Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Total questions: 90

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.

a)

Globalisasyon

b)

Migrasyon

c)

Transisyon

d)

Urbanisasyon

2.

Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

a)

Ekonomiya

b)

Globalisasyon

c)

Migrasyon

d)

Paggawa

3.

Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?

a)

Ekonomikal

b)

Sikolohikal

c)

Sosyo-kultural

d)

Teknolohikal

4.

Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?”

a)

Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.

b)

Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

c)

Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM).

d)

Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa.

5.

Sa pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatuad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?

a)

Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

b)

Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

c)

Pag-iiwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksyon sa iba’t ibang krisis.

d)

Maibaba ang presyo sa mga produktong iululwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

6.

Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?

a)

Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.

b)

Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspeto.

c)

Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.

d)

Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga "perennial" na institusyon na matagal nang naitatag.

7.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?

a)

Business Process Outsourcing

b)

mura at flexible labor

c)

subcontracting

d)

job mismatch

8.

Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba't ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?

a)

Jolibee

b)

McDonalds

c)

San Miguel Corporation

d)

Unilab

9.

Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad na siyang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?

a)

fair trade

b)

outsourcing

c)

pagtulong sa bottom billion

d)

subsidy

10.

Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa. Alin dito?

a)

E-commerce

b)

pagsunod sa KPop culture

c)

paggamit ng mobile phones

d)

pagpapatayo ng JICA building

11.

Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito?

a)

mababang pagpapasahod at paglilimit sa panahon ng paggawa

b)

mataas na pagpapasahod at paglilimit sa panahon ng paggawa

c)

mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa

d)

mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa

12.

Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?

a)

mabilis na ugnayan ng mga bansa

b)

paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig

c)

mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga bantaang magdudulot ng pinsala

d)

nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa

13.

Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?

a)

Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.

b)

May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.

c)

Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.

d)

Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na.

14.

Ano ang ipinapahiwatig ng larawan tungkol sa globalisasyon?

a)

Pinapakita nito ang konektadong mundo dahil sa globalisasyon.

b)

Ipinapakita nito ang paglayo ng mga bansa sa isa't isa.

c)

Ipinapahiwatig nito ang kawalan ng komunikasyon sa pagitan ng mga bansa.

d)

Ipinapakita nito ang pagsasara ng mga pamilihan sa mundo.

15.

Masasabi bang ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan?

a)

Oo, dahil may epekto ito sa lipunan.

b)

Hindi, dahil ito ay pang-ekonomiya lamang.

c)

Oo, dahil ito ay teknolohikal lamang.

d)

Hindi, dahil walang epekto sa lipunan.

16.

Ano ang tinutukoy na proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig?

a)

Globalisasyon

b)

Urbanisasyon

c)

Industriyalisasyon

d)

Modernisasyon

17.

Ayon sa World Trade Statistical Review of World Trade Organization noong 2016, magkano ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015?

a)

$4 na trilyon

b)

$16 na trilyon

c)

$8 na trilyon

d)

$12 na trilyon

18.

Ayon kay Thomas Friedman, ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na:

a)

Mabagal, mahal, at malabo

b)

Malawak, mabilis, mura, at malalim

c)

Maliit, mabagal, mura, at malabo

d)

Malawak, mabagal, mahal, at malalim

19.

Marami sa mga katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ng taong 1914.

a)

True

b)

False

20.

Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng ekonomiya ng mga bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nagbigay daan sa mas malawak na kalakalan at pamumuhunan pandaigdig.

b)

Nagdulot ng paglayo ng mga bansa sa isa't isa.

c)

Nagpabagal sa pag-unlad ng teknolohiya.

d)

Nagresulta sa pagsasara ng mga pamilihan.

21.

Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw?

a)

Electronic gadgets, makina, at produktong agrikultural.

b)

Mga lumang kasangkapan, antigong libro, at mga painting.

c)

Mga bato, buhangin, at kahoy.

d)

Mga palamuti sa bahay, lumang damit, at mga laruan.

22.

Sino-sino ang tinutukoy dito? Manggagawa ba tulad ng mga bihasang manggagawa at propesyonal gaya ng guro, inhinyero, nars o tagapag-alaga (caregiver)?

a)

Mga bihasang manggagawa at propesyonal gaya ng guro, inhinyero, nars, o tagapag-alaga (caregiver).

b)

Mga magsasaka at mangingisda lamang.

c)

Mga negosyante at may-ari ng kumpanya.

d)

Mga estudyante at kabataan.

23.

Anong uri ng impormasyon ang mabilis na dumadaloy?

a)

Balita, tuklas sa agham at teknolohiya, panlibangan, at opinyon.

b)

Mga lihim na dokumento ng gobyerno.

c)

Personal na liham sa kaibigan.

d)

Mga lumang kasaysayan ng bansa.

24.

Paano dumadaloy ang mga ito? Dumadaloy ba ito sa kalakalan, midya o iba pang paraan?

a)

Dumadaloy ito sa kalakalan, midya, at iba pang paraan.

b)

Dumadaloy lamang ito sa kalakalan.

c)

Dumadaloy lamang ito sa midya.

d)

Hindi ito dumadaloy sa alinman sa mga nabanggit.

25.

Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito?

a)

Madalas nagmumula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa.

b)

Madalas nagmumula sa mahihirap na bansa patungong mauunlad na bansa.

c)

Madalas nagmumula sa mga rural na lugar patungong urban na lugar.

d)

Madalas nagmumula sa mga urban na lugar patungong rural na lugar.

26.

Sino ang pangunahing nagdidikta ng kalakaran ng globalisasyon sa mga bansa tulad ng United States, China, Germany, Japan, Argentina, Kenya, o Pilipinas?

a)

United States

b)

Kenya

c)

Argentina

d)

Pilipinas

27.

Bakit maituturing itong isang isyu?

a)

Dahil binabago at hinahamon ng globalisasyon ang pamumuhay ng tao.

b)

Dahil walang epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

c)

Dahil ang globalisasyon ay palaging positibo para sa lahat.

d)

Dahil ang globalisasyon ay hindi nagdudulot ng pagbabago sa lipunan.

28.

May ideya ka na ba tungkol sa ating paksa at nakikita mo rin ba ang ugnayan mo dito?

a)

Oo, may ideya na ako at nakikita ko ang ugnayan ko sa paksa.

b)

Wala akong ideya at hindi ko nakikita ang ugnayan ko sa paksa.

c)

May ideya ako pero hindi ko nakikita ang ugnayan ko sa paksa.

d)

Wala akong ideya pero nakikita ko ang ugnayan ko sa paksa.

29.

Ano ang isa sa mga pinag-ugatan ng globalisasyon ayon kay Gibbon (1998)?

a)

Pananakop ng mga Romano bago maipanganak si Kristo

b)

Pag-usbong ng teknolohiya sa ika-20 siglo

c)

Paglaganap ng kapitalismo noong ika-19 na siglo

d)

Pagkakatatag ng United Nations noong 1945

30.

Ano ang isa sa mga pinag-ugatan ng globalisasyon matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano?

a)

Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo

b)

Pagbagsak ng Imperyong Mongol

c)

Pagkatatag ng United Nations

d)

Paglaganap ng Rebolusyong Industriyal

31.

Ano ang relihiyong lumaganap noong ikapitong siglo na naging bahagi ng globalisasyon?

a)

Islam

b)

Kristiyanismo

c)

Budismo

d)

Hinduismo

32.

Sino ang mga naglakbay mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America na naging bahagi ng globalisasyon?

a)

Vikings

b)

Romans

c)

Mongols

d)

Ottomans

33.

Saan naganap ang kalakalan na naging bahagi ng globalisasyon noong Gitnang Panahon?

a)

Mediterranean

b)

Pacific Ocean

c)

Indian Ocean

d)

Atlantic Ocean

34.

Saan nagsimula ang pagbabangko na naging bahagi ng globalisasyon noong ika-12 siglo?

a)

Sa mga siyudad-estado sa Italya

b)

Sa mga kaharian sa Pransya

c)

Sa mga lungsod sa Tsina

d)

Sa mga pulo sa Gresya

35.

Ano ang isa sa mga palatandaan ng pagsisimula ng globalisasyon noong ika-20 siglo?

a)

Unang ginamit ang telepono noong 1956 o lumapag ang 'transatlantic passenger jet' mula New York hanggang London

b)

Pagkakatatag ng United Nations noong 1945

c)

Pagkakaroon ng unang Olympic Games noong 1896

d)

Pagkakatuklas ng penicillin noong 1928

36.

Ano ang naging global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ayon sa teksto?

a)

Estados Unidos

b)

Tsina

c)

Hapon

d)

Alemanya

37.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng multinational corporation na binanggit sa teksto?

a)

A. Ford at General Motors

b)

B. Toyota

c)

C. Samsung

d)

D. Apple

38.

Ano ang tawag sa harang na naghati sa Europa sa dalawang magkahiwalay na lugar mula 1945 hanggang 1991?

a)

Iron Curtain

b)

Berlin Wall

c)

Great Wall of China

d)

Maginot Line

39.

Ang pagbagsak ng Soviet Union ay nagdulot ng mabilis na pagbubukas ng mga dating sakop na bansa sa migrasyon, midya, turismo at ugnayang panlabas.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Ano ang naging epekto ng pagtatapos ng Cold War sa mga bansa sa Silangang Europa?

a)

Nabuksan ang mga bansa sa migrasyon, midya, turismo at ugnayang panlabas.

b)

Lalong lumakas ang kontrol ng Soviet Union sa rehiyon.

c)

Naging sentro ng digmaan ang mga bansa sa Silangang Europa.

d)

Naging sarado ang mga bansa sa kalakalan at komunikasyon.

41.

Ang globalisasyon ay isang proseso na...

a)

nagpapalawak ng koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa buong mundo.

b)

nagpapalakas ng lokal na pamahalaan lamang.

c)

nagpapabagal sa pag-unlad ng teknolohiya.

d)

nagpapalimit sa kalakalan sa loob ng isang bansa.

42.

Ang globalisasyon ay sinasabing matagal nang umiiral. Ano ang dahilan kung bakit ito sinasabi?

a)

Dahil may palitan ng kalakal, ideya, at kultura sa pagitan ng mga bansa noon pa man.

b)

Dahil nagsimula lamang ito noong ika-20 siglo.

c)

Dahil ito ay produkto ng modernong teknolohiya lamang.

d)

Dahil ito ay umiiral lamang sa mga mayayamang bansa.

43.

Alin sa mga sumusunod na pananaw tungkol sa Globalisasyon ang mas makatotohanan?

a)

Globalisasyon ay nagdudulot ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng bansa.

b)

Globalisasyon ay nagpapalawak ng koneksyon at interaksyon ng mga bansa sa mundo.

c)

Globalisasyon ay naglilimita sa pag-unlad ng mga mahihirap na bansa.

d)

Globalisasyon ay walang epekto sa kultura ng mga bansa.

44.

Ang mga produktong ito ay lumaganap sa iba’t ibang panig ng daigdig sa pamamagitan ng:

a)

kalakalan

b)

pagkakaibigan

c)

pananampalataya

d)

paglalakbay ng mga turista

45.

Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin?

a)

Oo, nakatutulong ang mga produktong ito sa ating pang-araw-araw na buhay.

b)

Hindi, walang naidudulot na tulong ang mga produktong ito.

c)

Ang mga produktong ito ay nakakasama sa atin.

d)

Hindi mahalaga ang mga produktong ito sa ating pamumuhay.

46.

Batay sa artikulo ni John Mangun sa pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng korporasyong Pilipino na itinatag sa China at nakaranas ng patuloy na paglag o?

a)

SM

b)

PNB

c)

Metro Bank

d)

Jollibee

e)

Liviway Marketing Corporation

47.

Ano ang pangunahing layunin ng outsourcing para sa isang kumpanya?

a)

Mapagaan ang gawain ng kumpanya

b)

Palakihin ang kita ng kumpanya

c)

Magdagdag ng empleyado

d)

Magbawas ng buwis

48.

Punan ang patlang: Ang pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations ay nagdudulot ng _______ na epekto sa mga mamimili at manggagawa sa Pilipinas.

a)

magandang

b)

masamang

c)

walang

d)

limitadong

49.

Tama o Mali: Ang outsourcing ay isang bagong konsepto na hindi pa ginagamit ng malalaking pribadong kumpanya.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Paano nakakaapekto ang mga multinational at transnational corporations sa kompetisyon ng mga lokal na negosyo sa Pilipinas?

a)

Nagpapalakas ng kompetisyon sa lokal na negosyo dahil sa mas malalaking kapital at teknolohiya.

b)

Pinapababa ang kalidad ng mga produkto ng lokal na negosyo.

c)

Nagpapahina sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan.

d)

Hindi nagkakaroon ng epekto sa lokal na negosyo.

51.

Ayon sa pag-aaral ng Oxfam International noong 2017, ilang bilyong dolyar ang tinatayang yaman ng nangungunang walong bilyonaryo?

a)

katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 3.6 bilyong tao

b)

katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 1 milyong tao

c)

katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 100 milyong tao

d)

katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 500 milyong tao

52.

Ano ang tawag sa pagkuha ng serbisyo mula sa isang kumpanya sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad?

a)

Offshoring

b)

Nearshoring

c)

Onshoring

d)

Domestic outsourcing

53.

Punuan ang patlang: Ang _______ ay tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kumpanya sa kalapit na bansa upang maiwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring.

a)

Nearshoring

b)

Outsourcing

c)

Offshoring

d)

Insourcing

54.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa domestic outsourcing na nangangahulugang ang serbisyo ay kinukuha mula sa kompanya na nasa loob ng bansa?

a)

Offshoring

b)

Nearshoring

c)

Onshoring

d)

Knowledge Process Outsourcing

55.

Ayon sa Tholons, pang-ilan ang Manila sa Top 100 Outsourcing Destinations for 2016?

a)

Una

b)

Pangalawa

c)

Pangatlo

d)

Pang-apat

56.

Punuan ang patlang: Malaki ang naitulong ng industriya ng BPO sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa IBPAP, pangalawa ito sa pinagkukunan ng _______ ng bansa.

a)

dolyar

b)

ginto

c)

palay

d)

kape

57.

Ayon sa teksto, ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nangingibang-bansa upang magtrabaho?

a)

Upang mag-aral

b)

Upang magbakasyon

c)

Upang magtrabaho o maghanapbuhay

d)

Upang magnegosyo

58.

Punan ang patlang: Ang karagdagang kita ng mga Pilipino na nagmumula sa OFW ay nagdudulot ng _______ budget na inilalagay sa mga institusyong pinansiyal bilang savings o investment.

a)

surplus

b)

deficit

c)

minimum

d)

fixed

59.

Ang paggamit ng mobile phones ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

60.

Ano ang tawag sa mga bansang mabilis na tinangkilik ang paggamit ng cellular phones o mobile phone ayon sa teksto?

a)

Developed countries

b)

Developing countries

c)

Industrialized countries

d)

Western countries

61.

Piliin kung paano nakatulong ang teknolohiya sa pamumuhay ng mga Pilipino batay sa teksto.

a)

Napadali ang komunikasyon at pag-access sa impormasyon.

b)

Nabawasan ang oportunidad sa edukasyon.

c)

Lumala ang kahirapan sa bansa.

d)

Naging hadlang sa pag-unlad ng mga Pilipino.

62.

Ayon sa teksto, alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet access?

a)

Pelikula

b)

Videos

c)

E-books

d)

Liham

63.

Ano ang tawag sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa na tinatangkilik ng mga Pilipino, tulad ng K-pop culture?

a)

Pop culture

b)

Social networking

c)

Internet access

d)

Computer virus

64.

Punan ang patlang: Ang mga positibong naidudulot ng globalisasyong sosyo-kultural ay kaakibat din ng mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba't ibang uri ng _______ at spam na sumisira ng electronic files.

a)

computer viruses

b)

malware programs

c)

phishing emails

d)

adware pop-ups

65.

Piliin kung paano nakakatulong ang globalisasyong politikal sa pag-unlad ng mga bansa ayon sa teksto.

a)

Nagpapalakas ng ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa.

b)

Nagpapabagal sa pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa.

c)

Nagpapalayo sa mga bansa mula sa isa't isa.

d)

Nagpapahina sa pamahalaan ng mga bansa.

66.

Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay isang halimbawa ng samahang rehiyonal na nagpapadali ng mabilis na pag-angat ng ekonomiya sa Timog-Silangang Asya.

a)

Tama

b)

Mali

67.

Ano ang layunin ng 'Guarded Globalization' ayon sa teksto?

a)

Hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang mamumuhunan.

b)

Palakasin ang impluwensya ng mga dayuhang mamumuhunan sa lokal na ekonomiya.

c)

Ipagbawal ang pagpasok ng mga dayuhang produkto sa bansa.

d)

Pabayaan ang lokal na industriya na makipagsabayan nang walang proteksyon mula sa pamahalaan.

68.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng polisiya sa 'Guarded Globalization'?

a)

Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyo ng ibang bansa

b)

Pagbibigay ng subsidiya sa mga namumuhunang lokal

c)

Pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal

d)

Lahat ng nabanggit

69.

Ano ang pangunahing layunin ng 'Fair Trade' ayon sa International FairTrade Association (IFTA)?

a)

Mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang mapangalagaan ang maliliit na namumuhunan.

b)

Mapalawak ang produksyon ng mga malalaking kompanya sa pandaigdigang merkado.

c)

Mapababa ang buwis sa mga produktong inaangkat mula sa ibang bansa.

d)

Mapalakas ang monopolyo ng mga malalaking negosyante sa industriya.

70.

Ang pagbibigay ng subsidiya sa mga lokal na namumuhunan ay nakakatulong sa pagharap sa hamon ng globalisasyon sa pamamagitan ng:

a)

Pagpapalakas ng kakayahan ng lokal na negosyo upang makipagsabayan sa pandaigdigang pamilihan.

b)

Pagpapababa ng kalidad ng produkto ng lokal na negosyo.

c)

Pagpapalimit ng oportunidad para sa mga lokal na mamumuhunan.

d)

Pagpapahina ng ekonomiya ng bansa.

71.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng multinational company sa Pilipinas?

a)

Unilever

b)

Jollibee

c)

Mang Inasal

d)

National Book Store

72.

Alin sa mga sumusunod na kumpanya ang may operasyon sa ating bansa at may kakompetensiyang lokal na namumuhunan?

a)

Coca-Cola

b)

Apple

c)

Tesla

d)

Sony

73.

Alin sa mga sumusunod ang mabuti at di-mabuting epekto ng MNCs at TNCs sa ekonomiya ng bansa?

a)

Nagpapalago ng ekonomiya ngunit maaaring magdulot ng pagdepende sa dayuhang kapital.

b)

Nagpapababa ng kalidad ng lokal na produkto at walang epekto sa ekonomiya.

c)

Nagpapalakas ng lokal na negosyo at walang negatibong epekto.

d)

Walang epekto sa ekonomiya at hindi nakakatulong sa pag-unlad.

74.

Ang mga multinational, transnational corporations at outsourcing ay nakakatulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng:

a)

Paglikha ng trabaho at pagdadala ng pamumuhunan sa bansa

b)

Pagpapababa ng kalidad ng edukasyon

c)

Pagpapalaganap ng polusyon lamang

d)

Pagpapabagal ng ekonomiya

75.

Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at multinational at transnational corporation sa ating bansa?

a)

Nagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho at pag-unlad ng ekonomiya.

b)

Nawawala ang lokal na kultura at tradisyon.

c)

Bumababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

d)

Nawawala ang lahat ng lokal na negosyo.

76.

Sa kabuuan, ang mga pagbabagong nabanggit ay nakabubuti o nakasasama?

a)

Nakabubuti

b)

Nakasasama

c)

Walang epekto

d)

Hindi tiyak

77.

Gamit ang iyong mga natutunan sa mga araling natalakay, kumpletuhin ang sumusunod na pahayag sa iyong kuwaderno. Ang globalisasyon ay proseso ________________________________

a)

ng interaksyon at integrasyon ng mga tao, kumpanya, at pamahalaan ng iba't ibang bansa.

b)

ng paghiwalay ng mga bansa sa isa't isa.

c)

ng paglimita sa komunikasyon sa loob lamang ng isang bansa.

d)

ng pag-aalis ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa mundo.

78.

May tatlong anyo ng globalisasyon. Kinabibilangan ito ng: ________________________, ________________________, at _________________________.

a)

ekonomiko, kultural, politikal

b)

ekonomiko, teknikal, sosyal

c)

politikal, teknikal, edukasyonal

d)

kultural, edukasyonal, teknikal

79.

Gamit ang iyong mga natutunan sa mga araling natalakay, kumpletuhin ang sumusunod na pahayag sa iyong kuwaderno. Ang globalisasyon ay ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa ating kapanahunan. Nakikita ang kahalagahan nito sa ________________________________

a)

pag-unlad ng teknolohiya, komunikasyon, at transportasyon

b)

pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa

c)

pagkakaroon ng limitadong oportunidad sa trabaho

d)

pagkakaroon ng saradong pamilihan at kalakalan

80.

Ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ________________________________

a)

pagkawala ng lokal na kultura at identidad, at pagtaas ng hindi pagkakapantay-pantay

b)

pagdami ng lokal na produkto sa pamilihan

c)

pagbaba ng antas ng edukasyon sa mga bansa

d)

pagtaas ng populasyon sa mga lungsod

81.

Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kakulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?

a)

fair trade

b)

outsourcing

c)

pagtulong sa bottom billion

d)

subsidy

82.

Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa. Alin dito?

a)

paggamit ng mobile phones

b)

E-commerce

c)

pagsunod sa KPop culture

d)

pagpapatayo ng JICA building

83.

Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

a)

Ekonomiya

b)

Globalisasyon

c)

Migrasyon

d)

Paggawa

84.

Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?

a)

Ekonomikal

b)

Sikolohikal

c)

Sosyo-kultural

d)

Teknolohikal

85.

Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaiting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________.

a)

edukasyon, pamumuhunan at isports

b)

pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya

c)

pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal

d)

pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang politikal

86.

Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?

a)

Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

b)

Makabuo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

c)

Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksyon sa iba’t ibang krisis.

d)

Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

87.

Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?

a)

Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.

b)

Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspeto.

c)

Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.

d)

Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga ‘perennial’ na institusyon na matagal nang naitatag.

88.

Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?

a)

ekonomikal

b)

sikolohikal

c)

sosyo-kultural

d)

teknolohikal

89.

Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.

a)

globalisasyon

b)

migrasyon

c)

transisyon

d)

urbanisasyon

90.

Mayroong nagsasabi na ang globalisasyon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Anong perspektibo o pananaw ang isinasaad nito?

a)

Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.

b)

Ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.

c)

Ang globalisasyon ay pinaniniwalaang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon.

d)

Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.