NEW
Font size
WorksheetsGlobalisasyon
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Ito ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Migrasyon
Globalisasyon
Urbanisasyon
Transisyon
Bakit itinuturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspeto.
Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal nang naitatag.
Paano nakaapekto ang mga multinational corporations sa mga lokal na negosyo?
Pinapalakas ang lokal na produkto sa merkado
Pinapalitaw ang lokal na kultura
Naging mahirap sa lokal na negosyante na makipagsabayan
Wala silang epekto sa lokal na ekonomiya.
Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na.
Ang pananagig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao
Ang paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan, manakop, at maging adbenturero.
Ano ang mabuting implikasyon ng pag-usbong ng mga Multinational at Transnational Corporations sa isang bansa?
Pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na kalaunan ay nagpapababa ng presyo ng mga produkto.
Walang mapapasukang trabaho ang mga manggagawa.
Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan.
Nagdudulot ng malawakang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na dahilan kung bakit itinuturing ang globalisasyon bilang oportunidad para sa mga bansa sa pag-unlad ng ekonomiya?
Nagbibigay ito ng pagkakataong makipagkalakalan at mamuhunan sa pandaigdigang merkado.
Binabawasan nito ang partisipasyon ng maliliit na negosyo.
Pinipilit nito ang mga bansa na magpatupad ng proteksyunismo.
Tanging mayayamang bansa lamang ang nakikinabang dito.
Ano ang pinaka-angkop na paglahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?
Makikita sa globalisasyon ang malakas na ugnayan ng mga bansa.
Makikita sa globalisasyon ang pagkahiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
Dahil sa globalisasyon mas lumalayo ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng pinsala.
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino”?
Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
Pagdagsa ng mga ATM padala, pagse-save, pagbabayad, at pagwiwithdraw at iba pang transaksyong pinansyal.
Pagdagsa ng mga manggagawang namumuhunan sa buong bansa.
Paano nakaapekto ang globalisasyon sa pagpapahalaga at paniniwala ng kabataan?
Lumalawak ang kanilang pananaw ngunit minsan ay nalilimutan ang tradisyunal na pagpapahalaga.
Mas nagiging sarado sila sa mga banyagang ideya.
Mas nagiging limitado ang kanilang kaalaman.
Hindi naaapektuhan ang kanilang pag-uugali.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamaibisang paraan ng isang bansa upang mapangalagaan ang kulturang Pilipino sa kabila ng globalisasyon?
Paghihigpit sa mga banyagang pelikula at palabas.
Pagsasama ng kulturang Pilipino sa modernong sining at teknolohiya.
Pagbabawal sa paggamit ng wikang banyaga sa mga paaralan
Pag-alis ng mga banyagang produkto sa merkado.
Si Mang Paeng ay nagtratrabaho bilang driver sa isang kumpanya. Natutuwa siya dahil sa katapusan ng buwan ay matatanggap na rin niya ang kanyang buwanang kita. Ano tawag sa kitang kapalit ng serbisyong kanyang ginawa?
Labor force
Paggawa
Suweldo
Bayad
Alin sa mga sumusunod na haligi sa isang disente at marangal na paggawa kung saan tinitiyak nito ang sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa.
Worker's Pillar
Employment Pillar
Social Protection Pillar
Social Dialogue Pillar
Bakit nahihikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa?
Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatikad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kumpanya at korporasyon sa bansa.
Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
Subcontracting Scheme
Kontraktuwalisasyon
Mura at Flexible Labor
Underemployment
Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
Agrikultura
Impormal na sektor
Industriya
Paglilingkod
Sa paglaganap ng globalisasyon at pagpasok ng Pilipinas sa iba’t ibang kasunduan, ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa sari-saring suliranin tulad ng mga sumusunod MALIBAN sa:
Kawalan ng seguridad sa kompanyang pinapasukan
Mababang pasahod
Pagtaas ng Taripa
Job-mismatch
Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglakí ng unemployment at underemployment ay ang paglaganap ng job-mismatch. Bakit ito nangyayari?
Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan.
Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya.
Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na kailangan ng kompanya.
Ano ang tinutukoy na kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o individual na subcontractor na gawin ang isang trabaho sa takdang panahon?
Iskemang Subcontracting
Contractualization
Iskemang Contracting
Peace Coordination
Dahil sa tumataas na demand para sa globally standard na paggawa, ang mga aplikante ay kailangang makuha ng angkop na kasanayan para sa ika-21 siglo. Alin sa mga sumusunod ang naaayon sa kasanayan?
Learning and Innovation Skills
Human Relation Skills
Vocational Skills
Writing Skills
Kung ang Employment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng lakas-paggawa na may Trabaho, ano naman ang Underemployment rate?
Nagtatrabaho ngunit mababa ang sahod
Nagtatrabaho ngunit hindi kontento
Nagtatrabaho ngunit hindi fulltime
Walang trabaho
Ano ang tawag sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon?
Stock
Flow
Migrante
Peminisasyon
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.
Globalisasyon
Integrasyon
Migrasyon
Deregulasyon
Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod MALIBAN sa isa. Ano ito?
Hanapbuhay
Tirahan
Edukasyon
Turismo
Bakit itinuturing na isyung politikal ang migrasyon?
Naaapektuhan nito ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ng mga bansa.
Oportunidad para magtrabaho ang dahilan ng pandarayuhan ng mga tao sa ibang bansa.
Maraming mga mamamayan ng bansa ang nandarayuhan sa ibang bansa.
Ang mga produkto ay benefita sa iba’t ibang bansa dahil kailangan ito.
Ano ang maaaring maging epekto kapag nagdagasan ang mga tao sa mga lungsod?
Paglobo ng populasyon sa mga lungsod
Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod
Pananatili ng populasyon sa mga lungsod
Pagdami ng mga taga-probinsiya sa mga lungsod
Ano ang tawag sa mga Overseas Filipino Workers na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay ang permanenteng paninirahan kalakip nito ang pagpalit ng citizenship?
Permanent Migrants
Temporary Migrants
Irregular Migrants
Undocumented Migrants
Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa?
Diskriminasyon
Sexual exploitation
Pareho
Wala sa nabanggit
Mababa lamang ang tinapos ni Maria, kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang House helper sa Hongkong. Ito ay dahil kadalasan walang siyang mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Maria?
Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.
Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.
Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Ano ang implikasyon ng migrasyon sa Pilipinas sa konteksto ng globalisasyon?
Ang pagdating ng mga dayuhang estudyante at propesyonal ay nagdudulot ng kahirapan sa lokal na empleyo.
Nakakatulong ang migrasyon sa pagpapalakas ng edukasyon at global na koneksyon sa industriya.
Walang malinaw na benepisyo sa ekonomiya at lipunan.
Ang migrasyon ay nakakaapekto lamang sa kultura at hindi sa ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsitapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
Bologna Accord
K-to-12 Curriculum
Monroe Doctrine
Washington Accord
Penomenang lubos na nakaapekto at nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan.
Migrasyon
Globalisasyon
Ekonomiya
Paggawa
Ito ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
Multinational Corporation
Transnational Corporation
International Corporation
Private Owned Corporation
Paano nakakatulong ang globalisasyon sa teknolohiya sa Pilipinas?
Pinipigilan ang makabagong kagamitan
Pinapadali ang paggamit ng bagong teknolohiya
Iniiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
Pinipili ang lumang paraan
Ito ang nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ang mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Alin sa mga ito ang tinutukoy dito?
Labour Migration Transition
Peminisasyon ng Migrasyon
Migration Transition
Globalisasyon ng Migrasyon
Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa kanlurang Asya?
Dahil sa kawalan ng trabaho sa ating bansa
Dahil sa kagustuhang makaranas ng ibang kultura
Dahil mas malaki ang kinikita nila doon kay sa ating bansa
Dahil laging umaasa ang kanilang pamilya.
Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto naidudulot ng migrasyon sa pamilya?
pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan
makapaglakbay at makapamasyal sa mga malalayong lugar
pag-usbong ng makabagong at mabilis na paraan ng komunikasyon
matutugunan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitayog ang mas magandang kinabukasan ng pamilya
Ano ang negatibong epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng pamilya?
mas nahihirapan sa pamumuhay
nadadagdagan ng mas maraming oportunidad sa edukasyon at kabuhayan
wala itong epekto sa pamilyabansa
Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidudulot ng migrasyon ng manggagawa sa ekonomiya ng ating bansa?
Nabawasan ang populasyon ng ating bansa.
Natatago ang kanilang husay at galing sa larangan ng paggawa.
Nakapagdadala sila ng dollar remittances sa ating pamahalaan.
Nakakapagbigay ito ng kabuhayan sa kanilang pamilya.
Bakit mahalaga ang pag-unawa sa epekto ng globalisasyon?
maipahayag ang sariling pananaw at makagawa ng tamang desisyon
hindi malaman ang nangyayari sa mundo
pigilan ang kaalaman sa teknolohiya
manatili sa sariling kultura lamang
Ano ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?
Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang nangibang- bansa.
Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan.
Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan.
Lahat ng nabanggit
