WorksheetsIKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA VALUES EDUCATION 8
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Ito ay itinuturing pangunahing yunit ng komunidad.
Kaibigan
Kamag-anak
Paaralan
Pamilya
Sino ang itinuturing na pangunahing guro sa loob tahanan?
Ate
Kamag-anak
Kuya
Magulang
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tungkulin ng magulang sa edukasyon ng anak?
Pagbibigay ng pinansyal na suporta hinggil sa mga materyal na pangangailangan ng bata sa kanyang pag-aaral.
Pagbibigay oras sa mga pulong ng mga magulang at guro bilang paraan ng pagpapalago ng kaunlarang pang-akademikong ng bata.
Pagsusulong ng mga mabubuting kaugalian sa pag-aaral gaya ng tamang disiplina sa paggawa ng takdang-aralin at mapanagutang mag-aaral.
Pagpasa ng responsibilidad sa guro upang hubugin ang mga mag-aaral sa tamang disiplina, pananaw at pagpapahalaga bilang indibidwal.
Ang pakikilahok ng pamilya sa mga gawaing pang-paaralan katulad ng Family Day Celebration ay isang paraan upang maipakita ang tungkulin ng pamilya sa edukasyon katulad ng _______________.
Pagiging unang guro.
Paghubog sa pananaw sa pag-aaral.
Pagbibigay ng sosyal at emosyonal na suporta.
Pagpabay sa paggawa ng mabuting pagpapasya.
Batay sa sitwasyon nina Juan at Maria na nagtuturo kay Sofia ng pagbasa tuwing hapon, paano mo masusuri na ito ay isang halimbawa ng tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng anak?
Pagiging Unang Guro
Paghikayat tungo sa Lifelong Learning
Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya
Sa sitwasyong si Monica ay nagtuon ng oras sa pag-aaral para sa pagsusulit sa Math, paano mo masusuri ang kilos niyang ito bilang tungkulin ng isang mag-aaral?
Pagpapataas ng marka.
Pag-aaral nang mabuti.
Pakikilahok sa mga gawain sa paaralan.
Paggamit ng kakayahan sa komunikasyon nang buong husay.
Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Batas Republika Blg. 9155 (Governance of Basic Education Act of 2001)?
Ito ay batas na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa lahat.
Ito ay kautusang nagbibigay proteksyon sa mga mag-aaral sa paaralan laban sa kahit anong pang-aabuso tulad ng diskriminasyon, pambu-bully, at iba pa.
Ito ay batas na nagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga Pilipinong estudyante na wala o kulang ang kapasidad na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ito ay batas na nangangalaga at nagtataguyod ng karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at bukás para sa lahat sa pamamagitan ng pagkakaloob ng insang edukasyong libre at kinakailangan sa antas elementarya at sekundarya.
Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala?
Pagkalito at pagkagulo
Pagkapoot at pagkamuhí
Kalungkutan at kasiyahan
Pagmamahalan at pagtutulungan
Ito ang pangunahing ugat ng mga suliraning kinakaharap ng pamilya. Ito rin ang dahilan ng pagkakaroon ng child labor, prostitusyon, pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, at iba pang masamang epekto nito.
Karalitaan
Paglisan ng mga watak na pamilya
Pagkakaroon ng isang magulang lamang
Paglaganap ng watak na pamilya (broken families)
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pag-aaral?
Oras ang naging kalaban ni Chacha sa pagtapos ng mga gawain bahay.
Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagtapos si Marco ng kolehiyo.
Nagpursige ang magkapatid na Nina at Nene upang may maipambili ng pagkain araw-araw.
Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Janine na iwanan ang pamilya at tumayo sa sariling mga paa.
Ang mga sumusunod ay hakbang upang mapagtatagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap ng pamilya MALIBAN sa isa:
Muling pagtibayin ang buhay pampamilya batay sa diwa ng pananampalataya sa Diyos.
Paglaan ng materyal, pangkabuhayan, biyolohikal, kultural, at espiritwal na mga pangangailangan pampamilya.
Pag-ibayuhin at pagtibayin ang paninindigan na ang asal ay mahalaga para sa isang sagradong pagsasama.
Maituro ang maagang pag-aasawa upang magampanan ang mga tungkulin at pananagutan tungo sa responsableng pagmamagulang.
Si Ramon at Josefa ay dalawang taon ng nagsasama sa iisang bubong, bagamat hindi kasal ay nagbunga ng dalawang supling ang pagmamahalan nila. Sa panahon ngayon, ang sitwasyon ni Ramon at Josefa ay isa sa mga pagsubok ng pamilyang Pilipino na nagpapakita ng?
Pagkakaroon ng isang magulang lamang.
Mga pagbabago sa pagpapahalaga ng mga Kabataan.
Paglaganap ng mga watak na pamilya (broken families).
Ang liberal na oryentasyon na pagsasama o pag-aasawa at pagpamilya.
Suriin ang mga sitwasyong ito at tukuyin kung alin sa mga kilos ang pinakambisaang paraan ng pagbabago sa pagpapasiya ng anak batay sa epekto nito sa pag-unlad ng kanyang kakayahang gumawa ng sariling desisyon.
Pinahahalagahan ni Corazon ang desisyon ng kaniyang anak.
Sinasalungat ni Nimfa ang opinyon ng asawa dahil hindi niya ito gusto.
Sinisigawan ni Aileen ang bunsong anak dahil lumabas ito ng walang paalam.
Pinakikinggan ni Alexa ang pasya ng anak bagamat ipinagpipilitan pa rin ang kanyang gusto.
Si Ana ay isang magulang na nais tiyakin na lumaki ang kanyang anak na masaya, responsable, at may tiwala sa sarili. Alin sa mga sumusunod ang pinakamaninam niyang gawin?
Pag-aaruga sa anak.
Pagpapakasal ng maaga.
Pagtutulungan sa gawaing-bahay.
Pagkakaroon ng mabuting ugnayan.
Ano ang ginagampanang papel ng pamilya bilang paaralan ng pagmamahal?
Nagtuturo ng gawaing bahay.
Nagtuturo ng magandang asal.
Nagbibigay edukasyon sa mga anak.
Nagpapalakas ng ugnayan sa pamayanan.
Anong magandang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa mga pamilya?
Pagbibigay ng yakap.
Pagwawalang-bahala sa kanila.
Pagsigaw sa kanila.
Pag-iwas sa kanila.
Ang mga sumusunod ay mabuting dulot ng pasasalamat sa pamilya MALIBAN sa isa:
Mas malakas na samahan at koneksyon.
Mas matatag na pagharap sa mga hamon.
Mas limitado na ang pang-unawa sa isa't-isa.
Mas mataas na antas ng kaligayahan at kasiyahan.
Ano ang impluwensya ng pamilya sa pagiging isang huwarang miyembro ng lipunan ng isang tao?
Hindi ito nakaapekto sa pag-unlad ng isang tao.
Hinuhubog ang pagkatao ng isang tao at mas nakikilala ang sarili.
Ang pamilya ang nagsisilbing gabay upang makamit ang kasarinlan.
Tinuturuan ang mga kapamilya sa pagpili ng mabuting lider sa Lipunan.
Anong epekto ang maaaring magkaroon ng pagiging mapagpasalamat ng isang pamilya sa kalidad ng buhay ng kanilang mga miyembro?
Pagiging mapagkalinga.
Pagiging iba sa iba pang pamilya.
Mas mataas na antas ng kaligayahan at kasiyahan.
Pagkakaroon ng matinding adhikain upang maging maayos ang buhay.
Ito ay nangangahulugang kababaang-loob.
Kabutihan
Mapagpakumbaba
Mapagpasalamat
Mapagpatawad
Ito ay nangangahulugang kalidad ng pagiging mabait, mapagbigay, at nakakatulong sa iba na may positibong epekto o resultang nakapagdudulot ng kapakinabangan sa tao.
Kabutihan
Mapagpakumbaba
Mapagpasalamat
Mapagpatawad
Nakatanggap ka ng text mula sa kaklase ng ipinagbigay-alam sa iyo na may pagbabago sa takdang panahon ng pagsumite ng performance task sa asignaturang Values Education 8. Agad ka namang nag-reply at nagpapasalamat rito. Anong paraan ng pasasalamat ang ipinakita mo sa sitwasyon?
Pagpadala ng liham.
Tumulong sa ibang tao.
Berbal na pagsasabi ng “Salamat”.
Pagsasabi ng salamat sa chat o text
Sino o ano ang tinutukoy sa pangungusap?
Diyos
hayop
halaman
taong mapagbigay
Desisyon ng Diyos na pagpapalain tayo sa kabila ng ating mga kasalanan. Bilang kanyang nilalang ano ang ating dapat na gawin?
Magpasalamat lagi.
Magpasalamat minsan.
Magpasalamat kung naka-alala.
Magpasalamat sa piling biyaya lamang.
Bagamat laging Top 1 sa klase, bukas pa rin si Jacob sa pakikinig sa suhestiyon ng kaniyang mga kaklase upang mapaganda pa ang kanilang proyekto. Ano ang isinasabuhay ni Jacob na magandang kaugalian?
Pagiging mapagpasalamat
Pagiging mapagkumbaba
Pagiging masigasig
Pagiging masunurin
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay pagpapakita ng kababaang-loob MALIBAN sa isa:
Pinipilit na unawain ni Martin ang kanyang kaklase si Kael kahit pa madalas niya itong asarin.
Pinuri ni Clarissa ang ayos ng kanyang kaklase si April kahit pa naging tampulan pa ng tuksong ang suot nito sa kanyang mga kaklase.
Humingi ng paumanhin si Dodong sa nagawang kasalanan nito kay Cheska at kaagad namang ibinigay ni Cheska ang hinihingi ni Dodong na kapatawaran.
Ipinaalam ni Carlo ang mga bagay nitong billing branded na sapatos sa kanyang mga kaibigan at ang mga regalong natanggap tulad ng relo, singsing, bag at mamahaling damit na ibinigay ng kanyang ninang na galing abroad.
Ito ay nangangahulugang paggawa ng mabuti, pagtanggap sa kahinaan, pag-aalaga, hindi pagpapabaya at pagkapit sa kabila ng pagsubok.
Kapayapaan
Katatagan
Pagbubuklod
Pagmamahalan
Ang pagdarasal bago kumain, bumangon sa umaga o matulog sa gabi ay halimbawa ng _____________.
Pag-aayuno
Pagsamba
Panalangin
Ritwal
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay indikasyon na nagpapakita ng pagkilala sa presensya ng Diyos sa loob ng pamilya MALIBAN sa isa:
Lumaki si Celia ng may paggalang at respeto bilang tanda ng tamang paghubog ng kanyang mga magulang ng mga pagpapahalaga mula ng siya ay bata pa lamang.
Hindi tinanggap ni Gina ang hinihinging kapatawaran ni Gerald sapagkat labis itong nasaktan sa kanyang ginawang pagtataksil na naghudyok sa kanya upang makipaghiwalay.
Ang Pamilya Santos ay nakilaok sa prayer meeting na ginanap sa kanilang barangay bilang pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan at paraan upang mas maging malalim pa ang kanilang pananampalataya sa Diyos.
Naging kaugalian na ng Pamilya Gutierrez ang pagbibigay ng libreng pagkain tuwing panahon ng kalamidad sa katuwyan sila ay bumuo ng grupo na naglalayon na magpahatid ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.
Sa paanong paraan maipapakita ng pamilya ang paglalapat ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagkilala sa presensya ng Diyos sa loob ng pamilya?
Pananalangin ng taimtim at may katapatan.
Maglaan ng limitadong oras upang makadalo sa misa.
Magkaroon ng iba pang gawain upang mas maging aktibo ang bawat miyembro ng pamilya.
Ugaliing magdasal mag-isa at hayaan ang iba pang miyembro ng pamilya na gumawa ng paraan upang mapalapit sa Diyos.
Alin sa mga sumusunod na paraan ang pinakamabisang paraan upang mapalalim ang kaalaman at pag-unawa sa Diyos?
Pagbabasa ng Biblia at pagninilay.
Pagbabasa ng mga inspirational books.
Panonood ng mga bidyo tungkol sa pananampalataya.
Paggamit ng social media upang ibahagi ang salita ng Diyos.
Alin sa sumusunod ang palatandaan o indikasyon na nararamdaman mo ang presensya ng Diyos sa inyong pamilya?
Inisip ang Diyos sa mga pagkakataon ng krisis.
Naniniwala kayong may plano ang Diyos sa lahat.
May mga hindi inaasahang biyaya o tulong na dumadating sa inyo.
Nararamdaman ninyo ang pagmamahalan at pagkakaisa bilang pamilya.
Nakatutulong ba ang inyong pananampalataya sa Diyos sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagmamahalan, at katatagan sa inyong pamilya?
Oo, dahil ang kapayapaan at pagmamahal ay natural na mangyayari.
Hindi, dahil hindi konektado ang pananampalataya sa mga relasyon sa pamilya.
.Oo, dahil ang pananampalataya ay nagbibigay ng gabay at lakas sa panahon ng pagsubok.
Hindi ko alam, dahil hindi pa namin nararanasan ang ganitong situwasyon sa aming pamilya.
Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagpapaliwanag na dapat munang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao bago niya bigyang-pansin ang mas mataas na pangangailangan?
Teorya na Use and Disuse
Teorya na Economic Growth
Teorya na Hierarchy of Needs
Teorya na Multiple Intelligences
Ang mga sumusunod ay mga pangunahing pangangailangan ng tao maliban sa ________.
Damit
Gadget
Hangin
Pagkain
Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagiging maparaan nang may pagsasaalang-alang sa ating kalikasan?
Paghahanda ng sobra upang makapagtira ng sobra at hindi magkulang.
Pagdadala at paggamit ng recyclable bag sa tuwing pupunta sa palengke.
Paggamit ng artificial fertilizer upang mapalago ang mga pananim na gulay at halaman.
Pagbili ng mga gamit at pagkain nang hindi tinitingnan ang buhay nito dahil mauubos din naman agad ito.
Ang pamilya nila Carlos ay mahusay sa pagpaplano ng mga pagkain na binibili o inihanda at sila ay namimili ng naaayon o base sa kinakailangan lamang upang maiwasan ang pagtatapon ng pagkain. Ano ang pagpapahalagang kanilang isinasabuhay?
Pagiging kuripot sa pera.
Pagiging masinop sa mga pinamili.
Pagiging masinop sa pagpaplano ng mga pinamili.
Pagiging maparaan nang may pagsasaalang-alang sa ating kalikasan.
Alin sa mga kilos ang pinakamabisang paraan upang matugunan ang pangangailangang pisyolohikal kasabay ng pagpapahalaga sa kalikasan, at bakit?
Pagtatanim ng gulay, dahil nakakatulong sa pagkain at sa kapaligiran.
Pag-iimpok ng salapi, dahil may seguridad sa hinaharap.
Pakikiisa sa clean-up drive, dahil nakakatulong sa kalinisan ng lugar.
Pagsali sa iba’t ibang organisasyon, dahil mas maraming kakilala at kaalaman
Ano ang maaari mong gawin sa tirang pagkain sa refrigerator?
Ang tirang pagkain sa refrigerator ay maaaring ireserba o iburo.
Ang tirang pagkain sa refrigerator ay maaaring gawing compost pit.
Ang tirang pagkain sa refrigerator ay maaaring lutuin sa ibang lutuin.
Ang tirang pagkain sa refrigerator ay maaaring itapon na lamang direkta sa lupa.
Siya ang itinuturing na kauna-unahang lumaban sa pananakop ng Espanya dahilan upang mapatay niya si Ferdinand Magellan
Bonifacio
Jacino
Lapu-lapu
Mabini
Sino ang Pilipinong bayani na tinaguriang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, na nagpakita ng katalinuhan at prinsipyo sa pakikipaglaban para sa kalayaan?
Bonifacio
Jacino
Lapu-lapu
Mabini
Alin sa mga makasaysayang pagdiriwang ang nagpapakita ng pag-alala ng katapangan ng Pilipinong nakipaglaban at nagbuwis ng buhay para sa bayan?
Araw ng Kagitingan
Buwan ng Wika
Nagkakaisang Bansa
People Power Revolution
Anong batas ang formal na nagtakda sa Hunyo 12 ng bawat taon bilang petsa ng Kalayaan ng Pilipinas?
Batas Republika bilang 6641 taong 1965
Batas Republika bilang 4166 taong 1964
Proklamasyon bilang 1041, s. 1997
Proklamasyon bilang 514, s. 2024
Alin ang hindi akma na kilos ng pagsasabuhay ng pagiging nasyonalismo?
Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakatoon.
Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
Pagsisikap makamit ang mga pangarap para gumihawa ang sariling pamilya.
Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng paraan ng pagbibigay pugay ng paggunita ng pamilya Pilipino sa mga makasaysayang selebrasyon?
Kawalan ng pagkilala sa mga bayaning nagbuwis ng buhay sa nakaraang panahon.
Pagkikiisa sa mga kilos protesta tuwing ipagdiriwang ang araw ng People’s Power Revolution.
Pagsusunog ng mga larawan ng mga bayani sa nakaraan panahon bilan patunay ng pagtindig sa lumalaganap na isyu ng korapsyon.
Pagkikilahok sa mga patimpalak sa tuwing selebrasyon ng buwan ng wika bilang tanda ng pakikiisa sa ating makasaysayang kultura.
“The Filipino is worth dying for” ay katagang minsan nang winika ni Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. na nangangahulugang _______________.
Mas mainam ang mamatay ng dahil sa iba.
Marami ang mga Pilipinong namamatay ngayon.
Puwede tayong magpakamatay para sa mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay karapat-dapat pag-alayan ng buhay bilang paraan ng pagmamahal at pagpapahalaga.
Paano maipapakita ng isang kabataan ang Nasyonalismo?
Pagsunod sa batas
Pakikipagkaibigan
Pagtulog ng maaga
Pagpapaunlad ng talento
Paano mo maipapakita sa sarili o sa komunidad ang diwa ng kabayanihan ng mga dakilang Pilipino sa makabagong panahon? Pumili ng pinakamalikhain at epektibong paraan.
Pagsunod sa lahat ng batas at regulasyon sa paaralan at komunidad bilang pagpapakita ng responsableng mamamayan.
Pagtuturo at pagbabahagi sa kapwa kabataan ng aral at buhay ng mga bayani sa paraang malikhaing maipapakita ang kabayanihan.
Pagpapaunlad ng sariling talento sa sining o agham upang magbigay inspirasyon sa kapwa at maglingkod sa bayan.
Pag-oorganisa ng grupo o aktibidad sa paaralan o barangay na nagpapakita ng pagtutulungan at pagmamahal sa bayan.
Sa isyung kinasasangkutan ng Pilipinas sa Tsina patungkol sa Chinese POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) paano mo maisasabuhay ang pagiging nasyonalismo bilang tanda ng pagpapaunlad ng kamalayan bilang Pilipino?
Patuloy na pag-install ng online gambling apps.
Maglaro lamang ng naayon sa oras at sa kaunting halaga lamang ng pera.
Pagbabalanse ng oras para sa laro sa mga online gambling apps at oras sa pag-aaral.
Paghihikayat sa mga kapwa mag-aaral na huminto sa paggamit ng online gambling apps at maglaan ng oras sa pag-aaral.
Sa makabagong panahon, may saysay pa ba ang pagdiriwang ng kabayanihan ng ating mga bayani? Dapat pa rin ba itong ipagdiwang?
Opo, dahil nagpamalas sila ng angking galing.
Opo, dahil nagpakita sila ng kanilang matinding pagmamahal para sa bayan hanggang sa makamit natin ang Kalayaan.
Opo, dahil nagsilbi silang tagapagtanggol ng mga mahihirap laban sa mga mayayamang nagnanais ng hindi maganda sa kapwa.
Opo, dahil pambihira ang pinakita nilang katatagan sa gitna ng mga pagsubok na kanilang kinaharap sa buhay noong unang panahon.
