa kamag-aral upang patayin ang sunog.
Hahanapin mo ang general switch ng inyong paaralan at ito’y iyong ibababa.
Pag-aaralang gamitin ang nakita mong fire extinguisher.
Ipagbibigay alam agad sa kinauukulan.
May paparating na super typhoon sa inyong lugar, anong paghahanda ang dapat gawin ng inyong pamilya upang maging ligtas?
Tumutok sa mahahalagang balita sa radyo o telebisyon tungkol sa bagyo.
Ihahanda ang mga supplies tulad ng pagkain, gamot, tubig, baterya, flashlight at iba pa.
Sisiguruhing matatag at walang sira ang bahagi ng bahay.
Lahat ng nabanggit.
Inabutan ka ng baha sa loob ng inyong tahanan, ano ang iyong dapat gawin upang ikaw ay maging ligtas?
Lumikas at pumunta sa pinakamalapit na ligtas na lugar o evacuation center.
Mananatili sa loob ng tahanan upang mabantayan ang mahahalagang gamit.
Aakyat sa bubong ng inyong bahay.
Lahat ng nabanggit.
Inilalabas ang public storm warning para bigyan ng babala ang publiko pagdating sa banta ng masamang panahon kabilang na ang lakas at signal ng bagyo. Ayon sa PAGASA, ilang public storm warning signals mayroon ang Pilipinas?
Apat
Lima
Tatlo
Anim
Maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan sa ilalim ng rainfall warning na ito. Mapanganib na ang pagbaha at dapat na lumikas na ang mga mamamayan sa ligtas na lugar.
Yellow Rainfall Advisory
Orange Rainfall Advisory
Green Rainfall Advisory
Red Rainfall Advisory
Ang __________ay itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras. Pinapayuhan na maging alerto ang mga mamamayan sa inaasahang pagbaha sa mabababang lugar.
Yellow Rainfall Advisory
Orange Rainfall Advisory
Green Rainfall Advisory
Red Rainfall Advisory
Pang-ilang Yugto ang Disaster Response sa Disaster Risk Reduction and Management Plan?
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng Ikatlong Yugto ng DRRM Plan?
makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad
magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad
matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang kalamidad
matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad.
Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Needs Assessment?
inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng mga kalamidad
inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad
inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya
Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Damage Assessment?
inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng mga kalamidad
inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad
inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya
Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa Loss Assessment?
inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng mga kalamidad
inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente
inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad
inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya
