Font size
WorksheetsFilipino 10 Periodical
Total questions: 29
Worksheet time: 57mins
_ ni Romeo ang matatamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet.
Tumanggap
Ipinang-akit
Ipinambili
Ipinanakot
Ginawaran
_ ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan
Inalayan
Ginawaran
Tumanggap
Ipinang-akit
Ipinambili
Ang prinsesa'y _ ng kapatawaran at ang prinsipe'y _ ng kaparusahan.
Inalayan
Ipinang-akit
Ginawaran
Tumanggap
_ ni Tybalt kay Romeo ang bantang kamatayan ang kapalit ng pag-ibig sa prinsesa.
Ipinatakot
Tumanggap
Ipinambili
Inalayan
_ ni Romeo ng lason ang apatnapung ducado sa isang butikaryo.
Ginawaran
Ipinatakot
Ipinambili
Inalayan
Ito ay isa sa elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
Tauhan
Tagpuan
Tunggalian
Tema
Ang tekstong iyong binasa ay may layuning _.
Mangaral
Manuligsa
Manghikayat
Magbigay impormasyon
Tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan. Ibig ipahiwatig ng pahayag na _.
Nakadepende ang kinabukasan ng bayan sa kaniyang pamahalaan
Kailangang mag-isip, kumilos, at makisangkot ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan.
Dapat magkaisa ang namumuno at ang pinamumunuan upang umunlad.
Kailangang tumulong ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran.
Ano ang kaisipang nakapabaloob sa pahayag na "Bahala na?"
Alaswerte
Lakas ng loob
Kawalan ng pag-asa
Walang tiyak na patutunguhan
Ang dalawang kaisipang itinuturo ng teksto ay _.
Pananalig sa Diyos
Matapang na pagharap sa katotohanan
Pagkilos kaagad sa harap ng pagsubok
Pagkapit sa patalim kapag nagigipit
Ang salawikaing angkop iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang kaniyang mga problema ay _.
Mahal ng Panginoon
Diyos ang nakakaalam ng lahat
Hindi tayo pababayaan ng Diyos
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulit-ulit na ninanais ni Santiago?
Sana siya ay bata pa
Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda
Sana ang lahat ng mangingisda na nagaalipusta sa kaniya
Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin
Sa pahayag na "Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang durmating." tinutukoy dito na ang matanda ay may isipang
Negatibo
Kolonyal
Positibo
Alipin
Ang layunin ng panunuring pampanitikan batay sa bahaging nabasa ay _.
Mabigyan ng puna ang kabuuan ng akda.
Mailahad ang mga kainaman o kahinaan ng akda.
Mabigyan ng pokus ang mga elementong ginamit sa akda.
Makita ang kaanyuang nilikha ng may akda sa kanyangobra.
Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng pahayag na nagbibigay ng opinyon o reaksiyon mula sa suring-basa?
Tunay na
Bagkus
Sa makatotohanan
Totoo
Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng damdamin?
pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog
pagsinta, pag-irog, pag-ibig, pagmamahal
pag-irog, pag-ibig, pagmamahal, pagsinta
pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig
Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
Editoryal
Talumpati
Sanaysay
Talambuhay
Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.
Kwentong bayan
Maikling kwento
Dagli
Komiks
Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na _.
Tagaganap
Layon
Pinaglalaanan
Sanhi
Isa-isahin ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sai isang trahedya.
Samson at Delilah
Romeo at Juliet
Florante at Laura
Thor at Loki
Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
Magkaaway ang kanilang mga angkan
Pakakasal na si Juliet kay Paris
Labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
Wala sa nabanggit
Tukuyin ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang isakripisyo para maibili ng aginaldo ang bawat isa?
Diyamanteng kuwintas
Buhok
Gintong relos
Mamahaling suklay
Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod af sampung pantig sa bawat taludtod.
Soneto
Tanaga
Haiku
Alegorya
Sa anong taon nailimbag ang nobelang "Ang Matanda at ang Dagat?"
1950
1951
1952
1953
Tukuyin ang damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, "Ipinaputol ko at ipinagbili," wika ni Della. "Hindi di gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?"
Pag-aalala
Pagtataka
Pagkainis
Pagtatampo
Sa pangungusap na, "Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo," ano ang ipinokus ng pandiwang Ipinanggising?
Rizal
Pilipino
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Wala sa nabanggit
Sa pangungusap na, "Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok," anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?
Ganapan
Pinaglalaanan
Layon
Direksyon
(Langoy) namin ang malinis na batis sa kanluran. Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan?
Nilangoy
Pinaglanguyan
Kalalangoy
Nilanguyan
Talagang palabasa ang kaniyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang _ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
Ingklitik
Komplemento
Pang-uri
Pang-abay
