Font size
WorksheetsGMRC 5 REVIEWER_2ND QTR
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel. Si Thelma ay nagkamit ng karangalan dahil sa pagiging masigasig nito sa pag-aaral at suporta ng kanyang mga magulang. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa magulang sa pamamagitan ng pagbanggit nito sa sakripisyo nila. Anong kaugalian ang ipinapakita ni Thelma?
Pagpapakita ng pagiging masipag.
Pagpapakita ng pagiging masunurin
Pagpapakita ng pagiging mapalad na anak
Pagpapakita ng pasasalamat sa mga magulang
Ipinahayag ni Lito sa kanyang talumpati ang sakripisyo ng kanyang ama na maitaguyod ang kanilang pamilya at makapagtapos siya ng pag-aaral. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-mainam na paglalarawan sa ginawa ni Lito?
Pagpapakita ng kasiyahan sa tagumpay.
Pagpapakita ng pagiging masipag sa pag-aaral.
Pagpapakita ng maitaugod ang kanilang pamilya
Pagpapakita ng pasasalamat sa sakripisyo ng magulang.
Si Ana ay masayang tumutulong sa kanyang ina sa pamamalengke tuwing araw ng Sabado. Anong katangian ang ipinakita ni Ana?
Pagiging masipag
Pagmamahal sa ina
Pagiging maussisa
Pagiging masunurin
Napansin ni Brenda na maraming dala ang kanyang Nanay, kaagad niya itong sinalubong kahit may takdang-aralin pa siyang kailangang tapusin. Ano ang ipinakita sa kilos ni Brenda?
Pagiging masipag sa pag-aaral
Pagiging matulungin
Pagiging masunurin
Pagiging magalang
Araw-araw bago pumasok ng paaralan si Toni ay gumigising ito nang maaga upang mag-igib ng tubig para sa kanyang nakababataang kapatid. Ginagawa niya ito ng maluwag sa kanyang kalooban. Paano mo masasuri ang ginagawa ni Toni?
Pagiging masunurin sa ina.
Pagtulong sa gawaing bahay.
Pagiging responsable bilang anak.
Pagmamahal sa ina sa tahimik ngunit makabuluhang paraan
Napansin ni Lea na pagod na pagod ang kanyang ina sa pag-aalaga ng kanilang bunsong kapatid. Kayat kusa siyang nagluto ng hapunan at nagligpit ng kalat sa bahay upang magaaan ang gawain ng ina. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-mainam na paglalarawan sa ginawa ni Lea?
Pagsunod sa utos
Kasiyahan sa pagluluto
Pagiging responsable sa bahay
Pagmamahal sa ina sa pamamagitan ng pagtulong
Ang pamilya ni Jose ay isang huwaran. Ang bawat miyembro ng pamilya ay nakikipagtulungan, nagmamahalan at sabay-sabay na nagdadasal. Ano ang katangiang ipinapakita ng pamilya ni Jose?
Mahigpit at masipag
Tahimik at mahiyain
Palabiro at mahilig sa kasiyahan
Mapagmahal at may pagkakaisa
Ibinahagi ni Rita sa kanilang talakayan ang kanyang karanasan sa kanyang pamilya. Sila ay laging tulad ng pagsasama-sama tuwing Linggo, pagtutulungan sa gawaing bahay, at pagdarasal bago kumain. Alin sa mga sumusunod ang katangiang mailalarawan sa ituring sa pamilyang kinabibilangan ni Rita?
Mahigpit at masipag
Tahimik at mahiyain
Palabiro at mahilig sa kasiyahan
Mapagmahal at may pagkakaisa
Masayang tumutulong si Pablo sa kanyang pamilya. Inaalagaan niya ang kanyang mga kapatid habang abala ang kanyang ina sa mga gawaing bahay. Maya-maya ay may dumating na bisita ang kanyang ina. Nakita nila na inaalagaan ni Pablo ang kanyang mga kapatid. Maipagmamalaki ng kanyang pamilya si Pablo dahil sa (a) .
Habang gumagawa ng proyekto tungkol sa pamilya, binanggit ni Lani na ang kanyang pamilya ay nagtutulungan, nagkakaisa, at laging nag-uusap tungkol sa kanilang damdamin. Paano naipapakita ni Lani ang kahalagahan ng pagkilala sa pamilyang kinabibilangan?
Sa pamamagitan ng paggalang sa mga alituntunin ng pamilya.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katangian ng pamilya.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng magulang.
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa alitan sa pamilya.
Mahiyain ang kapatid ni Kiko kaya lagi niya itong isinasama sa paglalaro at ipinapakilala sa kanyang mga kaibigan upang makihalubilo sa mga ito. Anong katangian ang ipinapakita ni Kiko?
Pagiging mapagpasensya
Pagiging masipag sa bahay
Pagiging mapagmahal sa kapatid
Pagiging masunurin sa magulang
Inaalalayan ni Lina ang kanyang pinsan mula sa probinsya. Madalas nitong kinakausap ang kanyang pinsan, tinuturuan sa mga gawaing bahay at ipinakikilala sa kanyang mga kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-mainam na paglalarawan sa ipinakita ni Lina?
Pagpapakita ng pagiging responsable bilang kamag-anak.
Pagpapakita ng pagiging masayahin sa harap ng mga kaibigan.
Pagpapakita ng kusahang mapabilang ang pinsan sa kanyang mga kaibigan.
Pagpapakita ng pagiging magalang sa pamamaga mit ng bukas na pagtanggap sa kapatid
Bilang isang anak at mag-aaral na nasa ikalimang baitang, paano mo maipapakita ang iyong tungkulin bilang isang kasapi ng iyong pamilya?
Ako ay magiging magalang at may respeto sa aking mga magulang maliban sa aking mga kapatid.
Ako ay mag-aaral ng mabuti at tutulong sa mga gawaing bahay upang mas malaki ang ibibigay na baon na pera sa akin.
Magsisigap ako sa aking pag-aaral upang mabigyan ko sila ng karangalan at madalang lang akong gagawa ng gawaing bahay kapag ako ay inuutusan.
Ako ay kusang loob na gagawin ang mga gawaing bahay at susuklian ko ang bawat pagmamahal at sakripisyo ng aking pamilya
Ano ang isang paraan upang maipakita ang iyong responsibilidad sa bahay?
Pagtulong sa mga gawaing bahay.
Pagtulong sa mga gawaing bahay kapag may kapalit.
Pagtulong sa mga gawaing bahay kapag inutusan ng magulang.
Pagtulong sa mga gawaing bahay upang makalimutan ang takdang aralin.
Si Lester ay nag-aalaga sa kanyang nakababatang kapatid habang ang kanyang ama ay nasa trabaho. Mula sa sitwasyong binasa, ano ang naging tungkulin ni Lester?
Maglaro sa labas
Mag-alaga ng kapatid
Mag-aral ng leksyon
Magtinda sa palengke
Ano ang gampanin ng isang haligi ng tahanan?
Nagbibigay ng pera at oras sa kaniyang pamilya.
Magtrabaho at ibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Nakikipagtulungan at gumagabay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Suportahan ang kaniyang pamilya sa pinansyal, mental, sosyal at espiritwal na pangangailangan.
Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa loob ng pamilya?
Upang maging mapayapa at masaya ang pamilya.
Upang maging masaya ang lahat at magkaroon ng hidwaan.
Upang magkaroon ng pagmamahalan, malabong pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Upang magkaroon ng kapayapaan, pagkakaisa at lumago ang matibay na pagmamahalan ng pamilya.
Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng maayos na pamilya sa iyong personal na pag-unlad?
Nagbibigay ito ng oras at pangaral
Nagbibigay ito ng pangaral at alituntunin
Nagbibigay ito ng suporta, gabay at pagmamahal
Nagbibigay ito ng pinansyal na pangangailangan
Bilang isang anak, bakit mahalaga na magkaroon ka ng malapit na kaugnayan sa iyong pamilya?
upang magkaroon ng isang pamilyang masaya.
upang magkaroon ng isang pamilyang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan
upang magkaroon ng isang pamilya na may pagkakaisa, nagmamahalan at magabayaan ako ng tama.
upang malutas ko ang mga problema ko upang may makatulong ako sa paglutas ng problema
Tuwing Linggo ay sumasama sa pagsisimba si Bimbo at nagdarasal ng mataimtim. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Bimbo?
Pagiging masunurin sa utos
Pagiging tahimik sa misa
Pagiging masaya sa simbahan
Pakikilahok sa gawaing panrelihiyon
Si Carol ay aktibong nakikilahok sa pagdarasal ng rosaryo tuwing gabi kasama ang kanyang pamilya. Alin sa mga sumusunod ang pinakanainam na paglalarawan sa kilos ni Carol?
Pagpapakita ng kasiyahan sa gabi
Pagpapakita ng respeto sa magulang
Pagpapakita ng pagsunod sa utos ng guro
Pagpapakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng sama-samang panalangin
Ang pamilyang Cruz ay sabay-sabay na nagdarasal bago kumain. Ano ang ipinapakitang tungkulin ng pamilya sa pananampalataya?
Pagpapakita ng disiplina sa pagkain
Pagpapakita ng respeto sa nakatatanda
Pagpapalakas ng samahan sa mga kapitbahay
Pagpapalakas ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin
Sa asignaturang GMRC, ibinahagi ni Sandy ang gawain ng kanyang pamilya tuwing Linggo. Sila ay sabay-sabay na nagsisimba at tumutulong sa mga gawaing pansimbahanan. Paano ipinakita ng pamilya ni Sandy ang kanilang tungkulin sa paglining ng pananampalataya?
Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng guro sa relihiyon
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga alitan sa loob ng pamilya
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga kapitbahay
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsasagawa ng mga gawaing panrelihiyon
Si Kiko ay masayang tumutulong sa mga gawain ng simbahan kasama ang kanyang pamilya. Ano ang naging layunin ng kanilang sama-samang pagkilos?
Makakuha ng parangal.
Makita ang mga kaibigan.
Makapaglibang tuwing Linggo.
Mapalakas ang ugnayan sa Diyos.
Nakikilahok ang pamilya ni Lorie sa Bible Study ng kanilang relihiyon. Masaya nilang ibinabahagi ang salita ng Diyos at nagiging sandigan nila ito upang maging matatag sa pagharap sa anumang suliranin sa buhay. Anong kabutihang ipinakita ng pamilya ni Lorie?
Ang sama-samang pagtupad sa tungkulin ay nagpapalakas ng ugnayan sa Diyos.
Ang sama-samang pagtupad sa tungkulin ay nagpapalakas ng ugnayan sa kapwa.
Ang sama-samang pagtupad sa tungkulin ay nagpapalakas ng ugnayan sa lipunan.
Ang sama-samang pagtupad sa tungkulin ay nagpapalakas ng ugnayan sa pamilya.
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng mga magulang sa pagtuturo ng mga aral ng pananampalataya sa kanilang mga anak?
Mapag-aral ang mga anak sa magandang paaralan
Maibigay ang mga kinakailangang bagay upang sila ay mabuhay
Turuan sila na dumiskarte at makapaghahanapbuhay na maayos
Maging gabay at mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng mga aral sa pananampalataya
Sa iyong palagay, bakit mahalagang maituro sa mga anak ang mga tradisyon ng pamilya na may kaugnayan sa pananampalataya?
Upang maging mataas ang makuhang marka sa paaralan
Upang hindi mapagalitan ng mga nakakatandang kamag-anak
Upang mapalakas ang pananampalataya at pagtitiwala ng tao sa Diyos
Upang sumwertehin sa buhay at magkaroon ng masaganang pamumuhay
Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang pinakamtibisang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos sa mga natatanggap na biyaya sa araw-araw?
Ang paghiling ng biyaya sa Diyos araw-araw kahit hindi nagpapasalamat
Ang pagdarasal at paggawa ng kabutihan sa kapwa kahit walang kapalit
Ang pagsisimba tuwing may okasyon lamang tulad ng Pasko at Bagong Taon
Ang pagbibigay lamang ng tulong kapag napililitang gawin ito ng guro o magulang
Alin sa mga sumusunod ang maituturong na halimbawa ng biyayang natatanggap ng pamilya mula sa Diyos?
Ang pag-absent sa klase upang maglaro sa bagong computer set
Ang pagbili ng maraming laruan at mamahaling gamit para sa sarili
Ang pagkakaroon ng matatag na samahan at pagmamahalan sa loob ng tahanan
Ang pakikipagsagutan sa mga kapatid sa tuwing hindi napagbibigyan ang gusto
Ano ang tawag sa uri ng panalangin na ginagamit upang ipahayag ang pasasalamat sa Diyos para sa mga biyayang tinanggap ng pamilya?
Panalangin ng paghiling sa sariling kagustuhan
Panalangin ng pagkalika sa kabutihan ng ibang tao
Panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa kasalanan
Panalangin ng pasasalamat para sa kabutihang kaloob ng Diyos
Bakit kailangang magpasalamat sa Diyos sa tuwing may natatanggap na biyaya ang ating pamilya?
Dahil ito ay isang paraan ng pagkilala sa kanyang kabutihan at pagkakaloob ng mga biyayang hindi natin kayang makamtan mag-isa
Dahil ito ay isang paraan ng pakikipagkompetensya sa ibang pamilya na wala pang biyayang natatanggap
Dahil ito ay isang tradisyon na ginagawa ng karamihan kaya ito ay dapat sundin
Dahil sa ganitong paraan ay nagiging mas maunlad at tanyag ang ating pamilya sa komunidad
Ano ang ipinapakita ng isang tao na marunong magpasalamat sa Diyos sa kabila ng simpleng biyayang natatanggap ng kanyang pamilya?
Ipinapakita niya ang pagiging mapagmataas at mayabang sa iba
Ipinapakita niya ang kahandaan sa paghingi ng mas marami pang tulong
Ipinapakita niya ang pagiging kontento at pagkilala sa kabutihan ng Diyos
Ipinapakita niya ang kagustuhang makatangap pa ng mas malalaking biyaya
Paano mo maipapakita ang pasasalamat sa Diyos kung ang inyong pamilya ay binigyan ng biyayang kalusugan at kasaganahan?
Sa pamamagitan ng masipag na pagtulong sa tahanan at taimtim na panalangin ng pasasalamat
Sa pamamagitan ng pagyayabang sa mga kaklase tungkol sa yaman ng inyong pamilya
Sa pamamagitan ng paggastos ng malaki at pagbili ng mga bagay na gusto mo
Sa pamamagitan ng pananatilihing tahimik at hindi pagsasabi kahit kanino
Kapag si Tatay ay nabigyan ng bagong trabaho na makatutulong sa inyong pamilya, ano ang dapat mong gawin bilang pasasalamat sa Diyos?
Itago ang balita sa iba upang hindi mainggit ang mga kapitbahay
Magdasal ng pasasalamat at ipakita ang kabutihang asal sa pagtulong sa pamilya
Magsaya nang sobra at ipapipalam na muna ang magandang balita bago magpasalamat
Ipagmalaki sa mga kaklase at ipakita ang mga kayamanan sa social media
Paano makatutulong ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa iyong tahanan sa iyong kalusugang pangkaisipan?
Wala itong epekto sa kalusugang pangkaisipan
Maaari itong magbaba sa iyong kumpiyansa
Maaari itong magdulot ng stress dahil sa dami ng gawain
Maaari itong magbigay ng pakiramdam ng katahimikan at pagiging kalmado
Sa isang pamilya, paano makatutulong ang pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pagbuo ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mga kasapi?
Wala itong kaugnayan sa ugnayan ng pamilya
Nagpapahirap ito sa mga bata dahil sa dagdag na gawain
Nagdudulot ito ng away dahil sa pagtatalo kung sino ang gagawa
Nagbibigay ito ng pagkakataon para magtulungan, mag-usap, at magkaisa ang pamilya
Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin upang maipakita ang pagiging malinis?
Pagbili ng mga bagong gamit
Pagtatago ng mga sirang gamit
Pagpapalit ng mga gamit araw-araw
Pag-aalis at pagtitabi ng mga gamit na hindi na kailangan
Sina Mark ay naninirahan malapit sa ilog. Ang kanilang mga kapitbahay ay nagtatapon ng kanilang basura sa ilog. Ano ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng pamilya?
Maaaring magkasakit
Maaaring luminis ang bahay
Maaaring bahayan ng insekto ang bahay
Maaaring makalalanghap ng mabahong amoy
Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa tahanan?
Upang makatipid sa kuryente
Para hindi mahuli ng barangay sa tuwing sila ay iikot
Upang maging mas maganda ang itsura ng bahay para sa bisita lamang
Dahil nakapagpapaganda ito ng kalusugang pangkaisipan, pangkatawan, kaligtasan, at ugnayan ng pamilya
Ang pamilya Reyes ay aktibong lumahok sa Brigada Barangay kung saan pinapanatili nila ang kalinisan ng kanilang tahanan at bakuran laban sa mga lamok. Ano ang mabuting dulot sa bawat kasapi ng pamilya ng pagkakaroon ng maayos at malinis na tirahan?
Magiging sikat sa kanilang lugar
Makaiiwas sa anuman sakit o karamdaman
Maaaring manalo sa paligsahan ng barangay
Magiging maayos ang mga kasangkapan sa tahanan
Kung mayroon kang lumang libro na hindi mo na binabasa pero alam mong magugustuhan ng iyong pinsan, aling prinsipyo sa pagpapanatili ng kalinisan ang naisasabuhay mo kung ibibigay mo ito sa kanya?
Pag-iimbak ng mga gamit nang maayos
Paglalagay ng mga gamit sa tamang lugar
Pagwawalis araw-araw sa bakuran at loob ng tahanan
Pag-aalis ng mga bagay na hindi na kailangan upang mapakinabangan ng iba
Sa iyong kwarto, marami kang lumang damit na hindi mo na nasusuot. Ano ang isang praktikal na hakbang na maaari mong gawin upang maisabuhay ang prinsipyo ng pagiging malinis?
Sunugin ang mga ito upang wala nang problema
Ipagbili sa murang halaga kahit hindi na magagamit
Itago ang mga ito sa ilalim ng kama para hindi makita
Ihiwalay ang mga damit na maaaring gamitin pa ng iba at ibigay o i-donate
Si Rina ay mamimili ng mga gamit para sa kaniyanag bagong bahay. Paano niya maipapakita ang pagtangkilik sa lokal na produkto?
Bumili ng produktong sariliing atin
Bumili ng galing sa ibang bansa
Pagamiti ng imported na produkto
Pagbili ng imported sa online shopping website
Ano ang kahalagahan na ang isang pamilya ay tumatangkilik sa produkto o gamit na gawa sa ating bansa?
Upang mas bumaba ang presyo ng mga bilihin
Upang tumaas ang halaga ng mga banyagang gamit
Upang hindi na pumunta sa ibang bansa ang mga Pilipino
Upang maipakita ang pagmamahal sa produkto ng bansang Pilipinas
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa na nagpapakita ng hindi pagtangkilik sa lokal na produkto.
Pagbili ng imported na sapatos
Pagbili ng bayong na gawa sa bayan
Pagbili ng bag na gawa ng mga katutubo
Pagtangkilik sa mga sangkap sa pagluluto na mabibili sa ating bansa.
Paano maipapakita ang magandang epekto ng paggamit sa mga produktong lokal?
Bumababa ang kita ng lokal na produkto
Paglaki ng benta ng produktong banyaga
Maraming produktong banyaga ang nabibili sa ating bansa
Nakatutulong ang mga lokal na produkto sa ating mga magsasaka at manggagawa
Si Jennie ay isang balikbayan mula sa America, paano mo siya mahihikayat na tangkilikin ang lokal na produkto?
Ipaaalam na mas maganda ang produktong banyaga
Ipaaalam na madaliing masira ang mga lokal na produkto
Ipaaalam na mas mahal ang presyo ng mga lokal na produkto
Ipaaalam ang tungkol sa kagandahan at kalidad ng lokal na produkto
Sa paanong paraan nakatutulong ang pagtangkilik ng lokal na produkto sa pagkakaisa ng mga Pilipino?
Nagkakaisa na bumili ng luxury brands
Pagpapakita ng paghanga sa produktong banyaga
Nagkakaisa sa pagbili ng imported o produktong banyaga
Pagpapakita ng pagmamalaki sa sariling kultura at gawang Pilipino
Bilang isang Pilipino sa paanong paraan tayo makakatulong sa mga magsasaka?
Bumili ng imported na beef steak cut
Sa palengke bumili ng gulay at prutas
Bumili ng gulay at prutas sa online shopping website
Tangkilikn ang global brand na pampalasa sa pagluluto
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ay paraan upang maituro sa mga kabataan ang pagtangkilik sa lokal na produkto.
Sanayin sa imported na tsokolate
Ipaliwanag ang kahalagahan ng lokal na produkto
Palaging kumain sa banyagang pagkain dahil mas masarap ito
Itanim sa kanilang isipan na hindi maganda ang kalidad ng lokal na produkto
