WorksheetsSecond Quarter Examination in Social Studies 4
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Have you heard about a place in the Philippines called the 'Salad Bowl of the Philippines' because of the different kinds of vegetables found there? It is also your mother's favorite place to buy ingredients for her special salad. Where in the Philippines can this place be found?
Benguet
Cavite
Nueva Ecija
Tarlac
Mrs. Maria lives in a town near the seashore. Whenever she goes to the market, she notices that fresh fish and different fruits are always available there. Based on Mrs. Maria's story, what is the main source of livelihood in their town?
oil and petroleum
gold and minerals
fish and marine resources
electricity from solar power
In the province of Benguet, crops like cabbage, potatoes, and strawberries are important for the livelihood of the people. Why are these crops considered important sources of livelihood in their area?
They generate electricity for households.
They provide food and livelihood for farmers.
They are used to make jewelry and tools.
They are the main source of materials for buildings.
Mr. Jose is a fisherman in their town. One day, he noticed that the river where they get their livelihood is getting polluted because of waste dumped by some factories. As a responsible citizen, he wants to know which law covers the protection of water resources against pollution. Which of the following laws should he study?
Renewable Energy Act of 2008
Philippine Fisheries Code of 1998
Philippine Clean Water Act of 2004
Wildlife Resources Conservation and Protection Act
Ang pamilya Reyes ay maingat na pinaghihiwalay ang mga basurang nabubulok, hindi nabubulok at ang maaari pang i-recycle. Anong batas ang sinunod ng pamilya na tumutukoy sa tamang pamamahala ng basura?
Tapat Ko, Linis Ko
Basura Ko, Bitbit Ko
Philippine Clean Air Act of 1999
Ecological Waste Management Act of 2000
Si Lito ay may-ari ng pagawaan ng sasakyan. Nais niyang tumulong sa pagpapatupad ng Philippine Clean Air Act of 1999 na may layuning mapabuti ang kalidad ng hangin sa bansa matapos niyang mapansin ang lumalalang polusyon sa hangin mula sa mga tambutso ng mga lumang sasakyan. Alin sa sumusunod ang pinakmabuting gawin upang makatulong sa paglutas ng suliraning ito?
Itapon ang mga lumang sasakyan sa ilog upang bawasan ang mga ito sa kalsada.
Magbigay ng discount sa mga kliyente na nagpapakabit ng malalaking tambutso.
Gumamit ng mas maraming krudo upang mas mabilis ang operasyon ng kanyang mga makina.
Siguraduhing regular na nagpa-pa-emission test at nagpapakabit ng tamang tambutso ang mga kliyenteng may lumang sasakyan.
Si Eric ay nakatira sa isang komunidad na malapit sa kabundukan at katubigan. Napansin niya na unti-unting nauubos ang mga puno sa kagubatan at dumadalang na rin ang mga nahuhuling isda sa kanilang mga ilog. Ano ang posibleng dahilan ng mga naganap na pagbabagong ito sa kanilang kapaligiran?
Ang pagkawala ng mga puno sa kagubatan ay natural na bahagi ng kalikasan at walang epekto sa kabuhayan ng mga pamilya sa komunidad.
Ang yamang lupa lamang ang dapat isaalang-alang ni Ana dahil ito ang pinakamahalagang pinagkukunan ng kabuhayan sa kanilang lugar.
Ang kakulangan ng mga nahuhuling isda ay hindi kaugnay ng paggamit ng mga yamang likas, kaya hindi ito nakakaapekto sa mga kabuhayan ng mga tao.
Ang labis na pagtotroso at labis na pangingisda ay nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan, na maaaring magresulta sa pag-unti ng mga likas na yaman na mahalaga sa pang-araw-araw na kabuhayan ng mga tao.
Inatasan ni Gng. Garcia ang kanyang mag-aaral na bumuo ng isang mungkahi batay sa kanilang aralin tungkol sa epekto ng hindi wastong paggamit ng ating likas na yaman. Alin sa sumusunod na mungkahi ang pinaka-angkop na ipresenta ng mga mag-aaral?
Magpatuloy sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman kahit na walang kamalayan sa epekto nito sa kalikasan.
Hikayatin ang mga tao na huwag na lang magtanim ng mga puno dahil wala namang epekto ang mga ito sa kalikasan.
Iwasang pag-usapan ang mga isyu sa kapaligiran dahil ito ay masyadong komplikado at walang magagawa ang mga tao.
Malaki ang kita ng bayan nina Tess dahil sa pagdayo ng mga turista dahil sa kanilang magagandang ilog, lawa at dagat. Ano ang tawag sa likas na yaman na taglay ng kanilang bayan?
Yamang Tao
Yamang Lupa
Yamang Tubig
Yamang Mineral
Ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay nag-aral ng mga produktong maaaring magawa mula sa punongkahoy. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa produktong mula sa punongkahoy?
bakal
goma
papel
troso
Tinalakay ng inyong guro ang mga pangunahing pinagkukunang-yaman ng bansa at ang mga pakinabang sa ekonomiya. Alin sa sumusunod ang pinaka-mahalagang pakinabang pang-ekonomiko?
Ang mga pinagkukunang-yaman ay dapat itapon dahil wala silang halaga sa lipunan.
Ang mga pinagkukunang-yaman ay nagdudulot ng polusyon na hindi nakakaapekto sa kalagayan ng bansa.
Ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi nagdudulot ng anumang epekto sa ekonomiya ng bansa.
Ang mga pinagkukunang-yaman ay nag-aambag sa paglikha ng mga trabaho at sa pag-unlad ng mga industriya sa bansa.
Nagbalik-aral at pagkatapos ay sinuri ni Faith ang mga biyaya ng kagubatan batay sa kanilang nakaraang aralin. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga biyayang tinukoy?
Walang mabuting dulot sa mga tao.
Sumisipsip ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.
Nagsisilbing tahanan ng maraming hayop kasama na rito ang mga tinatawag nating “endangered species” tulad ng Philippine Eagle, Tamaraw, at Tarsier.
Nakakalikha ng mga kapaki-pakinabang na mga bagay tulad ng papel, muwebles sa bahay kagaya ng upuan, lamesa, kabinet at marami pang iba.
Sa isang maliit na bayan, umaasa ang mga mamamayan sa kagubatan para sa suplay ng kahoy, sa mga ilog para sa pangingisda, at sa mga sakahan para sa mga produktong agrikultural. Alin sa sumusunod ang HINDI tamang halimbawa ng pakinabang na pang-ekonomiko mula sa mga pinagkukunang-yaman ng bayan?
Ang walang kontrol na pagputol ng mga puno ay walang epekto sa kinabukasan ng komunidad.
Ang pangingisda sa mga ilog ay nagbibigay ng pangunahing kabuhayan para sa mga residente ng bayan.
Ang kahoy mula sa kagubatan ay maaaring gawing mga produkto na nagdudulot ng kita para sa komunidad.
Sa isang lalawigan dito sa Pilipinas, ginagamit ng mga mamamayan ang kanilang taglay na likas na yaman tulad ng kagubatan, anyong tubig at mineral upang suportahan ang kanilang pangkabuhayan at mapalago ang ekonomiya ng lugar. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na pakinabang na pang-ekonomiko mula sa mga likas na yaman?
Ang mga kagubatan ay nagbibigay ng mga produktong kahoy para sa lokal at pandaigdigang merkado.
Ang mga mineral na nakukuha ay maaaring gawing hilaw na materyales para sa mga produktong iniluluwas ng bansa.
Ang anyong tubig sa lalawigan ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga mangingisda at suplay ng isda para sa komunidad.
Ang walang limitasyong paggamit ng mga likas na yaman ay nagdudulot lamang ng mas malaking kita at walang negatibong epekto.
Hiniling ni Gng. Reyes sa kanyang mga mag-aaral na ipaliwanag ang pagkakaiba ng renewable energy resources at non-renewable energy sources. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan ng kanilang pagkakaiba?
Ang renewable energy sources ay mas mahirap makuha kaysa sa non-renewable energy sources.
Ang renewable energy sources ay mabilis maubos, samantalang ang non-renewable energy sources ay hindi.
Ang non-renewable energy sources ay hindi nakakasama sa kapaligiran, samantalang ang renewable energy sources ay nagdudulot ng polusyon.
Ang renewable energy sources ay muling napapalitan ng kalikasan sa loob ng maikling panahon, samantalang ang non-renewable energy sources ay limitado at matagal bago mapalitan.
Ilan sa mga hamon na kinakaharap ng ekonomiya ng bansang Pilipinas ay ang kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin at mabagal na pagsulong ng pag-unlad. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring ituring na hamon o solusyon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa?
Pagtaas ng presyo ng bilihin na nagiging sanhi ng paghihirap ng mga mamamayan.
Hindi na kailangan ng mga reporma sa agrikultura dahil sapat na ang kasalukuyang produksyon.
Pagsuporta ng pamahalaan sa mga maliliit na negosyo upang palakasin ang lokal na ekonomiya.
Pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon upang mapataas ang kasanayan ng mga manggagawa.
Maraming residente sa isang barangay ang walang trabaho, kung kaya’t nagsagawa ang pamahalaan ng mga programa upang matulungan sila. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan upang matugunan ang problemang ito?
Hayaan ang mga mamamayan.
Paglikha ng mga bagong oportunidad sa trabaho.
Pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa.
Maraming mamamayan ang dumadaing sa taas ng presyo ng mga bilihin kung kaya't naglunsad ang pamahalaan ng mga proyekto na makatutulong sa kanila. Alin sa sumusunod ang pinakmabisang hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito?
Pagsuporta sa mga lokal na negosyo.
Pagpataw ng takdang presyo sa mga bilihin
Paglikha ng mga bagong oportunidad sa trabaho.
Pag-angkat ng murang produkto mula sa ibang bansa.
Nahaharap ang mga residente sa mga hamon tulad ng mataas na antas ng kawalan ng trabaho at pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Upang matugunan ito, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng iba't ibang proyekto at programa. Aling hakbang ang MALI bilang pagtugon sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayan?
Pagpapalawak ng access sa mga pautang para sa maliliit na negosyo.
Pagsuporta sa mga lokal na produkto sa pamamagitan ng mga pamilihan.
Pagbibigay ng subsidiya sa mga negosyo na nag-eemployo ng mga lokal na mamamayan.
Pagbawas ng mga programang pang-edukasyon na nakatutok sa mga kasanayan sa trabaho.
Maraming hamon ang kinahaharap ang inyong bayan kaugnay sa kabuhayan ng mga tao. Bilang tugon, naglunsad ang lokal na pamahalaan ng iba't ibang proyekto at programa. Alin sa sumusunod ang HINDI epektibong solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan?
Pagsuporta sa mga lokal na negosyo sa pamamagitan ng mga grant at subsidiya.
Pagpapanatili ng mataas na buwis sa mga lokal na negosyo upang makalikom ng pondo.
Pagsasagawa ng mga job fair upang ikonekta ang mga mamamayan sa mga oportunidad sa trabaho.
Pagbibigay ng mga kasanayan sa pagsasanay upang mapabuti ang kakayahan ng mga manggagawa.
Napansin ng inyong Mayor na unti-unti nang bumababa ang ani ng mga magsasaka sa inyong lugar. Ano sa sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na hakbang na dapat niyang gawin upang matulungan ang mga magsasaka na mapaataas muli ang kanilang ani?
Pautangin ng puhunan ang mga magsasaka.
Hikayating ibenta ang mga sakahan ng mga magsasaka.
Pasalihin ang mga magsasaka sa ibat ibang kooperatiba.
Pagbibigay kaalaman o impormasyon sa tamang paraan ng pagsasaka.
Ang pagtatanim ng gulay ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya ni Ana. Alin sa sumusunod ang maaaring dahilan kung bakit HINDI agad nakakarating ng maayos ang kanilang mga produkto sa pamilihan?
Kakaunti ang umaangkat ng mga produkto at nagtitinda nito.
Mataas ang interes na inilalagay sa produkto ng mga negosyante.
Malapit sa mga magsasaka ang bagsakan ng mga produkto o palengke.
Nalaman ni Roda ang iba’t ibang gawain na nakapagdudulot ng masamang epekto sa ating yamang tubig. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng negatibong epekto sa yamang tubig?
Tamang paraan sa pangingisda.
Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
Pagtatayo ng mga gusali naaayon sa itinakdang lugar.
Pagsunod sa mga Batas-Pangkalikasan na ipinatutupad sa bawat lugar.
Ang aralin ni Bb. Bello ay tumatalakay sa mga hamon na kinahaharap ng pagsasaka. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hamon na ito?
Suliranin sa irigasyon at kalamidad.
Ang pagbabago ng klima at pagsira ng kalikasan.
Mababang kita ng mga magsasaka na nagdudulot ng kahirapan.
Paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksyon.
Pinag-uusapan ng mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ang tungkol sa ginto. Ano ang tawag sa paraan ng pagkuha o paghukay nito mula sa lupa?
pagbubungkal
pagmimina
pagsisid
pagtotroso
Nakita ni Rosa ang kahalagahan ng guro, sundalo, pulis, nars, magsasaka at doktor sa kanilang komunidad. Anong uri ng yaman ang kanilang kinakatawan?
yamang lupa
yamang mineral
yamang tao
yamang tubig
Nais malaman ni Lisa ang kahulugan ng salitang yamang mineral. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan nito?
Mga yamang matatagpuan sa anyong lupa.
Ito ay yamang nanggagaling o matatagpuan sa iba’t ibang anyong tubig.
Ito ay tumutukoy sa mga likas na yaman na matatagpuan sa ilalim ng lupa, gaya ng ginto.
Ang mga magagandang tanawin katulad ng baybayin at karagatan ay tinatawag na yamang tubig.
Ang pamilya ni Lito ay nakatira sa kagubatan at kanilang napansin na unti-unting nasisira ang kalikasan at nawawala ang natural na tirahan ng mga hayop. Alin sa sumusunod na batas ang naglalayong protektahan ang mga natural na tirahan ng mga hayop?
Republic Act. No. 9729 - The Climate Change Act
Republic Act No. 3701-An Act to Discourage Destruction of Forests
Presidential Decree No. 705, s. 1975 - Forestry Reform Code of the Philippines
Republic Act No. 9147 - An Act Providing for The Conservation and Protection of Wildlife Resources and Their Habitats, Appropriating Funds Therefor and For Other Purposes
Nalaman ni Linda na ang yamang tao ay may mga hamon na kahaharapin. Alin sa sumusunod ang pangunahing hamon na nakakaapekto sa pag-unlad ng yamang tao?
edukasyon
kalusugan
kahirapan
kapaligiran
Napag-aralan ni Rosa na may epekto ang kakulangan ng suplay ng enerhiya sa Pilipinas. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa epekto nito?
Magmamahal ang singil sa enerhiya sa Pilipinas.
Pag-import ng suplay ng enerhiya mula sa ibang bansa.
Madalas na pagkawala ng suplay ng kuryente sa ibang panig ng bansa.
Nagkukulang ang mga suplay ng enerhiya dahil sa dami ng naninirahan sa isang lugar.
Nais suriin ni Leo ang mga pakinabang na naibibigay ng yamang tubig. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakinabang na hatid nito?
Ang enerhiya na mula sa tubig ay walang naidudulot na maganda sa tao.
Ang agrikultura mula sa palaisdaan ay nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao, subalit maliit lamang ang ibinibigay nitong kita.
Ang magagandang tanawin at katubigan ay nagbibigay ng kita sa mga mamamayan sa pamamagitan ng turismo.
Ang mga katubigan ang pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang populasyon sa isang lugar.
Nabatid ni Sean na maraming pakinabang na dulot ang kagubatan. Alin sa sumusunod na gawain ang HINDI nagpapakita ng pakinabang ng kagubatan para sa tao at sa ekonomiya?
Ang mga punong ipinagbabawal ay pinuputol ni Rey upang gawing uling.
Nakalikha ng mga gamot si Mang Temy gamit ang mga halaman na galing sa gubat.
Pagbebenta ng mga halaman na galing sa kagubatan ang hanapbuhay ng pamilya ni Sam.
Si Roy na nakagagawa ng mga kapaki-pakinabang na mga bagay tulad muwebles sa bahay kagaya ng upuan, lamesa, kabinet at marami pang iba.
Nalaman ng mga mag-aaral na noong 1972 ay natukoy ang ugnayan ng kalikasan at kaunlaran. Alin sa sumusunod na samahan ang nakatukoy dito?
United Nations
United Nations Conference on Human Environment
Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD)
World Commission on Environmental and Development (WCED)
Sa inyong aralin, tinalakay ang mga taong nagbibigay ng serbisyo at naglilingkod sa komunidad. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga taong nagbibigay ng ganitong uri ng serbisyo?
guro
magsasaka
pulis
Doktor
Nabatid ni Ramon na may mga taong tumutugon sa ating mga pangangailangan. Sino-sino sa ating komunidad ang nagbibigay sa atin ng mga produkto?
doktor, nars, pulis at sundalo
drayber, guro, tubero, at sundalo
inhinyero, magsasaka, modista at panadero
kaminero, basurero, kapitan at barangay tanod
Ang aralin ng mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay tumatalakay sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga taong nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa komunidad. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila?
Sumunod sa mga guro upang tumaas ang iyong marka.
Igalang at irespeto ang mga nagpapatupad ng batas tulad ng pulis.
Isumbong ang guro na pinagsasabihan ang batang nakasakit ng kapwa.
Hayaan ang kaminero ang magwalis ng iyong harapan dahil ito ay kanilang trabaho.
Nagbalak ang kapitan ng inyong barangay na magsagawa ng proyekto upang maprotektahan ang kalikasan. Alin sa sumusunod na hakbang ang pinakamaimainam na gawin?
Magpamahagi ng mga babasahin tungkol sa pangangalaga ng yamang tubig.
Magdaos ng isang pagpupulong na ang talakayan ay tungkol sa yamang tao.
Mag-organisa ng isang "Clean-Up Drive" na lalahukan ng mga mag-aaral lamang.
Maglunsad ng mga ordinansa at alituntunin na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.
Ikaw ay nag-aaral tungkol sa likas-kayang pag-unlad. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang pinakamaimainam na hakbang na maaari mong gawin upang makatulong sa pagsusulong ng sustainable development o likas-kayang pag-unlad?
Sunugin ang mga basura sa inyong bakuran.
Pagtatapon ng mga patay na hayop sa ilog at lawa.
Mangisda kung panahon ng pangingitlog ng mga isda.
Pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng mga ilog at dalampasigan.
Nais suriin ni Bb. Santos ang kaalaman ng mga bata tungkol sa likas-kayang pag-unlad. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang pagsasagawa ng likas-kayang pag-unlad?
Gumagawa ng eco bag si Roy gamit ang lumang tela.
Hinahayaan bukas ni Leo ang TV at electric fan kahit walang gumagamit.
Ibinubuhos ni Ben ng sama-sama ang mga basura sa kanilang tahanan.
Paboritong bilhin ni Rosa sa supermarket ang imported na tsokolate.
40. Napag-aralan ni Leo na may mga hamong kahaharapin ang tao. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa hamong ito?
Ang hamon ay bahagi ng buhay na dapat harapin at pagtagumpayan.
Ang hamon ay dapat iwasan upang hindi mahirapan.
Ang hamon ay palaging nagdudulot ng kabiguan.
Ang hamon ay hindi mahalaga sa pag-unlad ng tao.
