wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALAWANG MARKAHANG PAGTATAYA SA VALUES EDUCATION 7

Total questions: 50

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng pamilya ang madalas na naroon ang ama at ina na gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga anak?

a)

Blended

b)

Extended

c)

Joint

d)

Nuclear

2.

Ito ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo't lola, mga magulang, mga anak, at apo sa tuhod. Anong uri ng pamilya ito?

a)

Blended

b)

Extended

c)

Joint

d)

Nuclear

3.

Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng iyong mga magulang?

a)

Gawin ang mga bagay na gusto mong gawin para sa sarili.

b)

Ipakita sa ibang tao ang ginagawang pagsunod upang ito ay mapansin.

c)

Isabuhay at laging alalahanin ang mga turo at aral na itinuro ng mga magulang.

d)

Sikaping maging angat sa lahat ng bagay upang mapatunayan na ikaw ay isang mabuting anak.

4.

Paano mo ipapakita ang paggalang at pagrespeto sa mga miyembro ng iyong pamilya at iba pang mga tao?

a)

Isaalang-alang ang mga damdamin, kagustuhan, karapatan, o tradisyon ng iba.

b)

Italaga ang iyong sarili sa pagtupad ng mga pangako at layunin sa iyong mga magulang.

c)

Magbahagi at magmalasakit sa pangangailangan ng iba, nang hindi umaasa ng anumang kapalit.

d)

Magkaroon ng kamalayan na ang iyong mga aksiyon ay may kahihinatnan na mabuti at masama, at iyon ang dahilan kung bakit dapat ingatan at maging responsable sa iyong mga aksiyon.

5.

Bakit itinuturing ang pamilya bilang sandigan ng pagpapahalaga?

a)

Dahil dito ipinanganak ang isang bata.

b)

Dahil dito natututo at nahuhubog ang pagkatao.

c)

Dahil nagtutulungan ang mga kasapi ng pamilya.

d)

Dahil gampanin ng magulang na turuan ang kanilang anak.

6.

Ano ang maaari mong gawin upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutunan sa pamilya?

a)

Isaliksik ang mga ito kung nasa paaralan lalo kung may guro.

b)

Natural na ipakita ang mga pagpapahalaga sa bawat sitwasyon.

7.

Alin sa sumusunod ang naglalahad ng pagiging mapagbigay o pagkabukas-palad sa pagsasabuhay sa mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya?

a)

Ang pagiging magalang sa salita at kilos.

b)

Ang pagsasabi ng “mahal kita” sa pamilya at sa iba.

c)

Ang paghingi ng paumanhin at paghingi ng tawad kapag may nagawang pagkakamali.

d)

Ang pagbabahagi sa mga pangangailangan ng mga kasapi ng pamilya materyal man o hindi.

8.

Sino ang haligi ng tahanan at lider ng pamilya?

a)

Ama

b)

Ina

c)

Lola

d)

Lolo

9.

Ano ang pinakamahalagang yunit sa ating lipunan at unang paaralan kung saan tayo natututo ng mga aral at halaga na magbubukas ng landas sa ating kinabukasan?

a)

Paaralan

b)

Pamahalaan

c)

Pamilya

d)

Simbahan

10.

Paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng balanse at malusog na relasyon sa tahanan?

a)

Paggamit ng tamang oras para sa sarili.

b)

Pagdarasal sa lahat ng oras kasama ang pamilya.

c)

Pagsasagawa ng mga tungkulin at maging responsableng kasapi ng pamilya.

d)

Paggawa ng sariling desisyon para magawa ang nais gawin at hindi makaabala sa iba.

11.

Paano mo maisagawa nang maayos ang mga nakaatang na responsibilidad sa iyo bilang isang anak?

a)

Alamin ang mga gawain na dapat gawin sa loob ng bahay.

b)

Makinig sa mga utos ng mga magulang at huwag itong kakalimutan.

c)

Gumawa ng plano at magtakda ng oras at panahon upang maisagawa ang mga gawain.

d)

Laging umasa sa paalala ng mga magulang upang laging matandaan ang mga dapat gawin.

12.

Ano ang tungkulin ng isang ama ayon sa tradisyonal na istruktura ng pamilyang Pilipino?

a)

Nagbabadyet

b)

Nag-aalaga sa mga anak

c)

Gumagawa ng gawaing bahay

d)

Nagtatrabaho at nagbibigay ng pinansyal na pangangailangan

13.

Ito ay nagsasaad ng tungkulin ng isang ina ayon sa tradisyonal na istruktura ng pamilyang Pilipino.

a)

Gumagawa ng mga mabibigat na gawain.

b)

Nag-aalaga sa mga anak at nagbabadyet.

c)

Nagpapasya sa lahat ng desisyon sa pamilya.

d)

Nagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

14.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagsasakilos at pagtupad sa mga tungkulin sa pamilyang kinabibilangan?

a)

Si Jeffrey ay nakikinig sa mga utos ng kanyang magulang.

b)

Nalaman ni Nikko ang mga gawain na dapat niyang gawin sa loob ng kanilang bahay.

c)

Gumawa ng plano at nagtakda si Levy ng oras at panahon para gawin ang mga tungkulin.

d)

Naghihintay si Wilmark sa paalala ng kanyang magulang bago gawin ang gawain na ibinigay sa kanya.

15.

Isang lipunan o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan, o mga katulad na layunin.

a)

Institusyon

b)

Pamahalaan

c)

Pamilya

d)

Pundasyon

16.

Ito ay tumutukoy sa isang matibay na bagay na umaalalay para hindi mawasak ang kabuuan ng isang bagay, gusali, bahay, at iba pa.

a)

Institusyon

b)

Pamahalaan

c)

Pamilya

d)

Pundasyon

17.

Paano mo maisasagawa sa inyong pamilya ang "mga salita ng pagpapatibay" o words of affirmation?

a)

Pagpapasalamat sa Diyos araw-araw.

b)

Pagpupuri sa sarili sa mga nagawang tagumpay.

c)

Pagbigkas ng mga salita tulad ng "I love you" sa mga kasapi ng pamilya.

d)

Paglalaan ng oras at atensiyon sa mga miyembro ng pamilya upang makasama sila.

18.

Paano maipapakita ang mga gawa ng paglilingkod o acts of service sa loob ng inyong pamilya?

a)

Pagbibigay at pagtanggap ng regalo.

b)

Pagbibigay ng masahe kay nanay at tatay pagkatapos ng kanilang trabaho.

c)

Ibababa ang cell phone, makipag-eye contact, at aktibong makinig sa kanila kapag nakikipag-usap.

d)

Pagtulong sa gawaing bahay ng mga anak o pagtulong ng mga magulang sa paghahanap ng mga materyales na kakailanganin ng anak sa eskuwela.

19.

Ito ang pangunahing hamon at banta sa Pamilyang Pilipino.

a)

Bisyo

b)

Kahirapan

c)

Karahasan

d)

Mass Media

20.

Ito ay isang halimbawa na nagpapakita ng isang modernong pamilya.

a)

Blended Family

b)

Extended Family

c)

Nuclear Family

d)

Single-Parent Family

21.

Alin sa mga pahayag ang kabilang sa partikular na halimbawa kung paano makakaapekto ang relasyon sa pamilya sa lipunan?

4 lines
22.

Ano ang tamang kahulugan ng panalangin?

a)

Ang panalangin ay ginagawa upang maging mabuting tao.

b)

Ang panalangin ay para lamang sa mga taong may Diyos sa buhay.

c)

Ang panalangin ay isang paraan upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos.

d)

Ang pananalangin ay ginagawa upang magkaroon ng solusyon sa mga kinakaharap na problema.

23.

Ano ang tumutulong sa isang pamilya upang lalong mapalapit sa presensiya ng Diyos?

a)

Sama-samang kumain.

b)

Sama-samang manalangin.

c)

Sama-samang gumawa ng gawaing bahay.

d)

Sama-samang mamasyal sa mga magagandang lugar.

24.

Paano mo isasabuhay ang pagiging madasalin kasama ang iyong pamilya?

a)

Isama ang pamilya sa iyong personal na panalangin at ipagdasal sila.

b)

Maglaan ng oras kasama ang pamilya para sa sama-samang panalangin.

c)

Sabihan ang mga magulang na sila ay manalangin araw-araw para sa inyong pamilya.

d)

Ipakita sa iyong pamilya na ikaw ay tapat na nananalangin upang matuto sila at sila rin ay manalangin.

25.

May mga pagkakataon na hindi ka sumasama sa pampamilyang pananalangin dahil mas naaalik ka na maglaro ng Mobile Legends sa iyong cellphone. Ano ang maaaring gawin mo upang makiisa sa pananalangin?

a)

Tapusin muna ang iyong paglalaro para maayos na makasama sa pananalangin.

b)

Sasamahan ang pamilya sa panalangin habang naglalaro ng Mobile Legends sa cellphone.

c)

Unahing ang pampamilyang panalangin at ititigil ang paglalaro para makiisa sa pananalangin.

d)

Magtatakda ng ibang oras para sa sariling pananalangin at isasama ang pamilya sa personal na panalangin.

26.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng pamilya sa anumang sitwasyon?

a)

Si Rizalyn na nananalangin ng personal na panalangin sa loob ng kanyang kuwarto.

b)

Si Bernadette na nananalangin sa oras na kanyang itinakda upang hindi siya maabala.

c)

Si Wilmark na nananalangin na kasama ang magulang noong panahon na dumating ang malakas na bagyo.

d)

Si Allen na kasama ang kanyang mga kaibigan ay nananalangin ng sabay-sabay bago kumain ng kanilang hapunan.

27.

Ito ay isang paraan upang mapanatili ang sama-samang pananalangin ng pamilya.

a)

Pagkanya-kanya

b)

Kakulangan sa oras

c)

Magandang relasyon

d)

Midya at teknolohiya

28.

Maagang umuuwi mula sa paaralan ang magkapatid na Matt at MJ, gayundin ang kanilang mga magulang dahil ika-7 ng gabi ang itinakdang oras ng kanilang pananalangin bilang isang pamilya. Ito ba ay naghahayag ng TAMANG kahalagahan ng sama-samang pananalangin ng pamilya?

a)

Opo, dahil ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos bilang isang pamilya.

b)

Opo, dahil sila ay magkakaroon pa ng sapat na oras para sa iba pang gawin pagkatapos manalangin.

c)

Hindi po, dahil lahat ng tao ay may kani-kaniyang oras at gawain sa buhay kaya dapat gawin na lang ito sa ibang oras.

d)

Hindi po, dahil napipilitan lamang silang manalangin sa oras na iyon at hindi nagiging taos sa puso ang kanilang pagdarasal kasama ang pamilya.

29.

Ano ito na nangangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman?

a)

Kahusayan

b)

Kakayahan

c)

Koneksyon

d)

Konsensiya

30.

Ano ang personal na pamantayang moral ng tao?

a)

Konsensiya

b)

Likas na Batas Moral

c)

Obligasyong Moral

d)

Panghatol ng Moral

31.

Nakita mo na sobra ang sukli na ibinigay sa iyo ng tindera sa inyong canteen sa eskwelahan noong bumili ka ng iyong makakain. Ano ang iyong gagawin at ang magiging pasya mo?

a)

Sasabihin ko na sobra ang sukli na ibinigay sa akin at ibabalik ko ito.

b)

Sasabihin ko na nagkamali ang tindera at pagsasabihan na huwag ulitin ito.

c)

Hindi ko na sasabihin ito dahil ito ay isang maliit na halaga lamang ng pera at hindi na kailangan pang isauli.

d)

Hindi ko na sasabihin dahil hindi ko ito pagkakamali at ito ay pagkakamali ng tindera na nagbigay ng sobrang sukli sa akin.

32.

Paano mo maliliinang ang iyong sarili na itaguyod sa lahat ng pagkakataon ang Likas na Batas Moral?

a)

Gawin ang nais gawin ayon sa sariling kagustuhan.

b)

Gawin ang sinasabi ng iba na mabuting gawin sa iyong buhay.

c)

Gawin ang pagsusuri at pagninilay sa isang pasya o kilos na isasagawa.

d)

Gawin ang lahat ng nais gawin sapagkat binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na pumili.

33.

Anong uri ng kamangmangan ang nangyayari kapag ang isang tao ay maaaring maghanap ng impormasyon ngunit hindi niya ginagawa?

a)

Kamangmangang Madaraig

b)

Kamangmangang Di Madaraig

c)

Konsensiyang Mali

d)

Konsensiyang Tama

34.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan ng paghubog ng tamang Konsensiya?

a)

Pagbasa ng Banal na kasulatan

b)

Pagsasanay ng mga Birtud

c)

Pakikipagkaibigan sa mga mapanghimagsik na tao.

d)

Regular na panalangin kasama ang pamilya.

35.

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.

b)

Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali.

c)

Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

d)

Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

36.

Ito ay isang dakilang gawa ng katapangan at pagmamahal sa bayan.

a)

Kabayanihan

b)

Kagalangan

c)

Kasipagan

d)

Katapatan

37.

Ito ay ginugunita tuwing Hunyo 12 ng bawat taon at ipinagdiriwang ng mga Pilipino mula sa Espanya.

a)

Araw ng Kagitingan

b)

Araw ng Kalayaan

c)

Araw ng mga Bayani

d)

Araw ng Paggawa

38.

Paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan?

a)

Pagsabi ng po at opo sa mga magulang.

b)

Pagtapon ng basura sa tamang lalagyan o basurahan.

c)

Pagtayo ng tuwid at paglagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib habang umaawit ng pambansang awit.

d)

Pananalangin araw-araw sa Diyos at pagsisimba tuwing araw ng Linggo kasama ang buong pamilya at ang mga kaibigan.

39.

Bilang anak at estudyante, paano mo magagampanan ang pagiging isang mabuting Pilipino?

a)

Sundin ang mga alituntunin sa loob ng pamilya at eskwelahan.

b)

Gawin ang nais na gawin para sa magandang kinabukasan ng buhay.

c)

Gumawa ng sariling plano sa buhay upang mapaganda ito at maging matagumpay.

d)

Sundin ang nais ng puso at huwag pakinggan ang sasabihin ng iba dahil ito ang tunay na pagiging isang mabuting Pilipino.

40.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng isang pamilya na tumutulong at may mabuting ambag sa lipunan?

a)

Ang pamilya na namimigay ng libreng almusal sa mga taong nasa lansangan.

b)

Ang pamilya na nag-iipon at nagtitipid para sa kanilang pangangailangan at kinabukasan.

c)

Ang pamilya na nagnanais na makatanggap ng mga ayuda mula sa gobyerno o pamahalaan.

d)

Ang pamilya na sama-samang nanalangin araw-araw upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa kanilang buhay.

41.

Ang pambansang pagdiriwang ng may implikasyon sa nasyonalismo ay ang ________.

a)

A. Araw ng Pasko

b)

B. Araw ng Pagmamahal

c)

C. Araw ng mga Bayani

d)

D. Araw ng Bagong Taon

42.

Ito ay nagpapakita ng pagiging makabayan sa isang pamilya.

a)

Pagtangkilik ng pamilya sa mga produktong gawa ng mga dayuhan.

b)

Pagtangkilik ng pamilya sa mga produktong gawa ng mga Pilipino.

c)

Paglimot sa mga ginawang kabayanihan at serbisyo ng kapwa Pilipino.

d)

Pagtuturo at pagsasabuhay ng pagiging nasyonalismo sa mga anak.

43.

Ito ay isang ideyang nagsasabi na ang mga kasalukuyang henerasyon ay may ilang mga tungkulin sa mga susunod na henerasyon.

a)

Family Planning

b)

Intergenerational Justice

c)

Intergenerational Responsibility

d)

Sustainable Development Goals

44.

Isang konsepto na nagsasabing pananagutan ng kasalukuyang henerasyon na isaalang-alang ang mga pangangailangan at kabutihan ng mga susunod na henerasyon sa paggawa ng batas, pangangalaga sa kalikasan, at sa pag-unlad ng ekonomiya.

a)

Family Planning

b)

Intergenerational Justice

c)

Intergenerational Responsibility

d)

Sustainable Development Goals

45.

Ang programang naglalayong magbigay ng mga opsiyon at serbisyo sa mga indibiduwal at pamilya upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maiplano nang maayos ang kanilang pagbuo ng pamilya.

a)

Family Planning

b)

Intergenerational Justice

c)

Intergenerational Responsibility

d)

Sustainable Development Goals

46.

Bilang isang mabuting mag-aaral, papaano mo maipapakita sa iyong pamilya ang pagkakaroon ng malasakit sa kapaligiran?

a)

Pagbutihin ang pag-aaral at maging mabuting tao.

b)

Maging matulungin at magpakita ng respeto sa mga nakakatanda.

c)

Magkaroon ng sariling kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa kapaligiran.

d)

Magbahagi ng mga hakbang sa pagbibigay solusyon sa mga krisis na dulot ng pagkasira ng kalikasan.

47.

Paano maaaring maging mas mabuting tagapangalaga ng kalikasan ang iyong pamilya?

a)

Magrecycle ng mga basura mula sa bahay.

b)

Magkaisa sa paggawa ng mga gawaing bahay.

c)

Magbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan.

d)

Magpunta at mamasyal sa mga magagandang tanawin at kapaligiran.

48.

Alin sa sumusunod ang may pagpapahayag tungkol sa pagbabago ng Klima?

a)

Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay isa lamang normal na pangyayari.

b)

Ang pagtitipid sa enerhiya ay isang paraan ng pagtugon sa pagbabago ng klima.

c)

Ang paggamit ng mga air conditioners ay nakakatulong sa pagbabawas ng pag-init ng mundo.

d)

Ang plastik na itinatapon sa karagatan ay hindi nakakasama sa mga isda at iba pang yamang dagat.

49.

Ano ang epekto ng pagbabago ng klima o climate change?

a)

Paglago ng likas-yaman

b)

Pagdami ng bio-diversity

c)

Pagbaba ng antas ng dagat

d)

Pagbabago ng klima at panahon

50.

Nalaman ni Angelo at ng kanyang pamilya ang tungkol sa panganib na epekto ng climate change o pagbabago ng klima. Piliin ang dapat na maging aksyon ng kanyang pamilya upang mabigyang solusyon ang climate change?

a)

Ipagwalang bahala ang mga nalaman sapagkat wala naman itong epekto sa kanilang pamilya.

b)

Maghanda sa mga paparating na panganib dulot ng pagbabago ng klima upang maging ligtas sa lahat ng oras.

c)

Simulan ang pagbuo ng pampamilya na pahayag ng misyon na may kinalaman sa pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at kahalagahan sa pag-aalaga ng kapaligiran.

d)

Ipagkatiwala ang lahat sa pamahalaan dahil sila ang may sapat na kaalaman tungkol sa pagbabago ng klima at sila ang nakakaalam sa mga hakbangin na dapat gawin.