WorksheetsFilipino
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sa batas na ito noong 1901, ang sinumang lumaban sa bansang Amerika at mag-adbokasiya ng kalayaan ay papatawan ng kamatayan o mahabang pagkabilanggo
Brigandage Act
Sedition Law
Reconcentration Act
Flag Law
Noong 1903, ang batas na ito ang nagbigay-kapangyarihan sa gobyernong kolonyal upang ilipat ng lugar at bantayan ang mga mamamayang sumusuporta sa mga gerilyang Pilipino
Brigandage Act
Sedition Law
Reconcentration Act
Flag Law
Siya ang unang naging gobernador sibil ng Amerika sa Pilipinas
William Mc Kinley
Diego de los Rios
William H. Taft
Wesley Merritt
Ano ang pangunahing layunin ng mga panitikan sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos
Magturo ng wikang Kastila
Magbigay-aliw lamang sa mga mambabasa
Magkwento ng mga alamat at kwentong-bayan
Ituro ang pagpapahalaga sa kalayaan at nasyonalismo
Paano naiiba ang anyo ng panitikan sa panahon ng Amerikano kumpara sa panahon ng Kastila?
Mas nakasentro ito sa relihiyon
Mas maraming epiko ang naisulat
Mas naging pormal ang paggamit ng wikang Kastila
Naging malaya sa pagpapahayag ng damdamin at opinion
Mula sa akdang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio V. Tolentino, ito ang sinasagisang ni Inang-bayan.
Pilipinas
Tsina
Amerika
Espanya
Siya ang pinuno ng himagsikan sa dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio V. Tolentino
Matanglawin
Inang-bayan
Dilat-na-Bulag
Taga-ilog
Paano nakatulog ang paggamit ng foreshadowing sa mga dulang makabayan noong panahon ng Amerikano?
Nagbigay ito ng pahiwatig sa maaring mangyari sa hinaharap
Nagbigay ito ng aliw sa mga manonood
Nagpapakita ito ng kuwentong-bayan
Nagtuturo ito ng mga aral sa relihiyon
Kapag pinag-uusapan ang banghay ng isang akda, ano ang ibig sabihin ng pagbabalik-tanaw o flashback?
Pagbalik sa mga naunang pangyayari upang ipaliwanag ang kasalukuyang kaganapan
Pagbibigay ng clue sa mga susunod na pangyayari
Pagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon
Paglalapat ng mga biswal na elemento
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahiwatig ng layon?
Palitan natin ng pananalig ang panatisismo sa sinaunang paniniwala at relihiyon
Pagyamanin mo ang kultura at panitikan na siyang pagkakakilanlan ng isang maipagmamalaking lahi
Marami man ang binawian ng buhay, sumibol naman ang isang panibaging binhi ng mga manunulat na makabayan.
Ninanais ng mga manunulat na Pilipino na mapag-aralan ang wikang Ingles upang subukin ang sarili sa wikang internasyonal
Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng mensahe?
Binago ang sistemang pulitikal ng Pilipinas sa hangarin na ipakilala ang pamahalaang demokrasya
Ninanais ng mga manunulat na Pilipino na mapag-aralan ang wikang Ingles upang subukin ang sarili sa wikang internasyonal
Magsaliksik ka at magbasa-basa ka ng mga iba pang sanaysay na nasulat sa panahong tayo ay sakop ng mga Amerikano
Layon ng mga manunulat sa Panahon ng Pananakop ng Estados Unidos na magsulat upang magkaroon ng ganap na paglaya sa mga dayuhan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pahiwatig?
Magsaliksik ka at magbasa-basa ka ng mga iba pang sanaysay na nasulat sa panahong tayo ay sakop ng mga Amerikano
Napasailalim man sa kamay na bakal, naniwala pa rin ang mga Pilipino na sa bawat takip-silim ay may darating na tagumpay
Ipinakalat ng mga dayuhang puti ang pagpapakilala sa edukasyon upang mas madaling maituro ang kanilang pansariling kultura at wika
Halos pagbagsakan ng langit at lupa ang mga lumaban sa mga Amerikano, subalit nanatiling hindi namamatay ang apoy ng paghahangad sa kasarinlan
Kung ikaw ay isang mag-aaral sa kasalukuyan, paano mo maisasabuhay ang mensaheng nais iparating ni Jorge Bacobo sa kanyang sanaysay na “Maling Edukasyon sa Kolehiyo” ?
Sa pamamagitan ng pag-aaral hindi lamang para pumasa kundi para matutuhan ang mga makabuluhang aral sa buhay
Sa pamamagitan ng pagkabisa ng leksyon nang walang pag-unawa
Sa pamamagitan ng pagsunod lamang sa lahat ng utos ng guro
Sa pamamagitan ng pagkuha ng madadaling kurso
Anong personal na hakbang ang maaari mong gawin upang maiwasan ang tinatawag ni Bacobo na “maling edukasyon” sa “Maling Edukasyon sa Kolehiyo” ?
Maging bulag na tagasunod sa mga leksyon kahit walang pag-unawa
Magbasa at magtanong upang mas mapalalim ang sariling pag-unawa
Umasa lamang sa rebyuwer at kopya ng mga kaklase
Umiwas sa mga talakayan sa klase
Kung ikaw ay maghahain ng isang mungkahi sa paaralan upang maiwasan ang maling edukasyon, alin ang mas angkop?
Magdagdag ng mga asignaturang nagpapalawak ng pag-unawa sa lipunan at moralidad
Magbawas ng diskusyon at gawing self-study lahat ng leksyon
Magpokus lamang sa pagtuturo ng multiple choice questions
Magtuon sa pagkakabisa ng mahahabang termino
Batay sa sanaysay pano mo mailalapat ang kritisismo ni Bacobo sa kasalukuyang sistema ng edukasyon
Sa paghimok sa mga estudyante na maging kritikal at makabuluhan ang kanilang pag-aaral
Sa paglimita ng mga co-curricular activities
Sa pagpili ng mga kursong madaling ipasa
Sa pag-iwas sa mga diskusyon sa klase
Sino ang may akda ng “Ang Tunay na Sampung Utos” ?
Andres Bonifacio
Jose Rizal
Apolinario Mabini
Emilio Aguinaldo
Ano ang konstekto ng panlipunan ng “Ang Tunay na Sampung Utos” ni Mabini?
Panahon ng Kastila
Panahon ng Rebolusyon laban sa Espanya
Panahon ng Himagsikan laban sa Amerikano
Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Bakit itinuturing na mahalagang akdang pampanitikan ang “Ang Tunay na Sampung Utos” ni Apolinario Mabini sa konstekto ng panahon ng rebolusyon
Dahil ito ay nagbigay ng malinaw na panawagan sa mga Pilipino na pairalin ang nasyonalismo at disiplina
Dahil ito ay nagtuturo lamang ng simpleng aral sa buhay
Dahil ito ay nagbibigay ng mga batas ng Espanya
Dahil ito ay isang uri ng tula tungkol sa kalikasan
Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng kultural na elemento na matatagpuan sa sanaysay o talumpati?
Tauhan
Flashback
Banghay
Simbolo ng Nasyonalismo
Kung ikaw ay mamimili ng pinakamahalagang aral mula sa sanaysay o talumpating may temang makabayan, ano ang nararapat na isaalang-alang?
Ang haba ng teksto
Ang kasikatan ng may-akda
Ang personal na paborito ng may-akda
Ang konteksto ng panahon kung kailan isinulat ang akda at ang layunin nito
Ano ang pangunahing layunin ng talumpati ni Manuel L. Quezon tungkol sa wikang pambansa?
Maghikayat ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling wika
Magpahayag ng kasaysayan ng Pilipinas
Magpasalamat sa mga dayuhang bansa
Magbigay ng ulat hinggil sa ekonomiya
Ano ang kahalagahan ng diksyon o pagpili ng salita sa isang tekstong persweysib?
Upang magdagdag ng mahihirap na salita
Upang maging mas malikhain ang anyo ng teksto
Upang makabuo ng mas mahahabang pangungusap
Upang mas maging malinaw at epektibo ang mensaheng nais iparating sa mambabasa
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga editoryal mula sa mga repormista tulad ng Diaryong Tagalog?
Upang maunawaan ang mga hinaing at pananawagan para sa reporma sa panahong kolonyalismo
Upang malaman ang kasaysayan ng mga dayuhan sa Pilipinas
Upang matutunan ang tamang gramatika sa Ingles
Upang matutong magsulat ng tula
Ano ang pinakamahalagang ideya na nais iparating sa editoryal tungkol sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyan?
Manghikayat ng pagbabago sa pananaw at kilos ng mga tao
Magbigay ng libangan sa mambabasa
Magkwento ng kasaysayan
Magturo ng matematika
Ano ang naging epekto ng mga pahayagan at babasahin sa paglaganap ng panitikan sa panahon ng Amerikano?
Naging mas limitado ang kaalaman ng mga tao
Nagbigay lamang ng mga patalastas sa negosyo
Naging dahilan ng pagkalimot sa kulturang Pilipino
Nakatulong sa pagkalat ng mga bagong kaisipan at ideolohiya
Ano ang pangunahing layunin ng persweysib o nanghihikayat?
Magbigay ng aliw
Magturo ng kasaysayan
Magkwento ng karanasan
Manghikayat o kumbinsihin ang mambabasa
Sa pagbasa ng isang tekstong persweysib, paano mo malalaman ang paksa ng teksto?
Sa pagtingin sa pamagat at pag-unawa sa pangunahing ideya
Sa paghahanap ng mahahabang talata
Sa pagbilang ng bilang ng pahina
Sa pagbabasa ng footnotes
Sa isang tekstong persweysib mula sa panahon ng Amerikano, paano makikilala ang layunin ng may-akda?
Sa pamamagitan ng mga larawan
Sa pagkakaroon ng maraming tauhan
Sa paggamit ng matatalinghagang salita
Sa pagtukoy kung ano ang nais nitong ipagawa o paniwalaan ng mambabasa
Ano ang pamagat ng tula ni Amado V. Hernandez na binubuo ng 5,000 taludtod?
Bayang Malaya
Kampilan
Isang Dapit Langit
Mga Ibong Mandaragit
Sa paggawa ng script para sa isang video rebyu ng sanaysay, alin ang pinakamahalang aspeto na dapat suriin bago ito gawing animasyon?
Ang kaugnayan ng bawat dayalogo sa pangunahing tema at mensahe ng sanaysay
Ang dami ng mga teknikal na salita
Ang haba ng salita sa bawat linya
Ang dami ng special effects
Sa paggawa ng isang video animasyon na persweysib, bakit mahalaga ang wastong paglalapat ng mga imahe at teksto?
Upang hindi maging boring ang video
Upang maging mabilis matapos ang paggawa
Upang mas maraming transitions ang magamit
Upang malinaw na maipakita ang layunin at mensahe ng video
Sa pagsusuri ng isang video animation na may layuning manghikayat, ano ang dapat mong tignan upang matukoy kung naging epektibo ito?
Kung malinaw na nailahad ang paksa, layunin, at mensahe gamit ang mga biswal na elemento
Kung maraming text na isiniksik na bawat frame
Kung maraming special effects ang ginamit
Kung mahaba ang tagal ng video
Anong teksto ang nagsasalin ng ideya o impormasyon gamit ang mga larawan, grapiko, disenyo at iba pang elemento ng sining sa pagpapahayag ng mensahe?
Tekstong Persweysib
Tekstong Biswal
Tekstong Multimodal
Tekstong Awditori
Anong teksto ang may layuning makuha ang pagsang-ayon, pagsunod, pagpanig, o mapapaniwala ang isang tao o pangkat?
Tekstong Persweysib
Tekstong Biswal
Tekstong Multimodal
Tekstong Awditori
Ano ang balangkas ng larawan o dibuho, karaniwang ginagawa upang makatulong sa pagbuo ng sinimulang gawa?
grap
kolumna
dokumentasyon
krokis
Sa pagsusuri ng isang tekstong biswal mula sa panahong iyon (hal. mga poster o larawan ng propaganda), ano ang dapat isaalang-alang upang maunawaan ang mensahe nito?
Kulay, simbolo, at teksto sa larawan
Personal na opinyon ng manonood
Kasaysayan ng may-akda
Haba ng teksto
Sa pagsusuri ng mga tekstong biswal (hal. poster o political cartoon), alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang?
Gamit ng kulay, simbolo, at mga imaheng ginamit
Uri ng papel na ginamit
Haba ng teksto
Dami ng salita
Sa isang rebyu ng aklat, paano makatutulong ang paggamit ng mga tekstong biswal tulad ng book cover image o graphics?
Upang mahikayat ang mga mambabasa na basahin ang rebyu
Upang mapuno ng espasyo sa pahina
Upang palitan ang kabuoang teksto
Upang itago ang nilalaman ng aklat
Ito ay isang video editor application mula sa Bytedance Pte. Ltd. na kung saan maaring maputol o mapaikli, ma-split, o di kaya ay ma-merge ang videos at malagyan ng iba’t ibang effects ang isang animasyon
CapCut
PowerPoint
InShot
Kinemaster
Isa itong popular na software na binuk ng Microsoft (MS). Isang programang may iba’t ibang features at tools na ginagamit upang mapagsama-sama ang mga salita, larawan, tunog, bidyo at animasyon, at iba pa upang maipahayag ang impormasyon ukol sa isang paksa sa epektibong pamamaraan
CapCut
PowerPoint
InShot
Kinemaster
Habang pinapagawa ang animasyon para sa rebyu ng isang aklat, napansin mong walang sapat na visual cues (hal. images, symbols). Ano ang pinakaangkop na hakbang?
Palitan ang buong script ng isang photo slideshow
Dagdagan ng random na clip art para maging makulay
Huwag nang baguhin ang script at hayaan itong maging text-based lang
Magdagdag ng mga larawan at simbolong may kaugnayan sa pangunahing tema ng aklat
Kapag gumagawa ng multimodal na presentasyon, bakit mahalaga ang pagsasaalang-alang sa uri ng audience
Upang mapili ang tamang tono, nilalaman, at paraan ng presentayson
Upang makapagpakita ng maraming animations kahit hindi kailangan
Upang mas maging magastos ang produksyon
Upang mas mapahaba ang video
Sa paglapat ng mga elemento ng tekstong biswal sa pagbuo ng video animation, paano makatutulong ang transition ng mga frame sa pag-unawa ng manonood?
Upang linawin ang paglipat ng mga ideya at temang inihahatid sa bawat bahagi ng Video.
Upang gawing mas mabilis ang pagbabago ng eksena
Upang mas marami lang visual effects
Upang pahabain ang tagal ng video
Sa pagsasaayos ng audio sa video animation, paano masusuri kung ang musika at sound-effects ay akma?
Kapag ang audio ay paulit-ulit sa bawat eksena
Kapag ito ay sunod-sunod na malakas ang tunog
Kapag ang musika ay mabilis kahit malungkot ang tema
Kapag ang musika ay sumusuporta sa mood at layunin ng video
Sa pagsusuri ng isang storyboard para sa video animation, alin sa sumusunod ang pinakamahalagang dapat isaalang-alang
Ang paglalapat ng mga dayalogo, caption, at transition sa tamang frame
Ang kulay ng background sa bawat eksena
Ang haba ng mga musika sa video
Ang dami ng special effects
Sa pagsusuri ng layout ng isang tekstong biswal o video animasyon, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epektibong paglalapat ng disenyo?
Kapag maayos ang pagkakaayos ng mga larawan, teksto, at espasyo upang madaling maunawaan ang mensahe
Kapag siksik ang mga larawan at teksto sa isang frame na halos walang pagitan
Kapag inuuna ang disenyo kaysa sa malinaw na mensahe
Kapag ang mga teksto ay nakakalat at walang alignment
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang kasanayang komunikatibo sa pag-uulat ng rebyu ng aklat?
Malinaw ang pagsasalita, maayos ng daloy ng ideya, at naipakita ang pangunahing mensahe ng aklat
Walang eye contact at hindi naaayos ang pagkasunod-sunod ng ideya
Gumamit ng slang at pabirong salita sa buong presentasyon
Mahina at monotonous ang boses ng tagapag-ulat
Sa pagsusuri ng kombinasyon ng audio at biswal na elemento sa isang video rebyu, alin ang nagpapakita ng tamang ugnayan ng mga ito?
Kapag puro background music lang ang naririnig
Kapag hindi tugma ang audio at visuals pero maganda ang tunog
Kapag walang koneksyon sa pagitan ng larawan at sinasabi sa audio
Kapag sabay na nagpapahayag ang audio at visuals ng parehong pangunahing mensahe
Ano ang ibig sabihin ng etikal na pagbabahagi ng rebyu ng isang aklat?
Paggamit ng ibang rebyu na walang pahintulot
Pagbibigay ng tamang impormasyon, pagbanggit sa may-akda, at pag-iwas sa plagiarism
Pagbabahagi ng rebyu nang walang pagsaalang-alang kung tama o mali ang impormasyon
Pagdagdag ng maling impormasyon upang mas maging kawili-wili ang presentasyon
